You are on page 1of 6

DAYAG, Kyle Jethro L. 2BSC3A DR. Vidal Mendoza Jr.

Ating Wika, Ating Pagyamanin

( Pangkat una )

Mula sa ulat ng ika unang pangkat, Napakahalaga ng ating wika at dapat na pagyabungin angatin
wikang Filipino . Kung ikaw ay pupunta sa ibang bansa nakakatuwa na madinig natin ang ating sariling wika at
ginagamit na ‘din ng mga kano.kaya na dapat na ating pag yamanin nag ating sariling wika . Ang wika ang
sumisimbolo na tayo ay malaya at may sariling bansa at ito ang nagsisilbi sa ating komunikasyon. Kung kaya’t
nakakatuwa at nakakataas kung ang ating wika ay magagamit ng mga ibat- ibang bansa.

Noong 13 Nobyembre 1936, inilikha ng unang Pambansang Asemblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na
pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Kung kayat ang ating wika ang nagsilbing
komunikasyon sa ating bansa. Ngunit ang suliranin ng wikang Filpino ay Kakulangan sa bokabularyo sa
wikang Ingles at Filipino, Pagkakaintindi ng tao batay sa Interpretasyon nito, Pagkamait ng adhikain bilang
Globally Competitive. Para sa akin ang mga nagiging suliranin sa ating wikang Filipino ay mas pinipili pa ng
mga ating kapwa Pilipino ang paggamit ng ibang wika kesa satin sariling wikang Filipino. At sa panahon
ngayon, mas nanaisin ng mga mga ibang Pilipinong magulang na masanay ang kanilang mga anak sa wikang
ingles para itoy ay magamit nila sa kanilang pang iibang bansa, Pano nating masasabi na Globally competitive
ang ating wika kung sarili nating wika ay hindi natin magamit ng maayos sa paggamit palamang “ng” at
“nang”. Sa kanilang tinalakay, nagging maingay sa lahat ang Pagtanggal ng Filipino, panitikan sa kolehiyo,
uulitin ko paano tayo magiging globally competitive kung sa kolehiyo ay tatanggalin ang Filipino? Kaya para sa
akin ay hindi tama an g pagtanggal ng Filpino ,panitikan sa kolehiyo.

Bilang pagwakas, Mahalaga na dapat nating mahalin at pagyabugin an gating sarili wika, dahil an gating
wikang ito ay makakapagdala sa ating tunay na tagumpay sa buhay. Kung hindi tayo, sila. Sino? Sino ang
aangat sa ating wika kung sarili mismo tayo ay mas tumatangkilik sa ibang wika ng ibang bansa. Kaya t
karapat dapat na pagkakantandaan na an gating wika, ay an gating buhay.
Wikang Filipino, hindi anino

( Pangalawang pangkat )

Mula sa kanilang ipinahayag na topic mula sa CHED na pagtanggal ng sariling wikang Pilipino sa
kolehiyo , mula sa pinahayag nila na pagtanggal , ako hindi sang ayon dahil sa panahon ngayon hindi na sapat
o nagagamit ng maayos ang wikang Filipino, maharil ay ang wika natin ay napag aralan na natin mula sa pag
pasok natin sa paraan at ngayon ay pinapatanggal ito dahil ang sinasabi ng CHED ay nagamit na raw natin ito
o napag aralan sa sekondarya hanggang Senior high school ngunit ganun pa man hindi sapat na dahilan yun
upang tanggalin ang wikang Filipino sa kolehiyo bukod sa ating mga guro na ang propesyon ay wikang Filipino
ay mawawalan na sila ng tuturuan sa kolehiyo at ang mga estudyante ay hindi mapagyayabong ang ating
wikang filpino marahil mas lalong silang mababaghani sa mga Korean at iba pa.

Para sa sakin ang tinalakay naming report, dahil isa ako sa mga miyembro sa grupong ito, Ako ay hindi sang
ayon dahil hindi dapat tanggalin ang wikang Pilipino sa kolehiyo kung hanggad natin ang pagbabago at pag
unlad dahil ang bawat isa sa atin ay nagsusumikap tungo sa pag-unlad at kaakibat ng pag-unlad na ito ay ang
pagbabago, ngunit sa kagustuhan natin ng pagbabago para lang makasabay sa globalisasyon ating sariling
wika natin ay ilalaan para lang kalimutan. Ang katanungan ko at nang lahat, hindi ba natin kaya umunlad
gamit ang ating sariling wikang Filipino? Para sa akin, an gating wikang Filipino pa ang makakapagdala sa atin
sa taas laban sa naglalakiha at nagyayamanang bansa dahil tayo ay may kakaibang salitang wika, at ang
Filpino. Hindi sapat na dahilan na dahil napagaralan na noong elementarya at sekondarya ang Filipino at na
dapat tanggalin ito sa kolehyo. Ang magandang magagawa natin at ipag laban natin na kalian ang wikang
Pilipino sa kolehiyo at mas patibayin at mas lalong galingan sa pag tuturo nito upang hindi lamang ito basta
wika natin kung hindi ito rin ang dahilan para tayo ay mai-angat sa kahirapan marahil maraming taon na
tayong nag sinubok upang makaahon pero hindi manlang ito masulusyunan hinggil sa marami parang ang
hindi sang ayon dito.

Bilang konklusyon, mula sa kursong kriminolohiya ako ay isang mapalad at maswerteng mag aaral na dahil
ako ay nakapag aral sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, dahil mapalad ako dahil ang mga guro sa akin
paaralan ay ipinaglaban ang atin wika at hindi sang ayon na tanggalin ang wikang Filipino sa aming
pamantasan, kaya’t dahil ito ay mas lubos na dapat iangat natin at pagyabangin ang ating sariling wika dahil
ito ang magtutungo sa atin sa pag unlad at huwag naman sana tayo mabulag at ang kinauukulan sa mga
dapat pahalgahan lalo na ating wikang Filipino.
Ang kahalagahan ng impormasyon

( Pangkat tatlo )

Batis? Batis, hindi ba iyan ang madalas na naririnig kapag napag uuusapan na ang mga ilog, sapa
at kung ano pa na napagdadaluyan ng tubig? Ngunit sa ating wika, ang batis, ito ay napakahalaga lalo na sa
mga impormasyon na dapat pinagkakaingatan kung san ito kinuha, kanino nanggaling. Ngunit saan nga ba
galling ang batis? Ano ano ba ang gamit ng batis? Sa grupong ito, sa kanila ko lang nalaman ang ibig sabihin
ng batis, kaya’t laking tulong na kanilang tinilakay ang batis.

Sa aking pakikinig ang batis ay ang pagsulat ng kasaysayan ay nakabatay sa mga Batis na pinanggagalingan ng
impormasyon tungkol sa nakaraan. Ang mga Batis ay maaaring nakasulat o hindi nakasulat. Dalawa ang uri ng
mga Batis pangkasaysayan, Ang pangunahin o Primaryang Batis at pangalawa o Sekondaryang Batis na aking
kinagulat dahil may dalawang uri pala ang batis dahil akala ko noon ay ang batis ay ginagamit sa
pinagkukuhanan ng impormasyon at yun lamang, kaya buong atensyon ko sa kanilang pangkat. Ang unang
kanilang itinlakay ay ang primaryang batis ito ay naglalaman ng mga impormasyon na galing mismo sa bagay
o taong pinag-uusapan sa kasaysayan at napaisip ko mga halimbawa nito ay mga Talaarawan o Diary/Journal.
Noong bata pa ako ay gumagawa ako ng diary, para mailagay ko ang mga pangyayari sa akin noon bata pa
ako kaya ngayon alam ko na primaryang batis ang tawag, dahil sa akin mismo ito nanggaling, marami pa
silang inihalimbawa sa primasryang batis. Sumunod naman ay ang Sekondaryang batis, ito ay binubuo ng mga
lathala na ang impormasyon ay mula sa Pangunahing Batis Itinuturo ng mga Sekondaryang Batis ang mga
Pangunahing Batis bilang pinagmulan ng impormasyong kasaysayan at ang halimbawa ng sekondaryang batis
ay aklat, dyaryo at mga sabi sabi. Kasama narin sa aking natutunan sa kanilang grupo na napakalahaga ang
proseso ng pagbabasa at pananaliksik ng impormasyon. Halimbawa na mga kilala at napagkakatiwalaan
kapag ito ay sa ahensya ng gobyerno galing meron itong nakalagay na gov.ph gayundin deped sa mga
paaralan kung ito ay may edu.ph sa ating pamantasan na plmar.edu ito ay tiyak ay mapagkakatiwalaang batis.

Bilang pag wakas, ang batis o pagkuha para sa impormasyon ay napakahalaga dahil sa mga fake news na kung
tawagin sa social media maraming naglalabas ng impormasyon nap eke at hindi totoo at pinagkukunan
lamang ito sa mga hindi kilala, katulad sa pagkuha ng mga impormasyon na kilala katulad sa ahensya ng
gobyerno na dapat ay may gov.ph. Maging makilatis sa pagkuha ng mga batis, dahil minsan sa pagkuha ng
mga batis ay dapat ito ay sinasama sa inyong reperensya kung saan ito kinuha.

Pagbubuod at Pag-uugnay-ugnay ng impormasyon, Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon


( Pangkat apat )
Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino (Tsismisan, Umpukan, Talakayan, Pagbahay-bahay at Pulong-
bayan, Komunikasyong Di berbal, Mga Ekspresyong Lokal)
( Pangkat lima )
Pagsusuri at Pagtalakay sa Napapanahong Isyung Panglokal at Pangnasyunal (koprasyon,
konsepto ng Bayani, Kalagaya ng serbisyong pabahay, pangkalusugan, transportasyon,
edukasyon at iba pa.)
( Pangkat anim )

You might also like