You are on page 1of 5

G.

BANGALISAN NATIONAL HIGH SCHOOL


Burabod, Placer, Masbate

IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 10

Pangalan: ____________________________________ ____________ Baitang: _____________________

I. Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng pinakaangkop na kasagutan sa bawat bilang.

1. Siya si Crisostomo Ibarra na nagbalik pagkatapos ng 13 taon bilang mayamang mag-aalahas.


a. Basilio b. Simoun c. Kabesang Tales d. Padre
Florentino

2. Mag-aaral ng medisina at nobya ni Huli.


a. Basilio b. Simoun c. Tadeo d. Makaraig

3. Duguang dumating sa bahay ni _________ si Simoun.


a. Padre Irene b. Padre Salvi c. Kabesang Tales d. Padre Florentino

4. Nagpaalipin si Huli kay _____________ para matubos ang kanyang ama sa tulisan.
a. Kabesang Andang b. Hermana Penchang c. Donya Victorina d. Padre Camorra

5. Ipinagbili ni Huli ang lahat ng kanyang mga ari-arian maliban sa _________.


a. singsing b. kwentas c. “locket” d. hikaw

6. Si Simoun ay maaring matagpuan sa tanggapan nito sa __________.


a. Ongpin b. Escolta c. San Diego d. Maynila

7. Ang mga __________ ang may kagagawan sa mga paskil.


a. estudyante b. guro c. prayle d. Simoun

8. Pumapayag na si Basilio sa plano ni Simoun dahil ___________.


a. siya ay nakulong c. kapwa silang uhaw sa paghihiganti
b. tinakot siya ni Simoun d. kinumbinsi sya ni Huli

9. Sino ang nakita ni Basilio sa gubat na dating pag-aari ng mga Ibarra?


a. Simoun b. Kapitan Tiyago c. Kabesang Tales d. tulisan

10. Ayon kay Simuon ang laman ng lamparang sasabog ay ________.


a. mga asero at dinamita c. luhang tinipon at poot na tinimpi
b. likido at nitrogliserina d. sama ng loob at paghihiganti

11. Natuwa si Simoun nang kinuha ni Kabesang Tales ang rebolber. Ang ikinikilos ni Simoun ay nangangahulugang
____________.
a. nagtagumpay siya sa kanyang pakay c. makababayad na siya ng utang na loob
b. hindi na siya sisingilin ni Kabesang Tales d. Hindi na siya mapagkakamalang rebelde

12. Nagdalamhati si Huli nang malaman niya ang nangyari kay Basilio dahil ________.
a. maaring siya ay makulong nang matagal c. hindi na sila magkikita pa
b. patay na si Kabesang Tales d. hindi na nito matutupad ang kanyang pangarap

13. Ano ang ipinahihiwatig ng hapis na hapis na mukha ni Simoun nang ito ay patay na?
a. nahirapan sa sakit c. bakas ang kasawian sa isang buhay na walang kabuluhan
b. ayaw pa sana niyang mamatay d. may mga plano pa siya na hindi naisasakatuparan

14. Saang lugar natapos isulat ni Rizal ang El Filibusterismo?


a. Paris b. Brussels c. Berlin d. Biarritz

15. Ano ang misyon ng muling pagbabalik ni Simoun sa Pilipinas?


a. para hanapin ang mga mga taong umapi o humamak sa kanya
b. upang ipaghiganti ang mga mahal niya sa buhay
c. Magtayo ng unibersidad para magkaroon ng edukasyon ang kabataan dito.
d. Muling magpayaman at tuluyang kalimutan ang kanyang mapait na karanasan

16. Nang lumabas ng bahay si Kabesang Tales ay natawanan niya ang prayle at bagong may-ari ng kanyang lupa
dahil dito ay nagngitngit siya sa galit at nagpasyang _______________.
a. bumalik ng bahay at magmukmok c. kunin ang kanyang itak at sugurin sila
b. kausapin ang mga ito at paalisin d. patayin sila at maging tulisan na lamang

17. Ayaw magtungo ni Padre Florentino sa itaas ng kubyerta dahil _________.


a. nakatambak ang mga maleta, tampipi, bakol at iba pang kargamento sa itaas
b. gusto niyang mapag-isa mula sa iba pang mga pari
c. ayaw niyang matanong tungkol kay Don Tiburcio
d. hinahanap niya si Isagani

18. Kanino inialay ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo?


a. Maria Clara b. Don Rafael c. GomBurZa d. Segunda Katigbak

19. Si Basilio ay namasukan bilang katulong kay Kapitan Tiyago kapalit ng libreng pag-aaral . Ang kilos niyang
ito’y nagpapakita ng anong katangian?
a. pagmamahal sa Diyos c. pagpapahalaga sa edukasyon
b. matatag na paninindigan d. busilak na puso

20. Ipinagtanggol ng mataas na kawani si Basilio. Ito’y nagpapatunay na ___________________.


a. Si Basilio ay mabait. c. Hindi lahat ng Kastila ay masama.
b. Si Basilio ay walang kasalanan. d. Palaging api ang mga dukha.

21. “Sa isang utos ng pamahalaan, maaaring maipabilanggo ang ama, asawa o kapatid.” Ano ang ibig sabihin ng
pahayag?
a. mahilig manakot ang pamahalaan c. nagbubulag-bulagan ang pamahalaan
b. natatakot ang ama, asawa o kapatid sa pamahalaan d. makapangyarihan ang pamahalaan

22. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginawa ni Kabesang Tales?


a. Ipinaglaban niya ang kanyang karapatan sa lupang pagmamay-ari.
b. Nilinis ang gubat upang gawing tubuhan.
c. Nahuli ng mga tulisan at ipinatubos sa halagang 500.
d. Naging tagapagpayo nang mga tulisan.

23. “May mga naninira sa amin ng talikuran ngunit sa harapan ay humahalik sa aming mga kamay.” Ano ang ibig
ipakahulugan ng pahayag?
a. may mga taong nagpapanggap bilang kaibigan c. maraming pumupuna sa kanyang kamalian
b. may mga taong hindi natutuwa sa kanya d. gusto ng ilan na sirain ang kanyang buhay

24. “At sapagkat ang bayan ay tulad ng bangkay na walang magawa, pinalala ko ang kabulukan, dinagdagan ko ang
lason upang mamatay ang lawin na siyang nanginginain,” ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
a. ang mga Pilipino ay nasadlak sa pagkaalipin
b. walang magawa ang mga tao sapagkat makapangyarihan ang pamahalaan
c. Pinalala ni Simoun ang paghihirap ng bayan upang magising ito at tumutol sa kaapihan
d. nais niya ipaglaban nang bawat isa ang kanilang karapatan

25. “Malapit na ang araw, at sa pagbubukang liwayway ay ako na rin ang magbabalita sa inyo.” Sa pahayag na ito
ay nakikinita ni Simoun na _______________.
a. magiging malaya ang bansa c. mamatay na siya
b. tutulungan niya si Basilio d. magbabago siya ng pasya

26. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoong nangyari sa nobela?


a. Uminom ng lason si Simoun dahil ayaw niyang pahuli ng buhay sa mga guwardiya sibil.
b. Naging pari si Padre Florentino dahil sa panata ng kanyang ina.
c. Inaasahan ni Basilio ang pagdating ni Simoun dahil tinulungan niya itong makalaya.
d. Si Hermana Bali ang babaeng nagsisigaw na lumabas sa kumbento.
Para sa bilang 27-29

Nang umunlad ang bukid na sinasaka ni Kabesang Tales ay inangkin ito ng mga prayle at ipinagbayad siya
ng buwis. Tinaasan ng tinasaan ng mga pari ang buwis at nang ‘di na kinaya ng Kabesa ay nakipag-asunto ito sa
mga prayle. Dinala ni Kabesang Tales sa korte upang maayos ang problema. Ngunit natalo ang Kabesa dahil nasa
ilalim ng impluwensya ng mga prayle ang gobyerno.

27. Ang talata sa itatas ay nagpapakita sa atin ng ____________________.


a. maling paniniwala sa mga hukom
b. kahinaan ni Kabesang Tales
c. pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino
d. kawalan ng kakayahan ng kabesa na ipagtanggol ang kanyang sarili

28. Ang pagkatalo ni Kabesang Tales sa korte ay nangangahulugang ___________.


a. mali ang kanyang ipinaglalaban c. wala siyang pambayad sa abogado
b. matalino ang mga prayle d. binabaluktot ng pamahalaan ang katarungan

29. Kung sakaling mangyari sa iyo ang nangyari kay Kabesang Tales, ano ang pinakamabuting gawin?
a. magiging mabuting mamamayan c. manahimik para walang gulo
b. magparaya d. patuloy na ipaglaban ang karapan sa abot ng makakaya

Para sa bilang 30-32

Sa isang bahay-aliwan sa Los Baños ay naglaro ng baraha sina Padre Irene, Padre Sybila, ang Kapitan-
Heneral at Simoun. Pumayag si Simoun na itaya ang kanyang mga alahas sa kondisyong ipupusta ng mga prayle ang
pangakong magpapakasama sa loob ng limang araw. Ang sa Kapitan-Heneral naman ay ang pagbibigay ng
kapangyarihan kay Simoun na magpakulong at magpatapon ng kahit na sinong kanyang nanaisin.

30. Sa iyong palagay, ano ang mapapala ni Simoun sa ganoong kahilingan?


a. upang magkaroon ng kasiyahan ang kanyang buhay
b. upang luminis ang bayan at maalis na lahat ng masasamang damo
c. upang udyukan ang kasamaan at maisakatupan ang kanyang balak
d. upang makapaghiganti sa mga taong nang-api sa kanya noon

31. Kung ikaw ang kalaro ni Simoun, ano ang maaring maisip mo sa kanyang pag-uugali batay sa talatang binasa?
a. masama b. mapagbiro c. nahihibang d. mapagmahal sa bayan

32. Ano ang kaisipang namayani sa talatang binasa?


a. pag-aaliw c. kahirapan
b. kulupitan at pagsasamantala sa kapwa d. pamamalakad sa pamahalaan

Para sa bilang 33-36

Tinutulan ni Isagani si Padre Fernandez. Aniya, Ipagpalagay daw nila, kahit ‘di totoo,na ang mga estudyate
ay mga walang dakilang asal at katibayan nang loob. Sino daw ang may kasalanan? Sila daw ba o ang mga nagturo
sa kanila sa loob ng may tatlong siglo? Kung pagtapos ng panahong iyon ay walang nayari ang manggagawa ng
palayok kundi mga sira, siya’y nagpakatanga na raw marahil o baka daw marumi ang putik na ginamit.

33. Ang mga pahayag ni Isagani ay nagpapahiwatig na______________.


a. kung ano raw sila ngayon ay ang mga pari ang may gawa
b. kasalanan ni Padre Fernandez kung bakit walang asal ang mga estudyante
c. walang dapat na sisihin sa desisyong ginawa ng mga estudyante
d. kinakailangang matupad ang layunin ng mga estudyante

34. Kanino inihambing ni Isagani ang manggagawa ng palayok?


a. estudyante b. guro c. pamahalaan d. bayan
35. Ano ang damdaming namayani sa talatang binasa?
a. pagkalungkot b. panunumbat c. galit d. pagkabalisa

36. Bilang isang mag-aaral, makatarungan ba ang isinagot ni Isagani sa pari?


a. Oo, dahil ang mga paring guro ang dapat na humuhubog sa kagandanhang asal ng mga kabataang
mag-aaral.
b. Hindi, dahil ang masamang ugali ng isang mag-aaral ay ‘di dapat isisi sa kanila o kahit sa pamahalaan
kundi sa masamang pagkakatatag ng kanilang saloobin at paniniwala.
c. Oo, dahil kapag marumi ang pinapakitang pamamaraan ng nagtuturo ay maglilikha ito ng hindi mabuting
kaisipan sa mga mag-aaral.
d. Maaring lahat sa nabanggit.

Para sa bilang 37-39

Makaraan ay nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin. Ang sabi
ng pari ay dahil masama ang kanyang kaparaanan at saka nagpaliwanag.Tinanggap ni Simoun ang mga sinabi ng
pari. Inaming siya ay nagkamali at naitanong na dahil ba sa pagkakamaling iyon ay ipagkakait na ng Diyos ang
kalayaan ng isang bayan at ililigtas ang napakaraming higit pang salarin kaysa sa kanya?

37. Anong damdamin ang namayani kay Simoun sa talatang binasa?


a. pagkatakot b. pangangamba c. panghihinayang d. pagkalito

38. Ano kaya ang layunin na tinutukoy ni Simoun dito?


a. kalayaan sa pagpapahayag c. pagkakaroon ng sariling kalaayan ng bansa
b. makipaglaban sa mga prayle d. Akademya ng Wikang Kastila

39. Bakit hindi naiintindihan ni Simoun ang mga ginawa ng Diyos sa kanyang buhay?
a. dahil sa malaking galit na namayani sa kanyang puso
b. dahil sa kanyang kawalan ng pananalig
c. dahil nakatuon ang kanyang pag-iisip sa paghihiganti
d. lahat ng nabanggit

II. Piliin ang kahuluhan ng may salungguhit na sa salita sa bawat pangungusap.

40. Hindi inaalis ang tingin ni Simoun sa binata at binunot ang rebolber sa kanyang bulsa.
a. maikling baril b. sulat c. alahas d. pera

41. Katulad ni Basilio, siya ay nagtapos na may markang sobresaliente.


a. mababa b. pinakamahusay c. bagsak d. katanggap-tanggap

42. Nagdala ng gulok si Kabesang Tales para sa pangangahoy.


a. lubid b. panggatong c. lagari d. malaking kutsilyo

43. Si Huli ay ginahasa. Labis siyang naririmarim sa kanyang sarili.


a. guniguni b. nandidiri c. nanlulumo d. natutuwa

III. Ayusin at isulat ang a-d ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pahayag.

_____ 44. Nakita ni Basilio si Isagani at ipinagtapat niya rito na may magaganap na pagsabog.
_____ 45. Sa loob ng bahay, isang sulat ng mga babala ang nagpasalin-salin sa kamay ng mga panauhin na nagbigay
takot sa kanila.
_____ 46. Malungkot si Isaganing nanonood sa nagaganap na kasiyahan sa kasal ni Paulita.
_____ 47. Biglang may isang di-kilalang lalaki ang biglang sumulpot at kinuha ang lampara at inihagis ito sa ilog.

IV. Ipaliwanag

48-50
Paano nakatulong ang pangyayari sa nobela upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino? (3 puntos)

You might also like