You are on page 1of 3

Banghay- Aralin Filipino 8

I. Layunin

A. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin (F8PN-IVe-d-34)

B. Naipapahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang pangyayari sa binasa (F8PS-IVa-b-35)

C. Naibubuod ang mga pangyayari sa aralin gamut ang kasunod na caterpillar technique.

II. Paksa

Ang Pagliligtas ni Aladin kay Florante (saknong 126-155)

III. Kagamitang Panturo

A. Florante at Laura, Dinisenyo Batay sa Kurikulum ng K to 12, Salum et.al. pahina 66-67.

B. USB, TV, Larawan

IV. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik-Aral

a. Batay sa tinalakay noong Martes, kanino ba nagpapaalam si Floarante?

b. Ano ba ang nangingibabaw na damdamin kay Florante batay sa binasang tula?

2. Pagganyak

Pagpaparinig bg Musika

a. Tungkol saan ba ang awiting inyong narinig?

b. Ano ba ang ipinapahiwatig bg awitin?

3. Pag-alis ng Sagabal

Panuto: Salungguhitan ang dalawang salitang magkasingkahulugan na ginamit sa pangungusap.

1. Tinunton niya ang kanyang kapatid sa gubat, gayundin naman hinanap din siya nito upang sila'y
makalaya na sa kagubatang iyon?

2. Malaon ng naghihintay ang bayanbpara sa mga bagong bayani, matagal na panahon na rin na
may mga bayaning nag-alay ng buhay para sa kanyang kalayaan.

3. Maraming sikat na artista ang nagtungo sa pistang bayan kaya naman bantog na bantog ang
kanilang lugar.
4. Nabibihag ako sa kanyang kagandahan, tulad ng pagkaakit ko sa kalikasan.

5. Kung ang mga nag-aaral ay namamangha sa kanilang bagong guro, nagugulat din naman ang guro sa
kanilang ipinakitang kahusayan sa klase.

4. Paglalahad

Babasahin ng nga mag-aaral ang saknong bilang 126-155.

B. Pagtalakay

1. Sino ang Apolong binanggit na nagligtas kay Florante? Bakit tinawag rin siyang "bagong Marte?''

2. Paano iniligtas ni Aladin ang kaawa-awang binata? Ilarawan ang pakikipaglaban niya sa dalawang
leon?

3. Bakit iniligtas ni Aladin si Florante?

4. Ibigay ang nga isinasagisag ng mga leon sa tula.

Pangkatang Gawain

1. Ibuod ang mga pangyayari sa aralin gamit abg kasunod na Caterpillar Technique.

2. Anong magandang katangian ang ipinakita ni Aladin sa ginawa niyang pagliligtas kay Florante?

C. Paglalapat

1. Kung ikaw si Aladin , ililigtas mo rin ba si Florante kahit hindi mo karelihiyon? Bakit?

2. Bilang isang kabataan, paano mo ipinakikita ang iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa iyong
kapwa?

D. Paglalahat

1. Ano ang damdaming namamayani sa binasa?

2. Ano ang mensahe o aral na iyong napulot sa tula?

E. Pagtataya

Isulat ang � kung abg pahayag ay Tama at � naman kung Mali.

1. Nang makita ni Aladin ang kinalalagyan ni Florante, nakaramdam siya ng awa.

2. Dahil sa taglay na tapang at lakas ni Aladin, napatay niya ang dalawang leon.

3. Sinabi ni Florante na di niya ang kailangan ang habag ni Florante.

4. Hindi nakatiis ang moro na nakikinig sa hinagpis ni Flerida kaya hinanap niya ito.
5. Naipakita ni Aladin ang kanyang taos-pusong pagtulong kay Florante.

6-10. Bakit mahalagang tumulongbsa nangangailangan kahit pa siya ay itinuturing mong isang kaaway?
Ano ang maaaring ibunga ng pagtulong sa isang kaaway?

V. Kasunduan

Basahin at unawain ang saknong bilang 156-187.

You might also like