You are on page 1of 2

MILLANES, LEVINE A.

BEED 2-1D

Hinaing ng Bayan
(Panahon ng kastila)

Kamay mong nakaposas, boses mong nakagapos


Buhay ng iba ay dito na magtatapos
Pag-aalsa’y nanaig galit ay nangibabaw
Pangarap ng lahat halos 'di na matanaw.

Kalayaan! Kalayaan!
Sambit ni Juan
Kalayaan! Kalayaan!
Ang ngayo’y sigaw ng bayan.

Gumising ka aking mga mata


Kastila’y tila nakapinta na sa’yong mukha.
Huwag kang pumayag, lumaban para sa ama!
Tignan mo’t nasa panganib ang bansang dakila.

Kalayaan! Kalayaan!
Alam kong ikaw’y abot-kamay lamang.
Sa tulong ng bayan at taglay na tapang,
Kalayaan! Itakda na ang araw ng paglaban!

Sigaw ng lahat ay inyong pakinggan,


Walang sinuman ang lulupig sa aming bayan!
Kami’y babalik at patas na lalaban
Buhay na payapa, aming makakamtan.

O, bayan, ngayon ang oras na pinakahihintay.


Itakwil ang masama’t ibalik ang tunay na kulay,
Unti-unting malalasap payapang buhay.
Tayo na’t lahat ay umalalay!
Kalayaan, kalayaan!
Ang sigaw ng bayan
Kalayaan, Kalayaan!
Sa wakas ay dama na sa buong Katagalugan

You might also like