You are on page 1of 4

Wikang Filipino… Sagisag ng Pagka

-Pilipino
Ni Ernest Genesis Mercado Guevara

Tagalungsod, tagalalawigan,ang iba’y nagbalikbayan


Isang lahing kinamulatan, sa isang bansa isinilang,
May sariling wika na sa puso at isipa’y nakapunla
Liping hindi ikahihiya dahil sa Pilipinas tayo nagmula.
Wikang Filipino,hatid sa madla’y karunungan
Sumasalamin sa kalinangan at damdaming makabayan,Tulay na
nag-uugnay sa pagpapahayag ng kaisipan Nagsisilbing kawing
tugon sa pag-uunawaan.
Wika’y pundasyon sa karunungang
pantaoTagapaghatid ng kaalaman at katangian ng
Pilipino,Mahalaga sa usapan at pangangatwirang totooMarapat
na pahalagahan para sa kaunlaran at pagbabagoMatagal ng
usapin pagpapaunlad sa wika ng bayanDahil lubos na niyakap,
wikang nagmula sa dayuhan,Dayuhang dumusta, Oo!
Dumusta! Ginulo ang isipan
Kaya ng tayo’y lumaya,
nawala sariling pagkakakilanlan.Sa ganitong kalagayan,
dalubwika may mithiinMasusing pinag-aaralan pag-unlad ng
wika natinPara matunton ang kaganapan ng lahat ng naisinAng
mapayabong pa ang lahat ng mga wikain.Upang matugunan ang
suliranin ng sambayananWikang Filipino, siya nating
kailanganKung wikang Filipino ang gagamitin sa araw-
arawTiyak itong epektibo
, mga gawa’y makabuluhan.

Wika nati’y yayabong kung tatanggapin


ang pagbabago Na gamitin ang diyalekto at salitang hiram sa
kausap mo,May batas na nagpapahintulot na pag-aralan ang mga
itoHuwag lang kalilimutan
ang wika nati’y Filipino.
Sagana ang Pilipinas sa mga katutubong wikainIba-iba ang
bigkas at iba-iba ang
diin ngunit ito’y Filipino pa rin,
Saanman dako ng bansa malaya nating gamitinIlokano, Sambal,
Ivatan, Ifugao na sariling wika atinKilos na kababayan, Kumilos
ka! Wika natin ipagmalakiKilos na kababayan, Kumilos ka! Ito
na ang panahon ng ating pagbubunyi.Kilos na kababayan,
Kumilos ka! Ngayon ay buwan ng mga wikang tatak ng ating
lahi.Kilos na kababayan,
Wikang Filipino… wika ng liping kayumanggi.

You might also like