You are on page 1of 20

Hanapin sa hanay B ang kahulugan o sagot sa

karunungang-bayan na nasa hanay A.


1. Itaga sa bato a. Palaging kabutihan ang sabihin
2. Hinila ko ang baging, sumigaw ang upang hindi mawala ang
matsing. pagtitiwala.
3. Ang pagsasabi ng tapatay pagsasama ng b. Hindi makapagsalita
maluwat. c. Mayaman
4. Nakabingwit ng “malaking isda” d. Kampana
5. Naumid ang dila e. Tandaan
6. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto. f. Ang sinumang umaako ng
7. Isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kasalanan ay siyang
kaliskis. napaparusahan.
8. Bukambibig g. Laging sinasabi
9. Maliit na bahay, puno ng mga patay. h. Posporo
10.Kung sino ang umako, siyang napapako. i. Huwag magtiwala agad sa
inaakalang mabuti dahil baka
nagpapapanggap ito.
j. Sili
MGA TALINGHAGA
Layunin
• Nabibigyang-kahulugan ang
mga talinghaga, eupimistiko o
masining na pahayag ginamit
sa tula, balagtasan, alamat,
maikling kuwento, epiko ayon
sa: -kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan
• Ang mga karunungang-bayan ay kabilang sa
pinakaunang anyo ng tula kung kaya kabilang
sa pangunahing elemento nito ang paggamit
ng talinghaga. Sa paggamit ng talinghaga,
nagiging iba o malalim ang kahulugan ng
ipinahahayag—higit pa sa literal na
kahulugan nito.
• Ang pagiging matalinghaga ng isang salita ay isang
paraan din ng karunungang-bayan upang mapalawak ang
bokabularyo ng isang mag-aaral na tulad mo. Kailangang
suriin ang isang talinghaga upang malaman ang tunay na
kahulugan nito. Madalas ay kaagad naiintindihan ang
mga ito dahil hindi lantad ang ibig sabihin nito.
Makatutulong na alamin muna ang konteksto ng isang
pahayag o pangungusap na nagtataglay ng talinghaga
upang mabigyan ito ng kongkretong kahulugan.
Katangian ng Talinghaga
Ang isang talinghaga ay maaaring makilala sa pamamagitan ng:

Malalim na paglalatag na kaisipan nito

Kalahok sa mga akdang pampanitikan,


TALINGHAGA anyong patula man o tuluyan

Nagbibigay ito ng kakintalan sa mga


mambabasa
Kahulugan ng Pahayag
Madalas na naririnig ang mga salawikain sa
pagbibigay-aral. Ang mga pahayag na ito ay
gumagamit ng talinghaga kaya nararapat suriing
mabuti ang nilalaman nito at unawaain.

Halimbawa:

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.


Ang talinghaga ng mga salita sa
pahayag na ito ay ang tungkol sa mablis
na pagkalat ng balita na madalas maiba
ang bersiyon habang kumakalat ito sa
mga tao. Hindi literal na may tainga ang
lupa at may pakpak ang balita.
Nangangahulugan lamang na ang isang
balita ay maaaring madaling kumalat o
mabunyag dahil sa likas na hilig ng mga
taong makasagap at mamahagi ng balita
o kahit usap-usapan.
Pagbibigay kahulugan
sa mga Talinghaga,
Eupemistiko o
Masining na mga Pahayag
Isang katangian ng kulturang Pilipino ang
pagpapahalaga ng mabuting pakikitungo at
pakikipagrelasyon sa pamilya at sa ating
kapwa. Kaya nga, maging noong unang
panahon, gumamit sila ng matatalinghaga o
eupemistikong salita upang mangaral at
maiwasto ang ugali o kilos ng isang
nakababata o nakatatanda na hindi nakakasakit
ng damdamin.
Matatalinghagang Pahayag

Ang mga matatalinghagang pahayag ay


mga pahayag na gumagamit ng mga salita
na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na
kahulugan nito. Karaniwan itong
ginagamitan ng paghahambing ng mga
bagay na nagpapataaas ng pandama ng
mga mambabasa.
1. kapilas ng buhay asawa
2. ilaw ng tahanan ina
3. busilak ang puso malinis na kalooban
4. bukal sa loob taos puso/tapat
5. naniningalang-pugad nanliligaw
6. makapal ang palad masipag
7. matalas ang ulo matalino
8. malawak ang isip madaling umunawa
9. parang kidlat napakabilis
10.maaliwalas ang mukha masayahin
11.ikrus sa noo tandaan
12.amoy pinipig mabango
13.nagsusunog ng kilay masipag mag-aral
14.pag-iisang dibdib kasal
15.abot-tanaw naaabot ng tingin
1. ibaon sa hukay kalimutan
2. basag ang pula luko-luko
3. nagbibilang ng poste walang trabaho
4. bahag ang buntot duwag
5. alimuom mabaho
6. anak-dalita mahirap
7. bantay-salakay taong nagbabait-baitan
8. buwaya sa katihan nagpapautang na malaki ang tubo
9. balik-harap mabuti sa harap, taksil sa likod
10.basa ang papel bistado na
11.mahina ang loob duwag
12.kapit-tuko mahigpit ang hawak
13.ahas taksil traydor
14.itim na tupa masamang anak
15.masama ang tubo ng dila masama ang laging sinasabi
Eupemistikong Pagpapahayag
1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa:
a. paksa ng usapan
b. taong sangkot sa usapan
c. lugar
2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na
nagpapahiwatig lamang.
3. Gumagamit ng talinghaga para di-tuwirang tukuyin ang
nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang
nagsasalita at kinakausap.
Halimbawa:
• Sumakabilang buhay na siya.
• Kapiling na siya ng Panginoon.
• Iniwan na niya tayo.
• Tapos na ang kanyang paghihirap.
• Maligaya na siya sa kabilang buhay.
Eupemistikong Pagpapahayag
4. Para maging mas malambot o mas magaan ang
dating ng sasabihin:
Pahayag 1: Gutom na gutom na ako.
Mas magaan: Hindi ba kayo, nagugutom?
Pahayag 2: Kumain na ba kayo ng almusal? Mas
magaan: Kumain muna tayo.
5. Para mas mainam pakinggan gamitin ang
sumusunod:
bulag/ duling- walang paningin
bingi- mahina ang pandinig
pilay- nahihirapang lumakad
mataba- medyo malusog
pandak- may kaliitan
pangit- di-gaanong maganda
Eupemistikong Pagpapahayag
Umiisip ng magagandang salita o pahayag na
kilala sa tawag na eupemismo ang mga
Pilipino. Ang paggamit ng magagandang
pahayag ay naglalayong pahalagahan ang
damdamin ng iba.
1. Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap
niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang
kanyang anak ngunit naglahong parang bula si Pinang.
Alamat ng Pinya/Pinoycollection.com

2. Oh, dila ng taong ang bulong ay sigaw, Espada ng bibig na


nakamamatay. Ang dila ng Tao ni Jose Crorazan de Jesus.
Hiyas ng Diwa. 2007

3. Bawat hakbang na gawin mo sa Templo ng Kalayaan, Ay hakbang na


papalapit sa bunganga ng libingan.
Republikang Basahan ni Teodoro Agoncillo. Hiyas ng Filipino 1997

You might also like