You are on page 1of 7

Department of Education

Region III
San Fernando East District
PANDARAS INTEGRATED SCHOOL
City of San Fernando, Pampanga

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Filipino 9


50

Pangalan: ____________________________ Petsa: _____________________________


Baitang at Seksyon: ____________________ Lagda ng Magulang: __________________

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

I. Talasalitaan. Tukuyin ang kahulugan ng mga nakasalungguhit na mga salita batay sa


pagkakagamit nito sa pangungusap.

______1. Matalim at nakasisilaw na mga lintik ang gumuhit sa himpapawid.


a. kulog c. ulan
b. kidlat d. bahaghari

______2. Kadalasan may kasama itong nakatutulig na mga tunog.


a. nakakabingi c. nakakaitim
b. nakakasilaw d. nakakapanghina

______3. Talagang mapanganib ngayon sa isang dalaga ang maglakad nang nag-iisa sa gabi.
a. nakapangamba c. nakakatakot
b. nakakagulat d. delikado

______4. Isang malaking kalapastanganan ang yukuran ang dangal ng isang tao.
a. kasamaan c. kasalanan
b. kalupitan d. paghamak

______5. Ang sunod-sunod na mga problema na iyan ay mariing dagok sa buhay ni Ibarra.
a. karma c. kahirapan
b. kasawian d. solusyon

II. Noli Me Tangere. Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan.

______6. Ang Noli Me Tangere ay mula sa wikang kastila na ang ibig sabihin ay __________.
a. Huwag mo akong salingin. c. Huwag mo akong alalahanin
b. Huwag mo akong tiisin. d. Huwag mo akong lapastanganin.

______7. Ang Noli Me Tangere ay inialay ni Dr. Jose Rizal sa __________.


a. GOMBURZA c. mga Pilipino
b. mga kastila at prayle d. kanyang ina at kapatid.

______8. Ang Noli Me Tangere ay isinulat ni Dr. Jose Rizal sa mga sumusunod na bansa maliban
sa _________.
a. Alemanya c. Paris
b. Madrid d. Pilipinas

1
______9. Siya ay binatang nag-aral sa Europa at nangarap na makapagpatayo ng paaralan para sa
kabataan ng San Diego.
a. Basilio c. Crisostomo Ibarra
b. Elias d. Alfonso Linares

______10. Siya ang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay at
nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael sa libingan ng mga Instik.
a. Padre Salvi c. Padre Sibyla
b. Padre Damaso d. Padre Martin

______11. Isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra at siya ring nagkwento kay Crisostomo
Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang ama.
a. Kapitan Tiyago c. Padre Damaso
b. Tenyente Guevarra d. Basilio.

______ 12. “Ako ay hinog na sa karanasan para paniwaalan. Magdadalawampu’t tatlong taon na
akong
kumakain ng kanin at saging. Huwag ninyo akong gamitan ng kung anu-ano at
mabulaklak
na mga salita.” Anong katangian ang ipinapakita ni Padre Damaso sa pahayag na ito?
a. mapagkumbaba c. maalalahanin
b. mapagmataas d. mahusay na lider

______13. Tama ba ang inasal ni Padre Damaso sa hapagkainan ng matapat sa kanya ang pakpak
at
leeg ng manok sa tinola?
a. Oo, dahil bilang prayle dapat sa kanya ang pinakamainam na parte.
b. Oo, dahil siya ay isa sa makapagnyarihan na tao sa kanilang lugar.
c. Hindi, dahil bilang isang lingkod ng Diyos dapat maging maingat sa kilos at pananalita.
d. Hindi, dahil hindi naman para sa kanya ang pagtitipon.

______ 14. “May kaugalian sa Alemanya na kung walang magpakilala sa panauhin ay siya na mismo
ang nagpapakilala sa kanyang sarili. Ipahintulot ninyong gayahin ko ang kaugaliang iyon,
hindi dahil kagustuhan ko lamang magpasok ng ugaling dayuhan, kundi dahil lamang sa
hinihingi ng pagkakataon.” Ang kaisipang lumutang sa pahayag ay ___________.
a. Ipinakita ritong iginagalang at pinapahalagahan ni Ibarra ang kultura at tradisyon ng
mga Pilipino.
b. Ipinapakita ritong maaaring gayahin ng mga Pilipino ang magagandang kaugalian ng
ibang lahi.
c. Ipinapakita nitong ang pakikipagkilala sa kapwa sa isang pagtitipon ay isang mabuting
kaugalian ng mga Pilipino.
d. Ipinapakita rito na ang mga Pilipino ay hindi marunong magpakilala ng sarili sa ibang
tao.

______15. Makatarungan ba ang pagpapakulong kay Don Rafael Ibarra?


a. Oo, dahil nanakit siya ng isang kastila.
b. Oo, dahil namatay ang kastila at upang huwag siyang tularan.
c. Hindi, dahil ipinagtanggol lamang niya ang isang batang walang laban.
d. Hindi, dahil ang mga bata dapat ang ikinulong.

______16. Inilahad ni Tenyente Guevarra ang nangyari sa ama ni Ibarra. Ano ang ipinamalas niya
dito?

2
a. pagmamalasakit c. pagmamahal
b. pag-unawa d. pagkagalit

______17. Bakit mas gugustuhin ni Maria Clara na magbakasyon sa San Diego kaysa sa Malabon?
a. Mas maganda sa San Diego kaysa sa Malabon.
b. Mas sariwa ang hangin sa San Diego.
c. Nasa San Diego ang kanyang mga kaibigan.
d. Nasa San Diego si Crisostomo Ibarra.

______18. Tanaw ni Ibarra sa kaniyang bintana ang kasayahan nagaganap sa bahay ni Kapitan
Tiyago, subalit ano ang kadahilanan ng kanyang pagkalungkot?
a. Biglang sumapit sa kaniyang isipan ang sinapit ng kaniyang ama sa kulungan.
b. Naisip niya na dapat ay kasama siya sa mga nagkakasiyahan.
c. Naalala niya ang kanyang magandang buhay sa Europa.
d. Sumama ang kaniyang pakiramdam sa sobrang pagod.

______19. Ano ang naging epekto ng kamatayan ng ama ni Saturnino sa mga taga- San Diego?
a. Nagbunyi ang mga taga-San Diego.
b. Nalungkot ang mga taga San Diego at ipinagdasal ang labi ng matanda.
c. Hindi na lumabas ng bahay ang mga taga-San Diego sa kabang dadalawin sila ng
kaluluwa nito.
d. Natakot ang mga taga-San Diego at itinapon lahat ng salapi’t hiyas na galling sa
matandang Kastila sa ilog.

______20. Bakit itinuturing na makapangyarihan si Padre Salvi at ang Alperes?


a. Dahil marami ang kanilang mga salipi at ari-arian.
b. Dahil marami silang mga kaibigang nasa mataas na katungkulan.
c. Dahil sila ay parehong kamag-anak ng Kapitan Heneral.
d. Dahil ang kapangyarihan nila ay katulad ng hari ng Espanya at Papa ng Vatican.

______21. Sinugod ni Ibarra ang kura ng San Diego ng malaman ang kalapastanganang ginawa sa
kanyang ama. Ano ang damdaming ipinamalas ni Ibarra?
a. sobrang tuwa c. sobrang galit
b. sobrang pag-aalala d. sobrang lungkot

______22. Ang mga sumusunod ay mga katotohanan tungkol sa buhay ni Pilosopong Tasyo maliban
sa isa.
a. Siya ay mula sa mayamang pamilya.
b. Siya ay nagpari sa utos ng kanyang ina.
c. Mahilig siyang magbasa ng mga aklat.
d. Itinuturing siyang baliw ng mga mangmang.

______ 23. “Ginoo, ang anak ko po’y hindi magnanakaw, kahit na sila’y nagugutom, kami po’y bihasa
ng magtiis ng gutom.” Sa pahayag na ito ni Sisa mapapatunayang ___________.
a. Nagtanim siya ng kagandahang asal sa kanyang mga anak.
b. Malaki ang takot nila sa kura at mga guwardiya sibil.
c. Handa niyang tanggapin ang pamamalo ng mga guwardiya sibil..
d. Itinago niya ang kaniyang nga anak para di makatikim ng palo

______24. “Natatakot ako kuya, kapag nasa bahay tayo ay hindi ako matatakot, sa atin hindi ako
mapagbibintangang magnanakaw” Sino ang nagbitaw ng pahayag na nabasa?

3
a. Basilio c. Lucas
b. Elias d. Crispin

______ 25. “Naiwan sa kumbento si Crispin, naiwan sa kumbento?” Ano ang nais ipahiwatig sa
winika
ni Sisa?
a. nagagalit c. nalulungkot
b. nag-aalala d. natutuwa

______ 26. “Iimbitahan ko ang lahat ng aking kaibigan, tiyakin mo lamang na hindi sasama si Padre
Salvi sa gagawing piknik kinabukasan,” kaninong pahayag ang nabanggit?
a. Crisostomo Ibarra c. Alperes
b. Kapitan Tinong d. Maria Clara

______ 27. “Ang isinusulat ko ay para sa mga susunod na henerasyon at hindi para sa kasalukuyang
salinlahi dahil kung babasahin nila ngayon ang aking aklat marahil ito ay kanilang
susunugin,” Ang nagwika nito ay si ________________.
a. Kapitan Tiyago c. Padre Salvi
b. Pilosopo Tasyo d. Crisostomo Ibarra

______28. “Elias ang inyong kasawian ay nagbuhat sa aking ka-anak. Ang buhay ko ay makalawa na
ninyong iniligtas. Kayo’y pinagkakautangan ko di lamang ng kagandahang loob kundi na
rin
naman ng tungkuling pagsasauli ng inyong kayamanan” saad ni ___________.
a. Kapitan Tiyago c. Padre Salvi
b. Pilosopo Tasyo d. Crisostomo Ibarra

______ 29. “May mga kaaway ako?” tanong ni Ibarra kay Elias. “Ang pakikipag-alit ay batas ng
buhay,”
sagot ng piloto. Ano ang ibig ipakahulugan ng matalinhagang pahayag ni Elias?
a. Ang lahat ng tao ay may kaaway.
b. Mahirap ang may kaaway.
c. Normal lamang ang may kaaway.
d. Sa buhay ng tao ay sadyang di maiiwasan ang magkaroon ng lihim na kaaway.

______30. Di-mahulugang karayom ang ginanap na misa sa araw ng kapistahan ng San Diego.
Ano
ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
a. maraming tao c. walang tao
b. masunurin ang mga tao d. masaya ang mga tao.

______31. Bakit binigkas ni Padre Damaso ang ikalawang sermon sa Tagalog?


a. Para maunawaan ng mga taong nakikinig
b. Base sa patakaran ng simbahan
c. Bilang pagpaparinig kay Ibarra
d. Napili ang wikang Tagalog upang gamitin sa sermon

Sa bilang 32-33, sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa bahagi ng akda.

“Mahirap mangyari iyan, mga ginoo!” putol ng kapitan. “Walang magagawa ang taong-
bayan, laging may katwiran ang mga prayle. Mayayaman sila’t nagkakaisa samantalang
watak-watak at mahihirap ang mga mamamayan.”
4
-Bali-balita mula sa Kabanata 35 ng Noli Me Tangere
______32. Ano ang ipinapahiwatig ng huling pangungusap sa akda?
a. Ang mga Pilipino ay kanya-kanya dahil sa di-pagkakaunawaan.
b. Sadyang mahihirap ang mga Pilipino simula pa noong una.
c. Nagkakaisa ang mga Pilipino at mga prayle.
d. Ang mga prayle ang naghahari sa bansa at nasa kanila ang kapangyarihan.

______33. Ano ang damdaming ipinapahayag ng nagsasalita sa akda?


a. kawalan ng pag-asa c. tagumpay
b. puno ng suliranin d. pagkatakot

______34. Si Ibarra ay pinatawan ng parusang pagiging ekskomulgado ng simbahang Katolika. Ano


ang ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit?
a. taong inaway sa laro c. Taong tiwalag ng simbahang katolika
b. taong tinanggalan ng tungkulin d. Taong ipinagtabuyan sa lipunan

______35. Ang panghugos ay ginawa ng taong madilaw upang gamitin sa paglalagay ng unang
bato
sa itinatayong paaralan. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit?
a. Makinang ginagamit sa pananahi.
b. Makinang ginagamit sa pagbaba at pagtaas ng mabibigat na bagay.
c. Makinang ginagamit sa paggawa ng sapatos.
d. Makinang ginagamit na panglinis ng bahay.

______36. Sino ang dahilan ng pagkabaliw ni Sisa?


a. asawang lasenggero c. guwardiya sibil
b. dalawang anak d. Padre Damaso

______37. Napapatingin ang lahat kapag dumaraan si Donya Victorina at lihim na nagtatawanan
pagtalikod niya. Ano ang nais ipabatid ng akda?
a. Lahat ay humahanga sa taglay na kagandahan ni Donya Victorina.
b. Mahusay magdala ng damit si Donya Victorina.
c. Mahilig magsuot ng makukulay na damit si Donya Victorina.
d. Kinukutya si Donya Victorina sa pagsuot ng mga Europeyang kasuotan sa
kadahilanang siya ay hindi kastila.

______38. Matindi ang pagdadalamhati ni Padre Damaso sa sakit na nararamdaman ni Maria Clara.
Ito ay dahil sa __________.
a. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara
b. Mahilig makialam si Padre Damaso sa buhay ng iba
c. Natatakot mahawa si Padre Damaso ng isang sakit
d. Ayaw mapuna ni Padre Damaso ng mga taga-San Diego ang sinapit ni Maria Clara

______39. Bakit hindi natuloy ang kasal nina Maria Clara at Alfonso Linares?
a. Dumating si Ibarra at itinakas si Maria Clara.
b. Napabalitang nalunod si Ibarra at ninais nalamang niyang mag-madre.
c. Hindi pumayag si Kapitan Tiyago sa pagpapakasal ng dalawa.
d. Ayaw ni Maria Clara sa kastilang walang pinag-aralan.

______40. Sa nobelang Noli Me Tangere, paano ipinakita ni Maria Clara ang wagas na pagmamahal

5
kay Ibarra?
a. Sumama si Maria Clara sa pagtakas ni Crisostomo Ibarra.
b. Iniwan ni Maria Clara ang kanyang ama at nagtungo sa lawa upang wakasan ang
kanyang buhay.
c. Mas pipiliin pa ni Maria Clara ang pumasok sa kumbento kaysa ipakasal siya sa hindi
naman niya mahal.
d. Mabait at malambing na kasintahan kay Ibarra.

6
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayaring naganap sa nobelang Noli Me Tangere gamit ang mga
letrang A,B,C,D,E,F,G,H,I,J.

______41. Nabalitaan ni Maria Clara na namatay si Ibarra sa pagkalunod nito sa lawa.


______42. Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay
si Ibarra kung hindi lamang siya nailigtas ni Elias.
______43. Napagdesisyunang ipakasal si Maria Clara kay Alfonso Linares.
______44. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi sa Europa, bumalik si Ibarra sa Pilipinas.
______45. Nalaman ni Ibarra mula kay Tinyente Guevarra ang sinapit ng kanyang ama at ang
pagpapahukay sa labi nito.
______46. Hiniling ni Maria Clara kay Padre Damaso na siya ay pumasok sa kumbento at kung
hindi siya papayagan nito ay magpapapakamatay siya.
______47. Hinamak ni Padre Damaso si Don Rafael kaya binalak siyang saksakin ni Ibarra, buti
na lamang ay napigilan siya ni Maria Clara.
______48. Tinakpan ni Elias si Crisostomo Ibarra ng kumpol ng damo upang iligtas sa mga
guwardiya sibil bago ito tumalon sa lawa.
______49. Hinatulan ng pagiging ekskomulgado si Crisostomo Ibarra at sinamantala ito ni Padre
Damaso upang mapawalang bisa ang kasunduang pagpapakasal ni Ibarra at Maria
Clara.
______50. Pumunta si Ibarra sa isang handaan na inihanda ni Kapitan Tiyago para sa kanya na
dinaluhan ng mga makapangyariahn at mayayamang tao tulad nina Padre Damaso,
Tenyente Guevarra at Donya Victorina.

You might also like