You are on page 1of 17

“BATAS PANGWIKA”

ABUAN, MELODY C.
ASIS, RODELAINE A.
 Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang
pambansa. Ang Pilipinas na itinuturing na isang malayang
bansa ay may sariling wikang pambansa. Ito ay ang
wikang Filipino.
 Ayon kay Dr.Isidro Dyan,isang dalubwika mula sa Malaya-
Polinerya, Malaking kahihiyan para sa bansa kapag mahilig ito
gumagamit ng wikang dayuhan subalit di nag-aangin ngariling
wikang pambansa. Dagdag niyay kailangang magkaroon ng wikang
pambansa upang malinang ang pambansang paggalang at
pagkilala sa sarill"Gonzales at Ramos(1980).
 Mahabang kasaysayanang pagkakaroon ng wikang pambansasa
Pilipinas-ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na naging Filipino sa
kasalukuyan. Ang pagsilang at paninindigang magkaroon ng
pambansang wika ay mahalagang bagay na nagawa ng Pangulong
Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa
panahon ng Komonwelt.
 Kung pakaisipin maayos at legal ang paggamit ng wikang
Filipino bilang wikang Pambansa at wika ng edukasyon. Maraming
batas, kautusan at sirkular na may kinalaman dito.Malinaw ang
nakasaad sa Saligang Batas ng 1987 arilculo 14 Seksyon 6,7,8,at 9
bilang mga batas pangwika na tumitibay sa sambayanang Pilipino.
Narito ang mga sumususnod:
1. ARTIKULO 14,SEKSYON 6.

 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nalilinang,ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na
mga wika ng Pilipinas at iba pang mga wika. Alinsunod sa mga
tadhanang batasat sang-ayon sa nararapat na maaring ipasyang
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakabangin ang pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.
2. ARTIKULO XIV, SEKSYON 7.

 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga


wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang itinadhan
ang batas,Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na
wikang apisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga
wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonalang
Kastila at Arabic.
3. ARTIKULO XIV, SEKSYON 8.

 Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at


Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic at Kastila.
4. ARTIKULO XIV, SEKSYON 9.

 Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang


pambansa na binubuo ng ing kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon
at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod
ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa
kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
IBA PANG MGA BATAS
PANGWIKA
1. ANG BATAS REPUBLIKA BILANG 7104 NG 1991

 Kilala sa tawag na batas na Komisyon sa Wikang


Filipino.Nilalayon ng batas na ito ang pagpapakilala at pagpapanatill
ng wikang Filipino. Naatas ng Saligang Batasng Pilipinas na
magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para
sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at
ng iba pang ga katutubong wika ng Pilipinas.
2. EXECUTIVE ORDER NO.335

 Nilagdaan ngpangulong Corazon C.Aquino noong Agosto


25,1988 tungkol sa paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng mga
kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya at instrumentaliti ng
pamahalaan.
3. KWF RESOLUSYON BLG.92-1

 Na naglalahad ng Batayang Deskripsyon ng Filipino Ipinagpasya,


gaya ng ginagawang pagpapasya ngayon, na sa layuning
maisakatuparan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga tungkulin
nito,ang batayang deskripsyon ng Filipino ay ganito;
 Ito ay katutubong wika,pasalita at pasulat,sa Metro Manila,ang Pambansang
Punong Rehiyon,at sa iba pang sentrong urban sa archipelago, na ginagamit
bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng alinmang
wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di
katutubong wika at sa ebolusyon ng iba't ibang baryedad ng wika para sa iba't
ibang sitwasyong sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at matalisik na
pagpapahayag.
 Ipinagtibay nong ika-13 ng Mayo 1992. Batas Pangwika Ang
pag-unlad ng ating wikangpambansa ay nagsasalamin sa mga
batas, kautusan, proklama at utusan na ipinalabas ng iba't-ibang
tanggapang pamahalaan na may malaking kaugnayan sa ating
wikang pambansa.
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 52,54
(MAYO 27, 1987)

 Mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran ng


edukasyong bilingual sa lahat ng paaralan sa
Pilipinas.
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 81
(AGOSTO 6, 1987)

 Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 na


letra: A B C D E F G H I J K L M N Ñ NG O P Q R
STUVWXYZ

You might also like