You are on page 1of 5

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 8
I- Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ay kilala bilang isang makata at manunulat at tinagurian bilang Ama ng


Balagtasan.
a. Francisco Baltazar c. Jose Rizal
b. Jose Dela Cruz d. Mariano Ponce
2. Sino ang naging asawa o kabiyak ni Francisco Baltazar?
a. Maria Asuncion Rivera c. Juana Tiambeng
b. Juana Dela Cruz d. wala sa nabanggit
3. Kanino unang namagneto si Francisco Baltazar, dahil sa kanya nagbigay ito ng ibayong
inspirasyon para makasulat ng mga tula?
a. Maria Asuncion Rivera c. Juana Tiambeng
b. Juana Dela Cruz d. wala sa nabanggit
4. Kung si Jose dela Cruz ang Hari ng makatang tagalog, sino naman ang Prinsipe ng
Makatang Tagalog?
a. Jose Corazon c. Mariano Ponce
b. Jose Rizal d. Francisco Baltazar
5. Ano ang dalawang akda ni Francisco Balagtas na kinilala rin?
a. El filibusterismo at Noli Me Tangere
b. Ibong Adarna at Florante at Laura
c. Orosman at Zafira at La India Elegante y El Negrito
d. Banaag at Sikat
6. Kalian ipinanganak si Francisco Baltazar?
a. Abril 2, 1786 c. Abril 2, 1788
b. Abril 2, 1787 d. Abril 2, 1789
7. Ito ay itinuturing na isang sagutang patula kung saan may tagapagsalaysay at isang
lalaki at babae na tinatawag na lakandiwa at lakambini?
a. Balagtasan c. Bigkasan
b. Tulaan d. Deklamasyon
8. Saan isinilang si Francisco Baltazar?
a. Bigaa, Bulacan c. Kawit, Cavite
b. Tondo, Manila d. Elnido, Palawan
9. Kailan nahimlay si Francisco Baltazar?
a. Pebrero 20, 1862 c. Pebrero 20, 1863
b. Pebrero 21, 1862 d. Pebrero 21, 1863
10. Sino ang sumulat ng akdang Florante at Laura?
a. Jose Corazon c. Francisco Baltazar
b. Jose Rizal d. Mariano Ponce
11. Si Laura ay pinaratangan ni Florante na nagtaksil sa kanilang pag-iibigan. Ang salitang
may salungguhit ay nangangahulugang?
a. Pinagbintangan c. Pinaghahanap
b. Pinagpalit d. pinagsabihan
12. Kanino inihandog ni Francisco Baltazar ang Florante at Laura?
a. Celia c. Agapita
b. Juana d. Leonora
13. Tanging si Flerida lamang ang makakalunas sa sakit na nararamdaman ni Aladin.
a. Makasusugat c. makagagamot
b. Makahahanap d. makahihilom
14. Ang kagandahan ni Laura ay parang rosas na bagong bukad sa hardin. Anong uri ng
tayutay ang nasabing pahayag?
a. Metapora c. Personipikasyon
b. Simile d. Pagtawag

15. Ang lakas ni Florante na tinataglay sa bawat labanan ay leon sa bagsik.


a. Metapora c. Personipikasyon
b. Simile d. Pagtawag
16. Daan-daang kamay ang nagtulungan upang mailigtas ang kaharian ng Crotona mula sa
mga mananakop.
a. Senekdoke c. Metapora
b. Hayperbole d. onomatopeya
17. Umiyak ang langit sa kasawian ni Florante.
a. Metapora c. Personipikasyon
b. Simile d. Pagtawag
18. Bumaha ang luha ni Flerida ng malaman na pupugotan ng ulo ang kasintahang si Aldin.
a.Senekdoke c. Metapora
b.Hayperbole d. onomatopeya
19. Katarungan, kapayapaan at kaunlaran ang kinakailangan ng kahariang Albanya.
a. aliterasyon c. Metapora
b. Simile d. onomatopeya
20. Tila porselana ang kutis ni Laura.
a.Metapora c. Personipikasyon
b.Simile d. Pagtawag

21. Ang kwento ng Florante at Laura ay nag-umpisa sa isang kasawian ng pangunahing


tauhan. Sa anong uri ng puno itinali ang pangunahing tauhan?
a. Higera c. mangga
b. Narra d. akasya
22. Ito ay mga diyosa sa kagubatan na sinasamba ng mga Hentil, maganda at may
malamyos na tinig.
a. Sirenas c. Oreadas Nimfas
b. Narciso d. harpias
23. Siya ang itinuturing na hari ng Persya na nag-utos na pugutan ng ulo si Aladin.
a. Haring Linseo c. Sultan Ali-Adab
b. Haring Briseo d. Haring Silano
24. Sino ang iniirog ni Florante?
a. Flerida c. Leonora
b. Laura d. Maria Asuncion Rivera
25. Siya ang naging guro ni Florante habang siya ay nasa Atenas.
a. Antenor c. Amando
b. Athena d. Linseo
26. Sino ang nagligtas kay Florante noong siya ay nasa madawag na gubat?
a. Aladin c. Menalipo
b. Menandro d. Adolfo
27. Bakit nag-alinlangan si Florante sa tulong na ibinigay ni Aladin?
a. Dahil sila’y hindi close
b. Inagaw ni Aladin ang kanyang kasintahan
c. Sila’y dating mahigpit na magkaaway sa labanan.
d. Mabaho si Aladin
28. Ano ang naging tagubilin ng guro ni Florante sa kanya noong siya’y pauwi na sa
Albanya?
a. Mag-ingat kay Adolfo
b. Huwag kalimutang mag-aral
c. Kumain sa sapat na oras.
d. ‘wag kalimutan ang kanyang pasalubong.
29. Sino ang tapat at matalik na kaibigan ni Florante at ang nagligtas sa kanya sa unang
kapahamakang idinulot ni Adolfo?
a. Menandro c. Antenor
b. Aladin d. wala sa nabanggit
30. Sino ang butihing ina ni Florante na nagmula sa kaharian ng Crotona?
a. Prinsesa Amanda c. Prinsesa Leonora
b. Prinsesa Floresca d. Prinsesa Juana
31. Ang dakila at makatarungang hari ng kahariang Albanya. Una pa lamang niyang nakita
si Florante ay natiyak na niya ito ang magiging tagapagmana ng kanyang trono at setro.
a. Duke Briseo c. Konde Silano
b. Haring Linseo d. Antenor
32. Siya ay nagpanggap na mabait at mahinahon sa panahon ng pag-aaral sa Atenas
subalit dahil sa inggit at panibugho kay Florante ay lumantad din ang pagbabalatkayo.
a. Menalipo c. Adolfo
b. Menandro d. Aladin
33. Ano ang ibig sabihin ng salitang dawag?
a. Uri ng isang halaman c. isang uri ng hayop
b. Isang ibon d. wala sa nabanggit
34. Noong sanggol pa lamang si Florante ay muntikan ng manganib ang kanyang buhay
dahil sa isang ____________?
a. Dambuhalang buwitre c. mabangis na leon
b. Higanteng manok d. malaking ahas
35. Sino ang pinsan ni Florante na agad na sumaklolo sa kanya noong siya’y sanggol pa
lamang?
a. Adolfo c. Menalipo
b. Menandro d. Aladin
36. Ano ang ginampanang papel ni Florante sa isang dula-dulaan habang siya ay nasa
Atenas?
a. Etyokles c. Reyna Yokasta
b. Polinese d. Ibarra
37. Si Adolfo ay nagtataglay ng kasabihang, “nasa loob ang kulo” na ang ibig sabihin
ay____?
a. Mapagpanggap c. Madamot
b. mahinahon d. walang pakialam
38. Bakit pinarusahan si Aladin ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab?
a. Natalo siya sa isang labanan at gusto nitong agawin ang kanyang iniirog
b. Ayaw ng kanya ama ng anak na lalaki
c. Hindi sila magkasundo
d. Hindi sinunod ni Aladin ang kanyang utos.

39. Ang saknong na:


“sampu ng lingcod mo’t mga kaibigan,
Kung kampi sa lilo’y iyo ng kaaway,
Ang di nagsiayo’y natatakot namang
Bangka’y mo’y ibao’t mapaparusahan.”
Ang saknong na ito ay nangangahulugang_____?

a. Mayroong mga kaibigang hindi tapat sa iyo


b. Mayroong kang mga kaibigan na ‘di mauutusan
c. Ayaw sa’yong makipaglaro
d. Wala kang kaibigan

40. Ang Florante at Laura ay naglalarawan ng apat na himagsik ni Francisco Baltazar. Ang
unang himagsik ay inihahalintulad ni Balagtas sa katiwalian at pagmamalabis ng
kapangyarihan na nagaganap sa kahariang Albanya sa nangyari noon. Ano ang unang
himagsik?
a. Paglaban sa itinatag na pamahalaang Kastila ng mga mananakop.
b. Paglaban sa maling pananampalatay ng tao.
c. Paglaban sa tiwaling kaugalian ng mga Pilipino.
d. Paglaban sa pagtuturing na mababang uri ng panitikan ang mga akdang Tagalo.
41. Saan natagpuan ni Aladin si Florante na nakatali?
a. Mapanglaw na gubat c. sa kaharian
b. Sa ilog d. sa bahay ng kalaban
42. Sino ang gererong bayani na tinutukoy sa akda?
a. Aladin c. Menalipo
b. Sultan Ali-Adab d. Menandro
43. Sino ang naging tagapagligtas ni Laura noong siya’y muntikan ng halayin ni Adolfo?
a. Prinsesa Floresca c. Athena
b. Flerida d. Agapita
44. Siya ang dakilang ama ni Florante at tagapayo ni Haring Linseo.
a. Haring Linseo c. Duke Silano
b. Duke Briseo d. Sultan Ali-Adab

45. Si Sultan Ali-Adab ay malahayop sa sama ng ugali. Anong uri ng tayutay ang pahayag?
a. Simile c. Pagtawag
b. Metapora d. Pagtatao

46. Ang Hiena o Hyena ay hayop na maihahalintulad sa isang ______?


a. Lobo c. tigre
b. aso d. leon
47. Ang Florante at Laura ay isang uri ng tulang _______?
a. Romansa c. tulang pasalaysay
b. Liriko d. pakikidigma
48. Ang korido ay binubuo ng ____ pantig sa bawat taludtod.
a. Anim c. walo
b. Pito d. siyam
49. Ang awit ay binubuo ng _____ pantig sa bawat taludtod?
a. Labindalawa c. labing-apat
b. labing tatlo d. labing-lima
50. Dalawang anyo ng tulang romansa.
a. Awit at Korido c. korido at epiko
b. Hele at Elehiya d. awit at pastoral

Ang makata’y magpapaalam


Sa mga mag-aaral niyang hiram
Mag-ingat kayo mga tinuring kong kaibigan
Ipagpatuloy ang panagarap na nasimulan
Na balang araw ay nais ng makata na masilayan. 
- Miss Lot ♥

Mga Sagot:
1. A
2. C
3. A
4. D
5. B
6. C
7. A
8. A
9. A
10. C
11. A
12. A
13. C
14. B
15. A
16. A
17. C
18. B
19. A
20. B
21. A
22. C
23. C
24. B
25. A
26. A
27. C
28. A
29. A
30. B
31. B
32. C
33. A
34. A
35. C
36. A
37. A
38. A
39. A
40. A
41. A
42. A
43. B
44. B
45. A
46. A
47. A
48. C
49. A
50. A

You might also like