You are on page 1of 3

“WRITTEN REPORT”

SA K.P.W.K.P.
PAKSA: PANAHON
NG PAGSASARILI
AT KASALUKU-
YANG PANAHON
IPINASA NINA: Iane Jhazzlee Mapile
Misha Kathlyn de Veyra

Kiara Mae Abunales

Jamaica Abendan
(Grade 11 – Income)
IPINASA KAY: Arlene Comillor
Kasaysayan ng Pambansang Wika sa PANAHON NG PAGSASARILI

1. Kasaysayan ng Pambansang Wika saPanahon ngPagsasarili

2. • Noong Hulyo 4, 1946, ipinahayag na ang wikang opisyal sa Pilipinas ay Tagalog batay sa
Batas Komonwelt Bilang 570. • Sa panahong ito na balam na naman ang pagpapaunlad sa
wikang pambansa dahil muling namayagpag ang wikang Ingles bilang midyum ng
komunikasyon sa mga pahayagan at pamahalaan.

3. • Sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang 12 na nilagdaan ni Pangulong Ramon


Magsaysay noong Marso 26, 1951, ipinagdiwang ang Linggo ng Wikang Pambansa.
•Nagsimula ang pagdiriwang mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon.

4. •Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 noong


Setyembre 23, 1955 na nag-uutos sa paglilipat ng petsang Linggong Wika mula ika-13
hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pangulong
Manuel L. Quezon (Agosto 19).

5. •Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang


Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang
Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin.

6. •Higit na binigyang halaga ang paggamit ng wikang Pilipino sa panahong ito. •Lahat ng
tanggapan at gusali ay ipinangalan sa wikang Pilipino. •Ang mga dokumentong pang
gobyerno tulad ng panunumpa sa trabaho, pasapporte at visa ay nakasaad sa Pilipino.

7. •Ginamit rin ang wikang Pilipino sa iba’t ibang lebel ng edukasyon sa panahong ito.
•Ginamit rin ang wikang Pilipino sa mass media tulad ng telebisyon, radio, komiks, magasin
at dyaryo.

8. •Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan


ang Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan.
•Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nag
tatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan ng
pamahalaan noong Oktubre 24, 1967.

9. •Noong Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang
Memorandum Sirkular Blg. 96 nanag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal
na komunikasyon sa mga transaksyon ng pamahalaan. •Memorandum Sirkular Blg. 488
noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng
Linggong Wika.

10. •Sakabila ng mga pagbabagong ito, hindi pa rin matanggap ng ibang sektorang Pilipino
ang wikang Pambansa. •Maraming mga pagtatalong pangwika ang naganap sa 1972
Kombensyong Konstitusyunal

11. •Naging mainit na isyu ang probisyong pang wika hanggang sa ang naging resulta ng
maraming pagtatalo at pag-aaral ay ang probisyong Seksiyon 3 (2) ng Artikulo XV sa
kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas. •Samantalang ang “Ang Batasang Pambansa ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino
ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.”
Ang Pambansang Wika Sa KASALUKUYANG PANAHON

1. Kasalukuyang Panahon (1986-present)

2. Kasalukuyang Panahon  Ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na


pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas.

3. Kasalukuyang Panahon  1987 Pinalabas ni Lourdes Quisumbing ng Departamento ng


Edukasyon, Kultura at Isports ang Kautusan Blg 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino
bilang panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa
patakaran ng edukasyong bilinggwal.

4. Kasalukuyang Panahon  Artikulo 14 Seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987 “ Ang wikang


pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO.

5. Kasalukuyang Panahon  Wikang Opisyal - Itinadhana ng batas na maging wika sa


opisyal na talastasan ng pamahalaan.

6. Kasalukuyang Panahon  Wikang Opisyal Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal
ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.

7. Kasalukuyang Panahon  Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo


XIV, Seksyon 6&7

8. Kasalukuyang Panahon (1986-Present)  “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.


Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika
sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo,
ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles…”

9. Kasalukuyang Panahon  Wikang Panturo - Ang wikang panturo ang opisyal na wikang
ginagamit sa pormal na edukasyon. Sa pangkalahatan ay FILIPINO at INGLES ang mga
opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan.

10. Wikang ginagamit sa Pagtuturo Tagalog Ybanag Kapampangan Ivatan Pangasinense


Sambal  Ilokano Aklanon Bikol Kinaray-a Chavacano Yakan Cebuano Maguindanaoan
Surigaonon Hiligaynon Waray Tausug.

11. Kasalukuyang Panahon  Wikang Panturo - Ang mga wika at dayalektong ito ay
ginagamit sa dalawang paraan: A)Bilang hiwalay na asignatura at bilang wikang panturo

12. Kasalukuyang Panahon  Wikang Panturo - Ayon kay DepED Secretary Brother Armin
Luistro, FSC “Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng
pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at
makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo- kultural”

13. Kasalukuyang Panahon (1986-Present)  Nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi na ng


kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa CHED. Nag atas ito ng pagsasasama sa mga kurikulum
ng siyam (9) na yunit ng Filipino sa mga kolehiyo.

You might also like