You are on page 1of 23

BILINGGUWALISMO

KEYCE L. ZABANAL
MAT-FILIPINO/EPIKO

ARNULFO T. VILLANUEVA PH.D.


PROPESOR NG MAT-FILIPINO
1. MASUSING TALAKAYIN ANG UKOL SA WIKANG PAMBANSA, WIKANG
OPISYAL AT WIKANG PANTURO
Ang wika ay itinuturing na kaluluwa ng bansa. Dito tayo nakikilala,kung sino tayo at
kung paano tayo mamuhay bilang tao sa isang bansa sapagkat kaakibat ng wika ang ating
kultura. Habang kinikilala natin ang wika ng isang bayan o bansa, natututunan na rin natin ang
kulturang taglay nito. Ang wikang Filipino ay may iba’t ibang gamit sa ating bansa: bilang
wikang pambansa, wikang opisyal at wikang panturo.
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyonal na batayan ang
pagiging pambansang wika ng Filipino. Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng
Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin sa salig na umiiral na wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Bilang pambansang wika, Filipino ang sumisimbolo sa ating
pambansang pagkakakilanlan. Sinasalamin nito ang ating kalinangan at kultura, gayundin ang
ating damdamin bilang mga Pilipino. Ang wikang Filipino ang nagbabandila sa mundo na hindi
tayo alipin ng alinmang mga Pilipino. Ang wikang Filipino ang nagbabandila sa mundo na hindi
tayo alipin ng alinmang bansa at hindi tayo nakikigamit ng wikang dayuhan. Ang wikang
pambansa ang sumasagisag sa ating kalayaan. Mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang wika
sapagkat ito ang nagdadala sa atin sa pambansang pagkakaisa at pagbubuklod. Mahalagang
pagyamanin at pahalagahan ang ating pambansang wika, ang isa sa mga natatanging pamana ng
ating mga ninuno at nagsisilbing yaman ng ating lahi. Bukas ang wikang Filipino sa
pagpapayamang matatamo mula sa iba pang mga wika ng rehiyon. Lalo pang mapapayaman ang
leksikon ng Filipino sa pamamagitan ng paglalahok ng mga salitang mula sa iba pang katutubong
wika sa Pilipinas.
Itinadhana ng batas ang Filipino bilang wikang opisyal na gagamitin sa talastasan ng
pamahalaan. Ginagamit ito sa opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang mga mamamayan
at ibang bansa sa daigdig. Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang
isinagawa upang malaman kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng
gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa
pamamagitan ng pagsaalang- alang ng ibat' ibang salik. Ayon kay Virgilio Almario ang wikang
opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
Naging wikang opisyal ang Wikang Pambansa ayon sa Batas Komonwelt blg. 570 na
ipinahayag bilang opisyal na wika simula Hulyo 4, 1946 Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV,
Sek. 3) “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging
opisyal na wika.”
Bukod sa pagiging pambansang wika ng Pilipinas, iniaatas din ng Konstitusyon ng 1987
ang paggamit sa Filipino bilang wikang panturo. Sa ikalawang bahagi ng Artikulo XIV,
Seksiyon 6, nakasaad na, “Alinsunod sa tadhana ng batas at sang – ayon sa nararapat na
maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan sa
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang – edukasyon.” Maraming
sikolohista sa wika ang naniniwala na ang katulong ng utak sa pagpoproseso ng kaalaman ay ang
wikang nauunawaan ng tao. Mahalaga kung gayon na gamitin ang Filipino sa pagtuturo hindi
lamang para sa mas epektibong pagtuturo kundi pati na rin sa mas makabuluhang pagkatuto ng
mga estudyante. Kapag ang wikang ginagamit sa pagtuturo ay ang wikang Filipino na
nauunawaan ng lahat ng Pilipino, mas magiging madali ang pagtuturo at pagkatuto ng guro at
mag-aaral dahil nakakapag-ugnay ang bawat isa sa mas malinaw na komunikasyon.
2. “HALOS KALAHATI NG TAO SA DAIGDIG AY TAAL O BIHASANG
TAGAPAGSALITA NG DALAWANG WIKA.” PATUNAYAN.
Kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang
iisang wika ay nagtatakdang magkaroon ng kumbersasyong makeshift, madalas ang leksiyon ng
kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang istruktura naman ay mula sa isa pang wika-
homogenous o heterogenous ay tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang porma, no standard na anyo
nito o kaya pagkakaroon ng iba't ibang porma o barayti.
Ano nga ba ang Homogenous at Heterogenous na wika? Ang homogenous naman ay
nangangahulugang isang klase mula sa iisang lahi o angkan. Tumtukoy din ito sa pagkakaroon
ng iisang anyo o katangian ng wika. Kapag sinabi naman nating heterogenous, ito naman ay ang
pagkakaiba- iba ng uri at katangian ng isang wika o iba't ibang konsepto na dayalektal na
baryasyon sa wika. Mayoon din tayong tinatawag na Lingguwistikong Komunidad. Ito ay
tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at
nakakaunawa sa mga tiyak na patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika. Ang mga ito
ang nagpapatunay na halos kalahati ng tao sa daigdig ay taal o bihasang tagapagsalita ng
dalawang wika.
Ang bawat bansa ay may katutubog wika, iyong tinatawag nating mother tongue,ang
wikang nasuso o unang wikang ating natutunan magbuhat pa nang tayo ay isinilang at unti-
unting nagkaroon ng kamalayan sa mundong ating ginagalawan. Nang tayo ay nagsimula nang
pumasok sa paaralan, natuto na tayo ng pangalawang wikang itinuro sa atin ng ating mga guro o
kaya nama’y ang natutunan natin mula sa mga taong ating nakakasalamuha sa labas ng ating
tahanan o sa ating komunidad. Magkaganunpaman, maituturing ding pangalawang wika ang
wikang natutunan natin mula sa ibang lugar na ating nilipatan o ang lugar ng ating bagong
tirahan bunga ng migrasyon o paglipat sa bagong tahanan.
Anumang wikang ating natutunan pagkatapos ng unang wika ay maituturing na
pangalawang wika. Hindi maitatangging pareho nating nagagamit nang may sapat na kaalaman
at kahusayan ang dalawang wikang ito kaya kung maririnig ng iba’y mahirap malaman o
matukoy kung alin ang una at pangalawang wika ng isang tao.
Karamihan sa mga tao sa daigdig ay taal o mahusay na tagapagsalita ng dalawang wika.
Nagagamit nila ito sa pakikipag-usap sa ibang tao o sa ibang lahi mula sa iba’t ibang
bansa.Katunayan nito ang di magkamayaw na pagkakaroon ng mga dayuhan sa iba’t ibang
bansa. Hindi man sila nagkakaunawaan sa pagsasalita ng kani-kaniyang sariling wika, kapag
ginamit naman ang wikang pandaigdig o ang Ingles, hindi imposibleng magkaunawaan ang
dalawang indibidwal.
Bawat bansa ay may iba’t ibang wikang sinasalita. Ang ilan ay may iisa at ang iba naman
ay mayroong higit sa dalawang wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan maging sa mga
impormal na komunikasyon. May ginagamit bilang wikang panturo, wikang pambansa at
pangunahing wika.
Nagkakaiba-iba man ang ating mga wika, lalo at higit ang ating pambansang wika,
hangga’t lahat tayo ay nagkakaunawaan at malayang nakapagpapahayag ng ating mga damdamin
at saloobin sa isa’t isa, magkakaroon pa rin ng pagkakaunawaan sa pagitan. Dahil ang bansang
nagkakaisa at nagtataglay ng iisang mithiin ay sumusulong para sa hangaring magtagumpay at
umunlad hindi lamang para sa sarili kundi para sa buong bansang kinabibilangan.
Kaya bilang mga tagapagsalita ng dalawang wika, patuloy nating mahalin, alagaan at
gamitin ang ating sariling wika. Gayundin ang ating pangalawang wika na nagsisilbing tulay
upang makakonekta tayo o magkaroon ng kaugnayan sa ating kapwa sa loob at labas ng bansa.
3. HIGIT NA MATAGAL BA ANG BILINGGUWAL NA PAG-UNLAD O PAGKATUTO
KAYSA MONOLINGGUWAL NA PAGKATUTO?
Ang edukasyong bilinggwal ay nangangahulugang magkahiwalay na
paggamit ng Filipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na
asignatura. Dapat masunod ang magkahiwalay na gamit o paggamit ng
Filipino at English sa pagtuturo. Ang Filipino at English ay ituturo bilang mga
asignaturang wika sa lahat ng antas upang matamo ang mga tunguhin ng
kahusayang bilingwal.Ang bilinggwalismo ay isang fenomenong pangwika na
tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks.
Ipinapakita rito ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung papaano
ang lipunanay nakapag-aambag sa development ng wika. Higit pa, tinatanaw
rin dito kung paano na ang wika ay malayang tinatanggap ng mga taong
gumagamit nito. Ang bilinggwalismo rin ay tinataya na kakayahan ng isang lipunan sa
paggamit ng dalawang wika. Palagian nang balot ng isyu at mga kontrobersiya ang konsepto ng
bilinggwalismo, isantabi na ang pananaw ng purista sa wika. Gayumpaman, nabibigyan pa rin ito
ng malaking puwang partikular na ng mga aral sa wika dahil na rin sa benepisyong dulot nito hindi
lamang sa larangan ng komunikasyon bagkus sa demografikal, politikal, ekonomikal at
pedagojikal na tulong na naibibigay nito. Kung kaya naman, patuloy na lumalago ang mga
pananaliksik kaugnay sa konspeto ng bilinggwalismo
Kapag sinabi nating bilingguwal na pagkatuto, ito ay tumutukoy sa kakayahang
makaunawa at gumamit ng dalawang wika at ang monolingguwal naman ay ang kakayahan ng
taong gumamit at makaunawa nito sa iisang wika lamang. Ang monolingguwal naman ay ang
kakayahang gumamit at makaunawa ng isang wika lamang.
Gawin nating halimbawa ang isang munting nayon, ang Lubuagan na may sariling
diyalekto. Ngunit ipinakita diumano ng eksperimento na higit na mabilis natuto ang mga batà sa
Lubuagan dahil ginamit ang kanilang unang wika sa pagtuturo. Napakagandang halimbawa.
Likas na wikang natututunan ng isang tao ang unang wika o ang wikang nasuso. Dahil ito
ang nakagisnan mula nang magkamalay sa mundo. Madali o mabilis matuto ang isang taong ang
ginagamit lamang ay iisang wika lamang dahil nabibiguan nya ng pokus ang sariling kapakanan
o pagkaunawa lamang.
Ngunit kung titingnan natin sa ibang bahagi, limitado lamang ang kaalaman ng isang
taong monolingguwal. Sabihin na nating kapag may nakasalamuha siyang ibang tao o napadpad
siya sa isang bagong bansa o komunidad na hindi katulad sa kanya ang wikang ginagamit ay
posibleng hindi sila magkaunawaan, hindi magkakaintindihan. Hindi rin sapat ang mga pag-
aksyon o pagkumpas ng mga bahagi ng katawan upang ipahayag ang nais sabihin. Hindi rin natin
masasabing hanggang sa sariling lugar na lamang siya at hindi na kailanman aalis doon. Paano
kung dumating ang mga pagkakataong kailangang lisanin ang pook na iyon, mahihirapan siyang
mamuhay sa bagong komunidad. Kaya mahalaga pa ring matutunan natin ang pangalawang wika
na maaaring maging alternatibo sa unang wikang ating ginagamit.
Sa isang banda, may mga bansang maunlad ang ekonomiya dhil sa pagiging monolingual
nito. Isang pagpapatunay na kapag tinangkilik natin ang sariling atin ay tiyak na magkakaroon ng
pagkakaisa ang bawat tao sa isang layuning magtagumpay at umunlad pa.
Ang pag-unlad sa pagkatuto sa bilingguwalismo ay mabilis rin naman sa ilang
pagkakataon. May mabuting naidudulot din naman ang bilingguwalismo sa bansang gumagamit
nito. Pagkatapos matuto ng unang wika, mabuting matutunan na rin natin ang pangalawang wika.
Nang sa gayon ay mas magiging handa at makaunawa tayo sa pakikipagkomunikasyon sa ibang
taong nabibilang sa ibang bansa at may ibang wika.

4. MAKABUBUTI BANG PALAKIHIN ANG ISANG BATA SA BILINGGUWAL NA


KAPALIGIRAN AT PAMAMARAAN? BAKIT KAYA?
Mabuti ring palakihin ang isang bata sa bilingguwal na kapaligiran at pamamaraan dahil
magiging makabuluhan ang kaniyang pagkatuto sa kanyang paglaki.
Sa pook o kapaligirang may dalawang wikang ginagamit katulad sa ating bansang
Pilipinas, ang unang wika ay natututunan at ginagamit ng isang bata sa murang edad at sa gulang
na siya ay tutuntong sa elementarya mula baitang isa hanggang tatlo (Grades I-III). Matututunan
naman nito ang ikalawang wika sa panahong siya ay nasa baitang apat pataas na ginagamit
bilang wikang panturo sa paaralang kanyang pinapasukan. Ito ang gamit ng wikang Filipino sa
mga Pilipino at ito ang katayuan ng bilingguwalismo sa lipunan.
Dapat tandaan na ang pagtatadhana sa Filipino bilang wikang pambansa ay isang paraan
ng pag-alinsunod sa ganap na kabuluhan ng isang wikang katutubo kaysa isang wikang banyaga
(ang Ingles) bilang wikang pambansa at wikang panturo. Sa ngayon, ang Filipino ay isa nang
pambansang lingua franca at ginagamit sa iba’t ibang paraan ng mahigit 90 % ng taumbayan.
May nakahanda na ring aklat panturo sa Filipino mulang pre-school hanggang high school. Kung
hindi rin lamang totoong gagamitin ang mga unang wika ng Filipinas, ano ang totoong
kabuluhan ng MLE na mga wikang rehiyonal lamang ang gagamiting panturo? Grabeng dagdag
na gastos ito para sa bagong teksbuk, para sa bagong pagsasanay ng mga language teacher.
Bukod sa magastos ay magiging hadlang ito sa totoo at lubusang paggamit sa Filipino bilang
wikang panturo. Sa liwanag ng katwirang ito, lalong salungat sa 1987 Konstitusyon ang
panukalang-batas na “Multi-Lingual Education Bill” ni Rep. Magtanggol T. Guinigundo I.
May dalawang lubhang nakatatawa sa kasalukuyang paksa sa bilingguwalismo.
Una, nakasaad sa DepEd Order No. 74 na namulat din sa wakas ang DepEd na ang lahat
ng bansang topnotcher sa TIMSS ay gumagamit ng wikang pambansa sa pagtuturo ng Agham at
Matematika. Ngunit hindi binabago ng MLE ang lumang iskema ng paggamit ng Ingles sa
pagtuturo ng Agham at Matematika. Ikalawa, kailangan daw ang MLE, wika ni Congressman
Guinigundo sa kaniyang bill, para maging competitive ang mga graduate sa global market. O ang
ibig niyang sabihin ay dapat itodo ang pagtuturo ng Ingles, gaya ng gusto ng maraming lider sa
Kongreso na “itapon” sa ibang bansa ang mga edukadong Filipino?
Upang mabuhay, kailangang gamitin ang mga wikang katutubo sa loob at labas ng
paaralan. (Nakadidiri ang iilang tagapagtanggol kuno ng wikang katutubo ngunit gusto lamang
isulong ang Ingles at patayin ang Filipino.) Kailangang magbigay ng insentibo para sa pagsulong
ng panitikan sa mga wikang katutubo, bukod sa kailangang mailahok ang mga ito sa
pagpapaunlad ng Filipino bilang wikang pambansa.
Iba’t iba ang pananaw ng mga linggwista ukol sa wika. Ang higit na mahalaga sa lahat na
bigyan natin ng tuon ay ang papel ng bilingguwalismo sa pag-unlad ng isang bata sa isang
lipunang bilingguwal.
Natuto ang bata sa murang edad ng unang wika o ng wikang nasuso sa magulang. Gamit
ang wikang ito, naunawaan niya ang nais sabihin ng kausap at naipapahayag ang sariling
damdamin o saloobin sa paraang nauunawaan ng lahat sa komunidad na kanyang kinabibilangan.
Sa pamamagitan din nito, natutunan ng bata ang mga pangunahing kaalaman sa kapaligiran na
nagagamit niya upang makaraos sa araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa nilalang na
nagsasalita ng wika.
Sa mga panahong siya ay papasok na sa paaralan ay natututunan niya ang isa pang
wikang nauunawaan ng lahat, ang kanyang magiging pangalawang wika. Ito ang wikang
ginagamit sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto.
5. SA PAGKATUTONG BILINGGUWAL, MAKABUBUTING SUNDIN ANG
KAISIPANG “ONE PERSON ONE LANGUAGE”. ANO ANG IBIG IPAKAHULUGAN
NITO?
Sa pagpapalaki ng isang bilingguwal na anak, mas mabuting sundin ang “One Person
One Language”o ang OPOL. Sa pamamagitan ng kaisipang ito, nalalantad ang bata sa wikang
sinasalita na kanyang mga magulang (kahit magkaiba) na ang isang wika ay siyang dominanteng
wika ng pamayanang kinabibilangan. Halimbaw nito ay kung ang ama ay Hapon at ang ina ay
Amerikana, maaaring mamili lamang ang anak ng isa sa alinmang wika ng kanyang mga
magulang.
Bawat tao ay may isang wikang ginagamit, ang ilan ay marami pa. Sa kaisipang One
Person One Language, kadalasan ito ang wikang sinasalita sa komunidad,ng mga magulang, lolo
o lola o iba pang miyembro ng pamilya,maging ang kaibigan at guro. Halimbawa, ako ay taal na
gumagamit ng Tagalog. Ang aking ina ay Tagalog. Ang aking ama ay Bisaya at nagsasalita
lamang nito sa kanyang mga kababayan sa kanilang lugar. Sa aming pamilya ay Tagalog ang
wikang aming ginagamit bilang midyum ng komunikasyon.
Samantala, maraming mga magulang din ang nakapagsasalita ng maraming wika o
multilingguwal. Ngunit pinipili nilang gamitin ang wika kung saan sila komportable o malayang
makapagpahayag ng kanilang damdamin at saloobin.
Maari ring gamitin ang OPOL ng mga magulang na hindi gaanong maalam o hindi taal na
tagapagsalita ng kanilang katutubong wika at maalam sa iba pang wika na nagnanais ipasa ang
pagkatuto ng katutubong wika sa mga anak.
Samantala, wala pang napatutunayang metodo ng bilingguwalismo ang kapaki-
pakinabang o epektibo sa pagkatuto ng wika. ngunit ayon sa ilang mananaliksik, katulad ni
Annick De Houwer na nagsagawa ng pananaliksik sa dalawang libong pamilya ay nagkaroon ng
isang konklusyon na 75% ng mga anak ay natututo ng bilingguwalismo sa pamamaraang One
Person One Language depende sa kung paano nila ito sinunod.
Upang maging epektibo o matagumpay ang pamamaraang ito, kailangang tuloy tuloy ang
pagtuturo ng iisang wika lamang. Hindi dapat magpaiba-iba ng wikang ituturo upang maiwasan
ang pagkalito. Maaaring nagkakamali sa paggamit ng wikang ito ang mga bata, ngunit sa
pamamagitan ng patuloy na pagtuturo, paggabay at pag-agapay ay maitatama rin ang lahat.
May mga suliranin din sa pamamaraang ito. Napakahirap makipag-usap o magsalita sa
mga kaibigan o kakilala gamit ang isang wika lamang. Nakahihiyang magsalita ng iba pang wika
sa iyong anak na hindi nauunawaan ng iyong mga kausap.
Sa pamamaraang ito, isa lamang ang dapat na mas gagamitin o tatangkilikin. Isang
pamilyang bilingguwal isa lamang wika ang dapat manaig. Wala namang pagkakataong laging
one on one ang pakikipag-usap lalo at marami kayo sa inyong pamilya.
Upang matuto ang mga bata sa pamamaraang ito, marapat na ilantad siya sa taong taal sa
pagsasalita ng ganoong wika. halimbawa, kung gust nating matuto ng Ingles an gating anak,
siguraduhing ang mga nakausap niya ay mga taong tagapagsalita ng Ingles at hindi nalalahukan
ng iba pang wikang makagugulo lamang sa kanyang mabilis na pagkatuto o kalituhan. Kumbaga,
kahit na tayo ay may kausap na ibang tao, tanging sa wikang itinuturo lamang natin kakausapin
ang ating anak kapag naroon ang kanyang presensiya.
Kung sa tingin naman nati’y hindi natin siguradong mailalantad sa taal na tagapagsalita
ng wika ang bata, maaaring ipakilala natin siya/sila sa mga grupo ng tao, kaibigang makakalaro o
tutor na makapagbibigay ng sapat na panahon o pagkakataong malantad o magiging matatas sila
sa paaggamit at pag-unawa sa ganoong wika.
6. SA PAGIGING BILINGGUWAL BA AY HIGIT NA GINAGAWANG MATALINO O
HINDI GAANONG MATALINO, HIGIT NA AKTIBO O HINDI GAANONG AKTIBO,
HIGIT NA MASINING O HINDI GAANONG MASINING AT IBA PA ANG ISANG
INDIBIDWAL? ANO ANG INILALAHAD O PINATUTUNAYAN NG MGA
MANANALIKSIK UKOL DITO?
Ang pagsasalita ng dalawang wika ay may benepisyo sa nagbabagong mundo. Sa mga
nakalipas na taon, ilang siyentipiko ang nagsimulang magpakita ng maraming bentahe ang
bilingguwal kaysa sa kaalaman sa pakikipagkomunikasyon sa sa tao sa maraming lugar sa
mundo. Kaya ang pagiging bilingguwal ay nagbibigay sa tao ng katalinuhan. Mayroon itong
malaking epekto sa utak ng tao, lalo na sa kognitibong kakayahan o kakayahang mag-isip nan g
walang kaugnayan sa wika. Isa pa naiiwasan ang Dementia sa pagtanda.
Ang pananaw sa bilingguwalismo ay kakaiba sa pag-unawa rito sa ika-20 siglo.
Itinuturing ng mga mananaliksik, edukador at tagagawa ng batas na ang pangalawang wika ay
tumutulong sa isang bata na mag-isip at gumamit ng wika nang mas malalim. Tumataas ang
intelek ng isang bata.
Mas mabilis ang pagkatuto ng bilingguwal kaysa monolingguwal katulad ng pagbuo ng
isang puzzle.Sa isang pag-aaral noong 2004, ang mga sikolohistang sina Ellen Bialystok at
Michelle Martin-Rhee, ang mga bilingguwal at monolingguwal na pre-schooler ay binigyan ng
isang gawaing paghiwalayin ang mga kulay at hugis. Mas mabilis na natapos ang mga
bilingguwal. Ayon sa mga ebidensiya, ang mga bilingguwal ay may kakayahang pataasin ang
pag-iisip at paggawa. Maliban pa rito, mas napabibilis ang pag-iisip ng bilingguwal ng solusyon
sa problema. Ang laging nais nito ay ang mga gawaing nag-uutos. Ang mga gawaing ito ay
nagsasawalang-bahala sa mga distraksyon upang manatiling nakapokus sa nakaatas na gawain-
halimbawa nito ang pag-alaala sa pagkakasunod-sunod ng direksyon habang nagmamaneho.
Sa batayang pang-edukasyon at pangwika ay inulit lang ang alam na ng lahat na (1) mas
mabilis matutong bumása ang batà pag unang wika ang ginamit; (2) ang batàng natutong bumàsa
at sumulat sa unang wika ay mas mabilis matutong bumàsa, sumulat, at magsalita sa ikalawa at
kahit ikatlong wika; (3) ang batàng natutong bumása at sumulat sa unang wika ay mas mabilis
matuto ng ibang kompetensi.
Ang bago ay ang pagkilála sa Mother Tongue-Based Multilingual Education bilang
“fundamental educational policy and program” ng Kagawaran sa buong panahon ng edukasyong
pormal kasama ang pre-school at ang Alternative Learning System (ALS). Kaugnay nitó, iniaatas
sa unang tatlong taon ang implementasyon ng tinatawag na “MLE Bridging Plan,” isang plano
para sa pagbuo at produksiyon ng mga kagamitang panturo sa mga itinakdang wika ng paaralan,
dibisyon, at rehiyon, lalo na sa panimulang pagbabasá at panitikang pambatà, at ang paggamit ng
unang wika ng mga mag-aaral bilang pangunahing wikang panturo (MOI) mula pre-school
hanggang Grade 3.
Sa plano, ang Filipino, Ingles, at iba pang dagdag na wika ay ipakikilála bilang bukod na
sabjek sa isang maingat at sistematikong paraan at hindi dapat mangyari ito bago mag-Grade 2.
Kung handa na ang mag-aaral, unti-unting gagamitin bilang wikang panturo ang Filipino at
Ingles mulang Grade 3. Sa antas sekundarya, bumalik sa Patakarang Bilingguwal dahil Filipino
at Ingles ang magiging pangunahing wikang panturo. Patuloy na gagamitin ang unang wika
bilang auxiliary medium of instruction. At pinatunayan na ng mga eksperimento noon pa sa iba’t
ibang lugar ng Filipinas na epektibo ang paggamit ng wikang katutubo—kahit na ang wikang
pambansang Filipino—sa pagtuturo kaysa Ingles. Kayâ katawa-tawa na parang ngayon lang
nágisíng at natuklsan ng DepEd ang halaga ng paggamit ng wikang katutubo sa edukasyon.
7. MASUSING TALAKAYIN ANG PAGKAKAIBA NG TAGALOG, PILIPINO AT
FILIPINO
Hindi natin maipagkakailang hindi lahat sa atin ang nakakaalam kung ano ang ating
pambansang wika. Kung tatanungin nga siguro ang lahat ng mga mag-aaral sa elementarya, may
mga magsasabi pang tagalog, o di kaya nama’y tatahimik na lamang dahil sa pagkalito. Tagalog
nga rin ang tawag ng mga foreigners sa ating pambansang wika. Ilang taon na rin ang
nakakaraan ng ito’y baguhin mula Pilipino (na batay sa Tagalog) sa pagiging Filipino, ngunit
masasabi pa rin nating hindi pa rin tayo nakakawala sa anino ng Tagalog.
Tagalog ang sinasalita ng maraming Pilipino sa pagdating nina Miguel Lopez de Legaspi
noong 1565 sa Maynila. Mahihinuhang ang Tagalog ay isang wikang natural at may sariling mga
katutubong tagapagsalita.
Nang idineklara ni Presidente Manuel L. Quezon ang Wikang Pambansa na batay sa
Tagalog noong Disyembre 30, 1937 sa pamamagitan ng Executive Order No. 134, maraming
umalma at tumutol na mga mamayan ng bansa.
Ang Surian ng Wikang Pambansa ang naatasang pumili ng isang katutubong wika na
gagamiting basehan para sa pagbabalangkas at pagpapatibay ng wikang pambansa. Ang Surian
ng wikang pambansa ang siya ring inatasan na magbigay ng preperinsiya sa pinakamaunlad sa
kayarian, nilalaman at panitikan na tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming bilang ng mga
Pilipino.
Gumawa ng rekomendasyon sa Pangulong Manuel L. Quezon ang Surian ng Wikang
Pambansa na ang tagalog ang gawing saligan ng wikang pambansa. Ang Tagalog, diumano ang
tumutugon sa lahat halos ng kinakailangan ng Batas Komonwelt Blg. 184.
Taong 1943 nang tinukoy na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino, na ibabatay
sa Tagalog, alinsunod sa ipinasa ni kalihim Jose Romero (Department Order No. 7) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Simula 1959, ito na rin ang ginamit sa pagtuturo sa paaralan, ngunit
nahinto nang pagtibayin ang wikang Filipino bilang Wikang Pambansa alinsunod sa Article 14
Sec. 6 ng 1987 Konstitusyon.
Nang ipinatupad ang ang pagiging pambansang wika ng wikang Pilipino, umani ito ng
malakas na pagtutol. Ang pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay lumikha ng
malakas na oposisyon sa mga di-tagalog at pro-ingles. Madalas naipapahiwatig ang oposisyong
ito sa mga sulat sa editor ng mga peryodikal at sa mga paulit-ulit na habla at salita laban sa
Pilipino. Sa paggamit ng Pilipino na batay sa Tagalog, ang mga di-Tagalog ay nakadarama ng
damdaming kakulangan o ng damdaming napapailalim sa mga Tagalog.
Ngunit sa likod ng mga tabing masisilayan kung bakit ibinatay ang pambansang wika sa
Tagalog. Sa katunayan, Tagalog ang piniling saligan ng Wikang Pambansa sa kadahilanang ito’y
nahahawig sa maraming wikain sa bansa.
Ang wikang Filipino ang ating kasalukuyang wikang pambansa at wikang opisyal na
ginagamit bilang transaksyunal na wika sa mga pang-gobyernong pasilidad at
opisina.Pambansang lingua franca kung ito rin ay maituring. Ang salitang lingua franca ay mula
sa salitang aleman na nangangahulugang working language na ang ibig sabihin ay isang wikang
nag-uugnay sa mga taong may kanya-kanyang dayalek. Ang pagiging lingua franca ng isang
wika ay ang pagiging pangalawang wika nito kung saan ito ay nagiging midyum upang ang mga
may iba’t-ibang dayalek ay magkaintindihan. Hindi sila magkakaunawaan kung gagamitin nila
ang kanilang sariling dayalek, ngunit kung gagamitin nila ang wikang Filipino na siyang lingua
franca ng ating bansa, ang komunikasyon ay nagiging posible.
8. ANG PAGIGING MADALI AT PAGIGING MABILIS NG PAGKATUTO NG
PANGALAWANG WIKA AY NAKASALALAY SA IBA’T IBANG SALIK TULAD NG
EDAD, TALINO AT MOTIBASYON. TALAKAYIN.
Ang kahalagahan ng wika’y hindi matatawaran bilang kasangkapan sa pagkatuto.
Natututong magsalita ang mga bata ayon sa wikang naririnig niya sa kanyang mga magulang.
Unang wika ng bata ang kanyang katutubong wika. Sa pagmulat ng kanyang kamalayan sa
pamilyang kanyang kinabibilangan, nagsisimula niyang matutunan ang wikang ginagamit ng
bawat miyembro ng pamilya sa pakikipag-usap sa kanya at saiba pa.
May mga Filipinong natututo sa pangalawang wika - dahilan sa kanilang matiyagang
pakikinig sa mga palatuntunan sa radyo, telebisyon, pagdalo sa mga pulong, at pakikihalubilo sa
mga marunong sa ibang wika - ay nakauunawa ng pangalawang wika kahit wala silang
kakayahang gamitin nang tuwiran.
Ayon kay Diebold, ang tawag dito’y nagsisimulang bilinggwalismo. Katulad din ito ng
reseptibong bilinggwal na kahit di marunong magpahayag sa pangalawang wika, ay
naiintindihan naman ang impomasyong nakapaloob sa banyagang wika.
Kung ang panahon naman ng pagkakatuto sa dalawang wika ating susuriin,
kinakailangang tingnan ang edad ng kanilang pagiging bilinggwal. Isa na rito ang pagiging
bilinggwal sa kamusmusan o magkasabay na pagkatuto sa dalawang wika. Ang ganitong
pagkatuto ay mahirap maganap maliban na lamang kung ang batang nag-aaral ng dalawang wika
ay anak ng isang banyagang Amerikano at isang Pilipino. Sa kapaligiran ng bata ay nakatitiyak
tayo na sabay niyang matutuhan ang dalawang wika.
Sa kabilang dako, ang isang batang Pilipino na nagsimulang pumasok ng paaralan ay
pormal na tinuruan ug mga bagay sa wikang banyaga. Tinatawag itong bilinggwal sa kabataan.
Masasabing sapat na ang kanyang kaalaman sa kanyang unang wika.
Kapag tinawag na bilinggwal sa kabataan o katandaan, sinasabing ang kanyang pagkatuto
sa pangalawang Wika ay nagsimula sa hayskul o kolehiyo. Kasama rin dito ang pag-aaral sa
ibang bansa. Makikita rim ang bilis ng pagkatuto sa ikalawang wika.
Naranasan ng maraming mag-aaral na Pilipino sa hayskul ang patakarang “English Rule"
o ang pagsasalita ng wikang Ingles sa loob ng klase at maging sa labas ng paaralan kung may
pasok. Ang sinumang lumabag dito'y pinagmumulta ayon sa kanilang napagkasunduan. Hindi
masasabing ito’y labag o laban sa wikang Filipino sapagkat lumalabas na ito’y isang pagdisiplina
upang matuto ng wikang Ingles.
Ang pagiging madali at pagiging mabilis ng pagkatuto ng pangalawang wika ay
nakasalalay sa iba’t ibang salik tulad ng edad, talino at motibasyon. Nakadepende ang pagkatuto
sa kung ilang taon na ang isang tao, dahil sa paaralan, matututunan lamang ang ikalawang wika
sa panahong ang bata ay tumuntong na sa elementarya lalo na sa ika-apat na baitang dahil ang
mga baitang isa hanggang tatlo ay ginagamitan ng katutubong wika o ang unang wika o iyong
Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE). Pagdating naman sa talino at
motibasyon, mas madaling natututo ang mga taong mayroong kaalaman at pagnanais matuto pa
ng ibang wika. Sa pakikipag-usap sa mga tao sa komunidad na tinatapakan, magkakaroon ang
isang tao ng pagnanais na matuto sa wikang sinasalita ng mga ito upang maunawaan at
magkaroon ng maayos o malinaw na komunikasyon sa isa’t isa. Nang sa gayon, mas madali niya
ring makilala ang komunidad lalo na ang mga kultura ng mga naroroon. Ito ay upang hindi rin
ATAS TAGAPAGPAGANAP BLG 335

sila mabiktima ng panloloko o pananamantala mula sa mga taong haling ang kaluluwa o may
maitim na bala sa mga taong lam nilang wala pang alam o hindi nakauunawa sa wikang kanilang
ginagamit.
9. (L2 ACQUISITION GRADUALLY DECLINES WITH AGE). IPALIWANAG.
Ang edad ay may kinalaman sa pagkatuto ng Second Language ng isang tao.
Sa edad na 18 buwan, nakikilala ng iyong sanggol ang kanyang pangalan at magiging
mas pinagkakatiwalaan na ipaalam sa iyo kung ano ang kailangan niya gamit ang mga kumpas
ng kamay, mga tunog at ilang mga wika.
Maaari niyang ipahayag na nagugutom at inaantok.Sasabihin niya saiyo kung gusto
niyang maglaro, pumunta sa labas, o gawin ang isang bagay sa kanya.
Dahil naaalala niya ang mga bagay ng mabuti, marami din siyang nararamdaman. Kapag
kinuha mo ang isang bagay sa kanya na nilalaro niya, maaari siyang umiyak ng matagal, kahit na
alukin mo siya ng ibang nakalilibang na mga laro dahil naaalala parin niya na natutuwa siya sa
isang bagay.
Ang iyong 18 buwan ang edad ay interesadong interesado sa tao—matatanda at mga bata.
Gusto nilang maging pamilyar sa matatanda at tumagal ng ilang saglit upang magsanay sa ibang
tao. Siya din ay interesado sa ibang mga bata at maaaring ipakita saiyo sa pamamagitan ng
paglalakad at paglalaro ng magkaagapay sa kanila, kumuha ng kanilang mga laruan o panoorin
sila mula sa malayo.
Ang isang batang matatas sa wikang Filipino bilang kanyang pangalawang wika ay angat
sa karaniwan. May kakayahan siyang makipag-ugnayan sa kahit kanino sa ating bansa. Ang
unang wika o mas kilala sa tawag na katutubong wika (kilala rin bilang inang wika o arteryal na
wika) ay ang wika na natutunan natin mula ng tayo ay ipinanganak. Batayan para sa
pagkakilanlang sosyolinggwistika ang unang wika ng isang tao.
Ayon sa dalubwika, ito ay tumutukoy sa alinmang wikang natutuhan o nasuso sa
magulang ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling
wika o ang kanyang unang wika. Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila
at nagagamit ang wikang Filipino. Kaya naman kailangan ang patuloy na paglinang sa
kakayahan ng mga bata na magamit ito araw-araw sa kanilang pamumuhay.
Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang
magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung tatanungin muli ako
kung bakit mahalaga ang pagtuturo ng Filipino sa mga bata, ito ang aking tugon.
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang magtataguyod ng wikang magbubuklod sa
ating mga Pilipino at magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga Pilipino.
Sila rin ang magpapamalas sa buong mundo kung gaano kaganda at kayaman ang ating wika at
kultura. Nararapat lamang na matutuhan nila ito.
Ayon sa ilang pag-aaral, ang pagsasalita ng ikalawang wika ay nakapagpapataas ng
kakayahang mag-isip ng isang tao. Lumabas pa sa ilang pag-aaral na ang mga taong bihasa sa
pagsasalita ng dalawang wika ay kakikitaan kaagad ng mga sintomas kung magkakaroon ng sakit
na Alzheimer apat hanggang limang taon bago pa ito magkatotoo kumpara sa mga taong
gumagamit ng isang wika lamang.
May ilan pang pag-aaral na ang bata ay madaling matuto ng pangalawang wika sa edad
na labing isa at humihina sa edad na pitumpu (70).
Makikita pa sa ilang pag-aaral ang benepisyo o magandang naidudulot ng pagkatuto ng
ikalawang wika ay ang pag-iwas sa paninigarilyo.
Malaking tulong sa performans ng utak ng tao ang pagkatuto ng pangalawang wika.
Pinaaaktibo nito ang utak ng isang tao, pinagagana ang lahat ng mga salitang nakaimbak galing
sa pangalawang wika bago maglabas ng ekspresyon.
10. TALAKAYIN AT IPALIWANAG ANG NILALAMAN NG ARTIKULO IV SEKSYON
7 NG KONSTITUSYON NG 1987

ARTIKULO IV SEKSYON 7 NG KONSTITUSYON NG 1987


“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at ng pagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino, at hangga't walang itinatadhana ang batas,Ingles.
Ang mga wikang opisyal sa mga rehiyon ay magsisilbing pantulong sa mga wikang
panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.”
Sinasabi lamang nito na ang Filipino at Ingles ang mga wikang opisyal na
dapat gamitin sa komunikasyon at pagtuturo sa mga paaralan. Kaya Filipino ang
wikang ginagamit bilang midyum ng sa pagtuturo sa mga asignaturang may
kinalaman sa kultura at pagpapahalagang Pilipino (Filipino, Edukasyon ng
Pagpapakatao at Araling Panlipunan) at Ingles naman sa natitira pa (Mathematics,
Science, MAPEH at English).
Nauungkat lamang muli ang usapin sa wikang Filipino kapag pinagmasdan ang
pinakabagong dalawampung pisong papel na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Nakasaad
doon ang “Filipino as the National Language 1935” ngunit itinatanong ng ilan ang katumpakan
ng gayong pahayag.
Sa bisa ng Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso “ay inaatasang magpaunlad at
magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika” (akin ang diin). Ibig sabihin, wala pa noong ahensiya ng pamahalaan na mangangasiwa o
magpapalaganap ng mga patakaran hinggil sa pambansang wika. At wala pa ring napipili noong
1935 kung aling katutubong wika ang magiging batayan ng pambansang wika.
Mababatid lamang ang halaga ng pambansang wika kapag isinaalang-alang na ang
Espanyol at Ingles noon ay umiiral bilang mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Ang siniping
probisyon sa Saligang Batas ng 1935 ay ipinaglaban ng mga delegado sa Kumbensiyong
Konstitusyonal na hindi Tagalog.
Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang Asamblea noong 27
Oktubre 1936, sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang may isang
nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.”
Lalong pinalakas ang edukasyong bilinggwal sa Pilipinas sa tadhana ng Artikulo XIV,
Seksyon 7 ng Saligang Batas ng 1987. Isinaad dito na sa mga layuning pangkomunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles, hangga't hindi binabago ng
batas.
At bilang pag-alinsunod sa Saligang Batas ng 1987, pinagtibay ang Kautusang
Pangkagawaran Big. 52, seryeng 1987, hinggil sa patakarang edukasyong bilinggwal na
naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa pagtuturo ng wikang Filipino at Ingles at magamit
ding itong midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas ng paaralan.
Tungkulin ang patakarang edukasyong bilinggwal na pahusayin ang pagkatuto sa
pamamagitan ng dalawang wika (Filipino at Ingles) upang matamo ang mataas na uri ng
edukasyon gaya ng hinihingi ng konstitusyoug 1987; palaganapin ang Filipino bilang wika ng
literasi; paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang linggwistikong sagisag ng pambansang
pagkakaisa at pagkakakilanlan; at patuloy na intelektwalisasyon ng wikang Filipino. Pino ang
Ingles at bilang di-eksklusibong wika ng agham at teknolohiya.
Samantala, ang wikang panrehiyon o ang mga pangunahing wika ang tumutulong sa
pagtuturo upang magtagumpay sa mga paaralan katulong ng mga opisyal na wikang Filipino at
Ingles. Ang Kastila at Arabic ay pamimilian lamang kung gustong gamitin sa pakikipagtalastasan
at sa edukasyon.
MGA KOGNITIBONG EPEKTO NG BILINGGUWALISMO

“Kapag kinausap mo ang isang tao sa wikang nauunawaan niya, pumapasok sa kanyang
kaisipan ang mensahe. Ngunit kapag kinausap mo siya sa kanyang katutubong wika, ito ay
tumatagos sa kaibuturan ng kaniyang puso.”- NELSON MANDELA

“ May mga nagsasabing ang Filipino ay kapamilya. Samantalang maituturing namang


kaibigan ang Ingles. KRUPSKAYA M. AÑONUEVO

Mula kamusmusan at sa pagkamulat ng ating kaisipan tayo ay may likas na salita o


wikang nakagisnan. Ito ay ang mga wikang katutubo ng kung tawagin ng marami ay
inang wika o unang wika.
Ayon sa mga pag-aaral, ang bawat indibidwal ay may isa o dalawang lenggwahe na
natutunan o nadedebelop. Ito ang kanilang nagiging gabay at sandata upang masigurado ang
isang maayos na pakikipagtalastasan sa loob o labas man ng ating bansa.
Ang bilinggwalismo ay ang paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika. Mula sa
partikular na rehiyon o probinsiya na ating kinabibilangan, tayo ay may sariling dayalektong
ginagamit sa loob ng ating tahanan.

Mga Halimbawa ng Bilinggwalismo


Sa asignatura ng mga primarya at sekondaryang antas ng mga mag- aaral, isinabatas
ng gobyerno ang paggamit ng Bilingwal na Patakaran ng Edukasyon o ang BPE. Ingles at
Filipino ang pangunahing wika na ginagamit, ngunit may mga bago na ring kurikulum na kung
saan ang mga texto ng mga aklat at iba pang uri ng babasahin ay nilimbag na gamit ang
bilinggwalismo na uri ng wika.
Sa ating pang araw-araw na gawain sa buhay, dito man o sa iba pang parte ng mundo,
napakahalaga sa atin ang may kaalaman ng iba pang uri ng wika bukod pa sa ating sariling
gamit. Walang masama kung matuto man tayo ng iba pang global na salita.
Maging sa pagtuturo at pakikipagtalastasan ng mga guro sa kanilang mga estudyante ay
ipinalalaganap na rin nila ang paggamit ng bilinggwalismo. Ito ay sa kadahilanang mas madali
nilang maipaunawa o maipaintindi ang mga bagay na mahirap maintindihan ng ibang mag-aaral
sa wikang Ingles.
MGA PANANAW NG ILANG LINGGWISTA SA BILINGGUWALISMO

Mga kuru-kuro at paliwanag kung bakit nagkakaroon ng bilinggwal:

1. GEOGRAPHICAL PROXIMITY

Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng dalawang magkalapit nakomunidad na may


magkaibang wika ay maaaring magdulot ng isang bilinggwal nalipunan. Ito ay dahil sa palipat-
lipat ng mga taong naninirahan dito. Kung magkagayon, bitbit din nila ang kani-kanilang wikang
sinasalita.
2. HISTORICAL FACTORS

Ito naman ay tumutukoy sa mga pangangailangan ng taopartikular na sa gamit ng


informasyon o mga gawaing pampananaliksik. Ito ay dahilsa kagustuhan ng tao na makakuha ng
mga informasyon! napipilitan silang pag-aralan ang ibang wika.

3. MIGRATION

Ang palipat-lipat na tirahan ay nagbubunsod din ng pagkatuto ngibang wika. Magsisilbi


itong survival para sa kanila.

4. RELIHIYON
Ang relihiyon ay nagtataglay rin ng malaking faktor tungo sa pagkatuto ng ibang wika.
May mga relihiyon kasi gaya ng Islam na mahigpit na pinananatili ang gamit ng wika kung saan
5. PUBLIC INTERNATIONAL
nasusulat ang RELATIONS
kanilang iskriptyur.
Ito naman ay tumutukoy sa mga ugnayang-panlabas ng isang bansa tungo sa
ekonomikong pag-unlad nito. Dahil dito, nagkakaroon ng tiyak na pangangailangan ang isang
bansa na malaman ang iba’t ibang konsepto ng ibang bansa na nasusulat sa wikang banyaga.
Kung babalikan ang kasaysayan, panahon pa lamang ng Kastila ay marami nang
Pilipinong bilinggwal. Hindi pa nga lamang ito ganap na formalisado.
Mula sa mga pahayagan hanggang sa mga maliliit na lathalain na naipalabas noon gamit
ang mga wikang vernakular at wikang kastila. Masasabing mayroon nang oryentasyon ang
lipunang Pilipino noon pa man kaugnay sa konsepto ng bilinggwalismo.
Naging formal lamang ang lahat nang ipatupad ng National Board of Education taong
1973 D.O. No.25, 1974 na may pamagat na “Implementing Guidelines for the Policy on
Bilingual education.
Layunin ng order na ito na makadevelop ng isang lipunang may sapat na kakayahan sa
gamit ng dalawang wikang malawakang nagagamit sa Pilipinas: Ingles at Filipino (na noon ay
Pilipino. Binigyan ang dalawang banggit na wika ng kani-kanilang papel sa larangan ng
edukasyon sa Pilipinas mula elementarya, hayskul hanggang sa level tersyarya.
Batay sa order, anumang aralin na tahasang tatalakay sa kultura ay nararapat na ituro sa
Filipino. Samantala ang matematika at mga aralin sa natural sciences ay sa Ingles naman ituturo.
Subalit maaari pa rin namang gamitin ang Filipino lalo na sa pagpapaliwanag ng mga aralin
tungo sa lubos na pag-unawa.
Epekto ng Bilingguwalismo:

1. madaling naiaangkop ng isang indibidwal ang sarili sa kausap.


2. nagiging madali at epektibo ang komunikasyon
3. binubuwag ang pader sa pagitan ng taong maka-Filipino at maka-Ingles sa lipunan
4. Ang mga batang bilingguwal noon at sa kasalukuyan ay nakauunawa ng tama sa mali
at nagagamit nila ang wika nang tama at nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon.
5. nagkakaroon ng matalas na memorya at kakayahang lumutas ng suliranin sa wika

MGA BANSANG BILINGUAL

*United States/ - Korea


United Kingdom/ - - Ryukyuan at Korean
China - *India
- English at Chinese - Malaysia
- *Spain - - Hindi at Malay
- Portugal - *Hongkong
- - Spanish at Portuguese - - English at Chinese
- *Japan - *Netherland
- - English at Dutch - - English at Filipino
- *Philippines

BILINGGUWALISMONG PANG-ISAHAN AT
BILINGGUWALISMONG PANLIPUNAN

INDIVIDUAL BILINGUALISM

- ito ay tinatawag ding multilingguwalismo.


- karaniwang tumutukoy sa kaalaman at kakayahan ng tagapagsalita na gumagamit pa ng
tatlo o higit pang mga wika.
SOCIETAL BILINGUALISM
- panlipunang bilingguwalismo
- Ang mga tao sa bansang ito ay gumagamit at nakauunawa ng higit sa isa, dalawa o
maraming wika.
- Halos lahat ng mga bansa sa daigdig ay masasabing kabilang sa lipunang
bilingguwalismo.

CANADA
- French
- English
- Indigenous language of Inuit and Indian Citizens
SWITZERLAND
- French
- German
- Italian
- Canton-official language
PILIPINAS
- Filipino
- English
- Walong pangunahing wika
- Katutubong wika
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BILANG 335
Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon

Ang Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon, na tinatawag ding Komisyon sa Lalong


Mataas na Edukasyon o Commission on Higher Education) (CHED), ay isang ahensiya ng
pamahalaang kaugnay sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas para sa mga layuning
pampangasiwaan.
Sumasaklaw ito sa kapuwang pampubliko at pampribadong mga institusyon ng mas
mataas na edukasyon gayon din ng mga kursong inaalok sa lahat ng mga institusyong pang-
edukasyon ng mas-mataas na edukasyon sa bansa.

Republic Act Bilang 7722

- batas na kilala bilang Higher Education Act of 1994 dahil nilagdaan noong 1994 at
lumikha sa Komisyon sa Mataas na Edukasyon.
Nagsasaad na ang CHED ay kailangang nagsasarili at hiwalay sa DECS at nakaugnay sa
Tanggapan ng Pangulo para lamang sa mga administratibong layunin.
Nasasakop nito ang mga pribado at pampublikong institusyon sa lalong mataas na
edukasyon gayundin sa mga programang nagkakaloob ng digri sa lahat ng post secondary
educational institution, pampubliko o pampribado.
Una sa mga hakbang na isinasakatuparan ng CHED ay ang baguhin ang General
Education Curriculum (GEC) sa mga pantersyaryang kurso patungo sa Batsilyer na digri na may
apat na taong pag-aaral.
Isinagawa ito upang gawing higit na makatugon ang kurikulum sa mga pangangailangan
sa susunod na milenyo.
Ang mga kailangan sa bagong GEC ay nakapaloob sa CHED Memorandum Order No.
59, s.1996.

BATAS REPUBLIKA
BLG. 10533
Ang kurikulum ay kinakailangang umayon sa mga prinsipyo at balangkas ng Edukasyong
Multilingguwal na Batay sa Inang Wika (MTB-MLE) na nagsisimula kung saan nagmumula ang
mga mag-aaral at kung ano na ang alam nila, umuusad mula sa alam patungong di-alam;
kinakailangang may mga materyales na panturo at mga gurong may kakayahang ipatupad ang
kurikulum na MTB-MLE.
Para sa layuning ito, tumutukoy ang MTB-MLE sa edukasyong pormal o di-pormal kung
saan ay ginagamit sa silid-aralan ang inang wika at karagdagang mga wika ng mag-aaral;

Midyum ng Pagtuturo at Pagkatuto

Sang-ayon sa mga Seksiyon 4 at 5 ng Batas, ipahahatid ang batayang edukasyon sa mga


wikang nauunawaan ng mga mag-aaral sapagkat may estratehikong papel na ginagampanan ang
wika sa paghubog sa mapagbuong mga taon ng mag-aaral.
Huhubog ang kurikulum ng kasanayan sa Filipino at Ingles, basta at magsisilbing
pundamental na wika ng edukasyon ang una at nangingibabaw na wika ng mag-aaral.
Para sa kindergarten at sa unang tatlong (3) taon ng edukasyong elementarya, ang
pagtuturo, mga materyales sa pagtuturo at pagtatasa ay sa wikang rehiyonal o katutubo ng mga
mag-aaral.
Magbubuo ang DepEd ng isang programa sa transisyon mula ina/unang wika patungo sa
mga wika ng kurikulum na angkop sa kakayahan at pangangailangan ng mga mag-aaral mula
Baitang 4 hanggang Baitang 6.
Unti-unting ipakikilala ang Filipino at Ingles bilang mga wika ng pagtuturo hanggang sa
ang dalawang (2) wikang ito ang maging mga pangunahing wika ng pagtuturo sa antas.
Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran/ kawanihan/ opisina/ ahensya/ instrumentaliti ng
pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino
sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at korespondensya.
SAPAGKAT itinadhana ng Konstitusyon ng 1987 na “ang wikang pambansa ng Pilipinas
ay Filipino”; na “samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika”at ukol sa “mga layunin ng komunikasyon
at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana
ang batas, Ingles”
SAPAGKAT sa pamamagitan ng puspusang paggamit ng wikang Filipino sa opisyal na
mga transaksyon, komunikasyon at korespondensya sa mga opisina ng pamahalaan ay lalong
mauunawaan at mapapahalagahan ng sambayanang Pilipino ang mga programa, proyekto at mga
gawain ng pamahalaan sa buong bansa, at sa gayon ay magsisilbing instrumento ng pagkakaisa
at kapayapaan para sa pambansang kaunlaran.
1. Magsakatuparan ng mga hakbang para sa paggamit ng Filipino sa opisyal na
komunikasyon, transaksyon at korespondensya sa kani-kanilang opisina, maging nasyonal at
local;
2. Magtalaga ng isa o higit pang tauhan, ayon sa pangangailangan, sa bawat
tanggapan upang mangasiwa sa mga komunikasyon at korespondensya na nasusulat sa Filipino;
3. Isalin sa Filipno ang mga pangalan ng opisina, gusali at edipisyong publiko, at
mga karatula ng lahat ng opisina at mga dibisyon nito o instrumentaliti ng mga iyon at, kung
nanaisin, ilagay sa ibaba nito sa maliliit na letra ang tekstong Ingles;
4. Isa-Filipino ang “Panunumpa sa Katungkulan” ng lahat ng mga pinuno at tauhan
ng pamahalaan;
5. Gawing bahagi ng programa ang mga pagsasanay ukol sa pagpapaunlad
pantauhan ng bawat opisina ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at
korespondensya opisyal.
Upang maisakatuparan ang gayong mga layunin, inaatasan ang Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas na bumuo at magsagawa ng programa at mga proyekto na sumasaklaw sa:
1) kampanyang pang-impormasyon tungkol sa kahalagahan at kabuluhan ng wikang
Filipino bilang epektibong instrumento ng pambansang pagkakaisa at pagpapaunlad,
2) Pagsasalin sa Filipino ng Atas Tagapagpaganap na ito, gayundin ng mga katawagang
pampamahalaan upang maging sangguniang babasahin ng lahat ng opisina
3) pagsasanay ng lahat ng mga pinuno at tauhan ng pamahalaan,
4) pagmomonitor ng implementasyon ng Atas na ito at pagrereport sa pana-panahon ng
progreso ng implementasyon sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, sa pamamagitan ng
Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports,
at 5) pagsasagawa ng iba pang mga istratehiya para sa puspusang implementasyon ng
mga layunin at Atas na ito.
Kaugnay nito, inaawtorisahan ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na sangguniin at
hingan ng suporta ang lahat ng mga kagawaran/ kawanihan/ opisina/ ahensya/ instrumentaliti ng
pamahalaan, nasyonal at local.
Pagsusuri sa akdang “Geyluv” ni Honorario Bartolome De Dios

Kahulugan ng Pamagat
Ang Geyluv ay mula sa orihinal na salitang gay love. Kung ating susuriin sa pamagat pa
lang ng istorya ay mahihinuha agad na ito ay umiikot sa pagmamahal ng isang bakla o isang
lalaking may pusong babae.

Maganda ang nilalaman o ang pagkakabalangkas ng pangayayari sapagkat and may akda
ay gumamit ng mga salitang madaling maintindihan at maayos ang pagkakasunodsunod.
Maganda ang istilo ng akda sapagkat sa pamagat pa lamang ay mapapaisip ka na ,
naikumpara niya ng maayos ang buhay ng tao sa manibela.

Pagpapakilala sa May-akda
Si Honorio Bartolome De Dios ang may-akda ng Geyluv. Siya ay mula sa
Marilao,Bulacan. Siya ay nag-aral ng Sociology sa Maynila. Maaga siyang namulat
sakabaklaan.Nag-aral siya sa loob ng seminaryo kung saan niya napagtantoang nais niyanggawin
sa kanyang buhay. Siya ay sampung taon napabilang sa development work. Napabilang siya sa
mga pangmasang gawain na tumataguyod sa karapatan ng at bahaging kabaklaan sa lipunan.
Siya ay nagtuturo bilang isang part-timer sa Ateneo De ManilaUniversity. Sa ngayon patuloy pa
rin siyang naghahanap at pinapalawak ang karanasan sa pamamagitan ng kanyang mga panulat
upang itaguyod ang karapatan ng mga bakla salipunang mapanghusga. IBA PANG MGA AKDA:
- Eulohiya - Sumpang tag-araw

Pagpapakilala sa Tauhan
Mike- Siya ay isang mamamahayag at straight na lalaki na napalapit nang husto
kayBenjie.
Benjie- Program officer sa opisinang pinapasukan. Kilala bilang isang mataray na
baklangunit mabait. Matalik na kaibigan ni Mike at nangangarap ng true love ngunit
takotmasaktan dahil sa mga nagging karanasan sa pag-ibig.
Joana- Kaibigan at katrabaho ni Benjie na may gusto kay Mike.
Carmi- Maganda at seksing babae na dati at huling nagging karelasyon ni Mike

Mga Paksa
Pagkakaibigan - laging nariyan si Mike at Benjie para sa isa't isa lalo na sa panahong may
suliranin ang isa sa kanila
Patas na tingin sa tao - hindi naging hadlang Mike ang kasarian ni Benjie
Karapatang sa pagmamahal - lahat ng tao ay may karapatang magmahal at mahalin
Dalawang perspektibo ng kuwento- naipakita ang panig ng dalawang pangunahing tauhan
ukol sa mga naganap na mga pangyayari sa kuwent

BUOD
Ang kuwento ay umiikot sa matalik na magkaibigang sina Mike at Benjie. Si Mike ay
isang straight na lalaki at si Benjie naman ay isang aminadong bakla. Sila ay nagkakilala sa isang
media party at magsimula ng pangyayaring iyon sila ay naging matalik na kaibigan. Ang bawat
isa ang naging hingahan nila at higit pa sa kabigan ang naging turingan nila dahil sa likas na
kabaitan ni Benjie at paguunawa sa isa’t isa.
ahat tayo ay may patutunguhan kung anuman ang ating adhikain sa buhay. Mapasama
man ito o mapabuti ang ating kinanalagyan ay dulot ito ng ating pakikipagsapalaran sa buhay.
Ang mahalaga sa ating paglalakbay ay may patutunguhan tayo. Natututo tayo sa
pakikipagsapalaran at natututo tayo sa ating mga pagkakamali. Ayaw naman natin sa mga
pagkakamaling iyon ay ating nauulit dahil na rin sa ating pagpupursige na malagpasan kung
anuman ang ating balakin sa ating buhay. Hindi natin alam at ‘di tayo sigurado sa mga bagay na
ating pinag-aalinlangan. Marahil nakadarama tayo ng kawalang kasiguraduhan sa ating mga
ginagawa dahil hindi natin pinagbubuti ang ating mga ginagawa.
Tayo ang gumagawa ng sarili nating patutunguhan, natututo tayo na mag-isa at
humakbang para sa sarili nating kapakanan. Walang Gawain at bagay na sadyang itinakda para sa
atin. Kailangan nating kumilos para magkaroon ng katuparan ang ating mga pangarap at
kapalaran. Sino bang tao ang nakakaalam ng kanyang kapalaran? Wala…! Walang nakakaalam
ng mga pangyayari sa darating na bukas. Kung gusto nating makadama ng kaginhawaan hindi
tayo aasa sa gawain ng iba bagkus ating paghirapan ang mga bagay na gusto nating makamtam.
Hindi lalapit sa atin ang mga bagay na ating gugustuhin, sadya itong pinagpapawisan para
makadama tayo ng kaginhawaan. Basta’t lagi nating iisipin na walang bagay na sadyang inilaan
sa atin ng Panginoon.
Ang bawat bagay dito sa mundo ay hindi makukuha kung hindi mo
pinaghihirapan. Katulad na lamang ng kasaganaan sa buhay. Hindi natin makakamtan kung hindi
tayo kikilos. Nagtatrabaho nga tayo kung ang lahat ng ating pinaghihirapan ay nalulustay lagi sa
sugal at bisyo na kung anuman ay wala ring magyayari. Isipin na lang natin ang ating mga mahal
sa buhay, sa halip na pambili na lamang ng pagkain ng pamilya’y ginagastos sa wala namang
kwentang bagay. Ang buhay nga ay parang sugal kailangan mong makipagbuno sa hamon ng
kapalaran bago ka makalalasap ng buhay na kaginhawaan. Masinop at masipag lamang ang
nagkakamit ng tagumpay dahil ang adhikain nila’y tunay na pinaninindigan sa buhay. Kaya ang
lahat ng bagay ay sadyang nakadepende kung anong aksyon ang ating gagawin. Ang kailangan
lang ay maniwala tayo sa ating sarili na kaya natin ang mga bagay na sadyang nagpapahirap sa
atin. Kaya natin ito kaibigan.

Suring Basa
Ang pagsulat na ginamit ng may akda ay ang paraang bilingguwal .Ginamit ang code
switching at code mixing sa mga pahayag at pangungusap.
Halimbawa: Miss, bill namin
Don’t worry, Mike. Okey lang ako.
Okey. Good night. I’ll call you up later.
At ang balak ko talaga, habang panahon ko na siyang di kausapin, after that trying-hard-
to-be-romantic evening. Diyos ko, ano ba naman ang aasahan ko kay Mike ano?
Magpatulong daw kami sa media projection ng aming mga services. I-invite raw namin
sa office. Panay ang projection ng luka-luka.
At ang Mike naman, napaka-accomodating, sagot nang sagot. Pagdating naman sa
Pampanga, bigla nga akong nag-ayang tumigil para mag-soft drink. Kailangan ko na kasing
manigarilyo nang mga oras na iyon. Tense na ako.
Well, if you don’t respect me as a person dahil bakla ako, mag-isa ka. I don’t care. ‘Yun
ang usual defense niya ‘pag may nanlalait sa kanyang macho.
I’ve been betrayed before, and I won’t let anybody else do the same thing to me, again.
Ever!
May negative reactions agad siya ‘pag nagiging malapit at sweet sa kanya ang mga lalaki.
At halata ang galit niya sa mga taong nate-take advantage sa mga taong vulnerable. Tulad
noong nakikinig siya sa interview ko sa namamahala ng evacuation center sa isang eskuwelahan
sa Zambales. Alam na raw ng mga namamahala ng center ang gustong mangyari ng babae: ang
makunan siya ng litrato at video habang kunwa’y pinagkakaguluhan ng mga biktima—unat man
o kulot. Nasunod ang gusto nung babae, ngunit ang mga unat lamang ang nagkagulo sa kanyang
dalang relief goods. Ayon sa namamahala ng center, nasanay na raw kasi ang mga kulot sa
organisadong pagkuha ng mga relief goods. Pero nagreklamo rin sila nung bandang huli kung
bakit hindi sila nakatanggap ng tulong. Iiling-iling na kinuha ni Benjie ang pangalan ng babaeng
iyon.
Irereport mo?rin sila nung bandang huli kung bakit hindi sila nakatanggap ng tulong.
Iiling-iling na kinuha ni Benjie ang pangalan ng babaeng iyon.
Kakaibang closeness ang nadama ko kay Benjie mula nung gabing iyon. Noong una’y
idini-deny ko pa sa sarili ko. Pero sa loob-loob ko, bakit ko idi-deny? Anong masama kung
maging close ako sa isang bakla? Kaibigan ko si Benjie, and it doesn’t matter kung anong
klaseng tao siya. Sigurado naman ako sa sexuality ko.
How can I take it easy, Mike, biglang-bigla ang pagkamatay ni Nanay. Ni hindi ko alam
ngayon kung magsu-survive ako ng wala siya.
Napatingin ako kay Mike. Oh, my hero! Sana nga’y totoo ang sinasabi mo. Sana nga’y
nandito ka pa rin five or ten years after.
Masakit ang ma-reject. Lalo na’t nag-umpisa kayo bilang magkaibigan. Nasawi ka na sa
pag-ibig, guilty ka pa dahil you have just betrayed a dear friend and destroyed a beautiful
friendship.
Sabi ko’y sure this coming weekend.
Kung mahal ko rin siya. Kapag hindi, we’ll still be friends.
Kung bakla rin ako? Hindi ako sigurado. But, does it matter.

Inihanda ni: KEYCE L. ZABANAL


MAT-Filipino

You might also like