You are on page 1of 1

"Wikang Filipino bilang wikang Pambansa, Wika ng

Bayan at Wika ng pananaliksik na nakaugat sa


Pangangailangan ng Sambayanan."

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang


ginagamit ng lahat ng abtas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Ang isang bansa
na may sariling wika ay nangunguhulugan ito ng kalayaan. Ang wikang Filipino
ay isang oaraan ng komunikasyon nating mga Pilipino upang magkaintindihan at
magkaunawaan ang bawa isa sa atin.

Ang pagsilang ng wika ay nagbibigay buhay sa ating sibilisasyon. Sa


pamamagitan nito, malinaw na nailalarawan ang bawat karanasan at damdamin ng
bawat tao. Ang pagkakaroon ng sariling wika ay lubusang naipahayag ng ng
nakararaming mamamayan ang kanilang kaisipan. Ang wikang Filipino ay
sumisumbolo sa kultura nating mga Pilipino, kung sino at ano tayo. Ito ay lubos
na mahalaga para sa ating mamayanan. At kapag tayo ay nasa paaralan
napagaaaralan at nalalaman natin ang kahalagahan nito.

Ang bawat isa sa atin o bawat lugar sa bansang ito ay may ibat ibang
tagalog ngunit maaaring nagkakaiba lang sa puntong ginagamit. Kayat mas
pinainam na magtalaga ng wikang Pilipino na magiging kasangkapan bilang
opisyal na wika sa komunikasyon.
Ang wikang Pilipino ay patuloy sa pag usbong at pag unlad, masasabing
umuunlad ito sapagkat nagagamit ito sa paglilimbag ng mga aklat gayundin sa
mga pagsusulat ng pamanauhang papel o pananaliksik.

Kailangang gamitin ang Filipino bilang wikang panturo dahil sa wikang


ito pinakamabisang matututo ang ating mga estudyante. Ang katotohanang ito ay
kinilala na sa Konstitusyon nang itakda rito na maging wika ang Filipino ng
sistemang pang-edukasyon.
Bukod dito, kapag ginamit ang Filipino bilang wikang panturo, natututo ang mag-
aaral at natututuhan din nila ang nilalaman ng ating kultura ang kaluluwa ng ating
pagkabansa. Ang pinapangarap ng pamahalaan na matatag na Republika ay
matatamo lamang kapag nauunawaan at minamahal ng sambayanan ang kanilang
sariling kultura.

You might also like