You are on page 1of 5

Pambansang Wikang Filipino, Lakas ng Pagka Pilipino

Skip to content

PANIMULA

Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon
nito. Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang
pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay isang
paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Iba’t-ibang wika sa bawat
lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang
Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang isang tao na
gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya
ang kanilang sariling wika? Ito ba ang kanilang sinasabing mahalaga at mahal raw nila kanilang sariling
wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya,at kuro-kuro na
namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang kanilang
sariling wika. Nasa atin na ang desisyon kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong
bagay dahil tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katutuhanan. Kung mahalaga talaga
ang ating Wikang Pambansa gagaamitin natin ito kahit kailan at saan man tayo magpunta.

Si Manuel L. Quezon ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Siya ang nangunang maghubog ng
Wikang Pambansa na Wikang Filipino. Marami tayong wika dito sa bansa katulad ng Cebuano, Boholano,
Ilocano ,Tagalog, at iba pa. Marami tayong iba’t-ibang wika dahil sa archepilagong hugis ng ating bansa .
Layu-layo ang mga lugar at isla na bumubuo nito . Hindi madali ang kay Mannuel L. Quezon at iba
pangtagapamahala ng gobyerno na pumili at nagtalaga nang ating sariling Wika dahil maraming hindi
desidido at hindi sang-ayon dito. Hanggang nakapagdesisyon na ang madla na nang magiging Wikang
Pambansa ay ang Wikang Filipino.

Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Wikang Filipino. Bilang isang mamamayang Pilipino isa tayo sa mga
taong nagdiriwang nito. Bumabalik tanaw tayo sa ating kasaysayan kung paano nabuo ang Wikang
Filipino. Maraming mga gawain ang bawat paaralan sa pagdiriwang. May iba’t-ibang patimpalak isa na
rito ang tula, paggawa ng sanaysay, mga sayaw at iba pa. Sa buwang ito mas naiintindihan nating mga
Pilipino ang kahalagahan ng Wikang Filipino. Hindi lamang sa buwan ng Agosto magdiriwang kundi dapat
araw-araw dahil ginagamit natin ang ating wika bawat segundo, minuto at araw sa ating buhay.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Pangunahing Suliranin

Bilang mga mamamayang Pilipino, ano ang mas mahalaga ang wikang Filipino o ang wikang Banyaga?

Mga Tiyak na Suliranin

Possible bang mawala o maglaho ang wikang pambansa?

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Sabi ng marami ang Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil sa ang Wikang
Ingles ay ang pangunahing lenggwahe na mas ginnagamit nang karamihan kahit saan man sila magpunta
sa mundo. Pero para sa amin at sa mga taong mas nakakaintindi sa kahalagahan ng Wikang Filipino ay
ang Wikang Filipino parin ang napakahalaga dahil ito ang sumisimbolo sa ating katauhan bilang isang
Pilipino, makakaya nating mapaunlad ang ating sariling bansa kahit ang ating sariling wika lamang ang
ating gamitin katulad ng bansang Japan, mas pinahahalagahan nila ang kanilang sariling wika kaysa sa
ibang wika kahit ganito napapaunlad parin nila ang kanilang bansa at ngayon isa ang kanilang bansa sa
pinakamaunlad na bansa sa buong mundo.

Sabi pa nga ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal ” Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit
pa sa malansang isda.” Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan natin ang ating sariling wika at mahalin ng
buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa.

Mahalaga talaga ang wikang filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroon tayong sariling
wikang maipagmamalaki.

MGA PAMAMARAAN NG PAG-AARAL AT PAGKUHA NG DATOS

Disenyo ng Pag-aaraL
Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng iba’t ibang opinyon at kahalagahan ng nag-iisang wikang Filipino,
bukod dito ay maipapakita rin sa pag-aaral na ito kung bakit mahalaga at bakit dapat gamitin nating mga
Pilipino an gating wikang pambansa.

Lugar ng Pag-aaral

Sa pag-aaral namin tungkol sa aming (Research Paper) ay isinagawa namin ito sa Tambongon, Cebu. Kung
saan sa lugar na ito ay nagsagawa kami ng isang pakikipanayam sa mga piling tao na, salamat sa Diyos ay
pumayag na makapanayam sa aming tanong. Dahil sa lugar na ito ay malimit lang ang mga taong
tumatanggap ng panauhin. Kahit na maliit lang ang nakapanayam naming tao ay tila nasagot ng iilan sa
kanila ang aming kailangang ideya para matapos ang pagsasaliksik namin.

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga kalahok sa aming pag-aaral ay ang mga residente sa lugar ng Tambongon, Cebu. Siyam (9) na
mga maybahay at dalawang (2) mga estudyante. Pinili talaga namin na kunan ng mga sagot sa aming
tanong ang mga taong matanda o may edad na kasi mas marami ang kanilang mga kaalaman. Mayroon
rin namang pareho ang kanilang mga punto kung saan nagpapasalamat din kami sa kanilang oras na
ibinigay sa amin.

Mga Instrumentong Gagamitin sa Pag-aaral

Gumamit kaming mga mananaliksik ng isang tanong na naayon sa aming pananaliksik. Ang tanong na ito
ay “Ano ang mas impotante, ang paggamit ng wikang Filipino, o ang wikang Banyaga?”

Mga Hakbang sa Pag-aaral

Kaming mananaliksik ay naghanap ng isang sikat na isyu o suliranin na siguradong may kaugnayan sa
wika. Nang makapili na ng isang isyu o suliranin ay gumawa kami ng isang documentaryo kung saan
nagsagawa kami ng pakikipanayam sa mga piling residente sa Tambongon, Cebu. Nang matapos, ang
nalikom naming mga impormasyon ay agad naming pinagsama sa iisang layunin para mabuo naming an
gaming (Research Paper).

PAGLALAHAD NG DATOS AT KINALABASAN NG PAG-AARAL

Basi sa tanong namin na itinanong sa mga piling tao sa Tambongon, Cebu na “Ano ang mas importante,
ang paggamit ng wikang Filipino, o ang wikang Banyaga?” at matapos ang maiging deliberasyon sa
resulta ay talagang mas pabor sila sa paggamit ng wikang Filipino kaysa sa wikang Banyaga.

KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Kongklusyon

Hindi talaga natin magigiit na isa tayong mga Pilipino. Nakaukit na sa ating mga palad kung sino at kung
ano tayo, kaya sa paggamit natin ng isang wika ay tanging nag-iisa lang dapat ito, at ito ay ang wikang
Filipino na kung saan ang wikang importante sa ating bansa upang magkaintindihan tayo sa ating mga
sarili taga Cebu kaman, taga Bicol o sa Masbate at iba pa ay itong wikang Filipino ang nagbubuklod sa
ating lahat kung saan gumagawa ng isang tulay tungo sa iba’t ibang pulo ditto sa Pilipinas.

Ngunit sa ngayong modernisastion ay hindi rin natin mapipilit ang iba na hindi magsalita ng wikang
banyaga dahil sa pamamagitan ng kaalaman ng wikang ito ay nakakatulong din ito sa mga taong
naghahanap ng trabaho at pati narin sa pakikipagkomyonikasyon sa ibang tao na nakatira sa ibang bansa.
Pero ang punto ng pananaliksik nito ay kailangan protektahan, ipagtanggol, mahalin, at higit sa lahat ay
huwag nating ikakahiya ang ating wikang Filipino. Ipakita natin sa ating mahal na mga bayaning nagbuhos
ng kanilang panahon para lamang magkaroon tayo ng wikang pansarili lalong-lalo na si Manuel L. Quezon
na (“Ama ng Wikang Pambansa”) , para maibuklod ang ating bansa at hindi ito mapasama sa mga
bansang walang sariling wika at nakikigamit lang ng wikang banyaga.

Talaan ng mga Suliranin


http://www.gmanetwork.com/news/story/376423/opinion/filipino-ang-pambansang-wikang-dapat-
pang-ipaglaban

wikipedia.com

Advertisements

REPORT THIS AD

(PINDUTIN ITO PARA MAKITA ANG VIDEO)

TEXT WIDGET

This is a text widget, which allows you to add text or HTML to your sidebar. You can use them to display
text, links, images, HTML, or a combination of these. Edit them in the Widget section of the Customizer.

Advertisements

REPORT THIS AD

SEARCH

Search for:

Search …

SEARCH

Create a free website or blog at WordPress.com.

Facebook LinkedIn Twitter Instagram

You might also like