You are on page 1of 3

Fil 104

Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO


ASBURY COLLEGE, INC.
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon (BSEd)
Medyor sa Filipino
Unang Semestre | T. P. 2022-2023

MGA URI NG TULDIK AT DIIN

TAGAPAGBAHAGI:
1. Abuan, Melody C.
2. Areniego, Jeremie
3. Asis, Rodelaine A.
4. Tringia, Ronnel G.
5. Villacorta, Vincent A.

Layunin
Layunin nito ay upang mapalitan ang pagbigkas o malaman ang pagkakaiba nito pagitan ng
magkakatulad ng mga salita.
MGA URI NG TULDIK AT DIIN
Sa pakikipag talastasan, kailanagan ang wastong pagbigkas ng salita upang magkaunawaanang
dalawang naguusap. Sa ating wika, maraming salita na iisa ang baybay ngunit ibat iba ang bigkas.
Ang DIIN ay paglalaban ng bigat ng isang pantig sa pagbigkas ng isang salita. Hindi lahat ng diin
aynilalagyan ng tuldik at tinutuldikan. Ang iba’t ibang uri ng dii sa pagbigkas ay ang sumusunod:
1. Malumanay o banayad na malumay
2. Mabilis o masigla
3. Malumi o banayad na impit
4. Maragsa o bigla o mabilis na impit
5. Mariin o mabagal
6. Malaw-aw o paudlot
Upang maipakita ang iba’t ibang bigkas, ginagamit ang tuldik. Ang TULDIK ay mga pananda sa ilang uri
ng diin sa pagbasa ng salitang nakasulat o nakalimbag. Ang bawatt tuldik ay may diing kinakatawan o
kinauukulan. Sa anim na uri ng diin, tatlolamang ang tuldik na ginagamit na pananda tulad ng:
1. Tuldik na palihis (/)
2. Tuldik na paiwa (\)
3. Tuldik na pakopya (^)
Mahalaga ang palatuldikan sapagkat marami sa ating wika ang mga salitang iisa ang baybay ngunit may
dalawa, tatlo o hihit pa ang bigkas at kahulugan.
URI NG DIIN
1. Salitang Malumanay
a. Ang diin ay laging nasa ikawalang pantig ng salita buhat sa hulihan; binibigkas ng banayad at
tinutuldikan. Ito ay maaaring magtapos sa patinig o katinig.
Halimbawa:
1. bunga 4. mayaman
2. halaman 5. mahirap
3. tao 6.aso(dog)
b. Ang bigkas ay di-nagbabago kahit gamitin ng pang-angkop o panlapi.
Halimbawa:
1. dahon 4. makilalang
2. talakayan 5. mabuhay
3. dalaga 6. ala-ala

2. Salitang Mabilis
a. Ang diing ai binibigkas ng pabunton sa hulihang pantig ngg salita o tuluy-tuloy. Ito ay maaaring
magtapos sa pantig o katinig. Ang tuldik na ginagamit sa salitang mabilis ay palihis.
Halimbawa:
1. timpalak 4. liha
2. panahan 5. kalugo
3. bata
b. Lahat ng salitang-ugat na dadalawahing pantig at nagsisimula o pinangungunahan ng isang katning
sa iy o sa uw ay binibigkas ng mabilis at tinutuldukan.
Halimbawa:
1. iyak 4. buwan
Pahina 1

Liga ng mga Nagpapakadalubhasa sa Wikang Pambansa at Panitkang Filipino ating mahalin,


Wikang Pambansa at Panitikang Filipino pati ako idamay mo na rin!
Fil 104
Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO
ASBURY COLLEGE, INC.
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon (BSEd)
Medyor sa Filipino
Unang Semestre | T. P. 2022-2023

2. niyon 5. siya
3. uway 6. buwag
c. Lahat ng mga panghalip panao ay may diing mabilis maliban sa mga panghalip na akin, tayo, anim,
naming, atin, natin na pawang malumanay.
Ang mga salitang dadalawahing pantig na magkasunod ang dalawang katinig ay binibigkas
ng mabilis gaya ng: aklat, daglat maliban sa minsan at pinsan na pawang mariin.
Halimbawa:
1. ako 4. kanila
2. ikaw 5. ninyo
3. inyo 6.nila
d. Lahat ng mga katutubong tawag sa mga bilang buhat sa isa ay panay na amabilis maliban sa apat,
anim, libo, yuta at angaw na mga malumanay at angg sampu at laksa na kapwa maragsa.
Halimbawa:
1. isa 4. pito
2. dalawa 5. walo
3. tatla 6. Siyam
e. Titik na magkawangis na dadalawahing pantig Malian sa oo na diing malumanay.
Halimbawa:
1. paa
2. noo
3. libag
f. Salitang binubuo ng pantig sa kabilaan na magkawangis at magkasunod.
Halimbawa:
1. liwayway
2. ligamgam
3. Salitang malumi
a. Ang mga salitang malumi ay may tuldik na paiwa. Ito ay laging natatapos sa patinig. Ang diin ay
nasa ikalawang pantig buhat sa hulihan ngunit ang huling pantig ay may impit kung bigkasin. Walang malumi
na iisang pantig.
Halimbawa:
1. panukala 4. bira
2. binata 5. luha
3. sariwa 6. Dambuhala

b. Nanatili ang bigkas na malumi kahit may unlapi at gitlapi.


Halimbawa:
1. pinana 4. tumula
2. nadaya 5. tumula
3. bumata 6. lumuha

c. nagiging malumay ang malumi kapag inaangkupan.


Halimbawa:
1. diwang kayumaggi 3. sariwang gulay
2. binatang-bukid 4. luhang pumatak
4. Salitang maragsa
a. ito ay tuldik na pakupya at laging natatapos sa patinig. Binibigkas ang mga salita na tuluy-tuloy
ngunit inimpit sa huling pantig.
Halimbawa:
1. salita 3. masidhi
2. dugo 4. Baha
b. Hindi mawala ang pagkamaragsa kahit nagigitlapian ng um at/ o in.
Halimbawa:
1. sinundan 4. pinuno
2. sinalita 5. bumaba
3. dumugo 6. Sumalita
c. Ang maragsa ay naiging mabilis kapag inaangkupan o ginagamitan ng ‘to’ y.
Halimbawa:
1. gintot pilak
Pahina 2

Liga ng mga Nagpapakadalubhasa sa Wikang Pambansa at Panitkang Filipino ating mahalin,


Wikang Pambansa at Panitikang Filipino pati ako idamay mo na rin!
Fil 104
Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO
ASBURY COLLEGE, INC.
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon (BSEd)
Medyor sa Filipino
Unang Semestre | T. P. 2022-2023

2. dugoy Pilipino
3. binhiy magaling
d. Ang salitang dadalawahin pantig na ang huling pantig ay sumusunod sa dalwang katinig ay
binibigkas ng maragsa.
Halimbawa:
1. bigla
2. dukha
3. binhi
5. Salitang mariin
a. Ang diin ay laging nasa ikatlo o higit pang pantig. Ang mga salitang may diing mariin ay binubuo ng
tatlo o higit pang pantig.
Halimbawa:
1. kaluluwa 4. lasingan
2. libingan 5. kainan
3. tahanan 6. tibagan
b. Mga pangalan sa sa bilang, kungg inuulit ang mga unang pantig at nangangahulugan ng wala kundi
iyon lamang.
Halimbawa:
1. iisa 4. dadalawa
2. sasampu 5. pipito
3. wawalo 6. Tatlo
c. Mga salitang inuunlapian ng tala o pala at hinuhunlapian ng an o han.
Halimbawa:
1. palabigasan 4. palabigkasan
2. talatinigan 5. talatanungan
3. palatuntunan 6. Palatanunagn
d. mga pandiwang nasa aspetong iperpektibo at kotemplatibo.
Halimbawa:
1. kumakain 4. Kakain
2. tatawagin 5. babasa
3. sumusulat 6. titimbangin

Pahina 3

Liga ng mga Nagpapakadalubhasa sa Wikang Pambansa at Panitkang Filipino ating mahalin,


Wikang Pambansa at Panitikang Filipino pati ako idamay mo na rin!

You might also like