You are on page 1of 20

Mga Konseptong

Pangwika
(Aralin 1)
Mga Panimulang Katanungan

1. Bakit mahalaga ang wika?


2. Sa paanong paraan ito nagiging instrumento ng
mabisang komunikasyon, kapayapaan, at mabuting
pakikipagkapwa-tao?
ANG WIKA
• Napakahalagang instrumento ng komikasyon ang
wika.
• Latin- “Lingua” na nangangahulugang “dila” at
“wika” o “lengguwahe”.
• Pranses- “Langue”
• Paz, Hernandez at Peneyra (2003)-ang wika ang tulay na
ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang
minimithi o pangangailangan natin.
• Henry Gleason Jr.- ang wika ay masistemang balangkas ng
mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
• Cambridge Dictionary- ito ay isang Sistema ng
komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at
gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga
mamamayan sa isang bayan.
• Charles Darwin- naniniwalang ang wika ay isang
sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake
ng cake, o ng pagsusulat.
• Hindi raw likas sa tao ang wika sapagkat ito ay
kailangan munang pag-aralan bago matutunan.
Ang Wikang Pambansa
• Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng
1935
“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa
isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t
hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila
ang siyang mananatiling opisyal na wika”
• Norberto Romualdez (Batas Komonwelt Blg. 184)
Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa.
• Ang wikang pipilian ay dapat…
-wika ng sentro ng pamahalaan
-wika ng sentro ng edukasyon
-wika ng sentro ng kalakalan
-wika ng nakakarami at pinakadakilang nasusulat na
panitikan
• Disyembre 30, 1937- Kautusang Tagapagpaganap blg.
134, maging batayan ng wikang pambansa ang
Tagalog.
• 1940-Nagsimulang ituro ang wikang pambansa na batay
sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.
• 1946- Nang ipinagkaloob ng mga Amerikano ang
kalayaan noong Hulyo 4, 1946, ipinahayag ding ang mga
wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bias ng
Batas Komonwelt Blg. 570.
• Agosto 13, 1959-Tagalog – Pilipino.
Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
ipinalabas ni Jose E. Romero, ang kalihim ng Edukasyon.
Tuluyang lumaganap ang Pilipino sa buong bansa.
•1972- Muling nagkaroon ng mainitang
pagtatalo sa Kumbensiyong
Konstitusyunal kaugnay sa usaping
pangwika. Sa huli, ito ang mga naging
probisyong pangwika sa Saligang
Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon
3, blg. 2:
“Ang Batasang Pambansa
ay dapat magsagawa ng mga hakbang
na magpapaunlad at pormal na magpapatibay
sa isang panlahat na wikang pambansang
kikilalaning Filipino”
• 1987- Pangulong Cory Aquino. Artikulo XIV, Seksiyon 6

“Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika”
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
• Virgilio Alamario
Wikang Opisyal- ito ang wikang maaaring gamitin sa
anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa mga anyong
nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o
ahensiya ng gobyerno.
Wikang Panturo- opisyal na wikang ginagamit sa
pormal na edukasyon
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7-
“Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang
itinatadhana ng batas, ang Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing
pantulong na mga wikang panturo roon,
Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.”
Ayon naman kay Brother Armin Luistro, dating kalihim ng
DepEd:
“Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang
baiting ng pag-aaral ay makakatulong mapaunlad ang wika at
kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang
kamalayang sosyo-kultural”
Pagbuo ng Timetable
Nagkaroon ng
Kombensiyong
Konstitusyunal
kung saan ang isa
sa mainitang 1937
tinalakay ang
1959 1987
pagbabatayan ng
wikang Pambansa
1934

1935
1946 1972
Makikilala mo ba ang bagay o taong tinutukoy sa bawat pahayag?
Simulan mo na!!!
1. Siya ang linggwistika at propesor na nagbigay ng pagpapakahulugan sa
wika bilang masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa
pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang
kultura.
2. Siya naman ang naniniwalang ang wika ay hindi tunay na likas sapagkat
ang wika wika raw ay kailangan munang pag-aralan bago matutunan.
3. Siya ang pangulo ng bansang sumusog sa mungkahing ibatay ang wikang
pambansa sa isa sa mga umiiral na wika o wikain sa ating bansa.
4. Ito ang sangay o samahan na itinatag sa bisa ng Batas Komonwelt Blg.
184 na naatasang magsagawa ng pag-aaral kung aling wika ang dapat
pagbatayan ng wikang pambansa.
5. Ito ang wikang naging batayan ng wikang pambansa dahil ito ay tumugma sa
mga pamantayang binuo ng sangay na nagsuri sa iba’t ibang wika sa bansa.
6. Siya ang dating Kalihim ng Edukasyon na nagpalabas ng kautusang
pangkagawarang nagsasaad na mula Tagalog ay Pilipino na ang itatawag sa
ating wikang pambansa.
7. Sa probisyong pangwika ng Saligang Batas na ito unang nagamit ang
Filipino bilang wikang pambansa.
8. Ito ang atas Tagapagpaganap na naglalayong magamit ang Filipino sa
opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya sa
pamahalaan.
9. Siya ang Kalihim ng Edukasyon na nangunguna sa pagtataguyod ng mga
pagbabagong dala ng Kto12 Kurikulum.
10. Siya ang kasalukuyang pangulo nang nabuo ang Saligang Batas ng 1987.
Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung ito ay TAMA
o MALI.

1. Ang wikang opisyal ng ating bansa ay Filipino lang ayon


sa itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987.
2. Alinsunod pa rin sa Saligang Batas ng 1987, itinuturing
na pantulong na wikang opisyal at pantulong na wikang
panturo ang mga wikang panrehiyon.
3. Sa K-12 Kurikulum, ang unang wika o kinagisnang wika
ng mga mag-aaral sa kinder hanggang ikatlong baitang
ang gagamiting wikang panturo sa mga paaralan.
4. Hindi na gagamitin at ituturo sa mga mag-aaral sa kinder
hanggang ikatlong baitang ang mga wikang Filipino at
Ingles.
5. Ang mga wika at diyalektong kabilang sa MTB-MLE sy
gagamitin sa dalawang paraan: bilang hiwalay na asignatura
at bilang wikang panturo.

You might also like