You are on page 1of 23

INSUREKSYON

Isang dula halaw sa Kahapon, Ngayon, at Bukas ni Aurelio V. Tolentino


Isinulat at nirebisa ni: Geojanni R. Pangibitan
Sa direksyon ni: Steven C. Valerio

MGA PANGUNAHING TAUHAN


Alexandra Evangelista Inangbayan
Christine Jennifer Tarca Dila-na-bulag
Ma. Celeste De Ocampo Bagongsibol
Shiela Viray Masunurin
Miguel Baltazar Tagailog
John Miko San Miguel Matanglawin
Lee Marvin Romasanta Malaynatin
Loren Mae Manahan Asalhayop
Kiana Venise Saulog Dahumpalay
Cedie Shane Rey Haringbata
Jose Luis Wanky Halimaw
Jan Christopher Cardenas Walangtutol

IBA PANG MGA TAUHAN (Mga ekstra)


Juan Carlos Miguel Medina Taong-bayan 1
Mark Ian Lumbrera Taong-bayan 2
Kristian Mark Cruz Taong-bayan 3

(Ang mga mananayaw at mang-aawit ay magsisilbi ring Taong-bayan)

Tanda:
[ … ] – Mga taong kailangan sa eksena
Apelyido – Mga pangunahing tauhan
Apelyido - Koro
Scene 1
Magbubukas ang eksena kung saan matatagpuan sina Asalhayop, Masunurin, Walangtutol, at ang mga
taong-bayan. Ang eksena ay gaganapin sa isang malawak na sagingan at kapansin pansin ang mga damo
sa paligid. Ang mga kababaihan at kalalakihan ay nakahanay sa magkabilang lugar ng isang malawak na
lamesa. Kitang kita ang tuwa at saya sa kanilang mga mukha habang nag-iinuman. Kasama sa eksenang
ito ang mga mananayaw at ang mga mang-aawit.

[Manahan, Viray, Cardenas, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion, Montemayor, Tayo, Citron, Hertzfeldt,
Carilla, Westermann, Hernandez]

May masayang tugtugin na maririnig. Makikita ang natural na pag-iinuman at kasiyahan ng mga tauhan.

Walatutol: Mag-inuman! Magsayawan!


Masunurin: Si Asalhayop ay ipagdiwang!
Taong-bayan: Ipagdiwang!
Taong-bayan 1: Tunay ngang pinagpala si Asalhayop. Ang kanyang buhay ay lalo pa sanang magtagal.
Taong-bayan 2: Lalo pang magtagal!
Walangtutol: Ang kanyang dignidad ay hindi dapat yurakan ng kahit na sino man!
Taong-bayan 2: Hindi dapat yurakan!
Taong-bayan 3: Siya ay makikilala sa dangal na kaaya-aya.
Taong-bayan: Dangal na kaaya-aya!
Masunurin: Lahat ng biyaya’t puri sa kanya’y mag-uumapaw.
Taong-bayan: Mag-umapaw!
Taong-bayan 3: Lahat ng tuwa at kasaganahan sana’y magtagal!
Taong-bayan: Sana’y magtagal!
Asalhayop: Aking mga kaibigan, ako’y lubos na nagpapasalamat. Ang inyong mga kahilingan para sa akin
ay tiyak na aking sasapitin. Kayo ang dangal ko at ang tanging suporta ng aking buhay.
Lalapitan ni Asalhayop ang taong-bayan at ipipingki sa kanilang kopa ang kaniyang hawak.

Asalhayop: Mag-inuman, magsayawan, mag-awitan. Kalungkuta’y ating kalimutan!


Taong-bayan: Mag-inuman!

Patuloy na mag-iinuman ang taong-bayan. Lilitaw sa eksena sina Inangbayan at Tagailog. Bakas sa mukha
ng taong-bayan ang kanilang pagkagulat sa pagkarating ng dalawa.
Scene 2
[Manahan, Viray, Cardenas, Evangelista, Baltazar, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion, Montemayor,
Tayo, Citron, Hertzfeldt, Carilla, Westermann, Hernandez]

Inangbayan: Mga walang-loob, mga walang damdamin! Hindi niyo ba nakikitang ang ating bayan ay
nagdadalmhati habang kayo’y nagsasaya? Mga walang puso! Mga walang dangal! Nasaan ang pangakong
kayo ay dadamay sa mga pumanaw?

Tatawa nang malaks si Asalhayop at ituturo si Inangbayan.

Inangbayan: Asalhayop!
Asalhayop: Tingnan niyo ‘tong si Inangbayan, ang buwisit na manggagaway.

Magtatawanan ang Taong-bayan.

Asalhayop: Humayo ka, Inangbayan. Huwag sabihin ang patay. (Tatawang muli ang Taong-bayan) Mag-
inuman!
Taong-bayan: Mag-inuman!

Iinumin na sana ng taong-bayan ang laman ng kanilang mga baso ngunit sila’y pipigilan ni Inangbayan.

Inangbayan: Huwag! Huwag ninyong inumin iyang alak sapagkat ito’y may lason! Ang inyong kaluluwa ay
malilinggatong, kayo’y isusumpa ng panahon.

Magtatawanan ang Taong-bayan.

Inangbayan: Ang mga labi ng inyong mga ninuno at magulay ay tunay ngang mainit pa sa mga burulan.
Sulong at isipin ninyo ang kinabukasan at labanan ang mga kaaway.

Patuloy na magtatawanan ang Taong-bayan kasama si Asalhayop.

Taong-bayan: Magsayawan!
Sa wakas ay maiinom na ni Asalhayop at ng Taong-bayan ang laman ng kanilang mga baso. Kapansin
pansin ang sama ng pagtingini ni Inangbayan sa kanila.

Inangbayan: Mga walang kaluluwa! Ang inyong kasayahan ngayon ay pagdustang tunay sa libingan ng
ating marangal na lipi. Ano? Hindi baga ninyo nararamdaman sa ibutod ng inyong mga puso ang kamig ng
kamatayan ng bayan? Hindi baga kayo nangahihiya sa sarili, ngayong nagsasayahan sa ilalim ng
talampakan ni Haringbata, ang masiging na anak ni Hingiskang?
Asalhayop: Magaling pala manalumpati ‘tong si Inangbayan, ang manggagaway.
Inangbayan: Asalhayop!
Asalhayop: Bigyan niyo pa ako ng kaunting alak.
Taong-bayan: Kami rin.
Inangbayan: Ako rin ay inyong bigyan.
Asalhayop: Kita ninyo? Bigla na lamang nanghingi nang kusa sapagkat hindi natin siya pinapansin. (Mag-
aabot ng alak kay Inangbayan) Heto ang alak na alay ko sa iyo. Mag-inuman!

Itatas ni Asalhayop at ng Taong-bayan ang kanilang mga baso.

Walangtutol: Mabuhay si Asalhayop!


Taong-bayan: Mabuhay!
Inangbayan: Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi sa paglapastangan sa araw na ito! Ito ngang tuna
yang araw ng kamatayan ng mga tagapagtanggol ng bayan. Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi!
Taos sa puso ko yaring sumpa, at sa katunayan ay… ayan!

Itatapon ni Inangbayan ang basong kanyang hawak.

Asalhayop: Inangbayan!

Lalapitan ni Asalhayop si Inangbyan at sasampalin. Matutumba si Inangbayan at magtatawanan ang


Taong-bayan. Habang ito’y nangyayari, tutugtog ang isang nakakabang tunog gaya sa mga pelikula.

Asalhayop: Manggagaway!

Patuloy na sasampalin ni Asalhayop si Inangbayan, Tuloy pa rin sa pagtatawanan ang Taong-bayan.


Titindig si Inangbayan ngunit ito’y sasabayan ng pananakal ni Asalhayop. Patuloy pa rin ang pagtugtog
ng nakakakabang tunog.

Walangtutol: Bitawan mo si Inangbayan, Asalhayop!


Inangbayan: Asalhayop, paglapastangan mo sa akin ay nahulog sa Apo, ang taksil mong kaluluwa. At
kayong mga sumama sa kaniya, kayong mga anak kong pinakamamahal, ay nangahawa na man din sa
kaniyang sawimpalad. Dinudusta ninyo sa libingan ang dangal ng inyong mga ninuno. Hindi ko kalian man
inakala na kayo ay hindi ko maisasama sa mga angkang nagkalat dito sa Dulong-Silangan.
Inangbayan: Kayo’y magbalik loob. Kapag kinalimutan ninyo ang araw na ito, makakalimutan niyo rin ang
libingang luksa ng inyong mga magulang. Kayo’y nabulag nang lubos. Buksan ninyo ang inyong mga mata.

Itataas ang tabing. Maglilitawan ang mga libingang may mga pangalang sulat sa sinaunang panahon.

Inangbayan: Ayan! Tanawin ninyo sila!


Tutugtog ang nakakalungkot na musika parang sa mga libing. Magluluhuran sina Tagailog at ang Taong-
bayan. Malalaglag ang mga hawak nilang baso. Wala lamang kay Asalhayop ang kaniyang nakita at
tatalikdan ang nasabing libingan.

Inangbayan: Nilapastangan ninyo ang araw na ito pati na ang libingang iyan! Ipagpatuloy na ninyo ang
inyong kasayahang ginagawa ngunit pakiusap ko sa inyo, maaari kayong mag-inuman sa ibabaw ng
libingang iyan ngunit huwag niyong hayaang masira ang inyong dangal nang dahil lamang diyan.

Iiyak at marahang lalakad si Inangbayan papunta sa libingan.

Inangbayan: Mga bunson pinakamamahal, paalam sa inyo.

Mahuhulog na muli ang tabing.

Scene 3
[Manahan, Viray, Cardenas, Baltazar, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion, Montemayor, Citron,
Hertzfeldt, Carilla, Westermann, Hernandez]

Tagailog: Oh, bakit kayo nalulungkot? Dahil ba naalala ninyo ang nalugsong buhay ng bayan sa araw na
ito? Totoo nga. Mula noon hanggang ngayon ay dalawampung taon nang tayo ay alipin. Ngunit huwag.
Handa na ang lahat. Sumang-ayon lamang kayo sa akin…
Taong-bayan: Magsabi ka!
Tagailog: Hindi ba’t gusto niyong mabawi ang bayang ito na inangkin mula sa ating mga magulang? Tayo
na’t maghanda.
Taong-bayan: Tayo na!

Aalis na ang lahat at matitira si Asalhayop.

Scene 4

Pupuntahan ni Asalhayop si Haringbata. Magbubukas ang eksena kung saan makikitang nag-uusap sina
Haringbata at Asalhayop.

[Manahan, Rey, Evangelista]

Haringbata: Oh Asalhayop, ano ang iyong pakay?


Asalhayop: Ako po’y sumasayapak mo, dakila at marangal na Haringbata.
Haringbata: Salamat.
Lalabas si Inangbayan at sisilip lamang sa tabi kung saan hindi siya makikita ng dalawa.

Asalhayop: May nais po sana akong sabihin sa iyo.


Haringbata: Ano iyon?
Asalhayop: Si Tagailog at ang lahat niyang kasama ay kaaalis lamang at naghahakot ng mga sandata upang
kayo ay usigin.
Inangbayan: (pabulong) Taksil!
Haringbata: Totoo ba iyang sinasabi mo?
Asalhayop: Opo, marangal na Haringbata. Nais nilang mabawi ang kanilang kalayaan.
Haringbata: Mga hambog! Nasaan na sila ngayon?
Asalhayop: Iyan po ang hindi ko alam. Hahanapin ko sila at aalamin ang kanilang plano para maipagbigay
alam ko sainyo.
Inangbayan: (pabulong) Mapaglilo!
Haringbata: Salamat. Talasan mo ang iyong tenga’t mata. Ito ang pera, kapalit ng iyong katapatan. Kapag
sila’y napasailalim na ng aking kapangyarihan, iyan ay aking dadagdagan.
Asalhayop: Salamat po.
Haringbata: Hihintayin kita ngayong gabí sa aking bahay, at ipagbigay mong alam sa akin ang lahat nilang
panukala. Heto ang tandang ilalahad mo sa taliba upanding ikaw ay papasukin.

Aabutan ni Haringbata ng tsapang tanso si Asalhayop. Aalis si Asalhayop.

Asalhayop: Asahan po ninyo.

Titingnan ni Asalhayop ang mga salaping nakuha mula kay Haringbata.

Asalhayop: Ito! Ito ang tunay na aking Inang bayan, ang tunay na Bathala. At ito’y madadagdagan pa.
Tataas pa ang aking katungkulan!
Inangbayan: (pabulong) Walang puri!

Scene 5

[Manahan, Baltazar, Cardenas, Viray, Evangelista, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion, Montemayor,
Tayo, Citron, Hertzfeldt, Carilla, Westermann, Hernandez; Makikitang armado ang mga lalaki]

Walangtutol: Tagailog, narito’t handang handa na kami.


Tagailog: Hintayin na natin ang iba pa nating mga kasama.
Asalhayop: Teka, uuwi muna ako ngunit kayo’y nakasisigurong ako’y sasama sa inyo.
Tagailog: Hihintayin ka namin dito. Dito tayo manggagaling bago salakayin si Haringbata. Asalhayop:
Pangako, ako’y darating. Asahan ninyong kung saan kayo mamatay ay doon din ako magpapakamatay.
Paalam.
Akmang aalis.
Taong-bayan: Mabuhay si Asalhayop!
Inangbayan: (kay Asalhayop) Hintay! Tagailog, huwag mong paalisin si Asalhayop.
Asalhayop: Ako?
Lahat: At bakit?
Inangbayan: Ako’y may itatanong sa kaniya dito sa harapan.
Inangbayan: Asalhayop, wala ka bang salapi ngayon?
Asalhayop: Wala.
Inangbayan: Dinig ninyo? Wala raw. At wala ka ba talagang taglay na kahit anong tanso sa katawan?
Asalhayop: Nababaliw ka na ba? Ano bang pinagsasabi mo?
Inangbayan: Wala ka ba talagang taglay na kahit anong tanso sa katawan? Sagutin mo na lamang ang
tanong ko!
Lahat: Sumagot ka.
Asalhayop: Wala. Aanhin ko naman yang tanso?
Inangbayan: Narinig ninyo hindi ba? Wala raw siyang pera o kaya kahit anong tanso sa katawan.

Tatawa nang malakas si Ina.

Asalhayop: Baliw! Ano bang itinatawa tawa mo dyan?


Inangbayan: Dakpin ninyo ‘yan at ipinagbili niya tayong lahat kay Haringbata.
Lahat: (labis na nagulat)
Asalhayop: Ako?
Inangbayan: Ikaw.
Asalhayop: Kasinungalingan!

Tatawa nang malakas si Inangbayan

Inangbayan: Kawawang Asalhayop!


Asalhayop: Sinasabi ko sa inyo! Nagsisinungaling si Inangbayan!
Inangbayan: Bakit hindi ninyo siyasatin ang katawan ni Asalhayop? Paniguradong siya’y may taglay na
salapi at tanso.
Tagailog: (Sa Taong-bayan) Kapkapan ninyo.
Asalhayop: Hindi ako magpapakapkap!
Tagailog: Hulihin si Asalhayop.

Hahawakan ng mga sandatahang lalaki si Asalhayop at sisiyasatin ng mga babae ang kanyang katawan.
Matatagpuan nila ang salapi at tanso sa bulsa ni Asalhayop.
Masunurin: Totoo nga!
Lahat: Tunay nga!
Tagailog: Bakit mo ito itinatago sa amin?!
Asalhayop: Ako’y … sapagkat … hindi at …
Inangbayan: Bakit hindi ninyo itanong kung saan nanggaling iyan?
Tagailog: Saan nanggaling ang tanso’t salaping iyan?
Asalhayop: Iyan ay … kahapon … Datapwat …

Tatawang muli nang malakas si Ina

Inangbayan: Kung hindi niya sasabihin ay ako na ang magsasabi.


Asalhayop: Inangbayan! Maawa ka!
Tagailog: Sabihin mo, Inangbayan.
Asalhayop: Inangbayan!
Inangbayan: Ang salaping iyan ay katas ng pabebenta niya sa atin at sa bayan kay Haringbata.
Inangbayan: At ang tansong iyan ang magsisilbing susi upang siyang papasukin at maisiwalay an gating
planong pagsalakay.
Inangbayan: Pagmasdan ninyo ang tanso. May tatak ni Haringbata.

Pagmamasdan ng lahat ang tanso.

Masunurin: Totoo nga!


Walangtutol: Kay Haringbata nga ang tatak.
Asalhayop: Patawarin ninyo ako!
Inangbayan: Ngayon at inyo nang nakilala kung sino nga si Asalhayop ay magpapaalam na ako sa inyo.

Tuloy aalis. Anyong hahabulin ng lahat.

Lahat: Inangbayan!

Scene 6

[Manahan, Baltazar, Cardenas, Viray, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion, Montemayor, Tayo, Citron,
Hertzfeldt, Carilla, Westermann, Hernandez; Makikitang armado ang mga lalaki]

Magsasalita si Tagailog kay Asalhayop


Tagailog: Wala kang puso! Wala kang dangal! Nananalaytay sa iyong ugat ang dugo ni Lakansalian, isa ring
lilo na nagpagapos sa leeg ni Inangbayan. Makikita niyo naman sa kanyang mata ang bakas ng pagsisisi
dahil sa kanyang pagtataksil.

Titigil nang saglit si Tagailog


Tagailog: Bayang Tagalog, si Asalhayop at nagtaksil. Sunugin siyang buhay.
Taong-bayan: Patawarin ninyo kami!
Tagailog: Bayang Tagalog, kung malaki ang pagmamahal mo kay Asalhayop, ako naman ay lalo pa, ngunit
lalo pang malaki ang pagmamahal ko sa ating Inangbayan,
Taong-bayan: Patawad!
Tagailog: O! Bayang Tagalog! Bayan ng marangal na liping Tagalog, huwag mong ihingi ng patawad ang
nagtaksil sa dakilang dangal ng ating mga kasulatan. Iwawalat ko ang dibdib ng baling kumibo, hahalukayin
ko ang puso ng baling magsigaw ng wikang “patawad.”

Itataas ni Tagailog ang kanyag sundang. Mapapaatras ang mga Taong-bayan.


Tagailog: Sunugin siyang buhay.

Scene 7

[Manahan, Baltazar, Cardenas, Viray, Evangelista, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion, Montemayor,
Tayo, Citron, Hertzfeldt, Carilla, Westermann, Hernandez; Makikitang armado ang mga lalaki]

Inangbayan: Tagailog, ikaw ang maligayang sagisag ng bayang Tagalog. Nakita ko ngayon ang tigas ng
iyong loob sa pagtatanghal ng matatag na katwiran.
Tagailog at Taong-bayan: Inangbayan!
Inangbayan: Bayang dakila, mga bunso ko, si Tagailog ay isang hari. Sundin ninyo. Lubhang bayani at
matatag, káyang itanghal sa daigdigan ang ating palad.
Tagailog at Taongbayan: Salamat.
Tagailog: Ang dangal nating Tagalog sa putik ngayo’y nalublob, itanghal at italuktok at itanyag sa sinukob.
Ating ililigtas an gating lupa mula sa mga sakim at bibigyang hustisya ang para sa atin!
Taong-bayan: Mabuhay man o mamatay!
Inangbayan: Hayo na kayo sa labanan.
Tagailog: Mga kapatid ko, ako’y mangunguna, pangakong hindi ako aatras.

Magaalisan ang lahat at matitira na lamang si Inangbayan.


Scene 8

[Evangelista, Rey, mga ekstra bilang hukbong Instik]

Inangbayan: Humayo na ang mga anak ko. O, Bathala, patnubayan mo silá!

Lalabas sa eksena si Haringbata kasama ang kanyang mga kawal.

Haringbata: Narito pala an gating hinahanap. Si Inangbayan. Dakpin ninyo!

Lalapitan ng mga kawal si Inangbayan at gagapusin

Inangbayan: Mga sakim! Hindi pa ba kayo masayang nakamkam niyo na an gaming bayan? Ano? Ngayon
ay ako naman ay inyong gagapusin? Wala akong kalaban laban. Napakarami ninyo at ako’y nag-iisa
lamang!
Haringbata: Napakarami mong satsat! Busalan ‘yan at sakalin ang leeg nang hindi na makasigaw.

Scene 9

[Manahan, Baltazar, Cardenas, Viray, Evangelista, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion, Montemayor,
Tayo, Citron, Hertzfeldt, Carilla, Westermann, Hernandez; Makikitang armado ang mga lalaki, hukbong
intsik]

Tagailog: Mga kawal, tayo na’t magmadali. (papasok sa loob)


Haringbata: Narito na ang hukbong Tagalog. Mga kawal, sumunod kayo sa akin.

Hahawakan sa kamay si Inangbayan at kakaladkarin papasok. Lalabas si Tagailog at mga kawal

Tagailog: Hukbong Tagalog, lahi ng katapangan, bilisan ninyo! Tatagan ang inyong pusa at tiyak na
mababawi natin an gating bayan.

Patuloy sa pagpasok ang hukbo ni Tagailog.

Scene 10

[Viray, Citron, Carilla, Hertzfeldt, Westermann, Hernandez]

Masunurin: Laban kayo, mga kawal, at bawiin itong bayan!


Westermann: Konti na lang ay makakamit din natin ang tagumpay!
Taong-bayan (mga babae): Ang tagumpay.
Masunurin: Nagkaabot ang hukbo at nangagkahalubilo.
Citron: Laban kayo, laban kayo, ang kalaba’y….
Taong-bayan (mga babae): Tumatakbo.
Masunurin: Tara na’t gamutin ang mga sugatan.
Taong-bayan (mga babae): Gamutin ang mga sugatan.

Maglalabasan ang mga kawal na Intsik, karamihan sa kanila ang sugatan at akmang matutumba na.

Scene 11

[ Baltazar, Cardenas, Viray, Evangelista, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion, Montemayor, Tayo, Citron,
Hertzfeldt, Carilla, Westermann, Hernandez; Makikitang armado ang mga lalaki, hukbong intsik]

Makikita sa eksena ang pagkaladkad ni Haringbata kay Inangbayan.

Haringbata: Papatayin kita!


Taong-bayan: Si Inangbayan!

Lalabas sa eksena si Tagailog

Tagailog: Haringbata!

Sasaksakin ni Tagailog si Haringbata. Matutumba si Haringbata


Haringbata: Hindi ako maaaring mamatay!
Taong-bayan: Patay si Haringbata!

Scene 12

[Baltazar, Cardenas, Viray, Evangelista, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion, Montemayor, Tayo, Citron,
Hertzfeldt, Carilla, Westermann, Hernandez; kawal na Tagalog]

Tagailog: Ating-atin ang tagumpay, atin ang ating katwiran.


Inangbayan: Mabuhay si Tagailog!
Taong-bayan: Mabuhay!
Tagailog: Mabuhay si Inangbayan!
Taong-bayan: Mabuhay!
Inangbayan: Mabuhay ang ating kawal!
Taong-bayan: Mabuhay!
Tagailog: Mabuhay ang ating lipi sa lilim ng kalayaan!
Taong-bayan: Mabuhay!
Inangbayan: (Mapapatinging sa kanan sapagkat may mga paparating) Sino ang mga dumarating?
Tagailog: Sino kaya?
Taong-bayan: Sino nga ba?

Tutugtog ang Marcha Real Espanola at lalabas sa eksena sina Dilat-na-Bulag at Matanglawin

Scene 13

[Baltazar, Cardenas, Viray, Evangelista, Tarca, San Miguel, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion,
Montemayor, Tayo, Citron, Hertzfeldt, Carilla, Westermann, Hernandez; kawal na Tagalog]

Inangbayan: Sino kayo? Kayo ba ay aming kalaban? Anong pakay ninyo at bakit kayo nandito?
Dilat-na-bulag: Ako si Dilat-na-bulag.
Matanglawin: At ako naman si Matanglawin. Ililigtas naming kayo sa pagkapanganyaya.
Tagailog: Bakit? Meron bang sakuna?
Dilat-na-bulag: Mayroon.
Matanglawin: Tingnan ninyo ang dakong kanan.
Dilat-na-bulag: Pati na rin ang dakong kaliwa. Lahat nang iyan ay babakahin kayo. Sila ay inyo ring mga
kapatid.
Tagailog: Sumpa ni Bathala!
Matanglawin: Tanawin ninyo sa dakong yaon ang maraming kawal na mapuputi. Yaon ay aming hukbo.
Ipagtatanggol namin kayo sa lahat ng ligalig at pagkapaalipin.
Tagailog: Hindi ninyo bibigyang ligalig ang kalayaan ng aming mga anak?
Matanglawin at Dilat-na-bulag: (sabay) Hindi.
Inangbayan: Bayang Tagalog, narinig niyo naman. Payag ba kayo?
Taong-bayan: Kami ay pumapayag.
Matanglawin: (kay Tagailog) Ika’y pumirma rito.

Bibigyan ng pergamino at pipirma si Tagailog. Pipirma rin sa hiwalay na pergamino si Matanglawin.


Inangbayan: Ngayon, ang sumpaan.
Lahat: Ang sumpaan.

Isasaksak ni Tagailog at Matanglawin ang kani-kanilang sundang sa bisig sa kaliwa, sasahurin sa isang
sarong ginto ni Inangbayan ang dugo ni Tagailog at si Dilat-na-bulag naman ang kay Matanglawin.
Inangbayan at Dilat-na-bulag: (sabay) Inumin ninyo ito.
Tagailog at Matanglawin: (sabay) Sa sarong gintong tangan mo ay nalalamang totoo ang dalisay na dugo
ko, dugong tunay ng bayan ko.
Lahat: Inumin ninyo.

Maghahawak kamay si Inangbayan at Dilat-na-bulag.

Dilat-na-bulag: Ang kamay kong iyong tangan ay kamay ng aking bayan, kung di mo paglililuhan ang dito’y
pinagsumpaan, kamay na ito’y mag-aalay sa iyo ng biyayang tunay.
Inangbayan: Sa dibdib ko’y masisilip ang dalisay kong pag-ibig, ang kaluluwa kong malinis, ang mga banal
kong nais na sa atin ay bibigkis, puso ta’y nang magkatalik.
Taong-bayan: Kami man ay gayon din.
Tagailog: Ang magtapat ay mabuhay.
Taong-bayan: Mabuhay!
Matanglawin: Ang magtaksil ay mamatay.
Taong-bayan: Mamatay.
Inangbayan: Ang dugong iya’y maging lunas sa puso ng kung sinumang magtatapat.
Lahat: Inumin!

Iinumin ni Tagailog at Matanglawin ang dugo. Magsasara ang tabing.


Magbubukas muli ang eksena kung saan nakaluhod ang mga taong-bayan at si Walangtutol sa
harap nina Dilat-na-bulag, Halimaw, at Matanglawin. Iniaalay ng mga ito ang kanilang mga kayamanan.

Scene 14

[Baltazar, Cardenas, Viray, Evangelista, Tarca, San Miguel, Saulog, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion,
Montemayor, Tayo, Citron, Hertzfeldt, Carilla, Westermann, Hernandez]

Walangtutol at Masunurin: (sabay) Purihin natin, purihin si Dilát-na-bulág na giliw.


Taong-bayan: Purihin.
Dilát-na-bulág: Inangbayan, Dahumpalay, kayo’y aming minamahal.
Tagailog: (pabulong) Sinungaling!
Halimaw: Kayo’y aming minamahal.
Dahumpalay: Salamat, poong halimaw. Kayo’y aming susuyuan.

Makikita sa mukha ni Dahumpalay ay pagtataka kung bakit walang iniaabot na alay si Tagailog.

Dahumpalay: Tagailog, ang iyong alay sa ating hari ay kailangan.


Tagailog: Ako? Ayan!
Dilat-na-bulag, Matanglawin, at Halimaw: (sabay) Traydor!
Dahumpalay: Patawad po. Parusahan po ninyo iyong taksil na ito.
Inangbayan at Taong-bayan: Patawad!
Tagailog: Mabuti pang patayin niyo na lang ako.

Tatayo si Matanglawin at bakas sa kanyang mukha ang lubos na pagkagalit. Hahawakan niya sa kamay
si Tagailog at dadalhin sa loob.

Scene 15

[Tarca, Saulog]

Dahumpalay: Poong dakila, ako po’y hindi sumamang umalis. May nais po kasi sana akong sabihin sainyo.
Dilát-na-bulág: Ano iyon?
Dahumpalay: Hindi po ba ninyo napansin na tanging hindi lumuluhod sa inyong harap ay si Tagailog? Ang
tao pong iyan ay may masamang ugali. Lagi kong nakikitang malumbay, at may mga malalaking bagay na
inaakala.
Dilat-na-bulag: Ano naman iyon?
Dahumpalay: Ewan ko po, nguni’t lagi niyang kabulungang-lihim si Inangbayan. Wika ko po sana ay
ibilanggo at igapos din si Inangbayan, upang huwag matuloy kung sakalìng may mga inaakala mang laban
sa inyo.

Tatawa nang malakas si Dilat-na-bulag

Dilat-na-bulag: Akala mo ba ako’y matatakuting gaya mo?


Dahumpalay: Ang laki po ng aking pagmamahal sa inyo ay isang may udyok sa akin na kayo’y aking
pagsabihan sa bawat makita kong gawang hindi dapat ng aking mga kapatid.
Dilat-na-bulag: Salamat. Ganito na lamang, pagmasdan mo ang kanilang panukala ngunit huwag ka na
lamang magpapahalata.
Dahumpalay: Marami pa ho kayong hindi nalalaman tungkol sa dalawang iyon. Tara ho sa loob at aking
ikukwento sainyo.

Papasok ang dalawa.

Scene 16

[San Miguel, Evangelista]

Matanglawin: Dahumpalay! Wala rito ang traydor!

Akmang aalis si Matanglawin ngunit biglang susulpot si Inangbayan

Inangbayan: Poong Matanglawin, maawa po kayo, pakawalan po ninyo sa bilangguan ang bunso kong
Tagailog.
Matanglawin: Hindi mangyayari. Ngunit kung ikaw ay may salapi ay marahil pa’y ating makukuha.
Inangbayan: Mahal na Matanglawin, lahat ay ibibigay ko sainyo, pakawalan ninyo lamang ang aking
bunso.

Titindig at ibibigay sa kaniya ang dala niyang salapi

Matanglawin: Ito lang? (matatawa)


Inangbayan: Wala na po akong ibang pagmamay-ari.
Matanglawin: Marahil ikaw ay wala ngunit ang mga anak mo ay mayroon pa. Papuntahin sila rito.
Scene 17

[San Miguel, Evangelista, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion, Montemayor, Tayo, Citron, Hertzfeldt,
Carilla, Westermann, Hernandez]

Inangbayan: Makawawala po kaya si Tagailog kung sabihan ko silang ang mga kayamanan nila ang
magiging susi?
Matanglawin: Oo!
Inangbayan: (sa Taong-bayan) Inyo nang narinig. Payag ba kayo?
Taong-bayan: (halo-halong reaksyon ng hindi pagsang-ayon)
Matanglawin: Tuluyang mamamatay si Tagailog kapag hindi kayo pumayag.

Ipapakita na napilitang ibigay ng mga taong-bayan ang kanilang kayamanan alang-alang sa kalayaan ng
kanilang kasama.

Scene 18

[San Miguel, Saulog]

Dahumpalay: Poon ko, nais pong ipabaril ni Dilat-na-bulag si Tagailog.


Matanglawin: Sandali. (kukuha ng papel at panulat ang magsusulat sandali) Sabihin mo sa mga bantay
na pakawalan si Tagailog. Narito ang utos.
Dahumpalay: Pero…
Matanglawin: Ako na ang bahala basta’t sundin mo ang iniuutos ko. Babahagian na lamang kita ng aking
mga nakuha.

Aabutan ng salapi ni Matanglawin si Dahumpalay.

Matanglawin: Nakita mo, ganyan lamang ang gobyerno, isang malaking laruan.

Scene 19

Lalabas si Tagailog na kulang lamang ay malugmok. Ang kanyang leeg ay balot sa kadena kasama ang
buong katawan at paa.

Tagailog: Ano ang kasalanang nagawa ko? Ano at binilibiran ng gapos yaring katawan? Masakit nga sa
kalooban na ang yama’y ipanakaw kay Matanglawing sukaban. Ito ba’y kasalanan? Bakit ako hinahayop
sa ang kaluluwa ko ng Halimaw na iyon at loob at salapi kaniyang lubos.
Scene 20

[Baltazar, Wanky]

Makikita sa eksena ang pagtawa nang malakas ni Halimaw.

Halimaw: Sino ang taksil? Sino ang suwail? (muling tatawa) Puro ka lang salita at walang gawa!
Nakakahiya ka.

Tuloy lamang sa pagtawa ang fraile.

Papasok na sa eksena si Tagailog.

Scene 21

[Saulog, Wanky]

Dahumpalay: Hindi po ba ninyo alam na tila nauulol na si Matanglawin? Pakawalan daw po ninyo si
Tagailog. Heto po ang utos.
Halimaw: Sigurado akong hindi tatanggap ng maliit na halaga si Matanglawin para lamang sa utos na iyan.
Osiya, iwan mo na.

Kukunin nito ang utos mula kay Dahumpalay

Dahumpalay: Kayo na ho ba ang…


Halimaw: Oo, ako na ang bahala.

Scene 22

[Wanky, Evangelista, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion, Montemayor, Tayo, Citron, Hertzfeldt, Carilla,
Westermann, Hernandez]

Halimaw: Kailangang pakinabangan ko ang utos na ito. Ipatatawag ko si Inangbayan at sasabihin kong ako
ang sariling makapagpapalabas kay Tagailog. Mabuti’t heto na sila at di na kailangang ipatawag.

Lalabas sa eksena si Inangbayan at ang Taong-bayan. Sila ay luluhod sa harap ni Halimaw.

Inangbayan: Poon! Pinangakuan ho kami ni Matanglawin ang pagpapalaya kay Tagailog.


Halimaw: Nasa akin na ang utos. Kung kayo ay may salapi, mabibili ninyo ang utos na ito.
Inangbayan: Ngunit naubos na itoni Matanglawin.
Halimaw: May mga alahas pa kayo sainyong katawan. Dalhin ninyo yan dito.

Makikita ang pagaalis ng mga alahas at iba pang aksesorya sa katawan ng mga taong-bayan.

Scene 23

[Baltazar]

Tagailog: Mga demonyo! Narinig ko ang lahat! si Dahumpalay ang nagpanganyaya sa akin; ninakaw ni
Matanglawin ang salaping lahat ng aking Ina at mga kapatid; hinubaran silá halos ng halimaw sa
pangakong ako’y kaniyang pawawalan, at ngayon ay siya rin ang paroroon kay Dilat-na-bulág upang ako’y
ipabaril. Ano’t natitiis ng langit ang ganito?

Scene 24

Makikita sa eksenang ito na kakalagan si Tagailog. Aalisin nito ang sapin, kukunin sa loob ang isang
manipis at matulis na patalim, biglang sasakalin si Dahumpalay, sasaksakin sa dibdib, itutulak at
magkukubli sandali sa mga bastidores, at babatakin sa gitna ng labasan ang nahahanda sa lugar na iyon
na isang tautauhang suot na kamukha ng kay Dahumpalay.

Tagailog: Sa wakas! Patay na ang taksil!

Itatapon ni Tagailog ang labi ni Dahumpalay nang iba nang kasuotan at sunog na mukha.

Scene 25

[Tarca, San Miguel]

Dilat-na-bulag: Tagailog.
Matanglawin: Ayan at natutulog man din.

Lalapitan ni Dilát ang bangkay at ito’y magugulat.

Dilat-na-bulag: Patay!
Matanglawin: Patay?
Dilat-na-bulag: Lumulutang sa dugo! Sinaksak na kusa ang kanyang dibdib!
Matanglawin: Alkalde, ilibing ito.
Scene 26

[Baltazar, Evangelista, Viray, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion, Montemayor, Tayo, Citron, Hertzfeldt,
Carilla, Westermann, Hernandez]

Masunurin: Wala pa si Tagailog hanggang ngayon.


Inangbayan: Tayo’y magdasal. Pumanaw na si Tagailog.
Taong-bayan: Patay na?
Inangbayan: Ipaghihiganti natin siya.

Biglang lalabas sa eksena si Tagailog.

Tagailog: Huwag. Huwag ninyo akong ipaghiganti.


Inangbayan: Ang kaluluwa ni Tagailog! Halina ang kaluluwa ng bunso ko!
Tagailog: Ang kaharap ninyo ay ang kaluluwa’t katawan ni Tagailog. Hindi ako ang namatay kundi ang
taksil na si Dahumpalay. Samakatwid ay ako’y buhay na buhay pa.
Inangbayan: Salamat kay Bathala!
Lahat: Salamat!

Scene 27

[Evangelista, Tarca]

Inangbayan: Ang araw ng aming nais ay masayang sumisilip at ang tinutungong langit ay walang munti
mang bahid.

Lalabas sa eksena si Dilat-na-bulag

Dilat-na-bulag: Inangbayan, tunay nga bang ang lahat mong mga anak ay nangagsakbat ng sandata at
babakahin si Matanglawin at ang lahat kong mga anak?

Sandaling pagtigil

Dilat-na-bulag: Ang katahimikan mo’y nagsasabi na ikaw ay sumasang-ayon.


Inangbayan: Pinipigil ko sila. Wala akong magawa sapagkat hindi sila nakikinig.
Dilat-na-bulag: Sila’y iyong hanapin sapagkat wala silang mapapala sa kanilang paghihimagsik.
Scene 28
[Tarca, San Miguel]

Dilat-na-bulag: Matanglawin, ipinagbibilin ko sa iyo at ipinauubaya sa balang iyong magalingin ang


paghusay sa mga kasalukuyang sakuna. Ninanais ko sana na kung baga sa sunog, ay kung hindi mo man
mapapatay ay huwag mo na namang palakihin.
Matanglawin: Huwag po kayong mag-alaala.
Dilat-na-bulag: Nasabi ko na.

Aalis.

Scene 29

[San Miguel, Wanky, Evangelista]

Matanglawin: Kaawa-awa naman ang mga taong ito. Alam kong hindi nila alam ang bigat ng kanilang
responsibilidad sa sinusuong nilang ligalig.

Papasok sa eksena si Halimaw. Hawak hawak niya sa kamay si Inangbayan habang kinakaladkad

Halimaw: Matanglawin, hinuli ko ito at siya ang may kasalanan sa lahat ng mga nangyayaring kaguluhan
ngayon. Sinulsulan niya ang kanyang mga anak para kalabanin tayo.
Matanglawin: Bitiwan mo siya. (kay Inangbayan) Totoo ba ang pinupukol niya sayo, Inangbayan?
Inangbayan: Hindi ko po sinulsulan maghimagsik ang aking mga anak, ngunit bibigyan ko sila ng
ikabubuhay, palibhasa sila ay minamahal kong lubha.
Halimaw: Sinungaling! Ilibing nating buhay si Inangbayan!
Matanglawin: Wala siyang kasalanan.
Halimaw: Ibaon si Inangbayan.
Matanglawin: Huwag.
Halimaw: Ibaon mo siya. Kapag hindi mo siya ibinaon ay ikaw ang ibabaon ko.

Ipakikita sa eksena ang sapilitang pagsunod ni Matanglawin kay Halimaw.

Scene 30

[San Miguel, Wanky, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion, Montemayor, Tayo, Citron, Hertzfeldt, Carilla,
Westermann, Hernandez]
Taong-bayan: Kami ay maghihimagsik
Halimaw: Bitayin ang mga ‘yan!
Matanglawin: At papaano ang aking mga inilagdang utos?
Halimaw: Dito’y walang utos na iba kundi ang akin. Walang iba kapag hindi mo binitay ay ikaw ang
bibitayin ko.
Matanglawin: Diyos ko!
Halimaw: Bitayin!

Scene 31

[Baltazar, San Miguel, Wanky, Medina, Lumbrera, Cruz, Concepcion, Montemayor, Tayo, Citron,
Hertzfeldt, Carilla, Westermann, Hernandez, hukbong sandatahan]

Ipakikita sa eksenang ito na magtatakbuhan ang mga tao kasama si Halimaw. Papasok sa eksena si
Tagailog kasama ang mga hukbo. Makikita ni Tagailog ang mga taong pinaslang ni Matanglawin

Scene 32

[Tarca, San Miguel]

Dilat-na-bulag: Saan tayo pupunta?


Matanglawin: Ang labanan ay hindi na mapigil. Lumaking lubha.
Dilat-na-bulag: Tayo’y nanganganib. Ang namiminuno sa kanila ay isang patay, ang patay ay hindi na natin
mapapatay pa, hindi na natin tatalunin. Bakit at nililigalig tayo ni Bagongsibol at ni Malaynatin. Kapag
umanib sa kanila ang kaluluwa ni Tagailog ay hindi sasalang tayo ay lalagpak.

Scene 33

[Baltazar, De Ocampo, Romasanta]

Malaynatin: (kay Tagailog) Asahan mong hindi makakaya ng lakas mong sarili ang pagyurak kay
Matanglawin at Dilat-na-bulag.
Bagongsibol: Sila’y aming nakaalitan din. Pagtulungan natin.
Tagailog: Sang-ayon ako.
Scene 34

[Baltazar, De Ocampo, Romasanta, Wanky, Cardenas, Viray, Taong-bayan at kawal na Tagalog]

Halimaw: Iligtas ninyo ako.


Walangtutol: Si Halimaw!

Dadakipin ng mga kawal si Halimaw

Kawal: Patayin natin.


Masunurin: Huwag, hindi naman siya lumalaban.
Walangtutol: Bakit? Pinatay din nila ang hindi lumalaban.
Masunurin: Basta. Huwag. Kung alam ninyong masama ang pumapatay ng hindi lumalaban ay huwag natin
siyang patayin. Ang mali ay hindi dapat ginagantihan din ng isa pang pagkakamali.

Scene 35

[Baltazar, De Ocampo, Romasanta, Wanky, Cardenas, Viray, San Miguel, Tarca, Taong-bayan at kawal na
Tagalog]

Tagailog: Halimaw.
Walangtutol: Hinuli namin dito
Masunurin: Kusa siyang sumuko.
Tagailog: Nasaan si Inangbayan? Saan niyo itinago?
Halimaw: Panoorin mo ang buto ng iyon Ina.

Ipapakita ang pinaglibingan kay Inangbayan.

Tagailog: Taksil!

Scene 36
[Evangelista, De Ocampo, Romasanta]

Inangbayan: Maligayang araw na ngayo’y sumilay, hayo’t tanglawan mo an gaming tagumpay.


Bagongsibol: Maligayang araw, samahan ang dakilang lawin ng aming bayan.
Malaynatin: Sa buong mundo’y lumilipad ang lawin naming marilag, sa buong mundo’y kumikislap ang
bituin naming sagisag.
Bagongsibol: Alinmang bayan ang sumalilim sa aming bandila’y magluluningning
Malaynatin: Kayo’y aming sasamahan sa ituktok ng kalayaan upang inyong makaulayaw mga lipi sa
sandaigdigan. (kay Tagailog) Tayo’y sama-sama rito.
Tagailog: Inyong inyo ang puso naming.

Magyayakapan ang lahat. Ibabagsak ang tabing senyales ng pagtatapos ng eksena.

You might also like