You are on page 1of 39

SULONG WIKANG

FILIPINO
Layunin
 Matuto, maisabuhay at maisapuso ang tunay na
diwa ng wikang Filipino sa ating bansa.
 Higit na maunawaan ang paggamit ng wikang
Filipino sa lahat ng aspeto sa lipunan.
 Layunin nito na mas piling gamitin ang sarili
nating wika.
Isulong ang wikang Filipino bilang
pangunahing wika ng pagtututo at
pagkatuto. Ipagtanggol ang papapa-
unlad ng iba pang wikang rehiyonal
upang maging katuwang nito. Igiit ang
paggamit ng wikang Filipino sa lahat
ng larangan at sangay ng karunungan.
Kalagayan ng Wikang Pambansa

 Mahigit pitong dekada na ang lumipas ng tayo ay


magkaroon ng wikang pambansa, ngunit
magpahanggang ngayon hindi pa rin natin
masasabing lubos nga ang pagpapahalagang
ibinigay natin dito. Sa katunayan, usapin pa rin
magpahanggang ngayon kung may kakayahan nga
ba ang wikang Filipino na makipagsabayan sa iba
pang global na wika ng mundo.
 Nakakatuwang isipin na ang Pilipinas lamang ang
may taunang pagdiriwang para sa sariling wika.
Tuwing Agosto, buong giliw na ipinagdiriwang
natin ang Buwan ng Wika sa loob ng ating mga
paaralan. Kaliwa’t kanan ang mga palatuntunang
nagtatampok at nagbubunyi sa ating sariling wika.
Walang masama sa pagdiriwang na ito, ngunit
naisasabuhay ba natin ang mensaheng nakapaloob
dito?
Ang lumolobong bilang ng mga
Pilipinong hindi marunong magsalita
at magsulat sa wikang Filipino ay
isang malaking patunay na sa
natitirang labing-isang buwan ng taon
ibang wika na ang ating itinatampok
at ipinagbubunyi.
Nakaliligalig ang katotohanang marami sa atin ang hindi
mahusay mag-Filipino, kadalasan mas mainam pa nga
tayong mag-Ingles na hindi naman katutubo sa atin.
Malinaw na sinasang-ayunan ng ating Kontitusyon na
matatagpuan sa Artikulo XIV Seksiyon 6 na nagsasabing:
“Sang-ayon sa mga probisyon ng batas at sa kung ano
ang nararapat ayon sa Kongreso, magsasagawa ng
hakbang ang gobyerno upang masimulan at
maipagpatuloy ang paggamit sa Filipino bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon”.
 Natatakot ba tayong bumaba ang kalidad ng edukasyon kung
Filipino ang gagamiting midyum sa pagtuturo? Ilan taon na nga
ba tayong kulelat sa mga internasyunal na pagsusulit sa Agham
at Matematika? Ito ang nagpapatunay na hindi Ingles ang sagot
sa ating nabubulok na sistema ng edukasyon. Dapat din nating
isaalang-alang ang mga rekomendasyon ng mga malawakan at
pambansang pag-aaral tulad ng Congressional Commission on
Education Report(EdCOM) na nagsasabing mas mabuting
gamitin ang unang-wika o lingua franca ng mga mag-aaral tungo
sa mas mabisang pagkatuto.
 Hindi na ako magtataka kung bakit pinakamataas ang mga grado
na nakukuha sa mga internasyunal na pagsusulit ng mga
kabataang nagsipag-aral gamit ang kanilang sariling mga wika,
katulad ng mga Koreano at Hapones.Marapat lamang na Filipino
ang gamiting wika sa pagtuturo at pag-aaral sa lahat ng displina
ng kaalaman at sa lahat ng antas ng edukasyon sa ating bansa
sapgkat ito ang ating pambansang wika. Ito ang wika ng ating
pagka-Pilipino.
Isulong ang wikang Filipino bilang pangunahing wika ng
pagtututo at pagkatuto! Isulong!
Napatunayan na ng mga pananaliksik na mas
magiging mabilis ang pagkatuto ng mga bata
kung ang wikang gagamitin sa pagtuturo ay
iyong wikang ginagamit nila sa kanilang tahanan.
Bukod dito, maibabalik din sa sistema ng
edukasyon ang kultura at tradisyong nakapaloob
sa isang wikang rehyunal katulad ng mga
awiting-bayan, tula at epiko.
Dahil sa MLE, mas magiging makabayan ang
ating mga kabataan dahil mas mauunawaan at
pahahalagahan nila ang kanilang etnisidad. Uunlad
din ang panitikan ng mga wikang rehyunal na dati
ay sa pasalita na lamang ginagamit dahil mas
maraming akda na ang maisusulat gamit ang mga
wikang kaysoo noong hindi pa sila ginagamit sa
sistema ng edukasyon.
 Subalit nakalulungkot na ang labindalawang pangunahing
wikang rehyunal lamang ang magagamit sa MLE sa kabila ng
katotohanang may mahigit na 100 wika mayroon tayo. Paano
na lamang ang mga wika ng mga katutubong kabilang sa
maliliit na tribo? Hahayaan na lamang ba natin na unti-unting
mamatay at mawala ang mga wikang ito? Hahayaan na lang
ba nating kasamang mamatay ang mga tradisyon at kulturang
kakambal ng mga wikang ito? Alam ko na nagsisimula pa
lang ang MLE, ngunit sana, sa lalong madaling panahon ay
magamit din ang iba pang maliliit na wika ng Pilipinas bilang
wika ng pagtututo at pagkatuto.
Batay sa Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Sek.
6: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Tunay nga na magiging katuwang ng wikang
Filipino ang mga wikang rehyunal sa
pagpapalaganap ng diwang makabayan sa ating
bansa.
PAPEL NG WIKANG FILIPINO SA LIPUNAN
Napag-iwanan na ang Pilipinas ng mga
karatig-bansa nito sa Asya pagdating sa
pagtangkilik sa sariling wika tulad ng Japan,
Malaysia at Indonesia. Ang mga bansang ito
ay may pambansang wika at ito ang ginagamit
ng lahat — mula sa mga simpleng mamamayan
hanggang sa mga namumuno sa pamahalaan.
 Ang pambansang wika nila ang ginagamit sa lahat ng
aspeto ng lipunan: Edukasyon, komersyo at
pamahalaan. Samantalang dito sa atin, pinagtatalunan
pa rin kung karapat-dapat bang gamitin sa lahat ng
displina ang wikang Filipino, lalo na sa pagtuturo ng
Agham at Matematika. Mahirap daw kasing ituro sa
Filipino ang dalawang asignaturang ito dahil marami
daw kasing teknikal na termino ang ginagamit sa mga
asignaturang nabanggit ang walang katumbas sa
Filipino.
Sa katunayan, ayon kay Ma. Nympha Beltran ng UP Integrated
School, magpasahanggang ngayon hindi pa rin natin matukoy kung
ano ba ang dapat nating itawag sa dalawang asignaturang ito: Sayans,
Siyensiya o Agham? Matematiks, Matematika o Sipnayan?
May ibang pananaw naman ang dating direktor ng Sentro ng Wikang
Filipino na si Virgilio S. Almario sa pagsasa-Filipino ng mga teknikal
na termino. Naniniwala siya na sa halip na Tagalog lamang ang
pagmulan ng panumbas bakit hindi na lang tayo umimbento ng mga
bagong salita gamit ang iba pang wika sa Pilipinas. Sa ganitong
paraan mapagyayaman natin ang Filipino gamit ang ating mga
katutubong wika bago tayo humiram ng mga salita sa mga banyaga.
 Ganito rin ang pananaw ni Propesor Jayson Petras
ng UP Diliman, para sa kanya nagkakamali tayo
kung Ingles lang ang tanging wika ng Agham at
Teknolohiya. Nasanay lang daw tayong mag-angkat
ng mga aklat na nakasulat sa Ingles dahil
kombinyente ito, ngunit kasabay nito ay naangkat
din natin ang mga kaalaman at pananaw ng mga
Kanluranin na wala namang kabuluhan sa konteksto
ng Pilipinas.
 Hindi lang sa larangan ng edukasyon ito usapin, maging
sa pamahalaan. Ayon kay Abueva Ingles ang karaniwang
gamit ng ating mga kinatawan sa kanilang mga talumpati
at talakayan sa Kongreso dahil magsisimulang magsalita
sa kani-kanilang wikang rehyunal ang ibang kinatawan
kapag Filipino na ang ginamit na midyum, lalo na iyong
mga nagmula sa Visayas at Mindanao na Bisaya ang alam
na wika. Dapat umanong maunawaan ng mga kinatawang
ito na aksidente ng kasaysayan kung bakit Tagalog at
hindi Bisaya ang naging batayan ng wikang Filipino.
Kapag nagkaisa ang ating mga pinuno na
gamitin ang Filipino sa lahat ng gawain ng
pamahalaan – lehislatura, hudikatura at
ehekutibo – mas marami ang
makikinabang. Dahil alam naman nating
lahat na mas marami pa rin ang
nakakaunawa sa Filipino kaysa Ingles.
 At kung Ingles naman ang patuloy nilang tatangkilikin, parang
pinagkaitan na rin nila ang kalakhan ng mamayan ng
karapatang makisangkot sa mga usapin ng bayan. Kaya marapat
lang na igiit natin na gamitin ang Filipino sa deliberasyon sa
lehislatura at pagsulat ng mga batas, pag-isyu ng mga direkto at
kautusang ehekutibo, pagbubuo ng mga pambansang patakaran,
paghahanda ng mga impormasyong pampubliko, pagdaraos ng
paglilitis at pagpapasya ng hukuman, pagsulat ng memorandum
at iba pang komunikasyon, pagbuo ng mga opisyal na
porma/dokumento (lisensiya, sertipiko, pasaporte, at iba pa) at
paglikha ng mga tungkulin at gawain ng estado.
Wikang Filipino ang wika ng
ating lahi. Ito ang magsisilbing
mukha at kaluluwa natin sa
mundo.
https://angtagapagmulat.wordpress.com/2013/06/19/wikang-filipino-ipagtanggol-itaguyod/
Sulong Wikang Filipino
(Edukasyong Filipino para kanino)
May banta o panganib na tanggalin ang pag-aaral
ng wikang Filipino bilang core subject sa mga
pamantasan at kolehiyo. Sinabi ni Propesor
Bomen Guillermo sa panayam sa kanya ni
Propesor Det Neri: kapag natuloy, ito ang papatay
sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
Lubos ang pagsang-ayon namin sa kanyang
tinuran, kaya naman kaisa kami sa
panawagang PANATILIHIN at PALAWIGIN
ang Filipino bilang core subject sa lahat ng
pamantasan at kolehiyo sa buong bansa.
At hindi katanggap-tanggap na limutin ang
ating wika!
 Makabagong Pananaw
 Sabi ng isa naming kaibigang matagal nang
naninirahan sa ibayong-dagat, ayos lamang para sa
kanya ang pagtatanggal ng Filipino bilang core subject
sa kolehiyo. "Bakit kailangan pang aralin sa college eh
lagi mo na ngang ginagamit? Atsaka hindi na dapat
ginagamit 'yung mga makalumang salita. Sabi nga di
ba, dynamic ang language, so dapat matuto tayong
mag-adapt, para kaisa natin ang mundo."
May panganib sa ganitong pananaw,
sapagkat kapag nilimot ang mga
makalumang salita (lalo na kapag tumigil
ang intelektwalisasyon ng wikang
Filipino), mawawalan tayo ng tulay
pabalik sa ating matatandang kaugalian --
magagandang kaugalian.
Wika Bilang Salamin ng Identidad (at Mapa
ng Prayoridad)
Sinasabing sa wika matutukoy kung gaano
umiikot ang buhay ng bansa sa isang
konsepto. Halimbawa, sa mga Sami ng
Scandinavia at Russia, mahigit 150 ang salita
nila para sa "snow", at sa mga Eskimo ng
North America naman, mahigit 50.
Gayun din naman, tayo ay may iba't ibang salita
para sa "rice". Rice with husk ay palay. Unhusked
rice ay bigas. Steamed rice ay kanin. Burnt rice
ay tutong. Cold rice ay bahaw. Popped young rice
ay pinipig. Tagalog pa lang iyan. Marami pang
iba, sa iba pang mga wika ng Pilipinas.
Sa madaling sabi, umiikot ang buhay ng Pilipino
sa "rice", kaya marami tayong salita para rito.
Ano ang praktikal na maidudulot ng
kaalamang ito? Mas gaganahan tayong
himukin/kalampagin ang gobyerno sa
paglikha ng mas maraming programa para
sa mga magsasaka natin, sapagkat sila ang
pangunahing tagapagpunla ng
napakahalagang "rice"! Priority dapat ito!
 Marami rin tayong salita para sa "imagination",
"dreaming" at "creative thinking". Nariyan ang
haraya, hiraya, pangarap, panaginip, guni-guni,
gunam-gunam, diwa, isip, at marami pang iba.
Malalim ang pagpapahalaga ng Pilipino sa
PAGLALAKBAY NG DIWA. Kaya, hindi kataka-
takang maraming Pilipino ang nasa larangan ng
sining. Mahusay at malikhain din ang ating mga
siyentista!
Muli, ang praktikal na maidudulot: batay sa
kaalamang ito, maaari nating i-restructure ang
ating curriculum upang bigyan ng higit pang
pokus ang malayang pag-iisip kaysa sa
pagsasaulo ng mga bagay na nakakulong sa
libro... dahil nga, mas magaling ang Pilipino
kung nakalilipad nang malaya ang kanyang
kaisipan.
 Wika Bilang Balon ng Asal
 Sa pagsasaliksik namin para sa dokyumentaryong
"Walang Rape sa Bontok", napagtanto naming
nakararami sa mga salitang Filipino ay "gender-neutral"
-- hindi mahalaga kung babae man o lalaki ang tinutukoy.
Halimbawa, "siya" imbis na "she" o "he" sa Inggles.
"Kanya" imbis na "his" or "hers" sa Inggles. "Ang" imbis
na "el" o "la" sa Espanyol. Sa Tagalog pa lamang ito;
liban pa ang mga wika sa buong kapuluan na may
gender-neutral terms din.
Malaking kaibahan ito sa mga wika halimbawa sa
Europa, na karamihan ay gendered. Maging ang mga
konsepto ng ‘lupa’, ‘kalayaan’, ‘daigdig’, ‘bansa’,
‘kapatiran’ at iba pa ay gendered din sa kanila.
Wika ang nagtutulay pabalik sa ating matandang
kaugalian: MATAGAL NANG GENDER-
SENSITIVE ANG ATING MGA PAMAYANAN,
lalong-lalo na noong hindi pa tayo nasasakop ng mga
banyaga.
 Sa mga Pilipinong nagsasabing "Nakakalungkot
maging Pilipino, wala man lang tayong ambag sa
sibilisasyon, di tulad ng mga Intsik na nag-ambag ng
papel, mga Ehipto na nag-ambag ng pyramids, mga
Griyego na nag-ambag ng demokrasya..." ito ang
sagot namin: WIKA ANG MAGSASABING, ANG
MAAARING I-AMBAG NG PILIPINO SA
KABIHASNAN NG MUNDO AY ANG PANTAY
NA PAGTINGIN SA MGA KASARIAN.
https://www.facebook.com/notes/habi-collective-media/habi-collective-position-paper-sulong-wikang-filipino/962524
930495374/
"Ang wika ay palatandaan ng
identidad ng isang bayan... ang
nag-uugnay sa estudyante sa
kaniyang pamilya, komunidad
na kaniyang pinanggalingan, sa
kahapon ng bayan."
- BIENVENIDO LUMBERA, Pambansang Alagad ng Sining sa
Maraming Salamat
P !

You might also like