You are on page 1of 23

Aralin 2:

Makapangyarihan ang
Pag-ibig

FLORANTE AT LAURA (SAKNONG 69-82)


1. Ano ang inyong nakikita?
2. Sa palagay ninyo, paano ipinakikita o
ipinararamdam ang pag-ibig sa mga larawan?
3. Paano ninyo ipapakita o ipaparamdam ang pag-
ibig sa inyong kapwa?
69 Nagkataong siyang pagdating sa gubat
ng isang gererong bayani ang tikas;
putong na turbante ay kalingas-lingas,
pananamit-Moro sa Persiyang S'yudad.
70 Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw,
anaki'y ninita ng pagpapahingahan;
'di kaginsa-ginsa'y ipinagtapunan
ang pika't adarga't nagdaop ng kamay.
71 Saka tumingala't mata'y itinirik
sa bubong na kahoy na takip sa langit;
estatuwa manding nakatayo't umid,
ang buntung-hininga niya'y walang patid.
72 Nang magdamdam-ngawit sa pagayong anyo,
sa puno ng isang kahoy ay umupo;
nagwikang, ”O palad!”, sabay ang pagtulo
sa mata ng luhang anaki'y palaso.

73 Ulo'y ipinatong sa kaliwang kamay


at saka tinutop ang noo sa kanan;
anaki'y mayroong gunamgunam —
isang mahalagang nalimutang bagay.
74 Malao'y humilig, nagwalang-bahala,
'di rin kumakati ang bati ng luha;
sa madlang himutok ay kasalamuha
ang wikang: ”Flerida'y tapos na ang tuwa!”
75 Sa balang sandali ay sinasabugan
yaong buong gubat ng maraming ”Ay! Ay!”
nakikitono sa huning mapanglaw
ng panggabing ibong doo'y nagtatahan .
76 Mapamaya-maya'y nagbangong nagulat,
tinangnan ang pika't sampu ng kalasag;
nalimbag sa mukha ang bangis ng Furias —
“'di ko itutulot!” ang ipinahayag.
77 At kung kay Flerida'y iba ang umagaw
at 'di ang ama kong dapat na igalang,
hindi ko masasabi kung ang pikang tangan
bubuga ng libo't laksang kamatayan.
79 Sa kuko ng lilo'y aking aagawin
ang kabiyak niyaring kaluluwang angkin;
liban na kay ama, ang sino ma't alin
ay 'di igagalang ng tangang patalim.

80 O pagsintang labis ng kapangyarihan,


sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw;
'pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamaki'ng lahat masunod ka lamang!
81 At yuyurakan na ang lalong dakila
bait, katuwira'y ipanganganyaya;
buong katungkula'y wawaling-bahala,
sampu ng hininga'y ipauubaya.
82 Itong kinaratnan ng palad kong linsil,
salaming malinaw na sukat mahalin
ng makatatatap, nang hindi sapitin
ang kahirapan kong 'di makayang bathin.
Alin sa grupo ng mga salita ang naiiba
ang kahulugan?

1. tikas bikas kaanyuan lakas


2. adarna pananggalang
pantakip pandepensa
Alin sa grupo ng mga salita ang naiiba
ang kahulugan?
3. ginugunam-gunam isinasaulo
binubulay-bulay nagninilay-nilay
4. panaghoy pag-iyak
pagsigaw paghagulgol
Alin sa grupo ng mga salita ang naiiba
ang kahulugan?
5. bathin tiisin lisanin kayanin

6. pagkapang-anyaya pagkalimot
pagkapahamak pagkapariwara
Alin sa grupo ng mga salita ang naiiba
ang kahulugan?
7. mapanglaw masaya
malungkot malumbay
8. Makatatap makababatid
makaaalam makapagtatago
1. Sino ang dumating sa gubat?
2. Bakit siya malungkot? Ano ang
problema niya?
3. Base sa mga sinabi ni Aladin, ano
kayang klaseng anak siya? Bakit mo
nasabi?
4. Sa iyong palagay, tama ba ang sinabi ni
Aladin sa mga saknong 78-79?
5. Gagawin kaya niya ang kanyang iniisip?
Bakit mo nasabi?
6. Sa iyong palagay, nangyayari pa rin ba
sa kasalukuyan ang karanasan ni
Aladin?Magbigay ng mga halimbawa.
7. Ano-ano ang alam mong uri ng pag-
ibig?
8. Paano mo ito maipag-iiba o
maihahalintulad sa iba pang mga uri o
anyo ng pag-ibig?
9. Sa iyong palagay, paano naipakikita ng
tao ang pag-ibig?
10. Paano mo ipakikita ang pag-ibig sa
a. kapwa?
b. sa iyong pamilya?
c. sa iyong kaibigan?
d. Sa kapaligiran?
e. Sa bayan?
11. Sa iyong palagay, dapat bang
ipaglaban ang pag-ibig? Ipaliwag ang
iyong sagot.

You might also like