___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ KASAYSAYA N NG WIKANG PAMBANSA Inihanda ni: G. Prince Nhyllz Xyruze Pontanares Saligang Batas ng Biak na Bato Nobyembre 1, 1897
Kauna-unahang pagkilala sa Tagalog
bilang opisyal na wika ng bagong tatag ng pamahalaang rebolusyonaryo. Artikulo VIII • Malinaw na nakasaad dito na “Ang wikang Tagalog ay siyang magiging opisyal na wika ng Republika”
• Ito ay bunga ng masidhing pagkakaisang damdamin ng
mga mamamayan dahil sa mga akdang naisulat sa Tagalog sa panahon ng Propaganda. Philippine Commission – Batas Blg. 74 1901
Nag – uutos sa paggamit ng Ingles
bilang wikang panturo o midyum ng pagtuturo sa lahat ng paaralan Batas Komonwelt Blg. 577 1931
Nagtagubilin sa paggamit ng mga wikang
bernakular bilang wikang pantulong sa pagtuturo sa buong kapuluan sa buong taong aralan 1932 – 1933. SB 1935 Artikulo XIV, Seksyon 3 • Pormal na nag-aatas sa Kongreso na gumawa ng kinakailangang mga hakbang hinggil sa pagkakaroon ng wikang Pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas
• Ipinatupad ito sa pamumuno ng dating pangulong Manuel
L. Quezon at Kongresistang si Wenceslao Vinzon. Batas Komonwelt Blg. 184 Oktubre 7, 1936
Sa pangunguna ng puno ng Committee on
Style sa Kongreso ni Kgg. Norberto L. Romualdez na nagbigay-daan para maitatag ang Surian ng Wikang Pambansa. Surian ng Wikang Pambansa Magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga umiiral na katutubong wika sa Pilipinas at mula doon ay pumili ng magiging batayan ng wikang pambansa. BATAYAN SA PAGPILI NG MAGIGING WIKANG PAMBANSA 1. Ginagamit ng nakararaming Filipino na siyang wika ng Maynila na sentro ng kalakalan 2. Ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikan ng lahi. 3. May pinakamaunlad na balangkas, mayamang mekanismo at madaling matutuhan ng mga Filipino. 4. Maraming salita na may pinakamalapit na hawig sa iba pang mga wika. Nobyembre 9, 1937 Tagalog , ang wikang nakatugon sa lahat ng pamantayang inilatag ng lupon. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 Abril 1, 1940
Ito ay ang pagpapalimbag ng
Diksiyonaryong Tagalog – Ingles at ng Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos Kautusang Pangkagawaran Blg. 1 Sa pamumuno ng dating Kalihim ng Pagtuturo na si Jorge Bocobo, sinimulang ituro ang Wikang Pambansa sa ika-4 na taon sa mataas na paaralan at sa ikalawang taon sa mga paaralang normal. Military Order Blg. 2 Pebrero 17, 1942
• Taong 1941 – 1945, Unti-unting naitanghal bilang wikang
pambansa ang Tagalog.
• Iniutos din na ang opisyal na mga wika sa Pilipinas ay
Tagalog at Nihonggo SB 1943 sa Artikulo 9 Seksyon 2 Laurel Constitution
Nagkakaroon ng malawakang pagpapalaganap ng
Filipinismo at ideolohiyang Hapones partikular na sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Laurel. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10 Nag-aatas sa pagtuturo ng wikang Tagalog sa lahat ng mga paaralan maging sa kolehiyo at unibersidad. Batas Komonwelt Blg. 570 Hulyo 4, 1946
Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa at ito pa rin ang ideneklarang opisyal na wika ng bansa. Pebrero 1956
Ito ang pagrerebisa sa salin ng Panatang
Makabayan maging ang pagtuturo at pagpapaawit sa Lupang Hinirang sa mga paaralan. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 Agosto 13, 1959
Sinimulang tawaging Pilipino sa pangunguna ni
Jose Romero (dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon) sa paniniwalang mas magiging katanggap-tanggap ang wikang pambansa sa bago nitong pangalan. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 Oktubre 24, 1967
Nilagdaan ng dating pangulong Ferdinand Marcos
ang pagsasa- Filipino ng pangalan ng lahat ng gusali at mga tanggapan ng pamahalaan, letterheads at panunumpa sa tungkulin ng mga kawani ng pamahalaan. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 Nag-uutos na gamitin sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapann at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang Filipino sa mga opisyal na komunikasyon, transaksyon at korespondesiya. Memorandum Sirkular Blg. 384 Agosto 17, 1970
Nagsasaad ng lahat ng korporasyong
kontrolado at pagmamay-ari ng pamahalaan na tangkilikin ang wikang pambansa. SB 1973-Artikulo XV Seksyon 3, Talata 2 “Ang Pambansang Assemblea ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsiyon ng panlahat na wikang pambansang tatawaging Filipino” Resolusyon Blg. 70 1970
Nag-uutos na wikang Panturo ang Filipino sa antas ng
elementarya.
Resolusyon Blg. 73-7
Ang Ingles at Filipino ay isasama sa kurikulum mula sa unang baiting sa mababang paaralan hanggang sa kolehiyo. Kautusang Pangministri Blg. 22 Hulyo 21, 1978
Nag-uutos ng pagkakaroon ng anim na yunit ng
Filipino sa lahat ng kurso sa antas ng tersiyarya at labindalawang yunit ng Filipino sa mga kursong pang-edukasyon. SB 1987, Artikulo XIV Seksyon 6Sek.6 at 7– “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samanatalang nililinang ito ay dapat payabungin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.”
Sek. 7 – “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo doon.” Depinisyon ng Filipino ayon sa KWF Agosto 5, 2013
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa sa buong Pilipinas bilang
wika ng komunikasyon sa pagbigkas at sa pagsulat na paraan ng mga pangkating katutubog sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at ibat-ibang uri ng paggamit sa ibat- ibat pook at sitwasyon at nalilinang sa ibat-ibang antas ng saliksik at talakayang akadamiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa. DECS Order Blg. 52 s. 1987
• Implementasyon ng edukasyong bilingguwal sa bansa.
Memorandum Sirkular Blg. 59
• Nag-aatas ng pagsasama sa mga kurikulum ng siyam na yunit ng
Filipino sa mga kolehiyo sa Pamantasan
Proklamasyon Blg. 1041
• Pagbabago ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Buwan ng Wika.