You are on page 1of 14

KASAYSAYAN NG

WIKANG
PAMBANSA
PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG SA
KASALUKUYAN
■ Noong Hulyo 4, 1946, ipinahayag na ang wikang opisyal sa
Pilipinas ay tagalog batay sa batas komonwelt bilang 570.
■ Sa panahong ito na balam na naman ang pagpapaunlad sa
wikang pambansa dahil muling namayagpag ang wikang
ingles bilang midyum ng komunikasyon sa mga pahyagan
at pamahalaan.
■ Sa pamamagitan ng proklamasyong bilang 12 na nilagdaan
ni Pangulong Ramon Magsaysay noong Marso 26, 1951,
ipinagdiwang ang linggo ng Wikang Pambansa.
■ Nagsimula ang pagdiriwang mula Marso 29 hanggang Abril
4 taun-taon.
■ Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon
Blg.186 noong Setyembre 23, 1955 na nag uutos sa paglilipat ng
petsang Linggong wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang
pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pangulong Manuel L.
Quezon(Agosto 19).
■ Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng kagawaran ng
edukasyong ng kautusang Pangkagawaran blg. 7 noong Agosto 13,
1959 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang wikang Pambansa,
ang salitang Pilipino ang gagamitin.
■ Higit na binigyang halaga ang paggamit ng wikang Pilipino sa
panahon ito.
■ Lahat ng tanggapan at gusali ay ipinangalan sa wikang Pilipino.
■ Ang dokumentong pang gobyerno tulad ng
panunumpa sa trabaho, pasapporte at visa ay
nakasaad sa Pilipino.
■ Ginamit rin ang wikang Pilipino sa iba’t ibang
lebel ng edukasyon sa panahong ito.
■ Ginamit rin ang wikang Pilipino sa mass media
tulad ng telebisyon, radio, komiks, magasin, at
dyaryo.
■ Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, director ng
paaralang Bayan ang sikular 21 na nag uutos na ituro at awitin ang
Pambansang Awit sa mga paaralan.
■ Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang kautusang
Tagapagpaganap blg. 96 na nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga
pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan noong
Oktubre 24, 1967.
■ Noong Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim
tagapagpaganap ang memorandum sirkular Blg, 96 na nag aatas ng
paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon sa
mga transaksyon ng pamahalaan.
■ Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na
humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng
Linggong Wika.
■ Sa kabila ng pagbabagong ito, hindi pa rin matanggap ng ibang
sektorang Pilipino ang wikang Pambansa.
■ Maraming mga pagtatalong pangwika ang naganap sa 1972
Kombensyong Konstitusyonal.
■ Naging mainit na isyu ang probisyong pangwika hanggang sa ang
nagging resulta ng maraming pagtatalo at pag aaral ay ang probisyong
Seksiyon 3(2) ng Artikulo XV sa kasulukuyang Konstitusyon ng
Filipinas.
■ Samantalang ang “Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang
wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at
Pilipino ang mananatiling mga wikang Opisyal ng Pilipinas.”
KASALUKUYANG PANAHON (1986-
KASALUKUYAN)
■ Corazon Aquino bilang unang babaeng pangulo
ng Pilipinas.
■ Saligang batas 1987
■ Kautusang tagapagpagnap Blg. 117 ng
Pangulong Corazon C. Aquino.
■ Ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na
pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng
Pilipinas.
■ 1987 pinalabas ni Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon,
Kultura at Isports ang Kautusan Blg. 52 na nag uutos sa paggamit ng
Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay ng
Ingles na nagtatakda sa patakaran ng edukasyong bilinggwal.
■ Artikulo 14 seksiyon 6 ng saligang batas ng 1987 “Ang Wikang
pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO.
■ Wikang Opisyal- itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na
talastasan ng pamahalaan.
■ Wikang Opisyal, ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang
itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng
pamahalaan.
■ Kasalukuyang Konstitusyon (konstitusyon ng 1987, Artikulo
XIV, Seksyon 6 & 7).
■ “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba
pang mga wika. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino,
at hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, Ingles.”
■ WIKANG PANTURO- ang Wikang Panturo ang Opisyal na
wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
Sa pangkalahatan ay FILIPINO at INGLES ang mga opisyal
na wika at wikang panturo sa mga paaralan.
WIKANG GINAGAMIT SA
PAGTUTURO
■ Tagalog- Ybanag
■ Kapampangan - Ivatan
■ Pangasinense - Sambal
■ Ilokano - Aklanon
■ Bikol - Kinaray-a
■ Chavacano - Yakan
■ Cebuano - Maguindanao
■ Surigaonon
■ Hiligaynon
■ Waray
■ Tausug
■ Wikang panturo- ang mga wika at dayalektong ito ay
ginagamit sa dalawang paraan
– Bilang hiwalanay na asignatura
– Bilang wikang panturo
■ Wikang panturo ayon kay DepEd Secretary Brother
Armin Luistro, FSC “Ang paggamit ng wikang
ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng
apg aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at
kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin
sa kanilang kamalayang sosyo-kultural”
■ Nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi na
ng kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa
CHED. Nag atas ito ng pagsasama sa mga
kurikulum ng siyam(9) na yunit ng Filipino
sa mga kolehiyo.
OPINYON PATUNGKOL SA KALAGAYAN NG
WIKANG PAMBANSA SA KASALUKUYANG
PANAHON BILANG ISANG KABATAANG
PILIPINO
■ Ang Wikang Pambansa ngayon ay nanganganib nang mawala o mamatay dahil
mas tinatangkilik na ng mga kabataan ang ibang foreign language tulad na
lamang ng Korean Language, mas inaaral na ito ngayon kesa sa sariling Wika.
Noon pinaglalaban ng ating mga bayani ang wikang pambansa dahil isa ito sa
simbolo ng ating kalayaan bilang Pilipino ngunit nawawala na o
pinagsasawalang bahala na lamang ito ng ibang kabataan.
■ Kaya bilang isang kabataang Pilipino hinikayat ko ang bawat isa na tangkilikin
at pagyamanin ang sariling atin tulad na lamang ng ating wikang pambansa
dahil ito ang sumasalamin sa ating bansa, sumisimbolo ng ating kalayaan, daan
sa maunlad na bansa, daan sa pagkakaisa at iba. Kaya’t ibalik natin ang mga
panahon kung saan ang wika natin ang sandata natin sa pagharap natin sa mg
problema natin bilang isang indibidwal, pamilya, grupo, mamamayan, at Bansa.
YUN LAMANG PO!
SALAMAT SA INYONG PAKIKINIG!

You might also like