You are on page 1of 6

Aralin #2

FILIPINO: WIKANG PAMBANSA, WIKANG OPISYAL,


WIKANG PANTURO
“Sa wikang representasyon ng bansa sa iba’ ibang mga wikain, hamong
gamitin sa mas mataas na usapin”

FILIPINO SA KOLEHIYO, DAPAT PANATILIHIN


Alinsunod sa CHED Memorandum no. 20, s.2013 na kilala rin sa “General Education Curriculum
Holistic Understanding, Intellectual, ang Civic Competencies”. Ito ang naging dahilan sa pagtatanggal ng
FILIPINO bilang isang disiplina sa kolehiyo. Umani ito ng iba’t ibang pagsalungat sa hanay ng kaguruan at
mga mag-aaral sa akademya. Ang pagbuwag sa Filipino bilang isang disiplina ay hindi lamang
pumapatungkol sa kabuhayan ng libo-libong mga propesor na mawawalan ng hanapbuhay kundi ito ay
hakbang din upang hindi matutuhan sa mataas na antas ang kamalayan at kulturang Pilipino. Kung higit
na mabibigyang-pansin ang pagpapataas sa Filipino bilang isang hiwalay na disiplina sa kolehiyo, lalong
malalapit ang halaga nito sa iba’t ibang propesyon. Kung kaya’t hanggang sa kasalukyan, pinagtatalunan
pa rin ang panantili ng Filipino sa kolehiyo. Nagsanga-sanga na ang mga dahilan ng dalawang panig kung
pananatilihin nga ba o tuluyang tatanggalin. Ang iba’t ibang pamantasan at kalehiyo ay nagmungkahi na
rin ng mga bagong kursong Filipino nang maging panawagan sa mga namumuno na maaaring maiangat
ang estado ng Filipino lagpas sa kung ano lamang ang turing dito ng iilan.
LIKAS
Hindi madaling
maglaho at likas na
magagamit araw-araw. BUHAY
GINAGAMIT
Ginagamit at patuloy na
Lunsaran ang wika ng pinahahalagahan ng
lahat ng kaunlarang lipunang pinanggalingan
pantao at pambayan. nito
Hindi magkakabisa ang
wikang pambansa kung
hindi gagamitin sa pang-
araw-araw WIKANG
PAMBANSA

MALAYA
Kabahagi ang lahat
sa pagpapaunlad ng
wikang p ambansa at
hindi maaaring
DINAMIKO diktahan ng sinoman
ang wikang dapat na
Marapat na patuloy na manatili at iwasan
PAGKAKAPANTAY-
magbago at
PANTAY
mapaunlad ng
Sagisag ang wikang kasalukuyang
pambansa ng henerasyon upang
pagkakapantay- sumabay sa hamon ng
pantay ng lahat ng panahon
tao sa lipunang
sakop o gumagamit
nito. Hindi dapat ito
lumikha ng
salungatan at
pagsasantabi ng
bawat pangkat
Bakit ba Tagalog ang madalas na pagkamalan bilang Wikang Pambansa?

Noong 1935, sa ilalim ng panunungkulan ng Pangulong Manuel Luis Quezon, nagnais ang pamahalaang
magkaroon ang bansa ng isang wikang magbibigkis sa buong kapuluan kung kaya’t pinagtibay sa Saligang
Batas kung paano tayo magkakaroon ng isang wikang pambansang matatawag na sariling atin.
Matatagpuan ito sa Seksiyon 3, Artikulo 14 ng Konstitusyong 1935. “Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika.”

Nagtulak ito sa pagkakaroon ng Pambansang Asembleya taong 1936 upanbg bumalangkas ng isang
wikang Pambansa. Sa pagkakatong ito, naitatag din ang Suriaan ng Wikang Pambansa sa pamamgitan ng
Batas Komonwelt Blg. 184. Ang ahensiyang ito ang nanguna sa pagsasagawa ng mga pananaliksik
tungkol sa ib’at ibang wika sa Pilipinas sa pangunguna ni Kgg. Jaime C. de Veyra bilang tagapangulo nito.
Kailangang magkaroon ng isang Wikang Pambansang ang magiging batayan ay ang isa sa mga
katutubong wika sa bansa.

MGA KASAPI SA LUPON NG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA:

1. Jaime C. de Veyra – Samar/Leyte


2. Santiago S. Fonavier – Kagawad – Ilokano
3. Casimiro F Perfecto – Kagawad – Bikolano
4. Felix B. Salas Rodriguez – Kagawad – Hiligaynon
5. Filimon Sotto – Kagawad – Cebuano
6. Hadji Butu – Kagawad _ Tausug
7. Cefcilio Lopez - Kagawad – Tagalog
8. Lope K. Santos – Kagawad – Tagalog
9. Zoilo Hilario – Kagawad – Kapampangan
10. Jose Zulueta – Kagawad – Pangasinan
11. Isidro Abad – kagawad – Bisaya

Batay sa naging resulta ng pag-aaral at asembleya, Tagalog ang hinirang bilang pangunahing batayan ng
Wikang Pambansa. Ang pagkakatalaga sa Tagalog bilang pangunahing batayan na naipatupad ngunit
lumikha rin ng iba’t ibang protesta mula sa mga taal na tagapagsalita ng iba pang mga katutubong wika.

Narito ang dahilan kung bakit Tagalog ang naging batayan ng pambansang wika noong panahong
Komonwelt:

BILANG NG NAGSASALITA BATAYAN NG HIGIT NA MAYAMANG PANITIKAN

Higit na maraming Pilipino ang nagsasalita ng Tagalog Higit na mas maraming aklat o akdang pampanitikan
sa kapuluan. Maraming salita sa Tagalog ang ang naisulat sa wikang Tagalog batay na rin sa ating
nakalahok sa iba’t ibang katutubong wika. Narito ang kasaysayan. Patunay na noong mga unang taon ng
bahagdan mg mga ginagamit na salitang Tagalog sa Amerikano. Umusbong ang tatlong uri ng manunulat
ilang mga pangunahing katutubong wika. sa Ingles, Kastila at Tagalog.

WIKA NG MAYNILA WIKA NG KATIPUNAN AT HIMAGSIKAN


Ang Tagalog ang wikang kabisera. Gamitin ito sa mga Ito ang naging wika ng pagsasarepublika ng ating
sosyo-ekonomikong kalagayan ng bansa kung kaya’t pamahalaan. Ginamit ito bilang opisyal na wika ng
pangunahing nagagamit sa buong kapuluan. sentro ng paghihimagsik laban sa mga Kastila

Sa maikling pasilip sa pinagmulan ng wikang Pambansa, hindi talaga mawawala sa isip ng iba na
Tagalog nga ang pambansang wika ngunit mahalagang maunawaang kasabay sa pagbabago ng
panahon ang pagbabago ng wika. Sa kasalukuyang panahon, Filipino ang wikang Pambansa na hindi
na lang batay sa Tagalog kundi sa iba’t ibang katutubong wika at iba pang wikain sa bansa.

ANG FILIPINO BILANG WIKANG OPSIYAL


Iminamandato ng kasalukyang konstitusyon (1987) ang pagtatakda ng mga opisyal na wika sa
pamahalaan. Magiging midya ang mga ito ng lahat ng mga transaksiyong panlipunan at
pampamahalaan. Nagbubunsod ito sa pagkatatalaga sa pormal na paggamit ng wika sa talastasang
panlokal man o Pambansa. Narito ang nilalaman ng konstitusyon hinggil dito.

Artikulo XIV,

Seksiyon 6 – Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino, samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum na opisyal ng komunikasyon at bilang wika ng paguturo sa
sistemang pang-edukasyon.

Seksiyon7 – Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagututo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay mga
pantulong na wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo doon.

Seksiyon 9 – Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap, at pagpapanatili.

Malinaw sa legal na batayan na ang Filipino ay isang opisyalna wika ngunit hindi marapat na magtapos
sa dokumento ang tadhanang ito. Marapat na magamit ito ng maraming mga mataas na usapin sa
lipunan nang hindi pilit kundi natural na bahagi ng pang-araw-araw nating pamumuhay bilang mga
Pilipino. Kugnay nito, uunlad ang ating opisyal na wika kung patuloy pa ring pauunlarin sa
pamamagitan ng mga katutubong wika sa ating bansa. Noong Agosto 25, 1988, nagpalabas ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino. Itinatakda nitong
kailangang magsagawa ng mga hakbang ang lahat ng mga kagawaran at ahensiyang pampahalaan
upang magamit ang Filipino sa mga opisyal na wika sa bansa.

ANG FILIPINO BILANG WIKANG PANTURO


Marami nang mga saliksik na nagpapatunay na ang wika ay isa sa malaking bahagi ng proseso ng
pagtutuo at pagkatuto. Nagiging dahilan ito sa pang-iingat at pagpapalaganap ng kaalaman kung kaya’t
marapat na ang wikang ginagamit sa paguturo ay ang naunawaan ng mga mag-aaral. Sa kasaysayan ng
edukasyon sa bansa, maraming pagtatangka ang ginawa na pamahalaan upang matiyak ang pagkatuto
ng mga mag-aaral.

Nagpalabas ng Kautusan Blg. 52 ang dating kalihim ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports na
si Lourdes R. Quisumbing. Ngsasaad ito ng paggamit ng Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng
paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng edukasyong bilingguwal. Sa panahong ito,
naitatag din ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) na katumbas ng Surian ng Wikang Pambansa na
siyang magsasagawa ng iba pang pananaliksik at pag-aaral upang lalong mapanlad ang Filipino bilang
Wikang Pambansa, Opisyal, at Panturo. Pokus din ng KWF ang pagpapaunlad sa iba’t iba pang mga
katutubong wikain at pagbuhay sa ilang mga unti-unti nang namamatay.

Sa kasalukuyang umiiral na K to 12 kurikulum, binibigyang-diin ang paggamit ng mga bernakular na wika


o wikang kinagisnan bilang wikang panturo mula Baitang 1 hanggang 3 sa lahat ng asignatura. Higit na
natututo ang mga mag-aaral kung saan siya kumportableng wika. Kaya’t ang naging pahayag ng
Kagawaran ng Edukasyon tungkol dito ay: “Ipinakikita ng resulta ng pag-aaral na ang paggamit ng unang
wika (mother tounge) sa loob ng silid-aralan sa mga unang taon ng bata ay nakatutulong upang
matutuhan niya ng mabilis ang mga aralin at madaling matutuhan ang ikalawang wika (Filipino at
Ingles).” Nangangahulugang malaki ang gampanin ng mga katutubong wika lalo sa pagkatuto ng mga
mag-aaral ngunit hamon pa rin ito lalong-lalo sa mga limitadong kagamitang pampagtuturo na batay sa
wika at kultura ng isang rehiyon. Kung kaya’t sa huli, nasa paraan pa rin ng guro sa loob ng klase ang
pagdadala ng wikang panturo sa kung papaano mailalapit sa mga mag-aaral ang mensahe ng mga
paksang itinuturo.

Hindi na bago ang multilingguwal na edukasyon. Noon pa man, maigting na ang pagsasakatuparan dito
ngunit laging malaking hamon ang suliranin sa kahandaan sa implementasyon nito at ang pakikisabay sa
globalisasyon at internasyonalisasyon sa makabagong panahon. Ang mga ganitong suliranin ay marapat
na magtulak sa atin upang lalong gamitin ang Filipino salig sa mga katutubong wika sa bansa bilang
pagpapakita ng ating kaisipan at mapaniwala natin ang sarili at ang iba na may kakayahan ang Filipino
bilang maging matalino o intelektuwalisadong wika.

Mahabang usapin pa rin ang ganap na pagpapatalino sa Wikang Pambansa. Maraming mga pagsubok pa
ang pagdaraanan nito bilang isang wikang nakikipagsabayan sa global na mundo. Sa usapin ng
kabuhayan, hindi pa gaanong hayag na natural na nagagamit ang wika ngunit marapat na mabigyang-
pagkakataon natin ang Filipino bilang isang disiplina at wika na lagi nating mailalapat sa lipunan at
TRACK na ating kinabibilangan.

WIKANG OPISYAL
Sa komunikasyon at
transaksiyong panlipunan at
pampamahalaan

WIKANG
WIKANG PANTURO
PAMBANSA
FILIPINO Edukasyon
Gamitin sa buong
kapuluan

Mahalagang matandaan mong ang pagwiwika ng FILIPINO bilang isang Wikang Pambansa, Wikang
opisyal, Wikang Panturo ay nakasalalay sa atin. Kahit isaad pang legal, iba pa rin kung magagamit natin
ito nang natural sa puso at pulso ng mamamayang Pilipino

- Mula sa TUON-DUNONG: Komuniksyona at Pananaliksik sa Wika at kulturang Filipino.


- Nina: J.R. Ipaz at V.M. Villanueva, Ph D.

You might also like