You are on page 1of 20

M t a l

i a g
n h a a
matalinhaga
s t
a a
l i
salita
matalinhagang
salita
Ang wika ay sandata na ginagamit ng
kahit anumang uri ng tao sa lipunan. Bata,
matanda, may pinag-aralan o wala, mayaman
man o mahirap, wika ang bukod tanging
instrumentong pangkomunikasyon na walang
pinipili.
Ang lahat ay pantay-pantay. Gamit natin
ito upang maipahayag natin ang ating
saloobin, damdamin, at mga ideya o opinion.
Ang wikang Filipino ay mayaman at
hitik sa maraming klase ng panitikan.
Gabay ito at gamit ng ating mga
linggwistiko at mga manunulat sa
paglimbag at paglathala ng mga iba’t-
ibang uri ng babasahin. Isang uri ng
panitikang Pilipino ang matalinhagang
salita.
Ang parte ng wikang ito ay may malalim
na mga kahulugan o di kaya’y halos walang
tiyak o kasiguraduhang ibig-ipahiwatig
maliban sa literal na kahulugan nito. Ito ay
ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma,
personipikasyon, simili at iba pang uri ng
mga mabubulaklak at nakakalitong mga
salita.
Matalinghagang salita
- ito ay salita na ginagamit
upang maipahayag ang isang
damdamin sa paraan ng paggamit
ng malalalim na salita.
Hindi literal ang ibig sabihin
Mahirap unawain at intindihin ang
isinasaad ng mga matalinhagang salita. Ngunit
sa kabila nito ay nagbibigay ito ng interes at
misteryo upang mas unawain pa at pilit na
alamin ang ibig ipahiwatig ng mga may akda.
Sa gawing ito ay mas natutuunang pansin natin
ang pagkakaroon ng mahabang oras sa
pagbabasa.
butas ang bulsa - mahirap
binawian ng buhay - namatay
ilaw ng tahanan - ina
basang sisiw - kaawa-awa
1. butas ang bulsa - walang
pera
2. ilaw ng tahanan - ina
3. kalog na ng baba - nilalamig
4. alimuom - tsismis
5. bahag ang buntot - duwag
6. ikurus sa noo - tandaan
7. bukas ang palad - matulungin
8. kapilas ng buhay - asawa
9. nagbibilang ng poste - walang
trabaho
10. basag ang pula - luko-luko
11. ibaon sa hukay - kinalimutan
12. taingang kawali - nagbibingi-
bingihan
13. buwayang lubog - taksil sa kapwa
14. pagpaging alimasag - walang laman
15. tagong bayawak - madaling makita sa
pangungubli
16. alog na ang baba – matanda na
17. Balat sa pwet – may dalang malas
sa buhay
18. Halik ni Judas – traydor
19. Nauna pa ang kariton sa kalabaw –
Mayabang o adelentado
20. Krus sa balikat – pabigat o pasanin
sa buhay
Kahalagahan ng mga Matalinhagang Salita
Mahalaga ang paggamit ng mga salitang
matalinhaga. Dito nahuhubog ang ating
intelektuwal na kaisipan. Nagkakaroon din
tayo ng mas malalalim na pang-unawa at
pag-aaral sa mga salita na ang akala natin ay
simple lamang. Nahihimok din tayo na
pagyabungin at mas palaganapin ang wikang
sariling atin.
1.Kaibigang karnal ni Fatima si
Maya.
2.Mahilig maglubid ng buhangin si
Maya kaya lagi itong napapaaway.
3.Kahit ganoon si Maya, hindi siya
iniiwanan ni Fatima. Kapit-tuko
ang dalawa.
4. Panay ang pangaral ng magulang ni
Maya ngunit tila nagtataingang-kawali
ito kaya pinagsasabihan din siya ni
Fatima.
5. Nagdilang-anghel naman ang ina ni
Maya nang isang araw ay nangako na
itong susunod na sa mga pangaral
nilang mag-asawa.
I. Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng matalinghagang salita o
pahayag sa hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot.-196 sa Alab
Filipino
1. Inaapoy ng lagnat a. hindi agad nagigising
kahit nagkakaingay na
sa paligid
2. Bagyo b. makagalitan
3. Parang mantika kung matulog c. bata; mabait
4. Bigatin d. natuwa dahil sa
papuring tinaggap
5. Sabunin e. maykaya sa buhay o
sa kaalaman

You might also like