You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII (Eastern Visayas)
Division of Leyte

Pangalan: _________________________________Baitang: _____________________________Marka:____________


Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng pinakatamang sagot sa
iyong sagutang papel.

A. Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang. 1. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang:
A. pampolitika B. panrelihiyon C. panlipunan D. pampamilya

2. Ang sagisag ni Rizal sa panulat ay:


A. Laong-laan B. Lola Basyang C. Basang Sisiw D. Pepeng Agimat

3. Ang Noli Me Tangere ay inialay sa:


A. GOMBURZA B. kasintahan C. pamilya D. Inang Bayan

4. Ang huling pag-ibig ni Rizal ay si:


A. Leonor Rivera B. Segunda Katigbak C. Josephine Brachen D. Maria Clara

5. Ang tulang isinulat ni Rizal sa edad na walo ay:


A. Sa Aking mga Kabata B. Ang Pag-ibig C. Inang Wika D. Ang Batang Gamugamo

6. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang Noli Me Tangere.
A. Paciano Rizal B. Ferdinand Blumentrit C. Maximo Viola D. Valentin Ventura
7. Naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang Noli Me Tangere.
A.The Roots B. Iliad and Odyssey C. Ebony and Ivory D. Uncle Tom’s Cabin
8. Sakit ng lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.
A. HIV B. Kanser C. Dengue D. Tuberculosis
9. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay:
A. mangmang B. tamad C. erehe D. indiyo
B.PANUTO: Isulat ang titik S kung sanhi, at B kung Bunga ang sumusunod.
10. ____ Nakatulog ang marami sa mahabang sermon ni Padre Damaso.
11. ____ Pinasaringan ni Padre Damaso si Ibarra at ang ama nito.
12. ____ Palagi na lamang umiiyak si Maria Clara at di pinakikinggan ang pag-alo ng kaniyang ate.
13. ____ Naging iskomulgado si Ibarra
14. ____ Namundok si Tandang Pablo.

C.PANUTO: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang A – E.


15. Hinimok ni Elias si Kapitan Pablo na sumama sa kaniya.
16. May dumating na telegrama para kay Kapitan Tiago tungkol sa pagdating ng kapitan heneral.
17. Nakipagkita si Elias kay Ibarra upang ipaliwanag ang nangyari sa paghuhugos.
18. Nagbigay ng kani-kaniyang opinyon ang mga tao sa nangyari kay Ibarra at Padre Damaso.
19. Bumagsak ang panghugos na ginawa ng taong madilaw.
D. PANUTO:Piliin ang tamang sagot batay sa sumusunod na pahayag.
“Mamamatay ako na di makikita ang pagbubukang liwayway sa aking bayan! Kayong nakamamalas sa kanya, batiin
ninyo siya at huwag ninyong kalimutan ang nangabulid sa dilim ng gabi.”

20. Binibigyang diin sa pahayag na binasa ang:


A. naghihingalo B. kaliwanagan C. mga bayani D. inaasahang alayaan

21. Ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan ay patungkol sa:


A. kinabukasan ng bayan B. kalayaan ng bayan C. kaluwagan ng bayan D. kuwentong bayan
22. Ang nagsasalita sa pahayag na binasa ay:
A. namamaalam B. naghahabilin C. nanghihinayang D. nanunumbat

23. Sa pahayag ay binanggit ang nangabulid sa dilim ng gabi ito ay tumutukoy sa:
A. mga sundalo B. mga bayani C. kabataan D. matatanda

24. Sa kabuuan ng pahayag ay may imaheng:


A. pambansa B. pang-espirituwal C. panlipunan D. pangkalikasan

25. Matapos mong mabasa ang kabuuan ng pahayag, nangibabaw ang damdaming:
A. maka-Diyos B. makabansa C. makatao D. makakalikasan

26. Nahihinuha sa pahayag ng nagsasalita na siya’y may katangiang:


A. matalino B. matatag C. mapagmahal D. maalalahanin

27. Ang kinakausap ng nagsasalita sa pahayag na binasa ay ang:


A. bata B. kabataan C. matatanda D. mamamayan

28. Sa kabuuan ng pahayag ay nanaig sa mambabasa ang:


A. pagkaawa B. pagkalito C. pagkatakot D. pagpapahalaga

29. Ano kaya ang pinakaangkop na pamagat sa pahayag na binasa?


A. Huling Panawagan B. Paalam sa Inang Baya C.Tagubilin sa Kabataan D. Ang mga Nangabulid

30. Ang dilim ng gabi ay sumisimbolo sa:


A. kabiguan B. kasawiaan C. kamatayan D. kadakilaan

“Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw,lalong pagingata’t kaaway na
lihim.” - Pilosopo Tasyo

31. Ang ideya/kaisipang lumulutang sa pahayag ay:


A. pampamahalaan B. pampamilya C. panlipunan D. pansimbahan

32. Anong katangian ng nagsasalita ang maliwanag sa pahayag?


A. matulungin B. matalino C. mapagmalasakit D. mapanakot

33. Anong katotohanan ang nais bigyang-pansin sa pahayag?


A. kaingatan B. kainggitan C. kaligtasan D. kataksilan

34. Ang “masayang mukha” ay sumisimbolo sa:


A. nagpapanggap B. nagpapasaya C. nagpapahanga D. naghahambog

35. Binigyang diin sa pahayag na:


A. ang tao’y di dapat magtiwala B. ang tao’y laging may kaaway
C. ang tao’y laging may pasalubong D. ang tao’y pinagpapakitaan ng giliw.

E. 36 – 50.
PANUTO:Ipaliwanag ang pahayag na ito mula sa nilalaman ng Noli Me Tangere “Mahal ko ang aking bayan ‘pagkat
utang ko rito at magiging utang pa ng aking kaligayahan.” - Crisotomo Ibarra

Prepared : Checked : Approved:

MYRNA R. MILO LUH C. DACUYAN ELEANOR E. CAGARA


SST-I/Filipino Filipino Subject Coordinator Secondary School Principal IV

You might also like