You are on page 1of 34

Kasaysayan

ng Wika
Maricris R. Concepcion
BEEd-II
Panahon ng Kastila
Espanyol- ang opisyal na
wika at ito rin ang wikang
panturo.
Panahon ng Amerikano
Nang sakupin ng mga Amerikano
ang Pilipinas, sa simula ay dalawang
wika ang ginamit ng mga bagong
mananakop sa mga kautusan at
proklamasyon, Ingles at Espanyol.
Sa kalaunan, napalitan ng Ingles
ang Espanyol bilang wikang opisyal.
Dumami na ang natutong magbasa at
magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang
nagging tanging wikang panturo batay sa
rekomendasyon ng Komisyong
Schurman noong Marso 4, 1899.
Noong 1935 halos lahat ng kautusan,
proklamasyon at mga batas ay nasa
wikang Ingles na.
Ngunit simula pa lamang ng
pakikibaka para sa kalayaan, ginamit
na ng mga katipunero ang wikang
Tagalog sa opisyal na kasulatan. Sa
Konstitusyong Probisyonal ng Biak-
na-Bato noong 1897, itinadhanang
Tagalog ang opisyal na wika.
Noong Marso 1934, pinagtibay ni
Pangulong Franklin D. Roosevelt ng
Estados Unidos ang Batas Tydings-
McDuffie na nagtatadhanang
pagkakalooban ng kalayaan ang
Pilipinas matapos ang sampung taong
pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.
Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon
ng 1935
Sa Saligang Batas ng Pilipinas,
nagtadhana ng tungkol sa wikang Pambansa:
“ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang
patungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay
ng isang wikang Pambansa na batay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wika.” (Pebrero
8, 1935)
Katutubong wika/pangunahing wika
sa Pilipinas
Cebuano Ilokano
Hiligaynon Pangasinan
Samar Leyte Kapampangan
Bikol Tagalog
Oktubre 27, 1936
Itinagubilin ng Pangulong Manuel Louis
M. Quezon sa kanyang mensahe sa
Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang
Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng
isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa
Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at
makapagpatibay ng isang wikang panlahat
na batay sa isang wikang umiiral.
Nobyembre 13, 1936
Pinagtibay ng Batasang-
Pambansa ang Batas Komonwelt
Blg. 184 na lumilikha ng isang
Surian ng Wikang Pambansa, at
itinakda ang mga kapangyarihan at
tungkulin niyon.
Tungkulin ng SWP
1. pag-aaral ng mga pangunahing wika na
ginagamit ng may kalahating milyong
Pilipino man lamang;
2. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral
ng talasalitaan ng mga pangunahing
dayalekto;
3. Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at
ortograpiyang Pilipino;
4. Pagpili ng katutubong wika na siyang
magiging batayan ng wikang Pambansa na
dapat umaayon sa (a) ang pinakamaunlad
at mayaman sa panitikan at (b) ang wikang
tinatanggap at ginagamit ng
pinakamaraming Pilipino.
Enero 12, 1937
Hinirang ng Pangulong Manuel Quezon
ang mga kagawad na bumubuo ng SWP
alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas
Komonwelt blg. 184, sa pagkakausog ng
Batas Komonwelt Blg. 333.
Nobyembre 9, 1937
Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod
sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang
SWP ay nagpatibay ng isang resolusyon n roo’y
ipinahayag na ang Tagalog ang “siyang halos na
lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng
Batas Komonwelt Blg. 184”, kaya’t itinagubilin
niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay
pagtibayin bilang saligan ng wikang Pambansa.
Disyembre 30, 1937
Inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusan
Tagapagganap Blg. 134 na nagsasabing ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa
Tagalog.
Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang
Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa
maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita’y
hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga di-
Tagalog dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng
Pilipino sa ganitong ayos:
59.6% sa Kapampangan
48.2% sa Cebuano
46.6% sa Hiligaynon
49.5% sa Bikol
31.3% sa Ilokano
9 hanggang 10 libong salitang magkakatulad
at magkakahawig sa bigkas, baybay at
kahulugan sa pangunahing wika natin.
Noong Abril 1, 1940
Inilabas ang Kautusang Tagapagganap Blg. 263.
Ipinag-uutos nito ang:
1. Pagpapalimbag at A Tagalog-English
Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na
pinamagatang Ang Baralila ng Wikang
Pambansa; at
2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo
19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado
sa buong kapuluan.
Panahon ng Pananakop ng mga
Hapon
Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas
ang mga Hapon nong 1942, nabuo ang isang
grupong tinatawag na “purista”. Sila ang mga
nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang
wikang pambansa at hindi n batayan lamang.
Malaking tulong ang nagawa ng pananakop ng
mga Hapon sa kilusang nabanggit
Ayon kay prof. Leopoldo Yabes, ang
Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na
baguhin ang probisyon sa konstitusyon at
gawing Tagalog ang Pambansang Wika.
Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa
mga Pilipino ang anomang kaispang pang-
Amerikano at mawala ang impluwensya ng
mga ito, Tagalog ang kanilang itinaguyod.
Nang panahong iyon, Niponggo at
Tagalog ang nagging opisyal na wika.
Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang
Panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming
manunulat sa wikang ingles ang gumagamit
ng Tagalog sa kanilang mga tula, maikling
kuwento, nobela, at iba pa.
Sa Panahon ng Pagsasarili
Hunyo 7, 1940
Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na
nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang
wika (Tagalog) simula Hunyo 4, 1940.
Nang matapos ang digmaan, ilang taon ding hindi
napagtutuunan ng panahon ang pagpapalaganap
sa Wikang Pambansa hanggang sa mailuklok
bilang Pangulo ng bansa si Ramon Magsaysay.
Marso 26, 1954
Nilagdaan ng Pangulong Ramon
Magsaysay ang proklama blg. 12 na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo
ng Wikang Pambansa simula Marso 29
hanggang Abril 4 taon-taon sa tagubilin ng
SWP. Napapaloob sa panahong saklaw ng
pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 4).
Setyembre 23, 1955
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay
ang Proklama Blg. 186 nagsusunog na proklama
Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y
inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo
ng Wikang Pambansa taon-taon simula Agosto
13 hanggang 19 (bilang paggunita sa kaarawan
ni Manuel Quezon (Agosto 19) na kinikilala bilang
“Ama ng Wikang Pambansa”.
Agosto 13, 1959
Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero
ng Kagawaran ng Edukasyon ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
nagsasaad na “kailanma’t tutukuyin ang
Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino
ay siyang gagamitin”.
Oktubre 24, 1967
Naglagda ang Pangulong Marcos ng
isang Kautusang Tagapagganap Blg.
96 na nagtatadhanang ang lahat ng
gusali, edipisyo, at tanggapan ng
pamahalaan ay pangangalanan na sa
Pilipino.
Marso 27, 1968
Inilabas ni Kalihim Tagapagganap Rafael M.
Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 na
nag-aatas na ang lahat ng letterhead ng mga
tanggapan, kagawaran, at sangay ng pamahalaan
ay dapat nakasulat sa Pilipino kalakip ang
kaukulang teksto sa Ingles.
Iniutos din ng sirkular na ang pormularyo ng
panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at
empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino
gagawin.
Hulyo 21, 1978
Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at
Kultura Juan L. Manuel ang kautusang
Pangmiministri Blg. 22 na ang na-uutos na
isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasangAntas/Kolehiyo.
Magkakaroon ng anm na yunit ng
Pilipino sa lahat ng kurso, maliban sa
kursong pang-edukasyon na dapat kumuha
ng labindalawang yunit.
Sa Kasalukuyang Panahon
Pebrero 2, 1987
Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng
Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7
nasasaad ang mga:
Seksyon 6- Ang wikang pambansa ng Pilipinas
ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin sa salig na umiiral
na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga Wika.
Seksyon 7- ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ng mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hangga’t walang
itinatadhana ang batas, Ingles.
1987
Pinalabas ng kalihim Lourdes R.
Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon,
Kultura at Palakasan ang kautusan Blg. 52 na
nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang
wikang panturo sa lahat ng antas sa mga
paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda
sa patakarang edukasyong bilinggwal.
1996
Pinalabas ng Commision on Higher Education
ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana
na siyam (9) na yunit na pangangailangan sa
Filipino sa pangkalahatang edukasyon at
nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga
kurso sa Filipino 1 (Sining ng pakikipagtalastasan),
Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa iba’t-ibang
Disiplina), at Filipino 3 (Retorika)
Hulyo, 1997
Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong
Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na
nagtatakda na ang Buwan ng Agosto taon-
taon ay magiging Buwan ng Wikang
Filipino at natatagubilin sa iba’t-ibang
sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa
mga paaralan na magsasagawa ng mga
gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
Tagalog- katutubong Wikang pinagbabatayan
ng pambansang wika ng Pilipinas (1935).
Pilipino- unang tawag sa pambansang wika
ng Pilipinas.
Filipino- kasalukuyang tawag sa
pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca
ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na
wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987).

You might also like