You are on page 1of 32

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
ARALIN 1:
MGA KONSEPTONG
PANGWIKA
ANO ANG WIKA?
Instrumento ng komunikasyon
Behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at
pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa.
Ang salitang Latin na “Lingua” at salitang
Pranses na “Langue” na nangangahulugang dila
at wika.
Ang wika at dila ay may halos magkaparehong
kahulugan.
Pagpapakahulugan ng mga dalubhasa
sa wika
1. Paz, Hernandez, at Peneyra
2. Henry Allan Gleason Jr.
3. Cambridge Dictionary
4. Charles Darwin
Paz, Hernandez, at Peneyra (2003)

Ang wika ay tulay na ginagamit para


maipahayag at mangyari ang anumang minimithi
o pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating
ekspresyon at komunikasyon na epektibong
nagagamit.
HENRY ALLAN GLEASON JR.
Isang lingguwista at propesor emeritus sa
University of Toronto.
Ang wika ay masistemang balangkas ng
mga tunog na pinili at isinaayos sa
pamaraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong nabibilang sa isang kultura.
Cambridge Dictionary
Ito ay sistema ng komunikasyong nagtataglay
ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit
sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa
isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain.
CHARLES DARWIN
Naniniwalang ang wika ay katulad ng sining
kagaya ng paggawa ng serbesa, o pagbe-bake
ng cake, o ng pagsusulat. Hindi rin daw ito likas
sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang
pag-aralan bago matutuhan.
ANG WIKANG PAMBANSA
 Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng maraming pulo
na nangangahulugang maraming wika at diyalekto ang
umiiral sa ating bansa.
 Ang naging pangunahing dahilan kung bakit
kinakailangang magkaroon tayo ng isang wikang
mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga
Pilipino. Ito ang tatawaging wikang Pambansa.
1984
Tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyonal
noong 1934 ang pagpili sa wikang ito.
Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang
wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga
umiiral na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito
ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na noo’y
Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng
Pilipinas.
1935
Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas 1935
“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansang ibabatay sa isa sa mga umiital na
katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng
batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang
mananatiling opisyal na wika.”
Ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng isang batas na
isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang Batas
Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng Surian ng Wikang
Pambansa.
Base sa pag-aaral na isinagawa ng Surian, napili nila ang
Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa.
Ang wikang pipiliin ay dapat . . . . . . .
 Wika ng sentro ng pamahalaan;
 Wika ng sentro ng edukasyon;
 Wika ng sentro ng kalakalan; at
 Wika ng nakararami at wika ng pinakadakilang nasusulat na
panitikan.
1937
Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama
ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang
tagalog upang maging batayan ng Wikang
Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa
bisa ng kautusang tagapagpalaganap Blg. 134.
Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng
dalawang taon.
1940
Dalawang taon matapos mapagtibay ang
Kautusang Tagapagpalaganap Blg. 134,
nagsimulang ituro ang wikang pambansang
batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko
at pribado.
1946
Sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas ay
ipinahayag ding ang mga wikang opisyal ng
bansa ay ang Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Blg. 570
1959
Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag
sa wikang Pambansa. Mula Tagalog ito ay
naging Pilipino sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E.
Romero.
Sa kabila nito ay marami pa rin ang
sumasalungat sa pagkakapili sa Tagalog bilang
batayan ng wikang Pambansa.
1972
Muling nagkaroon ng mainitang
pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyonal
noong 1972 kaugnay ng usaping pangwika.
Sa huli, ito ang mga naging probisyong
pangwika sa Saligang Batas ng 1973,
Artikulo XV, Seksiyon 3, Blg. 2:
Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon
3, Blg. 2:
“Ang Batasang Pambansa ay dapat
magsagawa ng mga hakbang na
magpapaunlad at pormal na magpapatibay
sa isang panlahat na wikang pambansang
kikilalaning FILIPINO.”
1987
Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng
Komisyong Konstitusyunal na bino ni Dating
Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa
paggamit ng Wikang Filipino, nakasaad sa
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol
sa wika na nagsasabing:
Artikulo XIV, Seksiyon 6
“Ang wikang Pambansa ng Pilipinas
ay Filipino. Samantalang nililinang, ito
ay dapat payabungin at payamanin pa
salig sa umiiral na mga wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
BAtas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988

“Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran,


kawanihan, opisina, ahensiya at instrumentaliti
ng pamahalaan na magsagawa ng mga
hakbang na kailangan para sa layuning
magamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksiyon, komunikasyon o
korespondensiya.”
WIKANG OPISYAL
AT WIKANG
PANTURO
WIKANG OPISYAL
Ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na
maging wika sa opisyal na talastasan ng
pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang
maaaring gamitin sa anumang uri ng
komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa
loob at labas ng alinmang sangay o ahensiya ng
gobyerno.
WIKANG PANTURO
Ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal
na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa
pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at
ang wika sa pagsulat ng mga aklat at
kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7

“Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang


mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at,
hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga
wikang opisyal sa rehiyon at magsisilbing pantulong na
mga wikang panturo noon. Dapat itaguyod nang kusa at
opsyonal ang Kastila at Arabic.”
Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education
(MTB-MLE)
Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang
Mother Tongue o unang wika ng mga mag-
aaral ay naging opisyal na wikang panturo
mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga
paaralang pampubliko at pribado man.
Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin
Luistro, FSC, “ang paggamit ng wikang
ginagamit din sa tahanan sa mga unang
baiting ng pag-aaral ay makakatulong
mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-
aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang
kamalayang sosyo-kultural.”
Sa unang taon ng pagpapatupad ng K-12
at itinakda ng DepEd ang labindalawang
local o panrehiyong wika o diyalekto para
magamit sa MTB-MLE. Subalit sa taong
2013 nadagdagan pa ito ng pito kaya’t
labingsiyan na wika at diyalekto na ang
ginagamit.
1. Tagalog 11.Meranao
2. Kapampangan 12.Chavacano
3. Pangasinense 13.Ybanag
4. Iloko 14.Ivatan
5. Bikol 15.Sambal
6. Cebuano 16.Aklanon
7. Hiligaynon 17.Kinaray-a
8. Waray 18.Yakan
9. Tausog 19.Surigaonon
10.Maguindanaoan
Ang magiging pokus sa kindergarten at unang baiting
ay ang katatasan sa pasalitang pagpapahayag. Sa ikalawa
hanggang ika-anim na baitang ay bibigyang diin ang
iba’t ibang component ng wika tulad ng pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Sa mas matataas na
baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang mga pangunahing
wikang panturo o medium of instruction.

You might also like