You are on page 1of 25

FILIPINO 11

Ayon kay Henry Gleason, ang wika binubuo ng


masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog
na pinipili at isinasaayos sa pamamaraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.

Katangian ng Wika

Ang wika bilang instrumento ng komunikasyon ay


may katangian at ito ay totoo sa lahat ng wika sa
daigdig. Tunghayan sa mga sumusunod ang
katangian ng mga wika:
1. May masistemang balangkas.
Nakasalig tuntuning panggramatika ang isang wika
bago pa man ito nagagamit sa
pakikipagkomunikasyon.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
Likas sa tao ang paglikha ng tunog na mabubuo
bilang ganap na wika. May aparato at mga salik sa
katawan ng tao na nakakalikha ng mga tunog sa
pagsasalita.
3. Ito ay arbitraryo.
May mga nakagisnang katawagan na sa mga bagay-
bagay sa paligid. Mga katawagang walang tiyak na
batayan at gawa-gawa ng mga sinaunang tao. Ang
bawat lalawigan halimbawa ay may kanya-kanyang
katawagan sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid.
Magkapareho man ang bagay na tinutukoy,
nagkakaiba lamang sa katawagan sa naturang bagay.
Halimbawa:
Ang salitang rice sa Ingles, ay arroz sa Kastila,
bugas sa Bisaya, bigas sa Tagalog, at abyas sa
Kapampangan.
4. Nakabatay ito sa kultura.
Salamin ng wika ang kultura. Ang bawat uri ng
kultura na maaaring nahahawakan o di nahahawakan
ay may katumbas na kataga na maaring bigkasin o
isulat. Ang katagang ito ay may natatanging gamit,
halaga at pagkakakilanlan sa partikular na pangkat
ng tao. Samakatuwid, ang wika ay nagiging daluyan
at imbakan ng kultura.
Maraming itinutumbas ang mga Pinoy sa rice ng
mga Amerikano. May palay, bigas at kanin. Maari
pang idagdag dito ang binhi, punla, malagkit,
sinuman, nilugaw at iba pa na ayon sa ginagawa
niya sa rice na tawag lamang ng mga Amerikano
5. Ang wika ay dinamiko --- namamatay,
nabubuhay.
Ang wikang buhay ay umuunlad kapag patuloy na
ginagamit. Kailan man ay hindi ito static o walang
pag-unlad. Ang wika ay namamatay kapag hindi na
ginagamit sa maraming henerasyon. Isang
katotohanan na may mga salita na unti-unting
namamamatay sapagkat hindi na nagagamit sa
pakikipagtalastasan at sa pagdaan ng panahon ay
nababaon na sa limot. Sa kabilang banda, may mga
nabubuhay na mga salita na madalas dala ng
makabagong teknolohiya, imbensyon, globalisasyon
at midya.
6. Ito ay midyum sa komunikasyon.
Sinasabi nina Alcaraz et al. (2005) ayon kay Otanes
(1990), na ang wika ay kasangkapan sa
pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa. Ayon
naman kay Swanson (1976), tulay ang wika upang
maghatid, magtanggap at mag-unawa ng mensahe o
teksto.
7. Ito ay makapangyarihan.
Nailalabas ng wika ang iba’t ibang emosyong positibo
ay negatibo, napapayaman ang diwa, nabubuksan
ang kinikimkim ng puso at napapagalaw ang tao.
8. May pulitika ang wika.
Nababahiran din ng isyu ang wika katulad ng mga
pagpili ng wikang pambansa, mga panukalang batas
tungkol sa wika, implementasyon ng paggamit ng
wika sa akademya at sa mga transaksyon ng
pamahalaan. Tinukoy ni Almario (1997) ang pulitika
sa wika sa panahong kinikilala ang wikang pambansa
at sa pagsulong ng isang komon na wika sa buong
kapuluan. Naisali rin ang isyu sa pagitan ng mga
puristang Tagalog laban sa hindi Tagalog.
9. Walang wikang Superyor
Lahat ng wika ay may halaga at may gamit sa isang
lipunan. Walang wikang nakalalamang at higit na
kapuri-puri sa lahat. Halimbawa na lamang sa Ingles
na tinuturing na unibersal na wika. Kailanman ay
hindi maituturing na nakakaangat sa lahat dahil hindi
ito ang batayan ng karunungan at katalinuhan sa
mundo.
Ang Wikang Pambansa
Ang wikang buhay kapag ginagamit ay lalong
yumayabong at umuunlad sa paglipas ng panahon.
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay dumaan sa
proseso ng paglilinang sa tulong ng mga katutubong
wika at sa wikang maituturing na banyaga.
Nakaambag din sa proseso ang pag-unlad ng iba’t
ibang barayti ng wika, bilang ng taong nagsasalita,
iba’t ibang sanligang sosyal, naging paksa ng
talakayan at mga pang-iskolar na pagdinig.
9. Walang wikang Superyor
Lahat ng wika ay may halaga at may gamit sa isang
lipunan. Walang wikang nakalalamang at higit na
kapuri-puri sa lahat. Halimbawa na lamang sa Ingles
na tinuturing na unibersal na wika. Kailanman ay
hindi maituturing na nakakaangat sa lahat dahil hindi
ito ang batayan ng karunungan at katalinuhan sa
mundo.

Ang Wikang Pambansa


Kautusang Pangkagawaran Blg 7, s. 1959
Nilagdaan ni Kalihim Jose F. Romero at itinatagubilin
na kailanma’t tutukuyin ang wikang pambansa, ang
salitang Pilipino ang siyang gagamitin.
Ang wikang buhay kapag ginagamit ay lalong
yumayabong at umuunlad sa paglipas ng panahon.
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay dumaan sa
proseso ng paglilinang sa tulong ng mga katutubong
wika at sa wikang maituturing na banyaga.
Nakaambag din sa proseso ang pag-unlad ng iba’t
ibang barayti ng wika, bilang ng taong nagsasalita,
iba’t ibang sanligang sosyal, naging paksa ng
talakayan at mga pang-iskolar na pagdinig.
Art. XIV, Sek. 6 ng S.B. (1987)
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at
sa iba pang mga wika.
Sinuportahan ng dating Pangulong Corazon Aquino
sa paggamit ng Filipino sa pamahalaan sa
pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335,
serye ng 1988. Ito ay “nag-aatas sa lahat ng mga
kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at
instrumentaliti ng pamalahaan na magsagawa ng
mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit
ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon,
komunikasyon at korespondensiya.”
Art. XIV, Sek. 3 ng S. B. (1935)
“… ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo
sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na
ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Ito’y batay sa Tagalog {Kautusang
tagapagpaganap Blg. 134 (1937)}
Wikang Opisyal at Wikang Panturo

Ang opisyal na wika ay isang lenggwahe na


napagkalooban ng natatanging pagkilala ng saligang
batas ng isang bansa, estado at ng isang teritoryo.
Ito ang wikang ginagamit sa lehislatibong mga
kagawaran ng bansa, bagama't ninanais din ng batas
sa maraming bansa na masalin ang mga dokumento
ng pamahalaan sa ibang wika, nangangahulugan,
ang wikang ginagamit sa anumang uri
ngkomunikasyon, lalo na sa anyong pasulat sa mga
transaksyon ng alinmang sangay ng pamahalaan sa
loob at labas ng bansa.
Artikulo XIV, Sek. 7 ng SB 1987
“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo,
ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at
hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles”.Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong
na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at
Arabik.
Ang wikang panturo naman ay lenggwahe na
ginagamit sa sistemang pang-edukasyon sa bansa.
Ito ang wikang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo
at pagkatuto ng mga mag-aaral at ang wikang
ginagamit sa mga paglilimbag ng mga aklat at iba
pang mga kagamitang panturo sa silid-aralan.
Ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Sek. 6 (1987) ang
paggamit sa Filipino bilang wikang panturo.
…“alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit
ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.”
Sa pangkalahatan, ang Filipino at Ingles ang mga
opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan.
Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother
Tongue o unang wika ng mga mag-aaral batay sa
kinalakihang lugar ay naging opisyal na wikang
panturo mula Kindergaten hanggang Grade 3 sa mga
paaralang pampubliko at pribado man. Tinawag itong
Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-
MLE).
Gagamitin at ituturo pa rin ang wikang Filipino at
Ingles sa mga paaralan. Pasalitang pagpapahayag
ang magiging tuon sa kindergarten at unang baitang.
Sa ikalawa hanggang ikaanim na baitang naman ay
bibigyang-diin ang mga makrong kasanayan sa wika
tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
Sa mas mataas na baitang, Filipino at Ingles pa rin
ang mga pangunahing wikang panturo o medium of
instruction.
Unang Wika at Pangalawang Wika

Unang wika ang tawag sa wikang nakagisnan ng


tao mula sa kanyang pagsilang at unang itinuro sa
kanya. Ito din ay katutubong wika, mother tongue,
arterial na wika at kinakatawan din ng L1. Sa wikang
ito, pinakamabisang naipahahayag ng tao ang
kanyang mga saloobin, ideya, kaisipan, damdamin,
layuni at maging mithiin sa buhay.
Tinatawag ding “wikang sinuso sa ina” o “inang wika”
dahil ito ang unang wikang natutuhan ng isang bata
sa kanyang tahanan mula nang mamulat siya sa
mundong ibabaw. “Taal” na tagapagsalita ng wika
ang isang tao kung ang kanyang unang wika ay ang
wikang pinag-uusapan o wikang ginagamit niya sa
pang-araw-araw.
Sa paglipas ng panahon, lumalaki ang bata at
nagkakaroon siya ng exposure o pagkalantad sa iba
pang wika sa kanyang kapaligiran na maaaring mula
sa radyo, telebisyon o sa iba pang midyum gaya ng
mga makabagong teknolohiya sa kasalukuyang
panahon, sa kanyang paaralan at maging sa kanyang
komunidad. Madalas ay sa magulang din mismo
nagmumula ang exposure o pagkalantad sa isa pang
wika dahil bihirang Pilipino ang nagsasalita lang ng
iisang wika dahil maiituturing multilingguwal na
bansa ang Pilipinas na binubuo ng iba’t ibang wikain
at dayalekto. Mula sa salitang paulit-ulit niyang
naririnig ay unti-unti niyang natututuhan at
magagamit niya na rin sa pagpapahayag at
pakikipag-usap sa ibang tao. Ito na ngayon ang
kanyang pangalawang wika o L2.
Ayon sa mga dalubhasa sa wika, ang pangalawang
wika o L2 ay tumutukoy sa alinmang wikang
natutuhan ng isang tao matapos niyang
maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling
wika o ang kanyang unang wika. Ito ay bunga ng
kanyang exposure sa iba pang mga wika.

Halimbawa:
Hiligaynon ang unang wika ng mga taga-Iloilo. Ang
Filipino ay pangalawang wika para sa kanila. Ang
Cebuano, Ilokano, Pangasinense, Ingles, Niponggo,
Mandarin at iba pang wikang maaari nilang
matutuhan ay matatawag na kanilang pangalawang
wika.
Barayti ng Wika
Idyolek -
Tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita
ng tao. Tangi sa isa o pangkat ng mga tao na may
komon na wika ang uring ito. May mga taong
kilometriko at mabulaklak kung magpahayag. May
mga ilan ding nakagawiang magsalita nang malakas
o di kaya ay naman ay mahina at mabagal. Mayroon
ding mga tao na may isang salitang nakasanayan
nang banggitin nang paulit-ulit sa bawat linya ng
kanilang pangungusap.
Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at
kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
Sinasabing walang dalawang taong nagsasalita ng
iisang wika ang bumibigkas nito nang
magkaparehong-magkapareho. Dito lalong
napatunayang hindi homogenous ang wika sapagkat
may pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita ng isang
tao sa iba pang tao batay na rin sa kani-kanyang
indibidwal na estilo o paraan ng paggamit ng wika
kung saan higit siyang komportableng magpahayag.
Madalas na nakikilala o napababantog ang isang tao
nang dahil sa kanyang natatanging paraan ng
pagsasalita o idyolek.
Ang paggamit ng wika sa sariling paraan ng isang
indibidwal na yunik o pekulyar sa kaniya. Kabilang
dito ang ginagamit na bokabolaryo, gramatika at
pagbikas. Sa madaling sabi, ang idyolek ay
tumutukoy sa paraan ng paggamit ng wika ng isang
tao.
HALIMBAWA:
Kilala ang idyolek ni Boy Abunda at Kris Aquino kaya
lagi itong ginagaya sa Banana Split/ Banana Sundae
nina Jason Gainza at Angelica Panganiban. Naging
viral din ang idyolek ng mga bantog na komentarista
sa radyo at telebisyon tulad nina “Kabayan” Noli De
Castro, “Magandang Gabi, Bayan”; Mike Enriquez,
“Hindi namin kayo tatantanan!”

Dayalek
Sinasabing ang pagsasalita o ang pagbigkas ng mga
salita ng mga tao ay halos magkakapareho,
kapansin-pansin na ang mga mga taga-lalawigan ay
may iba’t ibang punto at ang bawat lugal may
natatangi silang paraan ng pagbigkas ng mga salita.
Isang barayti ng wikang sinasalita ng mga tao sa
heyograpikong komunidad at nauuri ayon sa lugar,
panahon at katayuan sa buhay ng mga taong
nagsasalita. Tinatawag din itong panrehiyunal o
wikain.
Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wika
katulad ng iba pang lugar subalit naiiba ang punto o
tono, may magkaibang katawagan para sa iisang
kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang
bagay, o magkaiba ang pagbuo ng mga
pangungusap na siyang nagpaiba sa dayalek ng lugar
sa iba pang lugar

HALIMBAWA:
Dayalek ng wikang Tagalog ang barayti ng Tagalog
sa Morong, Tagalog sa Batanggas, Tagalog sa
Maynila at Tagalog sa Bisaya. Ang isang Bisayang
nagsasalita ng Tagalog o Filipino, halimbawa, ay may
tonong hawig sa Bisaya at gumagamit ng mga
leksikon o ilang bokabularyong may pinagsamang
Tagalog at Bisaya na tinatawag ding “TagBis” o
Taglog na may kahalong Bisaya (Cebuano,
Hiligaynon, Kinaray-a, Waray, Samarnon, Aklanon at
iba pa. Dito kadalasang pinapalitan ang panlaping
um ng mag. Halimbawa, “Magkain tayo sa mall.”
(Tagalog sa Bisaya) Hindi man ito kaparehong-
kapareho ng Tagalog sa Maynila na “Kumain tayo sa
mall”. (Tagalog sa Maynila) ay tiyak na
magkakaintindihan pa rin ang dalawang nag-uusap
gamit ang baryasyon ng wika sa kani-kanilang
lalawigan o rehiyon.
Sosyolek
Barayti ng wika na ginagamit sa mga relasyong
sosyal hango sa sosyal-dayalek. Ito ay nakabatay sa
katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal
ng mga taong gumagamit ng wika. Kapansin-pansing
ang mga tao ay nagpapangkat-pangkat batay sa
ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan,
paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa.
Sinasabi naman itong pansamantalang barayti
sapagkat nadedevelop ito sa pamamagitan ng
malayang interaksyon at sosyalisasyon natin sa isang
partikular na grupo ng mga tao.
May pagkakaiba ang barayti ng nakapag-aral sa hindi
nakapag-aral; ng matatanda sa mga kabataan; ng
mga may kaya sa mahihirap; ng babae sa lalaki, o sa
bakla; gayundin ang wika ng preso; wika ng tindera
sa palengke; at ng iba pangkat. Ayon kay Rubrico
(2009), ang sosyolek ay isang mahusay na
palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na
siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng
wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa
kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo ng
kanilang kinabibilangan. Para matanggap ang isang
tao sa isang grupong sosyal, kailangan niyang
matutuhan ang sosyolek nito.

HALIMBAWA:
Kabilang din sa sosyolek ang “wika ng mga beki” o
tinatawag ding gay lingo, gay speak, bakla-
bolaryo. Ito’y isang halimbawa ng grupong nais
mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman
binabago nila ang tunog o kahulugan ng salita.
Halimbawa ang mga salitang Tom Jones para sa
gutom na, Luz Valdez- natalo, bigalou o malaki (big),
Givenchy o pahingi (give), Juli Andrews o mahuli, at
iba pa. Ang unang intensyon nito ay para magkaroon
sila ng sikretong lengguwaheng hindi maiintindihan
ng mga taong hindi kabilang sa kanila. Isang patunay
na ang wika ay buhay at mabilis yumabong. Patunay
rin ito na malakas ang impluwensiya ng “gay lingo”
dahil hindi na lang sa mga beauty parlor naririnig ang
mga ito kundi sa iba’t ibang lugar at pagkakataon na
rin.
Nabibilang din sa barayting sosyolek ang wika nga
mga “coňo” na tinatawag ding coňotic o
conyospeak isang baryant ng Taglish. Sinasalita ng
mga sosyal o pasosyal. Sa Taglish ay may ilang
salitang Ingles na inihahalo sa Filipino kaya’t
masasabing may code switching na nangyayari.
Halimbawa, pangungusap na “Wait lang, papunta na
ako.” kung saan ang salitang Ingles na wait ay
naihalo sa iba pang salita sa Filipino. Sa “coňotic” o
“conyospeak” ay mas malala ang paghahalo ng
Tagalog at Ingles na karaniwang ginagamitan ng
pandiwang Ingles na make na ikinakabit sa mga
pawatas na Filipino tulad ng “make ligo, make kain,
make basa,” at madalas ding kinakabitan ng mga
ingklitik sa Filipino tulad ng pa, na, lang at iba pa. Ito
ay karaniwang maririnig sa mga kabataang may kaya
at nag-aaral sa mga ekslusibong paaralan. Sa
usapang ito, mapapansin ang conyo speak:

Kaibigan 1: Let’s make kain na.


Kaibigan 2: Wait lang. I’m calling Anna pa.
Kaibigan 1: Come on na. We’ll gonna make pila
pa. It’s so haba na naman for sure.
Kaibigan 2: I know, right. Sige, go ahead na.
Etnolek
Barayti ito ng wika na nadedebelop mula sa mga
salita ng mga etnolingguwitikong pangkat. Dahil sa
pagsibol ng mga pangkat-etniko sa Pilipinas,
lumaganap na rin ang iba’t ibang etnolek. Ang mga
salitang ito ay nagmula sa pinagsamang etniko at
dayalek. Taglay nito ang mga salitang nagiging
bahagi na ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat-
etniko.

HALIMBAWA:
Mga halimbawa:
• Palangga na ang ibig sabihin ay mahal o
minamahal
• Vakkul na tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na
pantakip sa ulo sa init man o sa ulan
• Kalipay na ang ibig sabihin ay tuwa o ligaya
• Tohan tawag sa Diyos
• Munsala na ang ibig sabihin ay sayaw
• Paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna
at dulo ng salita tulad shuwa (dalawa), sadshack
(kaligayahan), peshen (hawak)

Ekolek
Mga kataga na kadalasang sinasalita at nagmumula
sa loob ng bahay

HALIMBAWA:
Mga halimbawa ay inihaw/sugba, tinola/
sinabawan/sinigang.
Pidgin
Ang wikang maituturing na walang pormal na
estruktura. Binasagang Nobody’s native language o
katutubong wikang di pag-aari ninuman. Ginagamit
ng dalawang indibidwal na nag-uusap na may
dalawang magkaibang wika. Nadedevelop ito dahil na
rin sa pangangailangan na makabuo ng isang
pahayag at walang komon na wika. Umaasa lamang
sa “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika
lamang dahil kailangan sa isang partikular na gawain
gaya ng pagnenegosyo.
HALIMBAWA:
Ang mga Intsik sa Binondo na napagsasama-sama
nila ang mga salitang Intsik at Filipino.

Creole
Barayting nadebelop dahil sa pinaghalo-halong salita
ng indibidwal, mula sa magkaibnag lugar hanggang
sa ito ay nagging pangunahing wika ng particular na
pook. Produkto ito ng pidgin na wika, kung saan
nadedevelop naman ang pormal na estruktura ng
wika sa puntong ito. Mayroon na itong sariling
tuntuning panggramatika.

HALIMBAWA:
Halimbawa rito ay ang Chavacano ng Zamboanga,
Chamoro ng Guam

Register
Isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong
nagsasalita o gumagamit ng wika. Tumutukoy ito sa
mga salita ng espesyalisadong nagagamit sa isang
partikular na domeyn.

HALIMBAWA:
Halimbawa, ang register sa print media ay tabloid,
broadsheet, editoryal; register sa broadcast media ay
primetime, advertisement, broadcast; register sa
pangisadaan ay angkla, baklad, laot; at register sa
isports ay time out, referee, overtime.

Mga Gamit ng Wika sa Lipunan


Regulatoryo
Regulatori ang wika kung nagagamit ito sa
pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao, sitwasyon o
kaganapan. Ang pagbibigay direksiyon gaya ng
pagtuturo ng lokasyon ng isang partukilar na lugar,
direksiyon ng pagluluto ng isang ulam, direksiyon sa
pagsasagot sa pagsusulit at direksiyon ng paggawa
ng anumang bagay ay mga halimbawa nito.
Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon tulad ng
pamilya, paaralan, edukasyon, simbahan, industriya,
midya, at pamahalaan. Lahat ito’y may mga pinuno
at tagapamahala at ang lahat ng pinuno at
tagapamahala’y inilahal o pinili alinsunod sa batas,
patakaran, o alituntuning pinapatupad.
Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag-
uutos, nagbibigay-direksiyon sa atin bilang kasapi o
kaanib ng lahat o alinmang institusyong nabanggit.
Instrumental
Instrumental ang gamit ng wika kung tumutulong
ito para maisagawa ang mga gusto niyang gawin at
tumutugon sa pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba. Ito ang tungkulin ng
wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao
gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng
liham patnugot at pagpapakita ng mga patalastas
tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at
halaga ng produkto ay halimbawa ng tungkuling ito.
Maituturing na instrumental ang gamit ng wika kung
ginagamit ito sa pagpapangaral, verbal na
pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi at
pagpapakita ng patalastas tungkol sa isang produkto.
Malaki ang ginagampanan ng wika sa buhay ng tao.
Ito ay may iba’t ibang gamit sa lipunan na
nakatutulong sa tao upang mabisang makipag-
ugnayan o makipagtalastasan sa kapwa. Ito ay
maaaring gamitin upang ipahayag ang iba’t ibang
layon, pakay o tunguhin. Maituturing na instrumental
ito dahil natutugunan nito ang pangangailangan ng
tao tulad ng sumusunod:
1. pagpapahayag ng damdamin kaugnay sa
pasasalamat, pag-ibig, galit,
kalungkutan, pagpapatawad at iba pa;
2. panghihikayat upang gawin ng kausap ang nais na
mangyari;
3. direktang pag-uutos; o
4. pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman at
karunungang may

Regulatoryo
Regulatori ang wika kung nagagamit ito sa
pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao, sitwasyon o
kaganapan. Ang pagbibigay direksiyon gaya ng
pagtuturo ng lokasyon ng isang partukilar na lugar,
direksiyon ng pagluluto ng isang ulam, direksiyon sa
pagsasagot sa pagsusulit at direksiyon ng paggawa
ng anumang bagay ay mga halimbawa nito.
Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon tulad ng
pamilya, paaralan, edukasyon, simbahan, industriya,
midya, at pamahalaan. Lahat ito’y may mga pinuno
at tagapamahala at ang lahat ng pinuno at
tagapamahala’y inilahal o pinili alinsunod sa batas,
patakaran, o alituntuning pinapatupad.
Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag-
uutos, nagbibigay-direksiyon sa atin bilang kasapi o
kaanib ng lahat o alinmang institusyong nabanggit.
kabuluhan.
Personal
Sa pamamagitan ng wika, matagumpay na
naipapahayag ng tao ang kanyang personal na
nararamdaman. Halimbawa, nailalahad ng isang
lalaki ang kanyang pagsinta sa isang babae kaya sila
ay maaaring magkaroon ng isang relasyon.
Maituturing na personal ang gamit ng wika kung
natutugunan nito ang pangangailangan ng tao tulad
ng sumusunod:
- Pagpapahayag ng personal na damdamin at
damdamin ng isang indibidwal;
- Pagpapahayag ng sariling opinyo at kuro-kuro sa
paksang pinag-uusapan.
Interaksyonal
Para mapabuti ang kalagayang panlipunan, ang wika
ang ginagamit pang-interaksyonal. Sa paggamit na
ito, napananatili ng bawat tao ang mabuti niyang
relasyon sa kanilang kapwa. Halimbawa, nagagamit
ng mga namumuno sa isang lipunan ang wika para
magkasundo ang dalawang panig ng taong may
alitan. Sa pasalitang pamamaraan, nagagawa ng
isang tao na makipagkamustahan, makipagpalitan ng
kuro-kuro, makipagbatuhan ng biro at iba pa. Sa
pagsulat naman, maaaring ang tao ay magpadala ng
liham para sa taong ninanais na makapagpalitan ng
kuro, makilala at iba pa.
Ang tungkuling ito sa paraan ng pakikipag-ugnayan
ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan;
pakikipagpalitan ng opinion o kuro-kuro tungkul sa
partikular na isyu; pakukuwento ng malulungkot at
masasayang pangyayari sa isang kaibigan o
kapalahayang-loob, pagsususulat ng liham-
pangkaibigan; at iba pa.
Heuristiko
Ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng
tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga
akademiko at propesyunal na sitwasyon. Sa
pamamagitan ng wika, nakakapaglahad ang tao ng
kanyang mga katanungan at nakakapagbigay ng
kasagutan sa mga katanungan para sa paghahanap
ng makabagong mga tuklas at kaalaman. Nilalayon
ng paggamit ng wika sa tungkuling ito na
magdagdag o magpayaman pa ng kaalaman sa
anumang larangan. Maaaring ito ay gagawin sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mga panayam,
pananaliksik at iba pa lalong nagbibigay daan para
mapaunlad ang pag-aaral sa mga bagay sa lipunan.
Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o
paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa
paksang pinag-aaralan. Kasama rito ang
pakikipanayam sa mga taong makasasagot sa mga
tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan; pakikinig
sa radyo panonood sa telebisyon at pagbasa ng
pahayagan, magasin, blog at mga aklat kung saan
nakakukuha tayo ng mga impormasyon.
Nakapaloob din dito ang pakikinig sa radyo,
panonood ng telebisyon, pagbabasa ng pahayagan,
magasin, blog at mga aklat kung saan nakakukuha
tayo ng impormasyon.
Imahinatibo
Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain. Sa
pamamagitan ng wika napagana ang imahinasyon ng
tao. Dahil dito, nakasulat ang tao ng mga iba’t ibang
uri ng tula, maikling kuwento at iba pa.
Pangunahing layunin nito na gamitin ang wika upang
maipahayag ang imahinasyon at maging mapaglaro
sa gamit ng salita, at lumikha ng bagong kapaligiran
o bagong daigdig. Gumagamit ng tayutay sa pagsulat
ng malikhaing komposisyon.
Representatibo/Impormatibo
Ang wika ay instrumento upang ipaalam ang iba’t
ibang kaalaman at insight tungkol sa mundo.
Ginagamit din ito upang magbigay ng
impormasyon/datos sa paraang pasulat o pasalita.
Maituturing din na impormatibo ang gamit ng wika
kung makapagbigay ito ng mga impormasyon katulad
ng mga balita, datos at iba pa na nagagawa lamang
sa pamamagitan ng wika.
Ito ay kabaligtaran ng heuristiko na kung saan ito ay
may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa
paraang pasulat at pasalita. Ang ilang halimbawa nito
ay ang mga sumusunod: pagbibigay-ulat, paggawa
ng pamanahong papel, panayam at pagtuturo.
Si Jakobson (2003) ay nagbahagi rin ng anim
(6) na paraan sa pagbabahagi ng wika.

1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)-


Saklaw nito ang pagpapahayag ng
saloobin, damdamin at emosyon.
2. Panghihikayat (Conative)- Ito ang gamit ng
wika upang makahimok o maka
impluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos o
pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)-
Ginagamit ang wika upang makipag-
ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
4. Paggamit bilang sanggunian (Referential)-
Ipinakikita nito ang gamit ng wikang
nagmula sa aklat at iba pang sangguniang
pinagmulan ng kaalaman upang
magparating ng mensahe at impormasyon.
5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual)- Ito
ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin
sa pamamagitan ng pabibigay ng komento sa isang
kodigo o batas.
6. Patalinhaga (Poetic)- Saklaw nito ang gamit na
paraan sa masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay at
iba pa.

You might also like