Henry Gleason- katangin ng wika Vergillio Almario- pagkatao Noam Chomsky- pagulat o pagsasalitang simbulo Archibald A. Hill- simbolikong pantao Mangahi Et; Al- pagkakaisa KASAYSAYAN NG WIKA Saligang Batas ng 1987 Arikulo XIV Seksyon 6 “Ang wikang pambans ay Filipino, samantalang nililinang ito’y dapa payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika.” (Pinaka puso ng wikang pambnsa) 1935 Seksyon 3, Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1935. Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng wikang umiiral. Hanggang wala pang opisyal na wika na itinatadhana, ang wikang Ingles at kastila ang patuloy na gagamiting wika 1936 Batas Komomwelt Blg 184 nilikha ang institusyong mangangasiwa sa pagkakaroon ng wikang pambansa at ito ay tatawaging-SURIAN NG WIKANG PAMBANSA (SWP) 1937 Kautusang Tagapagpaganap 134 Batay sa Tagalog ang Wikang Pambansa ng Pilipinas. 1940 Order militar Blg.13 Ang wikang Hapon at Tagalog ang opisyal na wika. Batas Komonwelt Blg. 50 Muling binuksan ang institution ng SWP dahil sa pagdating ng mga Hapon at pagsiklab ng ikalawang pandaigdigan digmaan. Kautusang tagapagpaganap Blg. 10 Ituro ang wikang Tagalog sa mga paaralan 1954 Proklama blg. 12 nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon, sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa. 1955 Proklama blg. 186 Ang pagdidiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa sa ika 13-19 ng Agosto taun-taon. 1959 Kautusang Pangkagawaran blg. 7 Wikang Pambansa ay tatawagin nang PILIPINO 1967 Kautusang Tagapagpaganap blg.96 Ang lahat ng mga gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. 1968 Memorandum Sirkular blg. 172 Isulat sa Pilipino ang mga letterheads ng mga kagawaran at sangay ng pamahalaan. Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay na gamitin ang wikang Pilipino, hangga’t maaari, sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan. 1972 Saligang batas ng 1972 Ang Batasang pambansa ay dapat gumawa ng hakbang na maglilinang sa wikang pambansa na tatawagin ng FILIPINO. 1974 Kautusang Pankagawaran Blg. 25 pagtatakda ng Edukasyong Bilinggwal sa lahat ng paaralan. 1987 Saligang batas ng 1987, artikulo xiv seksyon 6 Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. 1988 Kautusang Tagapagpaganap blg. 335 Lahat ng sangay ng pamahalaan na gamitin sa mga opisyal na transaksyon ang wikang Filipino. 1990 Kautusang Pangkagawaran blg. 21 Gamitin ang Filipino sa panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas. 1991 Saligang batas ng 1987 artikulo iv, seksyon 9 Paglikha sa Komisyon sa Wikang Pilipino. 1997 Proklamasyon blg. 1041 Nagpapahayag ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing Agosto1-31.
II. FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN AT PANANALIKSIK
Wikang filipino bilang wika ng bayan
Isagani Cruz- isa sa pinakamayang literatura sa mundo ay ang literatura ng Pilipinas. Linggwa Frangca- tumutukoy sa wikang karaniwang ginagamit ng mga mamayanan may iba't ibang sinasalitang wika. Agosto 25, 1988- nilagdaan ng dating pangulong Corazon Aquino ang Executive Order bilang 335 na hikayat sa lahat ng ahensya at departamento ng gobyerno na magsasagawa ng mga hakabangin upang gamitin ang wikang Filipino bilang opisyal na wika sa transaksyon at komunikasyon. Panuntunan ng lahat ng sangay ng Gobyeryo Magsagawa ng mga hakbangin upang mapayaman ang Filipino bilang wika sa opisyal na komunikasyon at transaksyon ng mga kaukulang nasyonal o lokal na opisina. Kung kinakailangan magtalaga ng isa o higit pang empleyado sa bawat tanggapan na mangangasiwa sa mga komunikasyong nakasulat sa Filipino Salin sa Filipino ang mga pangalan ng mga opisina, gusali pampublikong edipisyo mga karatula ng lahat ng tanggapan at ang kanilang sangay at kaparaanan na kung saan ang ingles na salin ay nakalagay sa ibaba sa mas maliit ba pagkakasulat. Gawing Filipino rin ang panunumpa ng opisina para sa mga opisyal at kawani ng gobyerno. Isinama sa mga programaang isang pagsasanay ukol sa kahusayan sa paggmit ng wikang Filipino sa opisyal na transaksyon at komunikasyon na lilinang sa pag-unlad ng kasanayan ng mga kawani ng bawat ahensya. Wikang filipino bilang wikang pananaliksik Ang akademikong institusyon ay may mahalagang tungkulin upang ang wika ay lalong mapalawig at maging kapaki-pakinabang sa sambayanan. Sa pamamagitan ng pananaliksik na nasusulat sa Filipino, malaki ang bahagdan ng pagkakaintindihan at pakikipag-ugnayan. Subalit ang kakulangan ng mga pananaliksik o publikasyon nasususlat sa Filipino Mga gawain upang mapayabong ang wikang filipino bilang wika ng pananaliksik Pagbuo ng diksyonaryong Filipino upang maging kasangkapan sa mga mananaliksik Pag-aaral at pagbuo ng mga sulatin ng mga katutubong wika Pagbuo ng glosaryong akademiko Pagtitipon at pagpapayaman ng mga materyales at sanggunian sa saliksik pangwika Pagsasalin ng mga batyang aklat sa iba't ibang larang sa Filipino Pagsususlong ng sining at agham sa pagsasalin Pagtataguyod sa mgasaliksik pangwika at pangkultura sa Filipino Bumuo ng mga jornal sa iba't ibang larangan gamit ang wikang Filipino Kahalagan ng wikang filipino sa pananaliksik Ang pananaliksik sa Filipino ang magpapahayag at bubuhay sa damdaming makabayan ng mga Pilipino. Makaambag sa panitikan patungkol sa pinagsasaliksikan at magbahagi sa mga sumusunod pang mangangailangan nito. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik gamit ang wikang Filipino maibabahagi ang kaalman ng mga Pilipino at magkaroon ng pagkilala sa sarili at maipagmamalaki kung kaya nabubuhay ang damdaming makabayan. Dahil sa wikang gamit sa pananaliksik, maski ag hindi marunong o hindi gaano nakakaintindi sa ingles ay maiintindihan ang naisagawang pananaliksik. Maibahagi natin sa bawat isa ang mga makabagong tuklas sa bawat larang sa lahat ng mga Pilipino dahil naiintindihan ng bawat isa ang wikang Filipino. Dahilan mas pinipili ang wikang ingles sa pagsulat Ang wikang ingles ang ginagamit bilang midyum sa pagtuturo. Malimit na balakid sa mga mananaliksik ang pagsulat sa wikang Filipino. Mas maraming aklat at pananaliksik na nakasulat sa wikang ingles. Halos lahat ng prestitusyonng jornal ay nakalimbag sa ingles. Halos lahat ng prestitusyonng jornal ay nakalimbag sa ingles. Ang programang filipino sa akademikong konteksto Ang wikang Filipino ay kinikilala bilang mabisang wika sa pagtuturo at pagkatuto.Ito ang ginagamit na wika sa pagtuturo at pag-aaral sa iba't ibang disiplina ng kaalaman at sa lahat ng antas ng edukasyon. Mula noong 1989-1990 taong nagpatupad ng limang taong programa ukol sa paggamit ng wikang Filipino bilang kanilang wikang panturo(Sibayan,1997). Namayagpag ang wikang Diwa ng wika sa Unibersidad.Ang pangangailangan ng isang maderno at intelektuwalisasyon at estandadisadong wikang Filipino upang maisama bilang asignatura sa lahat ng antas at naging kurikular na kurso sa kolehiyo. Maraming salik ang nakakiling sa mga programang pangwika kung misan ay naisasawalang bahala lalo na ang wikang Filipino sa tingin ng iba mas mahina kumpara sa ingles. Idineklara ang Ingles at Filipino bilang dalawang wikang opisyal na mararapat gamitin sa lahat ng sangay ng ahensya. Hindi lamang nakikitaan ang pagpapayaman sa wika ang aspetong kurikular kundi pati rin sa ko kurikular. Ang kurikular na aspeto ay tumutukoy sa akademikong pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang ko-kurikular o ekstra kurikular na gawain ay gawain ngn mga pang- estadong unibersidad at kolehiyo paligsahang pampanitikan at pangkultura gaya ay ang mga ng talumpati, pagsulat ng iba't ibang uri ng panitikan, sayaw, pagkanta, at marami pang iba maging ang pag-uugany sa sarili sa mga programa katulad ng Buwan ng Wika. Binggit ni Baquiran (2010) na ang kurikulum ay isang disenyo at batayan ng wikang Filipino na dumadaan sa pagsusuri at pag-aaral .