Professional Documents
Culture Documents
MGA BABASAHIN
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Siklo – Unang Markahan
DILA WIKA
Ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba’t ibang tunog ay nalilikha ng
iba’t ibang posisyon ng dila.
Ang WIKA ay may tradisyonal na pagpapakahulugang sistema ng arbitraryong vokal-simbol
ng isang pamayanan sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
Diksyunaryong Cambridge
Ang wika sa ganitong paraan ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog,
salita at gramatika na ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa
iba’t ibang uri ng gawain.
Charles Darwin
Ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagba-bake ng cake o ng pagsusulat.
Hindi rin ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago
matutuhan.
Bernales
Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong
cues na maaaring berbal o di-berbal.
Mangahis
May mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan.
Constantino at Zafra
Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
para magkaunawaan.
Lumbera
Ang wika ay hininga.
Alfonso Santiago
Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan, pilosopiya,
kaalaman, moralidad, paniniwala at mga kaugalian ng tao sa lipunan.
UP Diksyunaryong Filipino
Ang wika ay “lawa ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang
sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahan.
Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong
gumagamit ng iba’t ibang wika at diyalekto.
Humigit-kumulang 150 wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa.
Ito ang naging dahilan para magkaroon ng wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan.
Ang wikang ito ang magbubuklod sa mga Pilipino.
1934
Mainitang tinalakay, pinagtalunan at pinag-isipan sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong
1934 ang pagpili sa wikang pambansa. Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na isa sa
mga umiiral na wika sa bansa ang magiging wikang pambansa. Marami ang sumang-ayon
gayundin ang sumalungat na mga maka-Ingles. Ngunit ipinaglaban ng grupo ni Santos na
dapat ang magiging wikang pambansa ay isa sa mga umiiral na wika ng Pilipinas.
1935
Sinusugan ni Pangulong Manuel Quezon ang mungkahi ng grupo ni Lope at pagsusog na ito
ay nabigyang daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng
Saligang Batas 1935.
1937
Iprinoklama ni Pangulong Quezon na wikang TAGALOG ang magiging batayan ng Wikang
Pambansa sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 noong Disyembre 30, 1937.
Magkakabisa ang kautusang ito pagkatapos ng dalawang taon.
1940
Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, nagsimulang
ituro ang wikang pambansa batay sa Tagalog sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
1946
Nang ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng
Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal ng bansa ay
Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570.
1959
Agosto 13, 1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang pambansa, mula Tagalog ay naging
Pilipino sa bisa ng kautusang Pangkagawarang Blg. 7 na ipinapalabas ni Jose E. Romero,
dating Kalihim ng Edukasyon.
1972
Muling nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal kaugay sa
usaping pangwika.
Ang naging probisyong pangwika sa huli ay ang Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV,
Seksiyon 3, blg. 2
1987
Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ng
dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.
Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ng
dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.