You are on page 1of 2

Tinig sa Lansangan

ni Kristel Jane R. Cabantugan

Ang tinig ang siyang nagiging dahilan upang marinig ang nais sabihin.

Ang lansangan ang lugar na hubad sa katotohanan ngunit hindi napakikinggan tulad ng isang
piping hindi maintindihan.

Kailan maririnig ang tinig na isinisigaw ng lansangan. Kapag may dugong dumadanak o kapag
may taong nakahandusay. Ilan lamang sa nakasanayang dahilan ngunit alin ang tunay at dapat
pinakikinggan?

Mga taong nakasakay sa marangyang sasakyan, napapangiti sa tuwing dumadaan, alin man sa
kanila, sino ang tunay? Mga taong nakalagak at tirahan na ang lansangan, tayo'y nagtatakip ng
ilong at sila'y inaayawan. Pag-uugaling tinataglay na hindi natatago ng sinuman. Ngunit sa mga
taong ito, sino ang dapat pinakikinggan? Ang antas ng katungkulan o ang nangangailangan?

Silaw sa ningning at kapangyarihan ang dahilan kung bakit nakakalimutan ang nasa laylayan.
Kaugaliang naglulukmok sa hinagpis at kasadlakan. Ang pagtangis ng lansangan sa karahasan at
mga tinig ng nangangailangan, kailan maririnig ng mga nasa kataas-taasan.

Ang mga taong naghihikahos sa buhay, sino ang tumutulong? Sa tuwing nagpapalakasan saka
lamang sila nilalapitan, kinukuha ang atensyon sa oras pangangailangan ngunit pagkatapos,
pagtanggi at wala nang pakialam. Mapalad ang mga ito kung natutugunan ang kumakalam na
sikmura mula sa pagod hirap na pinagdaanan. Kailan maririnig ang hinaing ng kanilang
kahirapan.

Ang kalayaan ng tao na mamuhay sa hindi hikahos na buhay ay isang karapatang ipinapaubaya.
Marahil iniisip sino ang may kasalan? Ngunit ang kawalan ng kilos upang matugunan ang
sitwasyon ay isang katampalasang tulad ng isang tao na mangmang at walang pakiramdam. Sa
lansangan mo lang makikita ang tunay na katotohanan at nadarama ng mga nabubuhay sa
paligid. Mga hinaing na hindi naririnig. Mga tinig na sumisigaw mula sa ibaba ng mataas ng
pader. Silang walang boses, walang dunong at walang kapangyarihan kailanman hindi maririnig
kung walang makikinig.

Sa taas na inuupuan, kailan tutungo upang makita ang nasa lupa. Ang tinig ng lansangan kailan
mapakikinggan .
Ang ating bayan ay nariyan lamang ngunit ang taong naninirahan kailanman hindi magtatagal.
Sa lansangan na hubad sa katotohanan, kailan mapapansin upang ito'y matulungan.

O giliw kong bayan, nasaan na ang inyong pinuno na tutulong sa mamamayan. Ang kanilang
pangako tila'y napako. Ang lansangan na babaguhin tila'y lubha ng nagkasakit. Ang kakayahang
makatulong sa magaspang na kamay ay tulad ng pagpasan ng akay-akay na sako mula sa taong
nagpapawis na noo at naghihirap na katawan sapagkat nakaalala at may magandang asal.

Ang tinig ang nagbibigay ng kakayahang marinig ng mga taong nagbibingihan at nagbubulagan
sa lansangan na bahagi ng kanilang bayan.

You might also like