You are on page 1of 6

Malaya ka ba?

(before sa Malaya ka ba nga title, naa pa tay isinggit nga “aaaaahhhhhhhh” kani man gud siya piece
guys kay elehiya kay ga kuan siya ug emotion nga pighati pero humana na ang pighati pero ni balik
siya sa atong panahon karon nga wala man lang sila kabalo, so ang action ani is, naay ga higda kay
patay, naay ga ramay, naay ga singgit, naay ga hilak)

*tontoronto tontoronto tontoronto to*


*tontoronto tontoronto tontoronto to*

“Aaaaahhhhhhh”
“Anaaakk koooo”
“Hahahahahahahahha”
“ssshhhh”

*tontoronto tontoronto tontoronto to*


*tontoronto tontoronto tontoronto to*

Ito ang buhay, nating mga Pilipino


Sa lahat ng mga problemang napagdaanan nito!
Digmaan! (shout ni)
DIGMAAN (maragsa ni na pagkakabigkas)
Mga dugong nag-aagusan,
Mga taong nag-sisigawan,
Iyak na kasing haba ng lawa ng Laguna
Mga hikbing kasidhi sidhi
Mga labanang kakabaliwan
At higit sa lahat!
Mga bayaning nagsilabasan!
Handang mamatay!
Hindi takot pumatay!
Nakipaglaban sandatahan!
Kalayaan lang ay Makamtan!

“chattering ni dinhi, basta kay ambot pa”

“ssssshhhhhhh”

Pero ang tanong (malumay ni dinhi)


Malaya ka ba?

Bansa’y tila nagkagulo!


Ngayo’y wala ng pinagkaiba sa noon!
Digmaa’y nagaganap, kalungkutan ang pinalalaganap
Mga taong nagpapanggap
Bayani ang kung tawag!
Handang mamatay!
Hindi takot pumatay!
Nakikipaglaban Sandatahan!
Kapanalunan lang ay makamtan
Tayo ba dito’y nagkakaisa?
Nagtutulungan?
Nagdadamayan?
Nakatikim ng kalayaan mula sa may kapangyarihan?
HINDI

Kalayaa’y di nabigyang tuon


Kapangyariha’y pilit tinutonton
Mga pilipinong nagsisigawan
Nalulunod sa kahirapan
Ay di kalailan ma’y pansin
“TULOOOONNGGGGG”
(diri kay naay isa ka tao sa ato nga mura daw siyag nalunod daw)

Iisang lahi ang naglalabanan


Iba’t ibang adhikaing pinaglalaban
Kayamana’y tila kinakawayan
Hinahagkan
Pinag-aagawan

Ngunit!

Iisang wika sila nagkakaintindihan


Sa Wikang Filipino!
Wikang maka-diyos! Wikang maka-tao!
Wikang pinagkakaisa, kultura ng mga pilipino
Wikang ginagamit, mapa-syudad man o bundok!
Wikang Filipino!

*tontoronto tontoronto tontoronto to*

Pero ano nang nangyari ngayon?! (punitin ang sedula!)


Sariling wika’y nadudungisan!
Pagkakaisa’y nababawasan
Kapahamakan sa bansa’y nadadagdagan
Malaya ka pa ba?

*tontoronto tontoronto tontoronto to*


Sino!

*tontoronto tontoronto tontoronto to*

Ako!

*tontoronto tontoronto tontoronto to*

Siya!

*tontoronto tontoronto tontoronto to*

Tayo!

Tayo ay Filipino!
Paglalaban ng bawat isa’y di makatao!
Di makadiyos!
At di kailanma’y naging makabansa!

Kalayaan ma’y atin ng nakamtan


Pagkakaisa parin nila’y di nasakatuparan
Pagtutulunga’y nahaharangan
Kabutihay kinukulong sa kadiliman

Tuyong dugo’y nag-aagusan sa daan


Mga baril ay nagpuputukan
Mga bombang nagsasabugan
Mga pilipinong sugatan
Sino ang kalaban!

PILIPINOOOOO

Tayo! Tayo ang naglalaban!


Tayo ang humaharang!
Tayo ang kadiliman!

Wikang Filipino na di dapat madungisan;


Nandoon at nakikipaglaban
Mga protestang sigaw ng mamamayan
Rinig na rinig sa man abutan

Wikang Filipino dapat ay ating hagkan!


Yakapin!
Gamitin!

Gamitin sa pagkakaisa!
Gamitin sa pagtutulungan!
Gamitin sa pagdadamayan!
Gamitin bilang gabay!
Gabay sa isang bansang makulay!

“makulay, ang buhay, makulay ang buhay”


Dilaw sa pagiging pag-asa
Pula para sa ating mga alaala
Puti sa isang bansang malinis
At Asul sa mga taong malaya!
Kanurungan!
Katarungan!
Yan tayo, Pilipino

Kadilima’y di na dapat katakutan,


Nandiyan ang wikang ilaw ng daan!
Kalayaan nating mga Pilipino
Dapat ay ating kilalanin!
Hindi para sa mga bayaning nakipaglaban
Hindi para sa araw na iginunita ang araw ng kalayaan
Kundi para sa bawat isang pilipinong
Araw araw nakikipagsapalaran sa baluktot na daan ng buhay

Ikaw ba, Malaya ka na?

You might also like