You are on page 1of 4

FOURTH QUARTER EXAM IN FILIPINO 10

I. Multiple Choice: Basahin at unawain bago isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Sinong tauhan ang nasa Noli Me Tangere ang nagbalik sa El Filibusterismo upang isakatuparan
ang kanyang mga balak?
a. Basilio c. Padre Florentino b. Ben Zayb d. Simoun

2. Kanino inialay ni Jose Rizal ang kanyang nobelang Noli Me Tangere?


a. Sa Inang Bayan b. Padre Florentino c. Kay Maria Clara d. Sa tatlong Paring Martir

3. Ano ang kahulugan sa Wikang Filipino ng salitang Filibustero?


5. Saang ebanghelyo sa Bibliya hinango ni Rizal
a. Ang paghihiganti c. Ang Pagsusuwail
b. Ang Pagbabalik-loob d. Ang Puspusang Pagsunod

4. Paano inilantad ni Gat Jose Rizal ang tunay na kalagayan ng bayan?


a. Sa pamamagitan ng pagpapamudmod ng mga polyeto.
b. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey sa kanyang mga kakilala.
c. Sa pamamagitan ng pagtatanghal sa mga perya tungkol mga nangyayari sa lipunan.
d. Sa pamamagitan ng pagsulat ng mga akdang naglalantad ng mga pangyayari sa lipunan.
ang pamagat na Noli Me Tangere na tumutukoy rin sa kung paano pinagsusuot ng mga patalastas
ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga makakasalubong nila.
a. Juan 20: 13-17 c. Juan 3:16 b. Gawa 20: 28 d. Exodo 3:12

6. Sino ang nagpayo kay Rizal na lisanin ang Pilipinas na agad naman niyang sinunod upang
mailayo ang sarili sa kapahamakan?
a. Ang Gobernador c. Ang kanyang mga magulang
b. Ang kanyang mga kapatid d. Ang kanyang mga kasama sa La Liga

7. Maliban kay Valentin Ventura, ang lahat ay binigyan ni Rizal ng kauna-unahang sipi ng kanyang
aklat MALIBAN SA ISA:
a. GOMBURZA b. Dr. Blumentritt c. Marcelo H. Del Pilar d. Graciano Lopez Jaena

8. Ang lahat ay bahagi o tema sa Count of Monte Cristo na nahahawig sa El Filibusterismo ni Rizal
MALIBAN SA ISA.
a. Paghihiganti
b. Paggamit ng rebolusyonaryong paksa
c. pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon.
d. paggamit ng limpak-limpak na kayamanang itinapon o itinago sa kailaliman ng dagat at
nahanap ng pangunahing tauhan
9. Saan nailimbag ang nobelang El Filibusterismo?
a. Belgium b. Espanya c. Inglatera d. Pilipinas

10. Alin sa mga akdang naging inspirasyon ni Rizal ang nagpapakita ng paggamit ng limpak-limpak
na kayamanang itinapon o itinago sa kailaliman ng dagat at nahanap ng pangunahing tauhan?
a. Ang Biblia b. Les Miserable c. A Tale of Two Cities d. The Count of Monte Cristo

11. Si Edmund Dantes ang pangunahing tauhan sa The Count of Monte Cristo, Si Jean Valjean sa
Les Miserables, samantang si ________________ ang pangunahing tauhan sa El Filibusterismo.
a. Basilio b. Ben Zayb c. Padre Florentino d. Simoun

12. Saan sinumulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo?


a. Belgium b. Espanya c. Inglatera d. Pilipinas

13. Sino ang matalik na kaibigan ni Rizal na tumulong upang maipagpatuloy ang paglilimbag ng
kanyang nobelang El Filibusterismo?
a. V. Ventura b. Dr. Blumentritt c. Marcelo H. Del Pilar d. Graciano Lopez Jaena

14. Ano ang isinisimbolo ng Bapor Tabo?


a. Ang lipunang Amerika c. Ang lipunang Pilipinas
b. Ang lipunang Espanya d. Lipunang Pranses

15. Ano ang naging balakid paglilimbag ng El Filibusterismo?


a. Kakulangan sa pondo
b. Pagsamsam sa mga sipi
c. Panggigipit sa mga kamag-anak ni Rizal sa Pilipinas
d. Ipinakasal sa iba ang kaniyang kasintahan na si Leonor Rivera.
16. Ang tunggalian nina Basilio at Simoun sa gubat ay naganap nang _____.
(Kabanata VII)
a. ihayag ni Basilio na dapat gamitin ng mga Pilipino ang wikang Espanyol sa buong kapuluan.
b. magbalak si Basilio na ilantad ang tunay na katauhan ni Simoun.
c. isumbat ni Simoun ang tulong na ginawa niya kay Basilio.
d. mainis si Basilio sa kayabangan ni Simoun.

17. Anong tunggalian ang naganap sa Kapitan Heneral at mataas na kawani? (Kabanata XXXI)
a. Nagkainitan sila dahil sa pagtatanggol ng mataas na kawani sa mga Pilipino.
b. Ipinagtanggol ng mataas na kawani si Basilio ukol sa pagkakakulong ng binata.
c. Naging mainit ang kanilang usapan ukol sa mga plano ng Heneral para sa bayan.
d. Nagkaroon sila ng pagdedebate ukol sa planong pagpapatayo ng akdemya ng mga kabataan.

18. Paano naganap ang tunggalian ng mga guwardiya sibil laban kay Basilio? (Kabanata XXVI)
a. Dinukot siya dahil sa planong pagpapatayo ng akademya.
b. Dinakip siya ng mga ito dahil pinagkamalan siyang sangkot sa himagsikan.
c. Dinakip si Basilio sa pag-aakalang maghihigante siya sa pagkamatay ni Huli.
d. Pinaimbestigahan si Basilio sa pag-aakalang kakalabanin nito ang Kapitan Heneral.

19. Naganap ang tuggalian nina Basilio at Simoun ukol sa himagsikan dahil _____. (Kabanata XIII)
a. nagalit si Basilio nang inakusahan siya ni Simoun na wala siyang pagmamahal sa kalayaan.
b. ipinamukha ni Simoun kay Basilio na wala siyang ginagawa para sa kapwa nito kabataan.
c. minaliit ni Simoun ang kakayahan ni Basilio na pamunuan ang grupo ng mga kabataan.
d. ipinagmalaki ni Simoun na siya lamang ang may kakayahang ipagtanggol ang bayan.

20. Nagkaroon ng tunggalian si Basilio sa kaniyang sarili dahil _____. (Kabanata XXXIV)
a. nagtatalo ang kaniyang isip kung itutuloy ang planong pagpapasabog sa kasalan.
b. nagsisi siya sa di-pagsunod sa mga utos ni Simoun.
c. nagtatalo ang kaniyang isip ukol sa pagpapatayo ng akademya.
d. nagsisisi siya sa kursong kinuha niya

Panuto: Basahin at unawain at bawat pahayag, ito ay mula sa kabanata II, 14, 15, 22 ng El
Filibusterismo. Pagkatapos, ibigay ang kahulugan ng mga matalinghagang pahayag mula sa mga
tauhan sa kabanata. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
21. “Tumulad na rin siya sa iba pang tulad niya na napahamak sa nawalan ng dangal.”
a. nagalak b. nagapi c. nasadlak d. natalo

22. “Kailangang maging marangal ang kapalaran.”


a. maganda b. malinis c. matapat d. madaya

23. “Ang bayang galit sa pamahalaan ay walang nais gawin kundi iwan ang pamahalaan.”
a. pabaya c. walang pagmamalasakit
b. mapagmahal d. hindi gusto ang pamamalakad ng pamahalaan

24. “Hindi masasayang ang iyong paghihirap sa halip ay makakatuklas tayo ng hindi pa
natutuklasan ninuman”.
a. matiyaga b. masaya c. masunurin d. magalang

25. Sino ang bagong nagmamay-ari ng kagubatan ng mga Ibarra na pinuntahan ni Basilio?
a. Kapitan Tiyago b. Kabesang Tales c. Padre Florentino d. Padre Salvi

26. Ano ang karangalang natanggap ni Basilio dahil sa kanyang matataas na marka sa paaralan?
a. aklat b. medalya c. pera d. tropeo

27 Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang pagiging ___ ni Simoun na nagkakatawang-tao.
a. Pera b. Demonyo c. Tao d. Mabait

29. Paano nagkaroon ng lupang sinasaka si Kabesang Tales?


a. Ibinenta sa kanya ng isang kaibigan
b. Ipinamana sa kanya ng magulang
c. Iniregalo sa kanya ng kamag-anak
d. Inakala niyang walang nagmamayari sa lupa, nilinis, kinaingin at tinaniman.

30. Ano ang dahilan ng lalong pagkabagabag ni Huli sa nangyari kay Basilio?
a. Dahil kailanman ay hindi na ito makalalaya pa.
b. Sapagkat hindi niya ito magawang tulungan upang malakaya.
c. Dahil nalaman nitong lubos na pinahihirapan si Basilio sa kulungan.
d. Sapagkat nalaman nitong siya at ang kaniyang ama ang dahilan ng kaniyang pagkakakulong.

31. Bakit lumuwas ng Maynila si Basilio?


a. Upang hanapin ang matagal nang nawawalang ina
b. Para humingi ng tulong para sa pagpapatayo ng akademya
c. Upang kunin ang kaniyang natipong kuwalta na gagamitin sa pagtubos kay Huli
d. Para magliwaliw at kalimutan ang mga suliraning pinagdadaanan ng kaniyang kasintahan

32. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan. Dapat tayong magtulungan.


a. Padamdam b. Maikling Sambitla c. Tiyak na Damdamind. Hindi Tuwiran

33. Si Padre Florentino ay naging ganap na pari sa edad na____?


a. 24 b. 25 c. 29 d. 35

34. Tukuyin ang nais ipahiwatig ng pahayag “Hindi kami bumibili sapagkat hindi kakulangan sa
aming buhay.” – Isagani
a. Nauubusan tayo ng pera dahil sa hindi matalinong paggamit nito.
b. Mas mainam pa ang magtipid kaysa madalas na paggastos.
c. Kung sino ang mayroon sa bandang huli sila pa ang nawawalan.
d. Gumamit lamang ng naayon sa pangangailangan.

II. Matching Type: Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat sa patlang ang TITIK ng
tamang sagot.
HANAY A HANAY B
35. upang mapantay kay Basilio pinag-aa-ral siya sa kolehiyo A. Kabesang Tales
36. matandang umampon kay Basilio sa gubat B. Mahal na Araw
37. lagi siyang may pasang baril C. Hermana Penchang
38. Reverendos D.Tata Selo
39. namatay na asawa ni Tales dahil sa pagtatanim E. Lucia
40. Cueresma F. Basilio
41. paglilingkuran ni Huli bilang utusan G. Banal na tubig
42. nagbigay ng agnos H. kabesa
43. Agua Bendita I.Tano
44. Indio J. kagalang-galang
K. Huli L. Tawag sa mga Pilipino

III. Identification: Ibigay ang hinihinging tamang sagot,


____45. Ito ay ginagamit kung naghahambing ng dalawang antas o lebel ng katangian ng tao,
bagay, ideya, pangyayari at iba pa.
------46. Nagbibigay ito ng diwang pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayang
pangungusap.
____47. May mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan. Gumagamit
ito ng mga salitang lalo, higit/mas, labis at di-hamak.
------48. Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian.
____49. Ang bahagi ng pananalitang ito ay nagbibigay deskripsyon o turing sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa.
____50. Sa pamamagitan ng teoryang ito, mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong
kinatha ang panitikan.
____51. Sa panitikan, layon nito na ipakita nang walang panghuhusga ang isang bahagi ng buhay.
nabibigyang pansin dito ang mga saloobin, damdamin, kilos at gawi ng mga tauhan.
____52. Pagtakas mula sa realidad o katotohanan ang isa sa dahilan nito na nagpapakita ng
pagmamahal ng tao sa kaniyang kapwa, bayan, at iba pa.
____53. Isang halimbawa ng teoryang ito ay ang paglalaban ng mahirap at mayaman.
____54. Ipinapakita ng teoryang ito ang pagpapahalaga sa moralidad, disiplina, at kaayusang
nakapaloob sa akda.
____55. Ang teoryang ito ay Pinagtutuunan ng pansin ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng
pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng
pagkakabuo ng akda).
____56 sinasabi ng teoryang ito na ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili
upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan.
____57. Ipinapakita ng teoryang ito ang tunay na pangyayari sa lipunan sa totoong buhay.
____58. Siya ay isa sa mga pinakatanyag at tagapagtaguyod ng Pilipinas noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila.

Para sa bilang 59-60. Essay


59. Ang Bapor Tabo ay isang paglalarawan ng ating pamahalaan at ng bayan noong panahon ng
mga Kastila. Ang mabagal na pagtakbo ay nagpapahiwatig ng mabagal nap ag-usad ng kabuhayan,
sabihin pa ay ang pagsulong at pag-unlad ng bansa. Sa ngayon ba ay tulad pa rin ng Bapor Tabo
ang ating pagsulong? Kung walang ipinagbago ang pamahalaan natin noon at ngayon, anu-ano ang
mga balakid sa landas ng ating pag-unlad? 10pts.

60. Ang ginawang tulong ni Simoun ay may kapalit, isang bagay na hindi tatangihan ni Basilio
‘pagkat sukdulan na rin ang kabiguang dinanas sa buhay. Kung ikaw si Basilio, Ano ang higit
mong isasaalang-alang, ang utang-na-loob sa isang tao o ang kapakanan ng maraming masasawi?
Bakit? 10pts.

“what you do makes a DIFFERENCE, and you have to DECIDE what kind of DIFFERENCE you want to make in
your life”. By; J .G

You might also like