You are on page 1of 3

Department of Education

Division of City of Bogo


City of Bogo Science and Arts Academy
St. Joseph Village, Cogon, Bogo, Cebu
IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

Pangalan: _________________________________________ Iskor: ________

Bilang at Pangkat: ____________________ Petsa: ________

I. Basahing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay ang layunin sa pagsulat ni Dr. Jose Rizal sa nobelang Noli Me Tangere,
maliban sa isa.
a. Upang maimulat sa mga Pilipino ang katotohanan na ang bansa ang naghihirap dahil sa
pananakop
b. Upang mahimok ang mga Pilipino na gumawa ng paraan para matamo ang kalayaan mula sa
pananakop
c. Upang sabihing ang mga Pilipino ay maaring maging bayani sa pagsusulat lamang ng nobela
d. Upang gisingin ang mga Pilipino na hindi makatarungan ang maging alipin sa sariling bayan
2. Sa katauhan nina Basilio at Crispin na pumapasok sa kumbento upang mag- aral, ipinakita ni Rizal ang
kahalagahan ng mga Pilipino sa________.
a. Pagtamo ng dekalidad na edukasyon c. Pagmamalupit ng mga prayle noon
b. Pagkakaroon ng pantay na pagtrato d. Pagkuha ng magandang buhay
3. Ang nobelang Noli Me Tangere ni Rizal ay tumatalakay sa________-.
a. Sakit ng lipunan c. Pagmamahal sa Bayan
b. Pagmamahal sa Pamilya d. Mabuting Pakikitungo
4. Sa kanya ipinakita ni Rizal ang ugali ng mga Pilipinong nakakalimutan ang pagiging makabayan sa
pagpipilit sa sariling maging isang banyaga.
a. Kapitan Tiyago b. Pilosopo Tasyo c. Donya Victorina d. Sisa
5. Bago simulant ang hapunan, nagtalo pa ang mga panauhin kung sino ang dapat na maupo sa kabilag
dulo ng lames. Ang pag- upo sa posisyon ito ay nagpapahiwatig ng__________.
a. Kayamanan b. kapangyarihan c. kagandahan d. kaugalian
6. Maagang nagpunta si Sisa sa kwartel ng mga gwardiya sibil upang itanong kung nasaan ang dalawa
niyang anak. Pinagtabuyan siya nang ayaw niya sanang umalis, bgunit talagang wala roon ang mga
bata. Kinabukasan nakita siyang palakad- lakad ng walang direksyon, bilang tumatawa at kinakausap
lahat ng bagay na may buhay. Mahihinuha sa pangungusap na si Sisa ay______________.
a. Masaya b. natakot c. nabaliw d. nagalak
7. Si Pilosopo Tasyo ay pinagkakamaling baliw ng karamihan dahil siya ay sobrang____________.
a. Matabil b. matalino c. kakaiba d. nag- iisa
8. “Ang tao ay dapat bigyang dangal habang buhay pa, at di kung patay na.” Ang nagsabi sa pahayag ay
si________________.
a. Crisostomo Ibarra b. Pilosopo Tasyo c. Basilio d. Padre Salvi
9. Kinabukasan, araw ng mga patay, nagpunta si Ibarra sa sementeryo upang dalawin ang pungtod ng
ama. Sa pangyayaring ito, mahihinuha na ang mga Pilipino ay__________.
a. Karamihan Intsik b. karamihan Muslim c. karamihan Katoliko d. karamihan negosyante
10. Sa ginawang pagbabentang ng sacristan mator kay Crispin sa pagnanakaw ng kwalta, kahit pa siya
mismo ang nagnakaw ay nagpapakita sa anong isyung kinahaharap ngayon ng lipunang Pilipino?
a. Kamangmangan b. korapsyon c. edukasyon d. kahirapan
11. “Kung ang isalubong sa iyong pagdating,
Ay masayang mukha’t pakitang giliw,
Lalong pagkaingata’t kaaway na lihim…..”
Ang linyang ito ay mula kay Balagtas na ipinaalala ng sinong tauhan kay Crisostomo Ibarra?
a. Maria Clara b. Kapitan Tiyago c. Padre Damaso d. Pilosopo Tasyo
12. Anong katotohanan sa buhay ang nais bigyang- pansin sa pahayag?
a. kainggitan b. kataksilan c. kagandahan d. kaligtasan
13. Ang “masayang mukha”, ay nangangahulugang_____________.
a. nagpapasaya b. nagmamalaki c. nagpapanggap d. nagdadalamhati
14. Binigyang- diin sa pahayag na_________-.
a. Ang tao’y palaging may pasalubong c. ang tao’y laging may kaaway
b. Ang tao’ y madaling malinlang d. ang tao’y di dapat magtiwala kaagad
15. Ang ginawang pagbebentang sa batang Crispin na pagnanakaw ay maiiuugnay sa_____.
a. Ang panghuhusga sa mga taong mahihirap na siya lamang kayang gumawa nang masama
b. Ang pagtamo ng pantay na edukasyon para sa lahat
c. Ang pagtugon sa mga problema ng lipunan
d. Ang pagpapaubaya sa mga programa ng gobyerno
16. “ Sa pagsikat ng araw ang mga gumagawa nang masama ay mapaparusahan nang kahila- hilakot,”
sabi ni pilosopo Tasyo. Sa linyang nabanggit naipapakita ang kagustuhan ng mga Pilipino para
sa________.
a. Kapayapaan b. hustisya c. kayamanan d. pagmamahal
17. Bilang isang ina, pinatunayan ni Sisa na___________.
a. Ang ina ang siyang dapat mag- alala nang husto sa mga anak
b. Ang ina ang siyang nag- iisang tagapagtaguyod ng pamilya
c. Bilang ina, inaasahan na palakahin ang anak na mabuti, may respeto at may pangarap
d. Bilang ina, inaasahan na siya mismo ang bumuhay sa anak
18. “Ang pagsangguni ay di nangangahulugang pagsunod.” Ang sangguni ay ______________.
a. Pagkuha sa gusto c. Paghingi ng payo
b. Pagbayad sa utang d. Pagsunod sa kautusan
19. Si Ibarra ay nagtayo ng paaralan sa kanilang bayan para sa mga maralita. Ang isyung panlipunan na
binigyang pansin nito ay ang_____________.
a. Kalupitan sa kapwa c. pamamahala ng pamahalaan
b. Paniniwala sa Diyos d. kayamanan at kahirapan
20. Bilang panganay, si Basilio ay nagtrabaho bilang sacristan sa simbahan upang matulungan ang inang
si Sisa sa gastusin sa bahay. Si Basilio ay__________.
a. Responsableng anak b. pasaway na anak c. iresponsableng anak d. wala sa nabanggit
21. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng opinion
a. Ayon kay Pilosopo Tasyo ang mga tao ay di dumaraing di dahil sa pipi
b. Tunay na karapatan ng lahat na magtamo ng pantay na pakikitungo
c. Totoong maraming Pilipino ang dumanas ng hirap noong panahon ng mga Kastila
d. Totoong may magagawa ang bawat isa upang mahinto ang paggamit ng masamang droga
22. Magbubukang- liwayway pa lamang ay lumilibot na ang banda ng musiko. Ang may salunnguhit ay
nangangahulugang______________.
a. Madilim b. maaga c. madaling- araw d. agaw- dilim
23. Nagdudulot ng maraming indulhensiya ang sa pagsusuot ng abitong yaon. Ang may salungguhit ay
nangangahulugang_____________-.
a. Kapatawaran b. biyaya c. tulong d. kasiyahan
24. Ang ibinigay ni Ibarra kay Maria Claro bago ito nagpunta sa Europa na naging dahilan ng
pagkakakulong ng huli.
a. Ang liham ni Don Rafael kay Crisostomo Ibarra c. ang liham ni Pia Alba kay Maria Clara
b. Ang mapupulang bulaklak na rosas d. ang mga dahon ng sambong
25. Si Don Rafael Ibarra ay nabilanggo, dahilan ng paglabas ng iba’t ibang mga sumbong ng kanyang mga
lihim na kaaway isa na sa kanila ay si Padre Damaso. Masasabing si Padre Damaso ay_______.
a. Nagsasaya b. naiinggit c. natutuwa d. naagmamabuti
26. Mamamatay akong hindi man lamang nakita ang maningning na pagbubukang- liwayway saking
bayan! Kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi!”
Sa pahayag ni Elias, sino ang tinutukoy na, nalugmok sa dilim ng gabi?
a. Mga prayle b. mga bayani c. mga taong- bayan d. mga alipin
27. Sa pahayag sa itaas ang maningning na pagbubukang- liwayway ng bayan na tinutukoy ni Elias ay
nagpapakahulugan sa_________.
a. Kalayaan b. kagandahan c. kalupitan d. kasaganahan
28. Sa katauhan ni Elias ipinakita ni Rizal ang ugali ng isang taong__________.
a. May pagpapahalaga para sa sariling kapakanan lamang
b. Isang taong may mithiin para sa ikabubuti ng kanyang bayan
c. May pagbabagong nais maabot sa hinaharap
d. Isang taong handang gawin ang lahat para sa kanyang sarili
29. Ang pagtatalo ni Padre Salvi at ng Alperes hinggil sa mga gawaing napapabayaan ay maiuugnay
sa___.
a. Pagbabago ng ugali ng mga taong bayan c. pagkakahiwalay ng estado sa simbahan
b. Pagtutuligsa sa mga masasamang tao d. sa isyu ng kahirapan at kayamanan
30. Ano ang magandang dahilan nang pagpili ni Rizal na patayin ang katauhan ni Elias sa nobela?
a. Para hindi na magulo pa ang bayan ng San Diego
b. ang katauhan niya ay nagpapabigat sa daloy ng kuwento
c. Nais patunayan ni Rizal na ang masamang adhikain ay di nagtatagumpay
d. Ang pag- ibig sa inang bayan ay siyang lalong mas mahalaga sa lahat
31. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng deskriminasyon sa lipunan?
a. Ang lahat ay nakakuha ng libreng bigas pamigay sa barangay
b. Marami ang hindi naririning ang hianaing sa takot na matanggalan ng trabaho
c. Sila’y nagsasaya dahil naintindihan na nila ang programa ng pangulo
d. Ang lahat ay abala sa paghahanda para sa bagong asignatura
32. Sa katauhan niya ipinakit ni Rizal ang dahilan ng pagkakalugmok ng tao sa sarili niyang gawain, na
ang tao mismo ang siyang gumagawa para sa ikakasama ng sarili.
a. Kapitan Tiyago b. Maria Clara c. Basilio d. Sisa
33. Bakit pinili ni Maria Clara na pumasok sa kumbento kaysa magpakasal kay Linares?
a. Dahil iyon ang utos ni Padre Damaso sa kanya c. dahil iyon lamang ang makabubuti sa lagay nila
b. Dahil akala niyang patay na ang tunay na mahal d. dahil ayaw niya masaksihana ng gulo sa bayan
34. Ano ang ang nad- udyok kay Rizal na isulat ang nobelang Noli Me Tangere?
a. Upang siya’y sumikat at magkaroon ng maraming kaibigan
b. Upang siya’y makakuha ng parangal
c. Upang ipamulat sa mga mamamayan ang tunay na kalagayan ng lipunan sa panahong iyon
d. Upang ipakita na siya’y isang magaling na manunulat ng nobela
35. Alin sa sumusunod ang magandang aral na nais ituro ng nobela tungkol sa kalayaan?
a. Walang mang- aalipin, kung walang magpapaalipin
b. Kung may isinusok may madudukot
c. Kung ano ang itinanim siyang aanihin
d. Ang pagsisisi ay laging nasa huli
36. Ang sumusunod ay mga katangian ni Pilosopo Tasyo, maliban sa isa.
a. Matalino, palakaibigan, masinop, masama c. mapag- isa, mapagbigay, kagalang- galang
b. Ma- alam, mapag- isip, matulungin, mapanuri d. mahirap, matalino, makasarili
37. Si Elias ay parang baliw na binabagtas ang kakahuyan patungo sa lawa. Nakikita at naririnig niya ang
kanyang mga nuno na nagsasabing siya’y isang duwag. Hindi niya lubos maisip na ang taong kanyang
tinulungan ay kalahi pala na nagpahirap sa kanyang angkan. Si Elias ay may tunggaliang______.
a. tao laban sa tao b. tao laban sa lipunan c. tao laban sa sarili d. tao laban sa kalikasan
38. Aling mga programa sa telebisyon ang nagppapakita sa kasalukyang lagay ng lipunan ng mga Pinoy?
a. Showtime b. Ang Probinsyano c. TV Patrol d.Kapuso mo, Jessica Soho
39. Bakit sa araw ng pista ay mas pinili ni Pilosopo Tasyo na hindi magsuot ng marangya, at kuwestiyunin
ang mahal na bayad para sa isang sermon ng pari?
a. Dahil ayon sa pilosopo ang ganoong gawain ang pag- aaksaya lamang ng pera at pagtatago sa
totoong kalagayan ng bayan
b. Dahil ayon sa kanya tanging ang malalaking tao na nasa posisyon lamang ang maghanda at
bigyang- dangal
c. Dahil ayon sa Pilosopo ang buhay niya ay matatapos lang din naman
d. Dahil para sa kanya ang pista ay para lamang sa mga Katoliko
40. Si Kapitan Tiyago ay hinayaang gamitin siya ng kanyang maling paniniwala tungkol sa _______.
a. Edukasyon b. Relihiyon c. Pag- ibig d. Pamahalaan
41. Sa katauhan niya ipinakita ni Rizal na ang babae bilang isang ina gagawin ang lahat para sa kanyang
mga anak.
a. Sisa b. Pia Alba c. Maria Clara d. Donya Consolacion
42. Ang mga sumusunod ay mga maling kaugalian ng mga Pilipino na ipinakita ni Rizal sa kanyang nobela,
maliban sa isa.
a. Ang di tamang tamang paagtrato sa pagitan ng mayaman at mahirap
b. Ang pagiging mapanampalataya sa mga Santo at Santa
c. Ang pagkahilig sa mga tsismis
d. Ang pagpuna sa sariling mali bago ang pagpuna sa iba
43. “ Ang bayan ang hindi umiimik dahil sa ito’y pipi…….” Ang pahayag ni Pilosopo Tasyo ay
nangangahulugang_____________________.
a. Ang tao’y napipipi sa dami ng mga pasanin
b. Ang tao’y napipi sapagkat sila’y takot na kalabanin
c. Ang tao’y napipipi dahil lahat ay walang pakialam
d. Ang tao’y napipipi sapagkat sila’y matatapang
44. Anong aklat ang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng kanyang mga nobela?
a. Uncle Tom’s cabin b. The Roots c. Odyssey d. Wuthering Heights
45. Sa nobelang Noli me Tangere, itinulad ni Rizal ang lipunang Pilipino sa isang sakit na walang lunas
dahil sa napakaraming problemang sa tingin niya ay hindi na masosolusyunan, ito ay________.
a. TB b. kanser c. malaria d. dengue
46. Alin sa sumusunod ang kumpletong pangalan ni Rizal?
a. Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda
b. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
c. Jose Protacio Rizal Mencahvez y Alonzo Aquino
d. Jose Protacio Mercado Alonzo y Realonda
47. Anong taon naipalimbag ni Rizal ang nobelang Noli me Tangere?
a. 1887 b. 1888 c. 1885 d. 1889
48. Ilang taon gulang si Rizal nang maisulat niya ang tulang, “Sa aking mga Kabata?”
a. 7 b. 8 c. 9 d. 10
49. May ilang kabanata ang Noli Me Tangera nang ito’y maipalimbag?
a. 63 b. 64 c. 65 d. 66
50. Ang nag- iisang kapatid na lalaki ni Rizal na siyang kadalasang niyang hinihingan ng payo.
a. Tasyo b. Paciano c. Damaso d. Salvi

You might also like