You are on page 1of 9

DAILY LESSON LOG (DLL)

FILIPINO

Inihanda ni: Oras ng Pagtuturo:


2:30-3:25 ng hapon
Gng. Renie Rose C. Solomon
Baitang at Seksyon: 9-Lagundi Linggo: Ikaanim na Linggo Asignatura: Filipino Markahan: Ikatlong
Markahan
Petsa: Ika-29 ng Marso, 2023
Yugto ng Pagkatuto
Ikaanim na Linggo: Ikalawang Araw

I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikang ng Timog-Kanlurang Asya
Pangnilalaman:
B. Pamantayan sa Nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.
Pagganap:
C. Mga Tiyak na Kasanayang Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa kontekstong pinaggamitan (F9PT-IIIg-h-54)
Pampagkatuto Nailalarawan ang natatanging kulturanag Asyano na masasalamain sa epiko (F9PB-IIIg-h-54)

II. NILALAMAN: Rama at Sita (Isang Kabanata)


A. Panitikan Epiko-Hindu (India)
Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva
B. Retorika/Gramatika:
III. KAGAMITANG
PANTURO:  Panitikang Asyano (pahina )
 Deped Selflearning Modules
A. Sanggunian:

B. Iba pang Kagamitang  Laptop


Panturo:  Powerpoint Presentation
 Video Presentation
 Visual Presentation
 Speaker

IV. PROSESO NG A. Balik-Aral:


PAGKATUTO Kahon ng Nakaraan
Sa loob ng kahon ay mayroong mga katanungan tungkol sa nakaraang tinalakay, ipapaikot ang kahon na sasabayan ng musika at kung sino
ang matapatan ng kahon ang syang bubunot at sasagot sa tanong. (MUSIC)
Panuto: Tukuyin ang pang-abay at ang uri (pamanahon, panlunan, pamaraan) nito batay sa pagkakagamit sa pangungusap.

Mga Tanong:
1. Ang baol ay dahan-dahang binuksan ng bata upang kumuha ng salapi.
(Pang-abay na Pamaraan)
2. Kay Gng. Zamaro mo ibigay ang abgong aklat. (Pang-abay na Panlunan)
3. Ang mga paninda ay naubos kaninang umaga. (Pang-abay na
Pamanahon)
4. Samakalawa ay darating sina tiyo Cardo at ang kaniyang pamilya. (Pang-
abay na Pamanahon)
5. Buksan mo ang pinto sa kusina. (Pang-abay na Panlunan)

B. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin: (MATHEMATICS/NUMERACY)


Name the Picture with Secret Code A B C D E F G
Panuto: Gamit ang secret code tukuyin ang pangalan ng mga larawan. 1 2 3 4 5 6 7

H I J K L M N
8 9 10 11 12 13 14

Ñ NG O P Q R S
15 16 17 18 19 20 21

T U V W X Y Z
22 23 24 25 26 27 28
T A J M A H A L
22 1 10 13 1 8 1 12

N A M A S T E
14 1 13 1 21 22 5

M A H A T M A G A N D H I
13 1 8 1 22 13 1 7 1 14 4 8 9
I N D I A
9 14 4 9 1
2.Paglinang ng talasalitaan:
CROSSWORD PUZZLE
Panuto: Punan ng tamang letra ang mga Puzzle ayon sa kahulugang hinahanap ng mga salitang may salungguhit batay sa
kontekstong pinaggamitan. Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa kontekstong pinaggamitan (F9PT-IIIg-h-54)
Mga Tanong:
1. Ayaw ni Ravana na makilala siya ni Maritsa kaya nagpanggap
siyang isang paring Bhramin.
2. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umisip sila ng ibang
paraan.
3. Bihagin mo si Sita upang maging asawa.
4. Gumawa sila ng patibong para maagaw nila si Sita.
5. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita.

3. Paglalahad sa Aralin
Kultura at Tradisyon ng Bansa ko, Kilalanin mo!!
Panoorin ang video presentation ng bansang India tungkol sa kanilang kultura at paniniwala. (Araling Panlipunan)

D. Pagtalakay sa nilalaman ng aralin

Tatalakayin ang akda sa pamamagitan ng mga larawan na ibibigay sa bawat pangkat.

Pangkat 1: Ang pagbisita ni Surpanaka sa tahanan nina Rama, Sita at Lakshamanan.


Pangkat 2: Ang pagsumbong ni Surpanaka kay Ravana

Pangkat 3: Ang paghabol ni Rama sa gintong usa.

Pangkat 4: Ang pagdakip ni Ravana kay Sita

Pangkat 5: Ang paglalabanan nina Ravana at Rama.

Mga Tanong:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa Rama at Sita? (LOTS)
2. Ano ang paksa ang akda? (LOTS)
3. Paano pinatunayan nina Rama at Sita ang kanilang pagmamahalan? (HOTS)
4. Kung ikaw si Rama, gagawin mo rin ba ang ginawa nyang kabayanihan para sa kaniyang minamahal? Bakit? (HOTS)
5. Masasabi mo ba na tanging mga kalalakihan lamang ang pwedeng magpakita ng kabayanihan sa pamilya? Bilang babae, paano mo
maipapakita ang kabayanihan para sa iyong pamilya? HOTS (Gender)
6. Anu-anong mga kulturang Asyano ang masasalim sa akdang tinalakay? (Nailalarawan ang natatanging kulturanag Asyano na
masasalamain sa epiko (F9PB-IIIg-h-54)

E. Input ng Guro
Kahulugan ng Epiko
Ang epiko ay tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan o pakikipagsapalaran ng mga taong may mahiwagang kapangyarihan.
Bagama’t nalikha batay sa kababalaghan at hindi kapanipaniwala. Ito ay kasasalaminan parin ng kultura ng rehiyong pinagmulang
nito na dapat ipagmalaki at pahalagahan.
Ang salitang epiko ay mula sa salitang Greyegong ‘epos’ na ang ibig sabihin ay “salawikain” o “awit”. Ito ay nagsasaad ng
kabayanihan at mahiwagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhang karaniwang nagtataglay ng lakas na nakahihigit sa
karaniwang tao.
E. Pagsusuri

Panuto: Ibigay at ilarawan ang mga kulturang masasalamin sa mga pangyayaring nakapaloob sa Epiko.

Pangyayari sa Epikong Rama at Sita Kulturang Masasalamin

Nagdasal si Sita na sana ay makita ni Rama ang Pagkapit sa Diyos sa oras ng kagipitan (Maka-
palatandaan para masundan siya at mailigtas. Diyos)
Ipinagtanggol ni Lakshamanan sina Rama at Sita Pagpapahalaga sa pamilya
kay Surpanaka at nahagip ng kaniyang pana ang
tenga at ilong nito.
Humingi ng tulong si Rama sa hari ng mga unggoy Bayanihan
upang salakayin ang Langka.
Handang makipaglaban si Rama kay Ravana Mapgmahal na Asawa
upang mailigtas ang pinakamamahal na asawa.

G. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay:

Panuto: Isulat sa maliit na papel ang iyong opinyon tungkol sa tanong at idikit ito sa pusong nasa pisara. (ESP)
Tanong: Bilang kabataan, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa iyong pamilya?
H. Paglalahat /Sintesis:
One Minute Thinking
Panuto: sa loob ng isang minute, umiisip ng mga paraan kung paano mapapayabong/mapapaunlad ang mga kutura sa ating bansa
bilang mga kabataan. (Araling Panlipunan)

I. Pagtataya:
I. Panuto: Ilarawan ang kulturang masasalamin sa epiko batay sa mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Nailalarawan ang natatanging kulturanag Asyano na masasalamain sa epiko (F9PB-IIIg-h-54)
1. Nagdasal si Sita na sana ay makita ni Rama ang palatandaan para masundan siya at mailigtas. Anong pagpapahalagang Pilipino
ang maihahambing sa ikinilos ng tauhan?
a) pag-asa sa tadhana
b) pagiging matulungin sa iba
c) pagsasaisip sa lahat ng tao
d) pagkapit sa Diyos sa oras ng kagipitan
2. Sa epikong binasa, ipinakita ng mga tauhan na hindi matatawaran ang pagmamahal nila sa kani-kanilang pamilya. Ang ganitong
pagpapahalaga ay nasasalamin din sa ilang bansa sa Asya. Ano ang mabubuong kongklusyon mula rito?
a) Masakit ang mawalan ng pamilya.
b) Higit na pinahahalagahan ng mga Asyano ang pamilya.
c) Dapat ipagtanggol ang kapamilya kahit nasa maling panig.
d) Ang matiwasay na relasyon ng pamilya ay magdudulot ng kapangyarihan sa angkan.

3. Ang India at Pilipinas ay parehong may epiko sa kani-kanilang panitikan. Alin sa sumusunod ang may pinakaangkop na
pagpapaliwanag sa magkatulad na kultura ng dalawang bansa batay rito?
a) Naniniwalang ang lahat ay nagmula sa Agham.
b) Ipinakikita ang paniniwala sa mga supernatural na lakas.
c) Pinaninindigang may mataas at mababang uri ng tao sa lipunan.
d) Ipinakikitang ang kagandahan ay laging nakabatay sa katotohanan.
4. Ayon sa paniniwala ng mga Hindu, ang antyesti ay isang proseso kung saan mabilis na inihihiwalay ang kaluluwa mula sa
bangkay ng taong namayapa. Alin sa sumusunod na pangyayari sa epiko ang maaring iugnay sa paniniwalang ito?
a) Pag-aanyong agila ni Maritsa
b) Pagsunog sa bangkay ng agila
c) Labanan sa pagitan nina Rama at Ravana
d) Pagpapapanggap ni Ravana bilang isang Brahmin
5. Kahit nag-aalangan si Rama sa paghabol sa gintong usa, sinunod niya parin ang kaniyang asawa dahil sa labis na pagmamahal
nito. Anong kulturang Asyano ang masasalamin sa pahayag?
a) Pagsuway sa utos
b) Labis na pagmamahal sa asawa
c) Pagtalikod sa gampanin bilang asawa
d) Pagtataksil sa asawa
II. Panuto: Bigyang kahulugan ang mga salitang may salungguhit batay sa kontekstong pinaggamitan
Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa kontekstong pinaggamitan (F9PT-IIIg-h-54)
6. Nakita nina Rama at Lakshamanan ang naghihingalong agila.
a) Natutuwa
b) Nag-aagaw buhay
c) Sumasayaw
d) Lumilipad
7. Nakumbinsi nina Rama at Sita si Ravana kaya sumunod ito sa kanilang balak.
a) Napaniwala
b) Natakot
c) Nakausap
d) nagulat

J. Kasunduan:

Panuto: Pag-aralan ang mga salitang naglalarawan at magbigay ng 5 halimbawang pangungusap. Isulat ito sa inyong kwaderno.
V. TALA:

VI. PAGNINILAY:
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa Pagtataya
Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa
Nakatutulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
Bilang ng mag-aaral na
magpatuloy sa remediation
Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatutulong?
Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyon sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa guro?
Inihanda ni:

RENIE ROSE C. SOLOMON


Teacher I

Sinuri nina:

LOURDES M. CHAVEZ JOCELYN D. BUENAVISTA


Master Teacher II Head Teacher VI

Binigyang pansin nina:

GERRY A. LUMABAN MA. ESTRELLITA C. ARCEO DR. EDWIN S. DORIA


School Principal IV Pandistritong Superbisor ng mga Superbisor sa Filipino
Pampublikong Paaralan, Distrito 8

You might also like