You are on page 1of 12

FILIPINO 8

PANGALAN: BAITANG/SEKSYON:

Kwarter IV – Linggo 2

Pagsusuri ng Damdamin ng Akda


at ng Pangunahing Kaisipan

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 8
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 2: Pagsusuri ng Damdamin ng Akda at ng Pangunahing
Kaisipan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun pa man,
kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity


Sheets Manunulat: Girlie P. Macmac

Pangnilalamang Patnugot: Jonalyn F. Pedigan

Editor ng Wika: Evelyn D. Peralta

Tagawasto: Girlie P. Macmac

Mga Tagasuri: Luis R. Mationg, Maricel A. Zamora, Maja Jorey B.


Dongor at Jouilyn O. Agot
Tagaguhit: Maricel A. Zamora

Tagalapat: Maricel A. Zamora

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS
Manager Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian
II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon, Ronald N. Fragata,
Joseph D. Aurello, Enrile O. Abrigo Jr., Maja Jorey B. Dongor
at Ernesto P. Socrates Jr.
Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)
Sta. Monica Heights, Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Pagsusuri ng Damdamin ng Akda at ng Pangunahing Kaisipan

MELCs: Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may-akda, gamit ang wika ng kabataan
(F8WG-IVa-b-35); at
Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa.
(F8PB-IVc-d-34)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang damdamin o saloobin ng may-akda gamit ang wika ng kabataan.
2. Nailalahad ang damdamin ng may-akda gamit ang wika ng kabataan.
3. Nasusuri ang pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa.

Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan na may kaugnayan sa


mga piling kabanata ng Kay Selya at Sa Babasa Nito. Bilugan ang titik ng tamang sagot
na tinutukoy sa bawat aytem.

1. Kanino iniaalay ni Balagtas ang kanyang tula?


A. Flerida B. Laura C. Floresca D. Selya

2. Ang siyang umakay na ako’y tumula,


Awitin ang buhay ng isang naaba.

Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa saknong?


A. naapi B. nasawi C. nasira D. nagulo

3. Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?


Ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
Anong damdamin ang nangingibabaw sa saknong?
A. kalungkutan B. panghininayang C. naguguluhan D. paninisi

Kung 4.
gunitain ka’y aking kamatayan, Sa puso ko Selya’y di mapaparam.

Ano ang kasalungat ng salitang nakaitim sa saknong?


A. malilimutan B. maaalala C. mawawala D. maaalis

1
Ito’y unang
5. bukal ng bait kung kutad na inihahandog sa mahal mong yapak,
tanggapin mo nawa kahit walang lasap, nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat

Anong pagpapahalaga ang makikita sa saknong ng tula?


A. tapat na pagmamahal C. matalinong pagpapasya
B. wagas na pakikipagkaibigan D. makabuluhang layunin

Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang T kung tama ang pahayag at M kung mali.
6. Bago hatulan ang tula ay suriing mabuti.

7. Nagpapasalamat si Balagtas sa magbibigay halaga sa kanyang tula.


8. Isa sa bilin ni Balagtas ay bigyang papuri ang kahusayan niya.
9. Gawan ng pelikula ang tula hango sa mensahe nito.

10. Huwag babaguhin ang berso.

Ating Alamin at Tuklasin

Ang Florante at Laura ay isang awit na itinuturing na obra-maestra na


isinulat ni Francisco Balagtas. Ang nilalaman ng aklat na ito ay nahahati sa
mga saknong na punumpuno ng mga magagandang kaisipan at aral sa buhay
na dapat matatak sa isipan ng mga mambabasa. Ang mga piling saknong na
tatalakayin ay makatutulong upang higit na maunawaan, mapagyaman at
maisabuhay ang mga aral nito.

Naaalala mo pa ba ang mga paalala


sa iyo ng iyong magulang sa
tuwing pumapasok ka sa
naaba- naapi
paaralan?
naumid- natahimik
kutad- di pa sanay
o kulang sa
karanasan
tumarok- umintindi Oo, laging sinasabi ni mama na
dustain- laitin makinig sa aking mga guro at
mag-aral nang mabuti.
dilidili- alaala

Natatandaan mo pa ba ang tungkol sa kaligirang


pangkasaysayan ng Florante at Laura? Nawa ay nabatid
mo ang mga mahahalagang aral tungkol dito. Sa ngayon ay
pag- aaralan naman natin ang mga piling kabanata na may
kaugnayan Kay Selya at Sa Babasa Nito na naiisaalang
-alang ang pagggamit ng wika ng kabataan.

2
Basahin at pag-aralan mo ang mga piling saknong na Kay Selya at sa Babasa Nito.

Kay Selya Sa Babasa Nito


(Mga Saknong 14-19 & 22)
(Mga Saknong 1-6)
1
14
Salamat sa iyo, O nanasang irog,
Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?
kung halagahan mo itong aking pagod
ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
ang tula ma’y bukal ng bait na kapos
nahan ang panahong isa niyang titig
pakikinabangan ng ibig tumarok.
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?
2
15
Kung sa biglang tingin’y bubot at masaklap
Bakit baga noong kami’y maghiwalay
palibhasa’y hilaw at mura ang balat,
ay di pa nakitil yaring abang buhay?
ngunit kung namnamin ang sa lamang
kung gunitain ka’y aking kamatayan,
lasap,
sa puso ko Selya’y di mapaparam. masasarapan din ang babasang pantas.
16 3
Itong di matiis na pagdaralita Di ko hinihinging pakamahalin mo,
nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa, tawana’t dustain ang abang tula ko,
ang siyang umakay na ako’y tumula, gawin ang ibigi’t alpa’y nasa iyo,
awitin ang buhay ng isang naaba. ay huwag mo lamang baguhin ang berso
17 4
Selya’y talastas ko’t malabis naumid,
Kung sa pagbasa mo’y may tulang malabo,
mangmang ang musa ko’t malumbay ang bago mo hatulan, katkatin at liko,
tinig,
pasuriin muna ang luwasa’t hulo
di kinabahagya kung hindi malait palaring
at makikilalang malinaw at wasto.
dinggin mo ng tainga’t isip.
5
18
Ang may tandang letra, alin mang talata,
Ito’y unang bukal ng bait kung kutad
di mo mawatasa’t malalim na wika,
na inihahandog sa mahal mong yapak,
ang mata’y itingin sa dakong ibaba,
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
buong kahuluga’y mapag-uunawa.
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
6
19 Hanggang dito ako, O nanasang pantas,
sa kay Sigesmundo’y huwag ding matulad
Kung kasadlakan man ng pula’t pag- sa gayong katamis wikang masasarap,
ayop, tubo ko’y dakila sa puhunang ay sa kababago ng tula’y umalat.
pagod, kung binabasa mo’y isa mang
himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.

22
Ikaw na bulaklak niring dilidili,
Selyang sagisag mo’y ang M.A.R.
sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F.B.

(Pinagkunan: Glady E. Gimena, Leslie S. Navarro, Ofelia E. Concepcion, Ang Pinaikling


Bersiyon – Florante at Laura ni Francisco Baltazar, Caloocan City: Prime Multi-Quality Printing
Corp, 2010, xiv-xv, xvi.)

3
Tayo’y Magsanay
Gawain 1

Panuto: Tukuyin ang angkop na wika ng kabataan na maiuugnay sa damdamin o saloobin


sa bawat saknong. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa puso bago
ang bilang.

lodi yarn
selya lang sakalam werpa
paasa sana all

1. Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?


ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?
2. Bakit baga noong kami’y maghiwalay
ay di pa nakitil yaring abang buhay?
Kung gunitain ka’y aking kamatayan,
sa puso ko Selya’y di mapaparam.
3. Ikaw na bulaklak niring dilidili,
Selyang sagisag mo’y ang M.A.R.
sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F.B.
4. Salamat sa iyo, O nanasang irog,
kung halagahan mo itong aking pagod
ang tula ma’y bukal ng bait na kapos
pakikinabangan ng ibig tumarok.
5. Ang may tandang letra, alin mang talata,
Di mo mawatasa’t malalim na wika,
ang mata’y itingin sa dakong ibaba,
buong kahuluga’y mapag-uunawa.
Gawain 2

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang nasasalungguhitan sa


Hanay A. Pagtapat-tapatin ang mga ito sa pamamagitan ng pagguhit ng linya.

HANAY A HANAY B

1. mangmang ang musa ko


2. ikaw na bulaklak niring dilidili A. suriin
3. Selya’y talastas ko’t malabis naumid B. hilaw
4. Kung sa biglang tingin’y bubot at C. mutya
masaklap D. natahimik
5. Bago mo hatulan, katkatin at liko E. alaala
Ano-anong mga damdamin ang masasalamin sa mga piling saknong ng Kay Selya at sa Babasa nito?
Ating Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Suriin kung ang mahahalagang pangyayari o pangunahing kaisipang nakalahad sa ibaba
ay taglay ng mga saknong na tinalakay. Iguhit sa patlang bago ang bilang ang smiley kung ang
kaisipan ay bahagi at sad face naman kung hindi.

1. Ninais ni Balagtas na bawian na lang buhay noong nagkahiwalay sila ni Selya.

2. Humiling si Balagtas na sana ay dinggin ni Selya ang kanyang mga pagsusumamo.

3. Dumating sa punto na isinumpa ni Balagtas si Selya.

4. Hiling ni Balagtas sa mga babasa na akda’y pakasuriin at kahulugay unawain.

5. Ibinibigay ni Balagtas ang kanyang basbas upang higit paunlarin ang berso ng tula.

Gawain 2

Panuto: Lagyan ng (√ )tsek kung ang sumusunod na ordinansa o tagubilin sa lungsod ng


Puerto Princesa ay iyong nasusunod at (X) ekis naman kung hindi. Isulat sa pentagon ang
sagot na inilaan sa ibaba.
1. Mahigpit na ipinatutupad ang mga safety protocols sa Lungsod ng Puerto Princesa
tulad ng pagsuot ng facemask, faceshield at paghuhugas ng kamay upang maiwasan
ang COVID19.
2. Ipinagbabawal ang paglabas ng mga kabataan edad 15 pababa dahil sa pandemyang
COVID19.
3. Pagpapatupad sa City Ordinance No. 163-91 o kilala sa tawag na Anti-Littering
Campaign o pagkakalat ng basura.
4. Pagpapatupad ng City Ordinance No. 993 o kilala sa tawag na single-use plastics.

5. Pagsunod sa Section 48 ng Republic Act 9003 o tinatawag na Ecological Solid Waste


Management Act of 200 o ang tamang paghihiwa-hiwalay ng mga basura.

Paano mo isasabuhay ang mga aral na naipabatid sa iyo ng mga kabanatang napag-aralan?
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Piliin mula sa kahon ang mga salita/pariralang maaaring ipuno sa bawat patlang
upang mabuo ang pahayag.

Sa Babasa Nito Mambabasa Obra Maestra


Balagtas Kay Selya

DUDUGTUNGAN KO!
ag-aalay at pagsusumamo ni 2. ng pag-ibig niya kay Selya. Samantalang ang kabanatang 3. ay naglalaman ng mga kahilingan o ta

Ating Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga katanungan na may kaugnayan


sa mga piling kabanata ng Kay Selya at Sa Babasa Nito. Bilugan ang titik ng tamang
sagot na tinutukoy sa bawat aytem.

1. Ano ang kahulugan ng akronim na M.A.R?


A. Maria Asuncion Reyes C. Maria Asuncion Rivera
B. Marian Asuncion Rivera D. Maria Adoracion Rivera

2.
Ang siyang umakay na ako’y tumula, awitin ang buhay ng isang naaba

Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit sa saknong?


A. naapi C. nagwagi
B. napahalagahan D. nagulo

Nasaan3.si Selyang ligaya ng dibdib? Ang suyuan nami’y bakit di lumawig?

Anong damdamin ang nangingibabaw sa saknong?


A. kalungkutan C. naguguluhan
B. panghininayang D. paninisi
4.
Kung gunitain ka’y aking kamatayan, sa puso ko Selya’y di mapaparam.

Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakaitim sa saknong?


A. malilimutan C. masasayang
B. maaalala D. matatatak

5.
ng kutad na inihahandog sa mahal mong yapak, tanggapin mo nawa kahit walang lasap, nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat

Anong pagpapahalaga ang makikita sa saknong ng tula?


A. tapat na pagmamahal C. matalinong pagpapasaya
B. wagas na pakikipagkaibigan D. makabuluhang layunin

Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang MK kung may kaugnayan ang pahayag sa
mga saknong at WK kung walang kaugnayan.
6. Bago baguhin ang tula ay suriin muna ito nang mabuti.

7. Nagpapasalamat si Balagtas sa magbibigay halaga sa kanyang tula.


8. Isa sa bilin ni Balagatas ay bigyang papuri ang kahusayan niya.

9. Isang aral na makukuha sa mga tula ay ang wagas na pagmamahal.


10. Huwag babaguhin ang berso.
Susi sa Pagwawasto
Tayo’y Ating Subukin Ating Tayahin
Magsanay 1. C
Gawain 1 1. D 2. B
1. C 2. A 3. B
2. B 3. B
4. A
3. F 4. B
5. A
4. A 5. A
6. T 6. WK
5. E
Gawain 2 7. T 7. MK
1. C 8. M 8. WK
2. E 9. M 9. MK
3. D 10. T 10. MK
4. B
5. A

Ating Pagyamanin

Gawain 1 Ang Aking Natutuhan

1. 1. Kay Selya
2. Balagtas
2. 3. Sa Babasa Nito
3. 4. Mambabasa
5. Obra Maestra
4.
5.

Gawain 2
Depende sa sagot ng
mag-aaral.

Sanggunian

Aklat

Gimena, Glady E., Leslie S. Navarro, Ofelia E. Concepcion. Ang Pinaikling Bersiyon –
Florante at Laura ni Francisco Baltazar, Caloocan City: Prime Multi-Quality
Printing Corp. 2010.
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito OPO HINDI


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya.

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono:

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like