You are on page 1of 2

Mga Wika ng Bansa tungo sa Layuning Pambansa

by: Koreen Gail D. Almalbis

Pitong libu’t anim na raang apatnapu’t isang mga pulo,


isang daang pitumpu’t limang mga diyalekto,
mahahalintulad sa halos isang daan at sampu
na mamamayang Pilipino
na kailanman ay hinding-hindi magkakapareho!

Maganda para sa mga Tagalog.


Magayon naman sa mga Bikolano.
Matahum sa mga Cebuano.
Kapansin-pansin ang pagkakakilanlan ng mga ito,
binubuo ng mga salita upang magkaunwaan ang mga tao.

Subalit kahit anong tibay ng bato, ito ay may pagdaraanan.


Mayroong mga unos na susukat sa angking katatagan,
gaya na lamang nitong pandemyang ating nararanasan.
Kaya pakakaintindiha’y unti-unting tumungo sa hindi pagkakaunawaan.
Pagkakaisa ng bawat Pilipino ay patuloy na nasusubukan!

Sakit na kailangan nang malunasan,


magdulot ng daraming komplikasyon at marami ang namatayan.
Hanapbuhay ay nawala sa karamihan.
Ang ekonomiya nga ay nagsibagsakan.
Paano nga ba natin ang mga ito malalapasan?
Wika ang nag-uugnay sa bawat tao sa mundo.
Tulay din ito na naghahatid ng kamalayan sa lahat ng mga Pilipino.
Wikang Filipino kaagapay ang iba’t-ibang wikang katutubo,
magsisibling tagapamansag sa paghahanap na kolektibo
ng pag-asa sa ginta ng krisis o mapamatinding pangangailagan man ito.

Sapagkat bayanihan ay tatak ng pagkatunay na Pilipino natin,


ang mga lokal na komunidad sa bansa mas lalo napapatatag din!
Paghahanap ng naaayong wika ng pamayanan ay binibigyang-pansin,
sa wikang banyaga na sukatan ng antas ng kaalaman kung maituturing.
Pabatid-publiko na ngayon na nasa wikang banyaga sa katutubong wika‘y
isinasalin!

Bayanihan ng sambayanan ay ating himukin!


Patuloy na paglaganap ng COVID-19 ay sugpuin!
Pagbabahagi ng impormasyon sa Filipino at mga katutubong wika’y ating gawin!
Ang mga ito ay ating sandata sa paghahatid ng kaalaman, kaya’t ating gamitin!
Ito ‘y upang masungkit natin ang inaasam sa kasalukuyan na pambansang layunin!

You might also like