You are on page 1of 4

PARAŇAQUE NATIONAL HIGH SCHOOL-MAIN

TAONG PANURUAN 2022-2023


IKAAPAT NA PRELIMINARYONG PAGSUSULIT
FILIPINO 9

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: _________________________________________


Guro: _____________________________________________Petsa: ___________________________________________________

l.Panuto. Piliin ang angkop na sagot sa sumusunod na katanungan hinggil sa kondisyon ng lipunan bago at matapos maisulat ang Noli
Me Tangere (F9PB-IVa-b-56). Letra lamang ang isulat.

1. Ang isa sa nakaimpluwensiya kay Dr Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere ay ang Uncle Tom’s Cabin. Paano
naihahalintulad ang dalawang aklat?
A. Nagpapakita ng pagtutulungan ng dalawang lahi
B. Nagpapakita ng pagmamalupit ng isang lahi sa iba
C. Nagpapakita ng pagpapahalaga sa katahimikan
D. Nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa

2. Ang sumusunod ay mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ang Noli Me Tangere maliban sa isa.
A. Pagmamalupit ng mga guardia civil sa mga Pilipino
B. Malayang nakapagpapahayag ang mga Pilipino
C. Hindi pagkamit ng katarungan laban sa mga Espanyol
D. Hindi patas na pagtingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino

3. Ang sumusunod ay mga pangyayari matapos maisulat ni Rizal ang Noli Me Tangere maliban sa:
A. Marami ang humanga sa kanyang kagalingan sa pagsusulat.
B. Maraming mga prayle at Kastila ang nagagalit sa kanya.
C. Ang mga sipi ng nobela ay nakarating sa Pilipinas at marami ang nakabasa nito.
D. Kumita ng maraming pera si Rizal dahil sa kanyang isinulat.

4. Alin sa sumusunod ang masasaksihan na kondisyong panlipunan bago naisulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?
A. Mapayapa ang pamumuhay nila sa panahong iyon.
B. Umasenso ang kalakalang sa iba’t ibang pook sa Pilipinas
C. Nakaranas ng pang-aapi at kawalan ng katarungan ang marami
D. Nagtulungan ang lahat sa pagpapaunlad ng mga bayan-bayan

5. Alin sa sumusunod ang walang kaugnayan sa dinanas na paghihirap ng ina ni Rizal sa kamay ng mga Espanyol?
A. Pagkabilanggo ni Donya Teodora
B. Paghatol sa kanya ng kamatayan
C. Pagpaparatang sa kanyang ina na kasabwat sa panglalason sa kinakasama ng kapatid ni Donya Teodora
D. Pagpapalakad mula sa bayan ng Calamba hanggang sa Sta. Cruz, Laguna

6. Ano ang pinaka-layunin ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?


A. Upang pukawin ang natutulog na damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.
B. Upang sagutin ang paninirang loob na matagal ng panahong ikunulapol sa mga Pilipino.
C. Upang maipakita kung ano ang nasa likod ng mga madaya at nakasisilaw na pangako ng pamahalaan.
D. Upang maipabatid na relihiyon ang nagpapahirap at nagmamalupit sa mga Pilipino.

7. Bakit pinamagatang Noli Me Tangere ang kauna-unahang nobela ni Jose Rizal?


A. Naglalaman ito ng mga bagay na hindi kayang gawin ng mga Pilipino.
B. Naglalaman ito ng mga bagay na kinahuhumalingang gawin ng mga Pilipino.
C. Naglalaman ito ng mga bagay na walang sinuman ang makapangahas bumaggit sa kanyang panahon.
D. Naglalaman ito ng mga bagay na maituturing na banal.

8. Ang sumusunod ay mga dahilan ni Rizal kung bakit niya ninais na magbalik ng Pilipinas matapos niyang maisulat ang Noli Me
Tangere, maliban sa isa:
A. Nais niyang bumalik dahil sa hangarin niyang maoperahan ang kanyang ina
B. Upang mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang kanyang mga sulat
C. Ibig niyang malaman kung ano ang naging bisa ng kanyang nobela sa kanyang bayan at mga kababayan
D. Upang makapaghiganti sa mga Espanyol sa pamamagitan ng dahas

9. Ang pagkamatay ng tatlong paring martir, ang pagpaparatang at pagpapahirap sa kanyang ina at ang sariling karanasan sa
pagmamalupit ng pamahalaan at simbahan ay tumatak sa isipan ni Dr Jose Rizal kung kaya napukaw ang kanyang isipan at
damdamin na maghangad ng pagbabago sa pamamagitan ng:
A. Dahas
B. Edukasyon
C. Pagsama sa gerilya
D. Pagtayo ng sariling relihiyon
10. Dumanas ng kahirapan si Dr. Jose Rizal sa panahon ng kanyang pananatili sa Europa, at wala siyang magamit na salapi sa
pagpapalimbag nito. Sino ang tumulong sa kanyang magpahiram ng pera?
A. Andres Bonifacio C. Ferdinand Blumentritt
B. Emilio Aguinaldo D. Maximo Viola

11. Batay sa kondisyong panlipunan noon ng Pilipinas, naniniwala ka bang patuloy pa ring umiiral ang kondisyong ito sa
kasalukuyan?
A. Oo, dahil mayaman pa rin ang bansa
B. Oo, dahil may mga mapagsamantala pa ring namumuno
C. Hindi, dahil maayos na ang kalagayan ng Pilipinas
D. Hindi, dahil malaya na tayo

12. Sa isyung panlipunan tulad ng karahasan at kawalang katarungan, ano ang posisyon mo dito?
A. Sa aking palagay, ako ay makikibaka
B. Ang dapat ay paigtingin ang pagpapatupad ng batas
C. Ang dapat ay ilagay ang batas sa sariling mga kamay
D. Tanggapin ang bayad upang manahimik

ll. PANUTO: Tukuyin kung ano ang kontekstwal na pahiwatig ng mga salitang sinalungguhitan sa bawat aytem (F9PT-IVa-b-56).
Letra lamang ng tamang sagot ang isulat.

13. Pinangahasan kong gawin ang di mapangahasang gawin ng sinuman.


A. Lakas-loob C. Pagmamalaki
B. Panghihinayang D. Pagmamalasakit

14. Ang mga kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol ang nagtulak sa kanyang lumikha ng pagbabago para sa bayan.
A. Kabutihan C. Pagkalinga
B. Kasamaan D. Paghihiganti

15. Itinambad niya ang totoong larawan ng relihiyong itinuro ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
A. Itinago C. Ipinarinig
B. Isiniwalat D. Isinigaw

16. Maaaring ang aklat ko ay may mga kapintasan kung sining at ganda ang pag-uusapan.
A. Kaayusan C. Kamalian
B. Kagandahan D. Kariktan

17. Talagang maraming unos ang pinagdaanan si Rizal.


A. Lungkot C. Saya
B. Pighati D. Suliranin

18. Mamamatay ako na ‘di makikita ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan! Kayong makamamalas sa kaniya, batiin ninyo siya at
huwag kalimutan ang nangabulid sa dilim ng gabi.” Ano ang kontekstuwal na pahiwatig ng pahayag na, “ang pagbubukang-
liwayway sa aking bayan”?
A. Kuwentong-bayan C. Kaluwagan ng bayan
B. Kalayaan ng bayan D. Kinabukasan ng bayan

19. Ano ang kontekstuwal na pahiwatig ng pahayag na, “nangabulid sa dilim ng gabi”?
A. Kabataan C. Mga bayani
B. Matatanda D. Mga sundalo

20. Ano ang kontekstuwal na paihiwatig sa sinabi ni Tenyente Guevarra sa pahayag na “Sana’y higit kayong maging mapalad kaysa
sa inyong ama.”
A. Yumaman sana kayong higit sa inyong ama.
B. Mas maraming oportunidad ang inyong makakamit sa inyong pagbabalik
C. Lagi kayong mag-iingat
D. Huwag sana kayong mapahamak na tulad ng inyong ama

III. Panuto. Tukuyin ang tauhang angkop sa bawat bilang batay sa kahalagahan o papel na ginagampanan nito sa akda
(F9PN-IVc-57). Letra lamang ang angkop na sagot ang isulat.

21.Mahalaga ang papel na kanyang gagampanan sapagkat siya ay magsisilbing imahe ng ating Inang Bayan sa nobela.
A. Pia Alba C. Consolacion
B. Maria Clara D. Victorina

22. Siya ang nagsiwalat sa tunay na nangyari sa ama ni Crisostomo Ibarra sa loob ng kulungan.
A. Kapitan Tiyago C. Pilosopo Tasyo
B. Kapitan Heneral D. Tinyente Guevarra
23. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na mahalaga si Crisostomo Ibarra bilang pangunahing tauhan sa nobela?
A. Mahalaga siya dahil siya’y sumisimbolo sa kabataang Pilipino na gustong mangibang bansa para guminhawa ang buhay.
B. Mahalaga siya sapagkat siya’y larawan ng kabataang Pilipino na marunong gumawa ng paraan para malutas ang mga
problema ng bansa sa anumang paraan.
C. Mahalaga si Crisostomo Ibarra bilang pangunahing tauhan sa nobela sapagkat siya’y sumisimbolo sa mga Pilipinong
marurunong at may ambisyon sa buhay.
D. Mahalaga siya sapagkat inihahalintulad siya ni Dr. Jose P. Rizal sa pagkatao nito at sumisimbolo sa mga mayayamang
Pilipino na nakapag-aral sa ibang bansa na may puso para sa kapwa at sa bayan.

24. Ano ang kahalagahan ni Don Rafael Ibarra bilang pantulong tauhan sa nobela?
A. Mahalaga siya sapagkat siya’y sumisimbolo sa mga mayamang Pilipino na may malasakit sa kanyang kapwa, may matibay
na paninindigan sa buhay at isang ama na nagbibigay-halaga sa edukasyon para sa anak.
B. Mahalaga siya dahil siya ay larawan ng mga amang naghahangad ng kabutihan at magandang kinabukasan ng mga anak.
C. Siya’y sumisimbolo sa mga mayayamang Pilipino na may malawak na lupain sa bansang Pilipinas.
D. Mahalaga siya sapagkat siya’y sumasagisag sa mga amang mapag-aruga sa anak.

25. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na mahalaga si Kapitan Tiyago bilang pantulong na tauhan sa nobela?
A. Mahalaga siya sapagkat siya ay larawan ng mga mayayamang Pilipinong may kapangyarihan na humahawak sa kanyang
kababayan sa paghahangad na makamit ang impluwensiya at kayamanan.
B. Mahalaga siya dahil inihahalintulad siya sa mga Pilipinong may malaking malasakit sa kapwa Pilipino at naghahangad ng
kaunlaran sa bayang sinilangan.
C. Mahalaga siya dahil sumasagisag siya sa mga Pilipinong pilit na gumagawa ng tamang paraan para umangat at makatikim ng
magandang buhay.
D. Mahalaga sya sapagkat sya ay kilalang tauhan sa nobela na sumisimbolo sa mga Pilipinong mangangalakal.

26. “Mamamatay akong hindi mamamalas ang pagsikat ng araw sa aking bayan. Kayong makakakita sa pagbubukang- liwayway,
malugod ninyo siyang tanggapin at inyong gunitain ang mga nabuwal sa dilim ng gabi”. Batay sa pahayag na binanggit ni Elias,
paano mo maipapaunawa sa kapwa mo kabataan ang kahalagahan ni Elias at ang sinabi nito?
A. Sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral tungkol sa kasaysayan ng ating bayan at makiisa sa ikabubuti ng bayan
B. Sa pamamagitan ng pakikiisa sa demonstrasyon
C. Sa pamamagitan ng paghikayat sa kabataan na makiisa sa mga grupong tumutuligsa sa bayan
D. Sa pamamagitan ng simpleng pamumuhay

27. “Ang umiwas sa pagdaan ng punlo ay hindi karuwagan, ang masama ay harapin ito upang mabuwal at di na muling makabangon”.
Sa iyong pagkaunawa sa pahayag na ito ni Pilosopong Tasyo, ano ang kahalagahang ng sinabi niya at ginagampanan sa
akdang Noli Me Tangere?
A. Mahalaga siya sapagkat nagbibigay ng aliw ang bawat bukambibig niya sa akda
B. Mahalaga siya sapagkat ang pahayag niya ay matatalinghaga
C. Ang pahayag niya ay tuwiran na nagbibigay ng babala na kasinghalaga niya bilang tauhan ng Noli na sumisimbolo ng
karunugan at katuwiran
D. Ang pahayag niya ay mahalaga dahil siya ay nangangaral

28. “Mahal ko ang aking bayan sapagkat utang ko rito ang aking kaligayahan”. Ano ang pagkaunawa mo sa pahayag
ni Crisostomo Ibarra?
A. Ipinakikita na si Crisostomo Ibarra ay masaya at umiibig ng tapat
B. Ipinakikita ang kahalagahan ng pahayag ng tauhan sa nobela, ang marubdob na hangaring pukawin ang kamangmangan ng
bayan dahil sa pag-ibig niya sa bayang sinilangan.
C. Maipakita ang halaga ng sinabi niya na tumanaw ng utang na loob sa bayan
D. Maipakita sa bayan batay sa pahayag niya na siya ay mahalaga

29. “Ang kumbento o ang kamatayan”. Bakit nasabi ito ni Maria Clara sa kanyang amang si Padre Damaso?
A. Dahil si Maria Clara ay nagagalit sa ama
B. Dahil si Maria Clara ay ayaw ng magmongha
C. Dahil si Maria Clara bagamat masunurin at mapagpakasakit, siya ay may paninindigan na kumakatawan sa Inang Bayan
D. Si Maria Clara ay laking kumbento at sunod sa luho ang lahat ng naisin niya

30. “Magnanakaw daw tayo dahil sa maraming bisyo ang tatay”. Kung ikaw si Crispin na napagbintangan, ano ang
gagawin mo sa sitwasyong kinahantungan niya?
A. Hihingi ng tulong sa mga taong may puso at patutunayang wala akong kasalanan, at napagbintangan lamang
B. Patutunayan na lamang na totoo ang ibinibintang dahil walang maniniwala sa akin
C. Tatakas at magpapakalayo-layo kung may pagkakataon
D. Tatakas at sasabihin sa nanay ang sitwasyon

IV. Panuto: Piliin ang angkop na gamit ng mga salita / ekspresyong sa pahayag (F9WG-Iva-b-57). Letra lamang ang isulat.

31. Anong angkop na salita o ekspresyon ang bubuo sa pahayag? _______________ Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling
wika ay higit sa hayop at malansang isda.”
A. Ayon kay C. Sa palagay ko
B. Batay sa D. Pinatutunayan na
32.__________ kong mabasa ang nobelang Noli Me Tangere,namulat ang aking isipan na masasalamin natin ang kulturang
Pilipino.Alin ang tamang salita upang mabuo ang isinasaad ng pahayag.
A. Saka C. Pagkatapos
B. Unang D. Ikalawang

V. Panuto: Piliin ang angkop na sagot na nagpapakita sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa kasintahan, sa kapwa at sa
bayan (F9PB-IVd-58). Letra lamang ang isulat.

33. Malinaw na nailahad ang pag-ibig ni Ibarra sa kasintahan, sa magulang, sa kapwa at sa bayan. Kung ikaw si Ibarra, paano mo
maipakikita ang pag-ibig sa magulang at sa bayan?
A. Tutulong sa magulang at susunod sa lahat ng ipinag-uutos
B. Mag-aaral ng mabuti at makikilahok sa mga gawaing magsusulong sa pag-unlad ng bayan
C. Hindi makikisali sa mga isinasagawang pagwewelga
D. Hindi makikipag-away sa mga kamag-aral upang hindi magalit ang aking mga magulang

34. Sa sitwasyong kinaharap ni Crisostomo Ibarra kay Padre Damaso na paglapastangan ng huli sa ama ng binata,
kung ikaw si Ibarra, paano mo ipagtatanggol ang karangalan ng iyong ama?
A. Kung ano ang ginawa niya. Iyon din ang ganti
B. Ipahuhuli ko sa mga tulisan na ginawan din niya ng masama
C. Ilalahad ang mabubuting ginawa ng ama upang patunayang siya ay mabuting tao
D. Ipahiya si Padre Damaso sa harap ng mga panauhin upang makaganti

IV. Panuto: Piliin ang tamang gamit ng pang-uri sa pagbibigay katangian ( F9WG-IVc-59).

35. Ang galit ni Crisostomo Ibarra ay ________ nang makasalubong si Padre Salvi, na inakala nang binata’y siyang gumawa nang
masama sa kaniyang ama.
A. Labis-labis C. Labo-labo
B. Lubhang-lubha D. Kulang-kulang

36. Lubhang ________ ang pagdiriwang ng pista sa San Diego ang lahat ay naghahanda hanggang sa malubog na sila sa utang.
A. Marikit C. Payak
B. Magarbo D. Mabuti

VII. Panuto: Buuin ang diwa ng kaisipan sa pamamagitan ng pagtugon sa mga sumusunod na katanungan. Letra lamang ang piliin.
F9PB-IVg-h-60

37. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga inang umaasang magkaroon ng anak na doktor dahil sa paaralang ipatatayo ni Ibarra,
ano kaya ang maari mong gawin sa ganitong pangyayari?
A. Mas pipiliin ko ang kaligtasan ng pamilya ko kaysa sumawsaw sa isang bagay na maglalagay sa panganib ng aking pamilya.
B. Magpapasalamat kay Ibarra dahil sa pagpapatayo ng paaralan at kahit hindi matutupad ang pangarap ko sa aking anak na
maging doktor kahit paano ay naranasan naming mangarap.
C. Himukin si Ibarra na ipagpapatuloy ang magandang nasimulan
D. Manahimik na lang kung matutuloy ba o hindi

38. Anong klaseng pinuno ang Kapitan Heneral sa nobela? Papaano naipakita ang sistema ng pamamahala ng gobyerno sa Pilipinas
batay sa kabanatang binasa? Ipaliwanag.
A. Mapagmalasakit at mahusay na pinuno
B. Tapat sa nasasakupan
C. Pinakikinggan ang bawat panig at nagbibigay papuri kung kinakailangan
D. Lahat ng nabanggit

39. Ano ang paniniwala sa Diyos ni Elias? Ni Ibarra? Katanggap-tanggap ba ang mga ito maging sa kasalukuyan? Bakit?
A. Naniniwala silang hindi sila mahal ng Diyos
B. Na ang Diyos ang nagbibigay sa kanila ng kaparusahan
C. Nawalan sila ng tiwala sa Diyos dahil sa nangyari sa kanilang buhay
D. Na minamahal sila ng Diyos kaya sila nakaranas ng pagdurusa

40. Bukod sa pagmamalupit ni Donya Consolacion kay Sisa, papaano nailarawan ni Rizal sa mga kabanatang binasa ang
iba’t ibang anyo ng pagsasamantala? Paano maiuugnay ang mga ito sa kalagayan ng ating bansa sa panahon ng COVID-19?
A. Sa katauhan ni Padre Damaso sa kanyang paggamit ng kanyang kapangyarihan at katayuan dahil marami rin sa ating mga
kababayan ang ginamit ang kanilang kapangyarihan upang abusuhin at maisahan ang kapwa Pilipino.
B. Si Kapitan Tiyago na isang representasyon ng isang Pilipinong sunod-sunuran lamang at ang pagiging mapapel niyo sa mga
taong may katungkulan upang makuha ang proteksiyon at pansariling interes sa lipunan.
C. Ang Gobernador Heneral na sumisimbolo sa isang pinunong may paninindigan subalit takot na banggain ang nasa
kapangyarihan.
D. Si Donya Consolacion na isang mapagpanggap at umastang dayuhan sa sariling bayan.

You might also like