You are on page 1of 10

WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG

BANSANG FILIPINO
PIYESA SA SABAYANG PAGBIGKAS NI JOEL
COSTA MALABANAN ( PNU PROF )
I.

Ano ba ang sambit, ng Lumad na Bakwit


Matapos agawan ng tahana’t bukid?
Dumila ang apoy doon sa ALCADEV
Pinaslang ang guro, iba pang kaanib!

Ang minanang lupa ng Aeta’t Dumagat


Agad binuldoser, hinukay, pinatag
Anong pagbabago ang ipagyayabang
Kung ang kaunlara’y para sa iilan?

Doon sa Mindoro, ilan na bang Mangyan


Ang naging biktima nitong pamamaslang?
Yaong mga Badjao, pumapara ng dyip
At namamalimos habang umaawit!

Wikang katutubo’y naririnig mo ba?


Sa ating bang bansa’y may tinig ba sila?
Ang mga ninuno, pambansang minorya
Naambunan ba ng mga biyaya?
Habang naghahari ay oligarkiya
Kasabwat ang dayong mapagsamantala;
Mga katutubo, mga maralita
Ay nagkakaisa sa pakikibaka!

II

Ang paos na sigaw ay may kabuluhan


Manhid man ang pader at ayaw pakinggan
Tungkulin ng gising na ipanawagan:
Ang wika at bayan, ating ipaglaban!

Makitid tumingin ang nagmamarunong


Mga panukala’y paatras, paurong
 Ngunit may dagundong ang ating katwiran: 
Ang wika at bayan, ating ipaglaban!

Hinablot na lahat, ating likas-yaman


Gusto pang tunawin ating kamalayan
‘Wag sanang isanla ang kinabukasan:
  Ang wika at bayan, ating ipaglaban!
Kung walang kikilos at makikisangkot
Lalamunin tayo ng gahamang salot 
Ang pagkaalipin ay dapat wakasan: 
Ang wika at bayan, ating ipaglaban!

Kolonyal na isip, hugasan, banlawan 


At baka-sakali na mahimasmasan
Nasa ating kamay itong kalayaan: 
Ang wika at bayan, ating ipaglaban!

Kung hindi makuha sa santong dasalan


Nag-iisa na lang ang tanging paraan
Iisa ang turo nitong kasaysayan: 
Ang wika at bayan, ating ipaglaban!

III

Wikang katutubo: bansang Filipino


Ngayo’y sinasakop ng US at Tsino;
 Tapang, malasakit at ang pagbabago
Retorika lamang, pawang panggago!
Kung hindi lalaban, kung hindi kikibo 
Ay para saan pang maging Pilipino?
Kung palaging bulag, itong panatiko
Baka mapalad pa ang paralitiko!

Kung ang DepEd at CHED, ang diwa’y kolonyal


Wikang Filipino’y pilit sinasakal;
Ang sabayang bigkas ay gawaing hangal
Kung walang pagkilos, ang salita’t usal!
 
Wikang katutubo’y magkakatinig lang
 Kung sandata itong makikipaglaban:
Kasama ang masa, buong sambayanan
Upang soberanya ng bansa’y makamtan!

Hanggang sa lansangan, ilakad ang satsat


Sigaw ng paglaya, ating isiwalat;
Hangga’t namumuno ay bingi at manhid
Ay tungkulin nating gawin yaong matwid!
IV

Wikang Filipino ngayo'y sinasakal


Ng mga bathalang may diwang kolonyal
Maging sa kolehiyo, asam ipatanggal
Ng nagdisenyo ng adhikaing hangal. 

Ang mga makata, mga manunulat


Na nagkapangalan, kumita't sumikat 
Ang hagdan ay wikang dapat na itanghal
Ngayon ay tahimik, yakap ang pedestal?

Silang nangagkamal ng salapi't dangal


Ba't walang pag-imik, ba't walang pag-angal?
Hangad maging global, dunong ang kapital
Sa bansa ng dayo, magpapatiwakal?

Ito ang panahon ng pagbabalikwas


Upang manindigan sindihan ang ningas
 Ang Filipino ay di dapat tanggalin
Bagkos sa kolehiyo, ating pagyamanin
Kung nais lumaya sa pagkaalipin 
Ang pagkatao ay sa wika buuin!
Makitid ang tingin kung kabuhayan lang
Ito ay usapin ng kinabukasan
Di lang nitong guro, kundi nitong bayan

Na pinaiikot lamang ng iilan! 


Ang wika'y sandata sa pakikihamok
Tanging kasangkapan sa pakikisangkot
Kung nais langgasin, edukasyong bulok

Wikang Filipino ang lunas at gamot


Ito ang panahon ng pagbabalikwas
Upang manindigan sindihan ang ningas 
Ang Filipino ay di dapat tanggalin
Bagkos sa kolehiyo, ating pagyamanin
Kung nais lumaya sa pagkaalipin 
Ang pagkatao ay sa wika buuin!
GABAY SA PAGSUSURI
1. Ano ang kahulugan ng mga sumusunod na salitang ginamit sa tula?
a) Lumad
b) Bakwit
c) Oligarkiya

2. Ano-anong pangkat minorya ang binanggit sa tula?

3. Anong ang mensaheng nangingibabaw sa bawat saknong? Ipaliwanag ang


bawat isa at magbigay ng mga espesipikong halimbawa.

4. Ano-anong uri ng tayutay ang ginamit sa tula? Sa aling taludtod ginagamit


ang bawat tayutay?

5. Ano ang naging kalagayan ng mga katutubo sa bawat panig ng bansa ayon
sa tula? Ano ang sanhi ng kalagayang iyon ng mga katutubo?
1.
a) Lumad – katutubong pangkat etniko. ( Native or Indigeneous people)
b) Bakwit – paglisan sa isang lugar
c) Oligarkiya – pamahalaan

2. Ang mga pangkat minorya na binanggit sa tula ay ang mga Aeta, Dumagat,
Mangyan, at Badjao.

3. Pagtatanggol ng ating wika at bayan para makamptan ang ating Karapatan.

4.
• Pagsasatao ( Manhid na pader )
• Pagpapalit-tawag ( Isip kolonyal )
• Pahidwa ( makitid – tumingin ang nagmamarunong )

5. Unti – unting nililimot at pinagtatabuyan ang mga katutubo. Inaalis ang


Karapatan ng mga minorya. Unti - unting nililimot ang nakaraan. Tila isang
bula na unti – unting naglalaho. Unti – unting nangingibabaw ang dayuhan at
ang bagong wikang hiram.
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG !

You might also like