You are on page 1of 38

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


MODYUL 1: KONSEPTONG PANG WIKA
(Wika,Wikang pambansa, Wikang opisyal, at
Wikang panturo)

Inihanda ni: G. Alfredo Toralba


LAYUNIN:
• Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. ( F11-Ia-
85)
2. Naiisa-isa ang mga batas na may kaugnayan tungo sa pagkakaroon ng wikang
pambansa;
3. Napapahalagahan ang wika bilang instrumento sa mabisang pakikipagkomunikasyon;
at
4. Nakasusulat ng maikling sanaysay kaugnay sa paksang tinalakay.
SUBUKIN
• MGA PANUTO: Tukuyin kung ang bawat aytem ay nagpapahayag ng tama
o maling kaisipan. Isulat ang LEGIT kung ito ay nagpapahayag ng tamang
kaisipan at FAKE NEWS naman kung ito ay nag papahayag ng maling
kaisipan. Bibigyan ko kayo ng 3 minuto para sumagot.
SUBUKIN:
1. Ang Mother Tongue ang ay gagamiting wikang panturo sa mula kinder hanggang
baitang tatlo?
2. Ang Wikang Kastila at Wikang Ingles ay wikang pambansa ng Pilipinas?
3. Ang Lingua franca ay wikang nalimutan na dulot ng napag-iwanan na ng panahon?
4. Wikang Filipino ang unang pangalan ng wikang pambansa
5. KWF o Komisyon ng Wikang Filipino ang tawag sa lupon na pumili sa wikang tagalog
upang maging wikang pambansa.
ANO ANG WIKA?
TUKLASIN
Wika
• Pinaka mahalagang instrumento na taglay ng tao. Tayo ang lumilikha nito
upang magamit natin sa pakikipagtalastasan sa lahat ng pagkakataon.

• Ayon kay Henry Allan Gleason (Austero, Bandril, at De Castro 1999) ang
wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa parrang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang
kultura.
Katangian ng wika
 Masistemang balangkas ng tunog.
 Pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo.
 Ginagamit ng mga taong may iisang kultura.
 Ang wika ay buhay at dinamiko.
 Ang wika ay pantay-pantay.
BALIKAN
Makikilala mo ba kung sino ang
nasa larawan?
Magbigay ng (3) bagay patungkol
sa kaniya.
Ano ang wikang
pambansa?
Wikang
Pambansa
• Ito ay kailangang nasa estado ng ligua franca at dapat
na sumasailalim sa pagkilala ng batas,
Wikang

Pambansa
Ito ay kailangang nasa estado ng ligua franca at
dapat na sumasailalim sa pagkilala ng batas,

• Kapag sinabing lingua franca, ito ay pangunahing


wika na ginagamit at nauunawaan ng
nakararaming bilang ng mamayan ng isang
bansa. (Aguilar et al, 2016,21)
Sek. 3, ng Artikulo XIV.
Saligang Batas 1935
1935
Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wikang pambansa na
ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika
sa Pilipinas.hangga’t walang itinatadhana ang
batas, Ang Ingles at Kastila ay patuloy na mga
wikang opisyal.
Batas Komonwelth Blg.184
1936
Pinagtitibay ang pagtatakda ng lupon,
kapangyarihan at tungkulin tungo sa pagbuo ng
wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral
na katutubong wika sa bansa.
Kautusang tagapag
paganap Blg.134
1937
Kautusang nagsasabing ang wikang pambansa
ng pilipinas ay tagalog alinsunod sa
rekomendasyon ng Surian ng Wikang
Pambansa.
Bakit Tagalog ang naging
1937 batayan ng wikang pambansa?
 Ito ang sinasalita at nauunawaan ng lalong
maraming Pilipino.
 Ito ay may pinaka mayamang
talasalitaan at panitikang naisulat.
 Ito ay ginagamit na sentro ng kalakalan.
 Ito ang ginagamit na sentro ng edukasyon at
pamahalaan.
Kautusang Tagapagpaganap
Blg.263
1940
Sa bisa nito sinimulang ituro ang wikang
pambansa na batay sa tagalog sa mga
paaralan.
1946 Batas Komonwelth Blg.570
Batas na nagtatadhana na ang Tagalog
ay magiging isa sa mga wikang opisyal
ng Pilipinas
1959 Kautusang Pangkagawaran Blg.7
Nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng
Kagawaran ng Edukasyon ang kautsan na kung
saan mula sa Tagalog ay naging Pilipino ang
tawag sa wikang pambansa.
Sek. 6’ Artikulo XIV ng
Saligang Batasng 1987
1987
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin pa salig sa Umiiral na wika ng
Pilipinas at iba pang umiiral na wika .
1991 Batas Republika Blg. 7140
Nabuo ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
na may tungkuling magsagawa, mag-ugnay at
magtaguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad ng Filipino.
TUKLASIN
Wikang Opisyal
• Ang wika na itinadhana ng batas na maging opisyal na
wika sa komunikasyon, transaksiyon o pakikipag-
ugnayan ng mga mamamayan sa pamahalaan; sa
pasalita at higit na lalo sa pasulat na paraan.
MGA WIKANG
OPISYAL
Seksyon 7, Artikulo XIV ng
Saligang Batas 1987
• “Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino, at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga
wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing
pantulong sa mga wikang panturo roon”
TUKLASIN

Wikang Panturo
• Ito ang wikang opisyal na ginagamit bilang
midyum ng pag-aaral sa sistema ng edukasyon.
Ito ang tawag sa wikang ginagamit ng guro sa
pagtuturo sa paaralan.
MGA WIKANG
PANTURO
Artikulo XVI, Seksiyon 7 ng
Saligang Batas 1987
• Sinasabi na ang wikang panturo na gagamitin sa paaralan
ay Filipino at Ingles. Samantala, ang mga wikang
panrehiyon ay magsisilbing pantulong na wikang panturo.
MGA WIKANG PANTURO
DepEd Order No. 74
Series 2014
• Noong Hulyo 14 2014, Inilabas ang kagawaran ng Edukasyon ang kautusan
na paggamit ng unamg wika bilang midyum ng pagtuturo sa mga mag-aaral
ng Kinder hanggang Baitang Tatlo na makikita sa implementasyon ng K-12
Kurikulum.
WIKANG BERNAKULAR
 Ang tawag sa isang wika sa isang pook. Hindi ito isang
varayti ng wika tulad ng dayalekto, kundi isang hiwalay na
wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng gobyerno
o ng kalakal tinatawag din itong mga wikang panrehiyon.
WIKANG DAYALEKTO
 Ang Dayalekto ay nangangahulugang barayti/varayti ng isang wika at hindi isang
hiwalay na wika. Ang halimbawa ng dayalekto ay ito: Ang mga nagsasalita ng
isang wika, batay sa lugar ng pinanggagalinagn ay maaring magkaroon ng
bahagyang pagkakaiba sa bigkas pag-gamit ng panlapi o ayos ng pangungusap.
 Dahil dito may tinatawag na tagalog-bulakan, tagalog-cavite, tagalog-metro
manila at marami pang iba.
BILINGGUWALISMO
Tumutukoy sa dalawang wikang pantay na nagagamit ng
may kahusayan.
Bilang patakrang pag-edukasyon dito sa Pilipinas
nangangahulugan ito ng paggamit ng Ingles at Filipino
bilang panturo sa ibat-ibang asignatura.
MULTILINGGUWALISMO
 Tumutukoy sa higit sa dalawang salitang ginagamit ng may kahusayan.
 Ngayon Hindi na bilingguwalismo kundi Multilingguwalismo na ang ginagamit sa
patakarang pang wika sa edukasyon at ito ay dahil sa:
 Pagpapatupad ng Mother-Tongue based, Multilinggual Education o MTB-MLE.
Marami ba kayong Kung gayon kayo ay
natutunan sa paksang aking susubukin
ating tinalakay? hinggil sa ating
tinalakay.
SURIIN
Tukuyin kung anong Konseptong
pangwika ang tinutukoy sa bawat
bilang batay sa ginawa nating
pagtalakay.
SURIIN
Ito ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
parrang arbitraryo upang magamit ng mga
taong may iisang kultura.

•WIKA
SURIIN
• Ito ay kailangang nasa
estado ng ligua franca at
dapat na sumasailalim sa
pagkilala ng batas,
• Wikang Pambansa
SURIIN
ito ay itinadhana ng batas na maging opisyal na
wika sa komunikasyon, transaksiyon o
pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan sa
pamahalaan; sa pasalita at higit na lalo sa
pasulat na paraan.
• Wikang
Opisyal
SURIIN
Ito ang tawag sa wikang
ginagamit ng guro sa
pagtuturo sa paaralan

• Wikang Panturo
PAGLALAHAT
• Bilang paglalahat sa loob ng
isang minuto ilahad sa
pamamagitan ng 3-5
pangungusap ang natutunan
sa paksa.
PAGLALAPAT Ano ang kahalagahan
ng wika sa ating
buhay?

•WIKA
Maraming salamat
SA PAKIKINIG 

You might also like