You are on page 1of 1

PAMBUNGAD NA PANANALITA

NI: FREDENARIO DELA CRUZ, JR.

Sa ating tagapagpakilala, ang aming pinagpipitagang dekano ____________________, ang


tagapamuno ng asignaturang pang-akademiko at pang bokasyunal,
_______________________________. Ang ating panauhing tagapagsalita; mga mag-aaral, kapwa ko
guro, magandang umaga po sa inyong lahat.

Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa, bilang
paggunita sa ating kasaysayan at pagpapahalaga sa mga naging kaganapan upang ang wikang Filipino ay
maisabatas bilang Pambansang Wika ng Pilipinas. Ang tema natin sa taong ito ay, Wikang Katutubo:
Tungo sa Isang Bansang Filipino. Kung ating babalikan ang ating naging kasaysayan, masasabing naging
mahalagang salik ang wika sa tagumpay at kabiguan ng ating mga ninuno sa pakikipaglaban sa mga
dayuhang mananakop.

Ang pagkakaroon ng iba’t ibang dayalekto sa ating bansa ay naging sanhi ng hindi
pagkakaunawaan at kawalan ng pagkakaisa. Kayat nang maisabatas noong Panahon ng Komonwelt at
pagtibayin ni Dating Pangulong Manuel Luis Quezon, ang Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na
batay sa wikang Tagalog na siyang pangunahing dayalekto ng nakararaming pangkat etniko sa
Pilipinas,unti unting nawala ang tinatawag na “language barrier”. Patuloy itong pinagyaman mula sa
pagbabalangkas ng Balarila at Alpabetong Filipino mula kay Lope K. Santos hanggang sa pagsasali sa
Asignaturang Filipino sa kurikulum ng bawat paaralan sa bansa sa halip na wikang Kastila, sang-ayon kina
Komisyoner Jose Romero at Dating Kalihim Jorge Bocobo.

Sa kasalukuyan, ang “Revisyon ng Wikang Filipino” ay isa sa mga makabuluhang pagbabago sa


istruktura ng ating wikang pambansa, kung saan isinama na rito ang iba’t ibang mga salita buhat sa mga
lokal na dayalekto sa ating bansa, maging ang ilan sa wikang banyaga gayon din ang “wikang
panteknolohiya at pang-henerasyon” na kung dati’y lalawiganin at panggramatika lamang, ay kasama na
rito ang mga kolokyal at makabagong “balbal” tulad ng gay lingo at jejemon.

Ito ay nagpapahiwatig na ang ating wika ay umuunlad at buhay. Sa tulong makabagong


teknolohiya, at makabagong paraan ng medya, madaling maituturo sa bawat Pilipino ang paggamit ng
wika. Sa pamamagitan ng telebisyon at internet, ay natututunan ng mabilis ng mga kabataan ang
pagsasalita ng wikang Filipino.

Sa ganitong paraan, saanmang lupalop ng ating bansa tayo mapadpad, ay maiintindihan tayo ng
ating mga kapwa Pilipino. Kaya sa pagdiriwang na ito, ay maisakatuparan sana ang mithiing
mapahalagahan ang kalikasan na kaakibat ngayon sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Dapat nating
mahalin ang wikang Filipino, ang ating Wikang Katutubo sapagkat ito ang daan patungo sa ating pag-
unlad bilang nag-kakaisang bansa.

Maraming Salamat Po..

You might also like