You are on page 1of 1

Sa ating tagapagpakilala, at sa ating minamahal na Punong-guro,

Gng.Jennifer H. Hinampas, mga kapwa ko guro,mga minamahal


kong mga magulang, sa mga mga-aaral at sa inyong lahat,
magandang hapon.
Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang
Pambansa, bilang paggunita sa ating kasaysayan at pagpapahalaga sa mga naging
kaganapan upang ang wikang Filipino ay maisabatas bilang Pambansang Wika ng
Pilipinas.

Kung ating babalikan ang ating naging kasaysayan, masasabing naging


mahalagang salik ang wika sa tagumpay at kabiguan ng ating mga ninuno sa
pakikipaglaban sa mga dayuhang mananakop. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang
dayalekto sa ating bansa ay naging sanhi ng hindi pagkakaunawaan at kawalan ng
pagkakaisa. Kayat nang maisabatas noong Panahon ng Komonwelt at pagtibayin ni
Dating Pangulong Manuel Luis Quezon, ang Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa
na batay sa wikang Tagalog na siyang pangunahing dayalekto ng nakararaming
pangkat etniko sa Pilipinas, unti unting nawala ang “language barrier”. Patuloy itong
pinagyaman mula sa pagbabalangkas ng Balarila at Alpabetong Filipino mula kay
Lope K. Santos hanggang sa pagsasali sa Asignaturang Filipino sa kurikulum ng bawat
paaralan sa bansa sa halip na wikang Kastila, sang-ayon kina Komisyoner Jose
Romero at Dating Kalihim Jorge Bocobo. Sa kasalukuyan, ang “Revisyon ng Wikang
Filipino” ay isa sa mga makabuluhang pagbabago sa istruktura ng ating wikang
pambansa, kung saan isinama na rito ang iba’t ibang mga salita buhat sa mga lokal
na dayalekto sa ating bansa, maging ang ilan sa wikang banyaga gayon din ang
“wikang panteknolohiya at pang-henerasyon” na kung dati’y lalawiganin at pang-
gramatika lamang, ay kasama na rito ang mga kolokyal at makabagong “balbal”
tulad ng gay lingo at jejemon. Ito ay nagpapahiwatig na ang ating wika ay umuunlad
at buhay.

Sa tulong ng makabagong teknolohiya, at makabagong paraan ng medya,


madaling maituturo sa bawat Pilipino ang paggamit ng wika. Sa pamamagitan ng
telebisyon at internet, ay natututunan ng mabilis ng mga kabataan ang pagsasalita
ng wikang Filipino. Sa ganitong paraan, saanmang lupalop ng ating bansa tayo
mapadpad, ay maiintindihan tayo ng ating mga kapwa Pilipino.

Kaya sa pagdiriwang na ito, ay maisakatuparan sana ang mithiing ’’Wikang


Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino. Dapat nating mahalin ang wikang Filipino,
sapagkat ito ang daan patungo sa ating pag-unlad bilang nag-kakaisang bansa.

Maraming Salamat Po..

You might also like