You are on page 1of 9

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Unang Aralin – Mga Konseptong Pangwika

Ukol sa kahulugan ng wika

1. Isang napakahalangang instrumento ng komunikasyon ang wika sapagkat mula sa


pinagsama-samang mga tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang
nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan.

2. ANG WIKA AY ISANG BEHIKULO na ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating


ng mensahe sa isa’t isa sa paraang pasalita o pasulat man.

3. Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang dila at wika o lengguwahe na


nagmula sa salitang Pranses na langue na nangangahulugan ding dila o wika na
kalaunan ay naging language na katumbas na salita sa lengguwahe.

4. Ang wika ay may tradisyonal at popular na pagpapakahulugang sistema ng


arbitraryong vocal-symbol o mga sinasalitang tunpg na ginagamit ng mga
miyembro ng isang pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag-
ugnayan sa isa’t isa.

5. May ilang pagpapakuhulugan ding ibinigay ng mga dalubhasa sa wika:

Paz, Hernandez, Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari


at Peneyra ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito ay isang
behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon. Ito ay
ginagamit ng tao sa pag-iisip, pakikipag-ugnayan, at
pakikipag-usap sa ibang tao, at maging sa pakikipag-usap
sa sarili.
Henry Allan Ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga tunog na
Gleason, Jr. pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong nabibilang sa isang kultura.
Charles Darwin Ang wika ay isang sining tulag ng paggawa ng serbesa o
pagbe-bake ng cake sapagkat hindi raw ito tunay na likas
sapagkat kailangang pag-aralan mo ito bago matutunan mo ang
isang wika.

UKOL SA WIKANG PAMBANSA

6. Ang Pilipinas ay isang kapuluang may humigit-kumulang 150 na wika at diyalekto na


siyang isang naging dahilan kung bakit kailangang magkaroon tayo ng isang wikang
mauunawaan at masasalita ng karamihan ng mga Pilipino na siyang magbubuklod sa
ating lahat – ang wikang Pambansa.
1934 Nagkaroon ng isang Kumbensiyong Konstitusyonal kung saan lubos
na pinag-usapan din ang ukol sa wika. Marami sa mga delegado
ang sumang-ayon sa pagkakaroon ng isang wikang Pambansa mula
sa mga umiiral na wika sa Pilipinas ngunit mayroong mga taong
sumalungat din nito bunga ng kanilang paniniwala na mas angkop
at makabubuti sa mga Pilipino ang pagggamit ng wikang Ingles.

Iminungkahi ng pangkat ni Lope K. Santos (Ama ng Balarila ng


Wikang Pambansa) na dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika
sa Pilipinas ang wikang Pambansa at ito ay sinusugan din ni
Pangulong Manuel L. Quezon na noo’y Pangulo ng Komonwelt.

1935 Nagkaroon ng probisyong pangwika sa SALIGANG BATAS NG


1935 (Artikulo XIV, Seksiyon 3) na nagmungkahing gagawa ang
Kongreso ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
Pambansa mula sa isa sa mga umiiral na wika sa kapuluan. Isinaad
din na hangga’t wala pang wikang napili, mananatiling Ingles at
Kastila ang mga opisyal na wika.

Sa Batas Komonwelt blg. 184 ni Norberto Romualdez ng Leyte,


iminungkahi niya ang pagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa na
siyang mag-aaral para sa pagpili ng wikang Pambansa kung saan
napili nila ang wikang Tagalog sapagkat ito ang siyang tumugma sa
kanilang napiling mga pamantayan:

a. Wika ng Sentro ng Pamahalaan


b. Wika ng Sentro ng Edukasyon
c. Wika ng Sentro ng Kalakalan
d. Wika ng pinakarami at pinakadakilang panitikang nasulat

1937 Noong DISYEMBRE 30, 1937, ipinalabas ni Pangulong Quezon ang


Batas Tagapagpaganap blg. 134 na nagmungkahi na ang Tagalog
ang siyang maging batayan ng wikang Pambansa at ito’y magkabisa
sa pagkalipas ng 2 taon.
1940 Nagsimula ang pagturo ng wikang Tagalog ilang batayang wikang
Pambansa sa mga paaralang pampubliko at pribado.
1946 Batay sa Batas Komonwelt blg 570 noong Huly 4, 1946,
ipinahayag na ang wikang opisyal ng pamahalaan ay Ingles at
Tagalog.
1959 Noong Agosto 13, 1959, ipinahayag sa Kautusang
Pangkagawaran blg. 7 ni Jose E. Romero na ang bagong
katawagan sa wikang Pambansa ay Pilipino.
1972 Sa Kumbensiyong Konstitusyonal ng 1972, nagkaroon ng pagtatalo
ukol sa probisyong pangwika na nagresulta sa probisyong pangwika
ng Saligang Batas ng 1972 sa Artikulo XV, Seksiyon 3, blg. 2 na
nagmungkahing gagawa ng hakbang ang Batasang Pambansa sa
pagpapaunlad at pagpatibay sa isang panlahat na wikang
pambansang tatawaging FILIPINO (Ito ang unang pagkakataong
ginamit ang Filipino bilang wikang Pambansa.)
1987 Sa pamumuno ni Pangulong Corazon C. Aquino, pinagtibay ng
Komisyong Konstitusyonal ang implementasyon ng paggamit ng
Wikang Filipino batay sa probisyong pangwika sa Artikulo XIV,
Seksiyon 6 na nagsaad na “Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang
mga wika.”
1988 Sa Atas Tagapagpaganap blg. 335, s. 1988, iminungkahi ni
Pangulong Corazon Aquino ang paggamit ng Filipino sa lahat ng
transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya ng pamahalaan.

7. Ayon kay Virgilio Almario (“Rio Alma”), ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng
batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ang wikang
panturo naman ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.

8. Ang probisyong pangwika ukol sa wikang panturo at opisyal ay nakasaad sa Artikulo


XIV, Seksiyon 7 ng Saligang Batas ng 1987: “Ang wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipio, at hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrehiyon ay pantulong na wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing
pantulong na wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang
Kastila at Arabic.”

9. Sa pangkalahatan, ang wikang Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang
panturo sa mga paaralan.

10. Sa pagpasok ng K-12 curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-
aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 at
ito ay tinawag na Mother Tongue-based Multi-lingual Education (MTB-MLE) na
ayon kay DepEd Sec. Bro. Armin Luistro, FSC ay “para sa pagpapatibay ng
kamalayang sosyo-kultural ng mga bata.”

11. Noong mga unang taon ng MTB-MLE, nagkaroon ng 12 lokal o panrehiyong wika
ngunit pagdating ng 2013, nadagdagan pa ito ng pito: Tagalog, Kapampangan,
Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug,
Maguindanaoan, Meranao, Chavacano, Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon,
Kinaray-a, Yakan, at Surigaonon na ginamit bilang hiwalay na asignatura o bilang
wikang panturo.

Ikalawang Aralin – Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo


12. Ang unang wika (katutubong wika, mother tongue, arterial na wika, L1) ang tawag
sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Sa wikang ito
pinakamataas o pinakamahusay na naipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya.

13. Ang pangalawang wika o L2 ay ang wikang natutunan mula sa exposure sa iba pang
wika sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao.

14. Ang ikatlong wika o L3 ay ang wikang nagagamit ng tao sa pakikipag-angkop biya
sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan.

Ukol sa monolingguwalismo, bilingguwalismo, at multilingguwalismo

15. Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa


gaya ng sa England, Pransya, South Korea, Hapon, at iba pa. Sa sistemang
monolingguwalismo, may iisang sistema sa wika ng komersiyo, wika ng negosyo,
at wika ng pakikipagtalastasan.

16. Ayon kay Leonard Bloomfield (1935), ang Bilingguwalismo ay ang paggamit o
pagkontrol ng tao sa dalawang wika tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong
wika (perperktong bilingguwal).

17. Ayon naman kay John Macnamara (1967), ang biliinguwal ay isang taong may sapat
kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwika (pagsulat, pagbasa,
pagbigkas, at pakikinig).

18. Ayon naman kay Uriel Weinreich (1953), ang paggamit ng dalawang wika ng
magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gumamit nito ay
bilingguwal.

19. Matatawag na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika
nang matatas sa lahat ng pagkakataon kung saan halos hindi na matukoy ng iba kung
ano ang unang wika ng tao. Balanced bilingual ang tawag sa mga taong nakagagawa
nang ganito.

20. May probisyong pangwika sa bilingguwalismo sa wikang panturo sa Saligang Batas


ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 2 at 3: “ang Ingles at Filipino ang mananatiling
mga wikang opisyal ng Pilipinas.”

21. Ang nasabing probisyon ng Saligang Batas ang siyang naging basehan ng Surian ng
Wikang Pambansa sa paglabas ng patakarang bilingual instruction na pinagtibay ng
Board of National Education (BNE) Aalinsunod sa Executive Order No. 202 na
nagpatibay sa Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE).

22. Nagkaroon ng isang patakarang bilingual instruction sa bias ng Resolusyon blg. 73 –


7 na nagsaad na “ang Ingles at Pilipino ay magiging midyum in pagtuturo at ituturo
bilang asignatura sa kurikulum mula Grade 1 hanggang antas unibersidad.”
23. Naglabas ng guidelines o mag panuntunan sa edukasyong bilingguwal ang
pamahalaan sa pamamagitan ng Department Order (Kautusang Pangkagawaran)
blg. 74, s. 1974.

24. Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Nananatiling laganap sa


nakararaming batang Pilipino ang paggamit ng unang wika sa halip na Ingles o
Filipino.

25. Ang MTB-MLE o Mother Tongue-based Multi-lingual Education ay base sa DO


16, s. 2012 na nag-atas na gagamitin ang unang wika ng rehiyon bilang opisyal na
wikang panturo sa lugar sa Grades 1, 2, at 3.

26. Sa unang pagpapatupad, nagtalaga ang DepEd ng walong pangunahing wika o lingua
franca at apat na iba pang wikain sa bansa (12 sa lahat) bilang wikang panturo at
bilang hiwalay na asignatura. Ito ay ang sumusunod: TAGALOG, KAPAMPANGAN,
PANGASINENSE, ILOKANO, BIKOL, CEBUANO, HILIGAYNON, WARAY, at ang
apat na iba ay TAUSUG, MAGUINDANAOAN, MERANAO, AT CHAVACANO.

27. Noong 2013, dinagdagan pa ito ng 7 wika: Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon,
Kinaray-a, Yajan, at ang Surigaonon.

Ikatlong Aralin – Mga Barayti ng Wika

28. Tandaan na walang buhay na wika ang maituturing na homogenous dahil ang
bawat wika ay binubuo ng mahigit sa isang barayti. Masasabi lang kasing
homogenous ang isang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit
ng isang wika.

29. Bunga ng pagiging heterogenous ng wika, sadyang mayroong mga barayti ito. Sa
kasalukuyang panahon ay pinag-aralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at
karanasan ng mga nagsasalita nito. Ito ang nagbubunga ng sitwasyon at mga
pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na divergence - ang dahilan kung bakit
nagkaroon ng iba’t ibang uri o barayti ang wika.

30. DAYALEK – Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao
mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Maaaring
gumamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang
punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit
na salita para sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng mga pangungusap.
Bagama’t magkaiba, nagkakatintindihan naman ang mga tao.

31. IDYOLEK – Ito ay tumutukoy sa pansariling pamamaraan ng pagsasalita ng bawat


isa. Lumultang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
32. SOSYOLEK – Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan
o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Kapansin-pansing ang mga
tao ay nagpapangkat-pangkat batay sa ilang katangian gaya ng kalagayang
panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, at iba pa.

33. Ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang


lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na
nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan.

34. ETNOLEK – Ito ang barayti ng wika mula sa mga etnolongiiwistikang pangkat. Ang
salitang etnolek ay nagmula sa salitang etniko at dialek.

35. REGISTER – Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita
ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.

36. PIDGIN AT CREOLE – Ang pidgin ay ang umusbong na bagong wika o tinatawag na
nobody’s native language at ito ay nangyayari kapay may dalawang pangkat na
nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t
di magkaintindihan. Ito ay ang makeshift language.

37. Kung ang pidgin ay naging unang wika ng bagong henerasyon at mayroong mga
tuntuning sinusundan na, ito ay naging CREOLE na wikang nagmula sa isang pidgin
at naging unang wika sa isang lugar.

Pang-apat na Aralin – Gamit ng Wika sa Lipunan

38. Ang wika ay isang mahalagang instrumenting nag-uugnay sa bawat isa sa lipunan.
Ayon kay Durkheim (1985), nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang
pook. Hindi maikakaila na ang wika ay nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura.
Ito ang kanilang identidad o pagkakakilanlan.

39. Tinutukoy ng lingguwistikang si W.P. Robinson ang mga tungkulin ng wika sa aklat
niyang Language ang Social Behavior (1972). Ito ay ang sumusunod: (1) pagkilala
sa estado ng damdamin at pagkatao, panlipunang pagkakakilanlan, at ugnayan; at (2)
pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan.

40. Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan.

41. Ayon kay Michael Alexander Kirkwood (M.A.K.) Halliday sa kanyang aklat na
Explorations in the Functions of Language, may pitong tungkulin ang wika:

A. INSTRUMENTAL
Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba. Halimbawa nito ay ang paggawa ng liham,
pangangalakal, liham ng patnugot, at pagpapakita ng patalastas tungkol sa isang
produkto.

B. REGULATORYO
Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.
Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular
na lugar; direksiyon sa pagluluto; at kung ano pa.

C. INTERAKSIYONAL
Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang
kapwa, pakikipagbiruan, pakikipagpalitan ng kuro-kuro, pagkukuwento ng
malulungkot o masasayang pangyayari, at paggawa ng liham-pangkaibigan.

D. PERSONAL
Tumutugon sa pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-
uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan at journal.

E. HEURISTIKO
Ginagamit ito sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa
paksang pinag-aralan. Kasama nito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot
sa mga taong tungkol sa paksang pinag-aaralan; pakikinig sa radyo; panonood sa
telebisyon; at pagbasa ng pahayagan.

F. IMPORMATIBO
Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng
impormasyon sa paraang pasulat o pasalita. Ito ay maaring makikita sa
pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong papel, tesis, panayam, at pagtuturo.

42. Ayon naman kay Jakobson (2003), may anim na paraan ng paggamit ng wika:

A. PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN (EMOTIVE)


Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon

B. PANGHIHIKAYAT (CONATIVE)
Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa
pamamagitan ng pag-uutos at pakikiusap.

C. PAGSISIMULA NG PAKIKIPAG-UGNAYAN (PHATIC)


Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng
usapan.

D. PAGGAMIT BILANG SANGGUNIAN (REFERENTIAL)


Ipinapakita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang
pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.

E. PAGGAMIT NG KURO-KURO (METALINGUAL)


Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng
komento sa isang kodigo o batas.

F. PATALINGHAGA (POETIC)
Saklaw nito ang gamit ng wika na masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng
panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.

Panlimang Aralin – Kasaysayan ng Wikang Pambansa

“Ating lingunin ang nakaraan, at alamin ang kasaysayan, Ito ang susi upang mapalalim
ang pag-unawa sa wikang pambansang ating pagkakakilanlan.”

Ukol sa Pinagmulan ng Wika

43. Ayon kina Emmert at Donaghy (1981), ang wika, kung ito ay pasalita, ay isang
sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog; kung ito naman ay pasulat,
ito ay iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating iparating sa ibang tao.

44. Ang mga teologo ay naniniwalang ang pinagmulan ng wika ay matatagpuan sa banal
na aklat sa Genesis 2:20 at ang pagkakaiba-iba naman ng mga wika ay nagmula sa
kuwento ng Tore ng Babel sa Genesis 11:1-9

45. Ayon sa teorya ng ebolusyon ng mga antropologo, ito ang iba’t ibang teorya sa
pinagmulan ng wika:

A. Teoryang Ding Dong


Nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa tunog ng
kalikasan gaya ng boom, splash, at whoosh. Ipinapakita rin ng teoryang ito na
ang lahat ng bagay ay may sariling tunog na maaaring gamitin upang pangalanan
ang bagay na iyon.

B. Teoryang Bow-Wow
Ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog
na nilikha ng mga hayop gaya ng bow-wow, ngiyaw, kwak-kwak, at moo.

C. Teoryang Pooh-Pooh
Isinasaad ng teoryang ito na nagmula raw ang wika sa mga salitang namutawi sa
mga bibig ng sinaunang tao nang nakaramdam sila ng masisidhing damdamin
tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap, kalungkutan, at pagkabigla.

D. Teoryang Ta-Ta
Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay sa
paggalaw ng dila. Ito raw ay naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng
tunog at matutong magsalita. Ang salita raw ay mula sa mga galaw at kumpas na
humantong sa pagkilala ng wika.
E. Teoryang Yo-he-ho
Ang wika ay nabuo mula sa pagsama-sama lalo na kapag nagtatrabaho nang
magkakasama. Ang mga tunog o himig na namumutawi sa mga bibig ng tao
kapag sila ay nagtatrabaho nang sama-sama ay sinasabing pinagmulan ng wika.

46. Ayon sa isang sanaysay ni Jean-Jacques Rousseau, ang pagkalikha ng wika ay


nanggaling sa silakbo ng damdamin na siyang nagtutulak na mamutawi sa bibig ng
mga tao ang iyak, halakhak, sigaw, galit na maaaring pinagmulan ng sinaunang wika.

You might also like