0% found this document useful (0 votes)
198 views7 pages

Appendix A

Ang dokumento ay tungkol sa pagpapalaganap ng Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Ito ay naglalarawan kung paano naging batayan ng wikang pambansa ang Tagalog at kung paano ito naging Filipino. Tinalakay din nito ang mga pagtutol at pagtanggap sa pagpili ng Tagalog/Filipino bilang wikang pambansa.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
198 views7 pages

Appendix A

Ang dokumento ay tungkol sa pagpapalaganap ng Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Ito ay naglalarawan kung paano naging batayan ng wikang pambansa ang Tagalog at kung paano ito naging Filipino. Tinalakay din nito ang mga pagtutol at pagtanggap sa pagpili ng Tagalog/Filipino bilang wikang pambansa.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Appendix A

Yunit 3 Aralin 5

SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika.

Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng


Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa Sistemang pang-edukasyon.

SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga
wikang panrehyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at magsisilbi na
pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang
Kastila at Arabic.

SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehyon, Arabic, at Kastila.

SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na


binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

Yunit 1 Aralin 2

Halimbawa ng Bilinggwalismo
Sa asignatura ng mga primarya at sekondaryang Antas ng mga mag- aaral, isinabatas
ng gobyerno ang paggamit ng Billingwal na Patakaran ng Edukasyon o ang BPE. Ingles at
Pilipino ang pangunahing wika na ginagamit, ngunit may mga bago na ring kurikulum na
kung saan ang mga texto ng mgaaklat at iba pang uri ng babasahin ay nilimbag na gamit
ang bilinggwalismo na uri ng wika.
Maging sa pagtuturo at pakikipagtalastasan ng mga guro sa kanilang mga estudyante ay
pinalalaganap na rin nila ang paggamit ng bilinggwalismo. Ito ay sa kadahilanang mas
madali nilang maipaunawa o ipaintindi ang mga bagay na mahirap maintindihan ng ibang
mag-aaral sa wikang Ingles. Sa kabilang dako may mga mag-aaral din naman na mas
mabilis silang umintindi sa wikang Ingles.
Sa ating pang araw-araw na gawain sa buhay, dito man o sa iba pang parte ng mundo,
napakahalaga sa atin ang may kaalaman ng iba pang uri ng wika bukod pa sa ating sariling
gamit. Walang masama kung matuto man tayo ng iba pang global na salita.
Halimbawa ng Multilinggwalismo:
Ang mga halimbawa nito ay ang paggamit ng wikang Kapampangan ng mga taga
Pampanga, Tarlac at Bataan, Ilocano naman sa mga rehiyon ng Ilocos at ilang bayan ng
Pangasinan at Nueva Ecija.
Nabibilang din sa multilinggwalismo ang mga banyagang salita na natutunan natin mula sa
mga dayuhang mananakop at mga kaibigan. Andiyan ang Niponggo ng mga Hapon at
Mandarin naman sa mga kapatid na Tsino.
Sa sektor ng edukasyon, ay nagkaroon din ng patakaran ng paggamit ng multilinggwilismo.
Sa katunayan ay kasalukuyang ipinatutupad ng kagawaran ang pagdagdag sa paggamit ng
“Mother Tongue”o Inang Wika sa sistema ng asignatura ng mga elementarya sa mga
pampublikong paaralan.
Sinabatas ang paggamit ng katutubong dayalekto maliban pa sa paggamit ng Pilipino at
Ingles sa loob ng paaralan ng mga elementarya. Sinang-ayunan ang paggamit ng
multilinggwalismo lalo ng inang wika para mapreserba at di mawala sa sirkulasyon ang
ating katutubong wika.

Pangalawa ay para mas maayos nating maiparating ang ating mensahe sa pamamagitan ng
paggamit ng sariling wika. Bukod dito ay may mga aklat na rin na nilimbag gamit ang
multilinggwalismo. Saan ka man dumako ngayon sa ating lipunan multilinggwalismo ang
gamit ng maraming indibidwal, sa sangay man ng edukasyon, komersyo at iba pa

Yunit 4 Aralin 3

Wikang Tagalog
Ang Doctrina Cristiana (Doktrinang Kristiyano) na siyang unang librong nailimbag sa bansa
sa taong 1593 ay nakasulat sa Tagalog. Tagalog rin ang sinasalita ng maraming Pilipino sa
pagdating nina Miguel Lopez de Legaspi noong 1565 sa Maynila. Mahihinuhang ang 
Tagalog ay isang wikang natural at may sariling mga katutubong tagapagsalita. 
Ang salitang tagalog na hinango sa salitang taga-ilog, ay ang wika sa Metro Manila, Bulacan,
Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque at ilang parte ng Puerto
Princesa at Nueva Ecija. Ito’y isang wikang sinasalita sa mga etnolinggwistikong grupo sa
bansa.
Wikang Tagalog bilang batayan sa Wikang Pambansa

Nang idineklara ni Presidente Manuel L. Quezon ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog
noong Disyembre 30, 1937 sa pamamagitan ng Executive Order No. 134, maraming
umalma at tumutol na mga mamayan ng bansa.
Ang Surian ng Wikang Pambansa ang naatasang pumili ng isang katutubong wika  na
gagamiting basehan para sa pagbabalangkas at pagpapatibay ng wikang pambansa. Ang
Surian ng wikang pambansa ang siya ring inatasan na magbigay ng preperinsiya sa
pinakamaunlad sa kayarian, nilalaman at panitikan na tinatanggap at ginagamit ng
pinakamaraming bilang ng mga Pilipino.

Gumawa ng rekomendasyon sa Pangulong Manuel L. Quezon ang Surian ng Wikang


Pambansa na ang tagalog ang gawing saligan ng wikang pambansa. Ang Tagalog, diumano
ang tumutugon sa lahat halos ng kinakailangan ng Batas Komonwelt Blg. 184.

Ngunit idinemanda ang Surian dahil sa kuwestiyon ng legalidad ng pagkapili ng Tagalog


bilang base ng wikang pambansa gayon din ang pagpapalaganap ng Pilipino bilang wikang
pambansa. Pinagwagian ng Surian ang kaso sa Hukumang unang dinulugan, sa Hukuman sa
Paghahabol at sa Korte Suprema. At noong Hulyo 15, 1970 ay nagpasya ang Korte:

“Ang Tagalog bilang batayan ng ating wikang pambansa (na pinatunayan sa ulat ng
Kawanihan ng Senso na siyang pinakamalaganap na sinasalita sa ating katutubong wika),
ang hayag na pagpapahayag at pagkilala rito ng bayan at pamahalaan, sa kapahintulutan ng
Batas ng Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng Kongreso na nagpapahayag na ang wikang
pambansang Pilipino ay isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas na may bisa noong Hulyo 4,
1946, ay nakapaglagay na isyu ng katalinuhan at kaangkupan sa pagpili ng Pilipino, batay
sa Tagalog bilang wikang pambansa natin, na lampas na sa autoridad ng mga hukuman
upang rebisahin at isaisantabi.
Dahil sa pangyayaring nabanggit, sa kasalukuyan, ang pinakaangkop na kahulugan ng
wikang pambansa ay ang wikang pinagtibay ng pamahalaan na ginagamit sa pamamahala
at pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan. Dahil dito, patuloy pa rin ang paglaganap ng
wika sa mga lugar ng mga etniko na gumagamit ng katutubong wika. Isaalang-alang pa rin
ang puspusang paggamit at pagpapalaganap ng wika bilang matatag na pundasyon at
pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang larangan-pampolitika, panlipunan, pang-media,
pampanitikan, pang-edukasyon at iba pa”.

Wikang Pilipino bilang Wikang Pambansa

Taong 1943 nang tinukoy na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino, na ibabatay sa
Tagalog, alinsunod sa ipinasa ni kalihim Jose Romero (Department Order No. 7) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Simula 1959, ito na rin ang ginamit sa pagtuturo sa paaralan,
ngunit nahinto nang pagtibayin ang wikang Filipino bilang Wikang Pambansa alinsunod sa
Article 14 Sec. 6 ng 1987 Konstitusyon.

Nang ipinatupad ang ang pagiging pambansang wika ng wikang Pilipino, umani ito ng
malakas na pagtutol. Ang pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay
lumikha ng malakas na oposisyon sa mga di-tagalog at pro-ingles. Madalas naipapahiwatig
ang oposisyong ito sa mga sulat sa editor ng mga peryodikal at sa mga paulit-ulit na habla
at salita laban sa Pilipino. Sa paggamit ng Pilipino na batay sa Tagalog, ang mga di-Tagalog
ay nakadarama ng damdaming kakulangan o ng damdaming napapailalim sa mga Tagalog.
Nadarama nila ang panibugho na sila’y dayuhan sa isa’t isa.
Pangunahin sa pagtutol dito ay ang mga Cebuano. Anila, ang Pilipino (1959) na siyang
nahirang na Wikang Pambansa ay Tagalog din. Hindi sila masisisi sa bagay na ito sapagkat
nang likhain nga naman ang Balarila ng Wikang Pambansa ilang taon na ang nakalilipas ay
naging Tagalog-na-Tagalog. Ito’y isang pagkakamali na lalong nagpalala sa suliranin hinggil
sa pagkakaiba at pagkakakilanlan ng Pilipinong batay sa Tagalog at ng Tagalog mismo.

Ang mga hindi-tagalog ay hindi nabigyan ng pagkakataon na maging parte ng


pagpapayaman at pagpapaunlad ng Pilipino.

Ngunit sa likod ng mga tabing masisilayan kung bakit ibinatay ang pambansang wika sa
Tagalog. Sa katunayan, Tagalog ang piniling saligan ng Wikang Pambansa sa kadahilanang
ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. 59.6% sa Kapampangan, 48.2% sa Cebuano,
44.6% sa Hiligaynon at iba pa. Sa madaling salita’y hindi magiging mahirap unawain at pag-
aralan ang Tagalog para sa mga di-Tagalog dahil nahahawig ito sa kanilang wikain.

May dahilan kung bakit nagkakahawig-hawig ang mga wika sa Pilipinas. Lahat ng mga
katutubong wika sa Pilipinas ay buhat sa iisang angkan ng wika. Ang isang angkan ng wika
ay isang klasipikasyon ng iba’t-ibang wika na pinapaniwalaang nagmula sa iisang wika. Ang
orihinal na wikang pinagmulan ng iba’t-ibang wika ay karaniwang tinatawag natin na
wikang proto ng angkan. Noong mga dakong una ay may iisang wikang proto na tinatawag
nating Proto-Austronesian. Nagmula sa Proto-Austrenesian ang Malagasy, ang mga wikang
Cham ng Vietnam, ang mga wikang katutubo ng Taiwan, ang mga wika sa Pilipinasat iba pa.
Ang isa sa mga anak na wika ng Proto-Austronesian ay pinagmulan ng halos ng wika sa
Pilipinas. Ang wikang proto na pinagmulan ng wika sa Pilipinas ay tinatawag nating Proto-
Philippine. Ito ay isang wikang haypotetikal lamang o isang wikang pinapalagay ng mga
dalubwika na lumitaw ng mga dakung una, na sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ng mga
pagbabago, hanggang nagkaroon na ng sariling tatak ng pagkawika ang bawat isa.
Pinatutunayan din ng maraming pag-aaral na ang Tagalog ang pinakamaunlad na wika sa
bansa at siyang ginagamit ng higit na nakararami sa pakikipagtalastasan, sa panitikan, sa
kalakalan at sa iba pang disiplina’t larangan.

Matagal din ang pamamayagpag ng Wikang Pilipino. Ang pagtawag ng konkon noong 1971
ang nagbigay ng pinakahihintay na pagkakataon sa mga di-tagalog at sa mga pro-ingles na
baguhin o patayin ang wikang pambansang batay sa isang wika.

Sa mga una pa lamang na sesyon ng konkon, malinaw nang lumabas ang malakas na
pagkontra o pagtanggi ng mga karamihan sa mga delegado sa konkon(na mga di-tagalog)
sa patuloy na paggamit sa Pilipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas.

Dahil sa naisantabi ang mga wikang malawak din ang gamit gaya ng Cebuano, Hiligaynon at
Ilokano, nag-udyok ito ng pagpapalit sa Wikang pambansa mula Pilipino tungo sa Filipino
sa 1973 at 1987 Konstitusyon.

Nabago man ito dahil sa ginawang batas, hindi naman ito agarang nabura sa isipan ng mga
tao. “Tagalog Imperialism” kung ito’y tawagin ni Prof. Leopoldo Yabes, isang Ilokanong
manunulat at naging dekano ng   College of Arts and Sciences sa Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman. Nakondisyon na ang mga tao sa tagalog kung kaya’t kahit na binago ito, tagalog pa
rin ang itinawag dito hindi lang ng mga Pilipino bagkos, ng mga dayuhan rin.

Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa

Ang wikang Filipino ang ating kasalukuyang wikang pambansa at wikang opisyal na
ginagamit bilang transaksyunal na wika sa mga pang-gobyernong pasilidad at opisina.
Pambansang lingua franca kung ito rin ay maituring. Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng
lingua franca?. Ayon sa Wikipedia, ang salitang lingua franca ay mula sa salitang aleman na
nangangahulugang working language na ang ibig sabihin ay isang wikang nag-uugnay sa
mga taong may kanya-kanyang dayalek. Ang pagiging lingua franca ng isang wika ay ang
pagiging pangalawang wika nito kung saan ito ay nagiging medyum upang ang mga may
iba’t-ibang dayalek ay magkaintindihan. Halimbawa, ang dayalek ng Davao ay Davaoeñ o
samantalang Chavacano naman ang sa Zamboanga. Hindi sila magkakaunawaan kung
gagamitin nila ang kanilang sariling dayalek, ngunit kung gagamitin nila ang wikang
Filipino na siyang lingua franca ng ating bansa, ang komunikasyon ay nagiging posible.
Ang wikang Filipino ay multi-base language in nature. ang ganitong ideya ay naglalayong
luminang ng Wikang Pambansa para sa Pilipinas na hindi lamang batay sa Tagalog, kundi
batay sa maraming wikain sa bansa kasama ang mga salitang banyaga na naging at nagiging
bahagi na ng ating kabihasnan. Marami ang nagpapalagay na ang ganitong kaayusan ay
nagpapakita ng pagiging dinamiko ng isang wika. Idinadahilan nila na hindi lamang iisa ang
dapat maging estilo ng Wikang Pambansa na batay sa iba’t ibang wikain, tayo’y higit na
magkakaunawaan bilang mga mamamayang Pilipino – Tagalog, Cebuano, Ilocano, Ibanag,
Kapampangan, Muslim, lahat.

Ang Tagalog at Filipino ay hindi pareho, ngunit hindi rin magkaiba. Paanong nangyari ito?
Sapagkat ang Filipino ay pinaunlad (o pinauunlad) na Tagalog salig sa mga umiiral na wika
sa Pilipinas. Hindi sila pareho sapagkat higit na mayaman ang bokabularyo ng Filipino
kaysa sa Tagalog dahil sa impluwensya ng iba’t ibang wikain at wikang banyagang
maluwag na nakakapasok sa bokabularyo nito, bagamat hindi ito sapat upang hindi
magkaunawaan ang nagsasalita ng Tagalog (katulad ng salitang lalawiganin) ang hindi
maituturing na salitang Filipino sapagkat hindi angkop ang salitang ito sa istandardisasyon
at/o intelektwalisasyon ng Filipino, ang higit na mahalaga’y maraming mga salitang
banyaga tulad ng Ingles, Italyano, Franses, Latin at iba pa at mga salitang mula sa iba pang
wikain sa Pilipinas ang mga maituturing na bahagi na ng bokabularyong Filipino (sapagkat
nauunawa’t ginagamit) ngunit di ng Tagalog

Miskonsepsyon sa Filipino

Sa pag-aakala ng iba, hinango ang salitang Filipino mula sa salitang Ingles na


nangangahulugang mamayan ng bansa. Akala rin ng iba na, sa Ingles din galing ang F dito.
Ilan lamang ito sa mga miskonsepsyon na nanatili pa rin sa iilan, hanggang sa ngayon.

Pinalitan ang P ng F upang maging simbolo ng hindi lang Tagalog ang batayan ng wikang ito
sapagkat, walang ganitong tunog sa Tagalog. Ito’y sumisimbolo sa akomodasyon ng wikang
pambansa sa iba pang mga dayalek.

Nadagdagan rin ng walong letra ang alpabeto. Ang mga ito ay, c, f, j, ñ , q, v x, at z. Dahil dito,
ang dating Dabaw ay nagiging Davao na. Naisusulat na rin ang selebrasyon ng mga Ifugao
na tinatawag na cañ ao.
Sa pamamagitan ng Filipino bilang wikang panturo, tayo’y higit na magkakaunawaan bilang
mga mamamayang Pilipino-Tagalog, Ilokano, bisaya, lahat!
Bigyang diin ang pagkakaunawaan sa pamamagitan ng sariling wika- ang Filipino! “Gisingin
natin ang lahat ng mga Juan de la Cruz na nahihimbing pa”.
http://modernongeskriba.blogspot.com/2017/01/tagalog-pilipino-at-filipino-may.html

You might also like