You are on page 1of 1

Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino Kung hindi lalaban, kung hindi kikibo

ni Joel Costa Malabanan


Ay para saan pang maging Pilipino?
I Kung palaging bulag, itong panatiko
Ano ba ang sambit, ng Lumad na Bakwit Baka mapalad pa ang paralitiko!
Matapos agawan ng tahana’t bukid?
Dumila ang apoy doon sa ALCADEV Kung ang DepEd at CHED, ang diwa’y kolonyal
Pinaslang ang guro, iba pang kaanib! Wikang Filipino’y pilit sinasakal;
Ang sabayang bigkas ay gawaing hangal
Ang minanang lupa ng Aeta’t Dumagat Kung walang pagkilos, ang salita’t usal!
Agad binuldoser, hinukay, pinatag
Anong pagbabago ang ipagyayabang Wikang katutubo’y magkakatinig lang
Kung ang kaunlara’y para sa iilan? Kung sandata itong makikipaglaban;
Kasama ang masa, buong sambayanan
Doon sa Mindoro, ilan na bang Mangyan Upang soberanya ng bansa’y makamtan!
Ang naging biktima nitong pamamaslang?
Yaong mga Badjao, pumapara ng dyip Hanggang sa lansangan, ilakad ang satsat
At namamalimos habang umaawit! Sigaw ng paglaya, ating isiwalat;
Hangga’t namumuno ay bingi at manhid
Wikang katutubo’y naririnig mo ba? Ay tungkulin nating gawin yaong matwid!
Sa ating bang bansa’y may tinig ba sila? IV
Ang mga ninuno, pambansang minorya Wikang Filipino ngayo'y sinasakal
Naambunan ba ng mga biyaya? Ng mga bathalang may diwang kolonyal
Maging sa kolehiyo, asam ipatanggal
Habang naghahari ay oligarkiya Ng nagdisenyo ng adhikaing hangal.
Kasabwat ang dayong mapagsamantala;
Mga katutubo, mga maralita Ang mga makata, mga manunulat
Ay nagkakaisa sa pakikibaka! Na nagkapangalan, kumita't sumikat
II Ang hagdan ay wikang dapat na itanghal
Ang paos na sigaw ay may kabuluhan Ngayon ay tahimik, yakap ang pedestal?
Manhid man ang pader at ayaw pakinggan
Tungkulin ng gising na ipanawagan: Silang nangagkamal ng salapi't dangal
Ang wika at bayan, ating ipaglaban! Ba't walang pag-imik, ba't walang pag-angal?
Hangad maging global, dunong ang kapital
Makitid tumingin ang nagmamarunong Sa bansa ng dayo, magpapatiwakal?
Mga panukala’y paatras, paurong
Ngunit may dagundong ang ating katwiran: Ito ang panahon ng pagbabalikwas
Ang wika at bayan, ating ipaglaban! Upang manindigan sindihan ang ningas
Ang Filipino ay di dapat tanggalin
Hinablot na lahat, ating likas-yaman Bagkos sa kolehiyo, ating pagyamanin
Gusto pang tunawin ating kamalayan
‘Wag sanang isanla ang kinabukasan: Kung nais lumaya sa pagkaalipin
Ang wika at bayan, ating ipaglaban! Ang pagkatao ay sa wika buuin!

Kung walang kikilos at makikisangkot Makitid ang tingin kung kabuhayan lang
Lalamunin tayo ng gahamang salot Ito ay usapin ng kinabukasan
Ang pagkaalipin ay dapat wakasan: Di lang nitong guro, kundi nitong bayan
Ang wika at bayan, ating ipaglaban! Na pinaiikot lamang ng iilan!

Kolonyal na isip, hugasan, banlawan Ang wika'y sandata sa pakikihamok


At baka-sakali na mahimasmasan Tanging kasangkapan sa pakikisangkot
Nasa ating kamay itong kalayaan: Kung nais langgasin, edukasyong bulok
Ang wika at bayan, ating ipaglaban! Wikang Filipino ang lunas at gamot

Kung hindi makuha sa santong dasalan Ito ang panahon ng pagbabalikwas


Nag-iisa na lang ang tanging paraan Upang manindigan sindihan ang ningas
Iisa ang turo nitong kasaysayan: Ang Filipino ay di dapat tanggalin
Ang wika at bayan, ating ipaglaban! Bagkos sa kolehiyo, ating pagyamanin
III
Wikang katutubo: bansang Filipino Kung nais lumaya sa pagkaalipin
Ngayo’y sinasakop ng US at Tsino; Ang pagkatao ay sa wika buuin!
Tapang, malasakit at ang pagbabago
Retorika lamang, pawang panggago!

You might also like