You are on page 1of 9

Department of Education

Region III
Division of City of San Fernando
San Fernando East District
SAN JOSE PANLUMACAN INTEGRATED SCHOOL
City of San Fernando (P)

DETAILED LESSON PLAN


IN GRADE 9 FILIPINO (Q4 - Week 5 – MELC 17, 18, 19, and 20)
I. Kasanayang Pampagkatuto
Pagkatapos ng isang linggong pagtalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga kasanayang
pampagkatuto:
1. Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na nakatutulong sa pagpapayaman ng kulturang
Asyano (F9PB-IVe-f-59)
2. Naipaliliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay- pahiwatig sa kahulugan (F9PT-IVe-f-59)
3. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng:
• pamamalakad ng pamahalaan
• paniniwala sa Diyos
• kalupitan sa kapuwa
• kayamanan
• kahirapan at iba pa (F9PB-IVg-h-60)
4. Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan batay sa napanood na dulang
pantelebisyon o pampelikula (F9PD-IVg-h-59)

II. Nilalalaman
PAKSA: A. Pantikan: KABANATA XLV ANG MGA PINAG-UUSIG
B. Uri ng Teksto: NOBELA
Sanggunian: NOLI ME TANGERE ni ANGEL E. SALAZAR pp 212-221
III.PAMAMARAAN:
Pangkalahatang Panuto: Bago Magsimula
Sa Mga Gawain At Pagsasanay,Maghanap BASAHIN AT PANUORIN
Ng Aklat Ng Noli Me Tangere Kung Wala
Naman Basahin Mabuti Ang Mga Buod. Noli Me Tangere Episode
Gamitin Ang Sagutang Papel Sa 4 Kabanata 23-26 (1992)
Pagsasanay. Nasa Inyo Kung Aayusin https://www.youtube.com/
Ninyo. Ang Inyong Sagtang Papel Tignan watch?v=QwI33ell7xA
Ang Halimbawa Sa Kabilang Kahon

A. PANIMULANG PAGGANYAK
Nabatid mo na ang naganap na pangyayari sa buhay nina
Crisostomo Ibarra at Pare Damaso. Sa palagay mo, pinag-uusig na
ba si Crisostomo Ibarra gayung muntik na nyang mapatay si Pare
Damaso? Tignan ang larawan upang maging batayan sa iyong
sagot.

B. PAGHAHABI NG LAYUNIN NG ARALIN

TANONG AT SAGOT SA SARILI:


1. Ano ang nakikita sa mga larawan?
2. Ano ang ugnayan ng mga larawan sa bawat isa? Sa palagay mo anong klase ng pamamahala ng
pamahalaan sa panahong iyon?

Page 1 of 9
C. PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN (SALAYSAY/TANONG NA MAG-UUGNAY
SA BAGONG ARALIN )
Kabanata 40: Ang Karapatan at Lakas
Alas-dyes ng gabi nang sinimulang paputukin ang mga huling kwitis hudyat ng pagsisimula ng dula. Karamihan
sa
mga tao ay papunta na upang manood ng nasabing pagtatanghal.Sa unang hanay nakaupo ang mga sikat na
tao
sa bayan katulad ng mga Kastila at opisyal ng bayan. Samantala ang mga hindi nabanggit ay nakaupo sa likuran.
Ang mga maralita naman ay makakatayo lamang sa mga upuang dala-dala nila.

Pinamumunuan ni Don Filipo ang dula dahil abala sa pagsusugal ang alkalde ng mga gabing iyon. Nagdatingan
na ang iba pang mga panauhin katulad ni Maria Clara kasama ang kanyang mga kaibigan, si Padre Damaso, si
Padre Salvi, at ilang Kastilang panauhin.Maya-maya pa ay sinimulan na ang palabas sa pag-awit nina Chananay
at Marianito. Habang abala sa panonood ang lahat napansin naman ni Padre Damaso ang noo’y matamlay at
may
dinaramdam na si Maria Clara.

Nasa ikalawang bahagi na ng dula nang dumating si Crisostomo Ibarra. Napabuntong hininga si Padre Damaso
nang makita niyang nakatingin ang lahat sa dumating na binata.Hindi naman ito pinansin ni Ibarra at agad na
tumabi kay Maria Clara. Nang nakita ni Padre Damaso na masayang nag-uusap ang magkasintahan, agad itong
tumungo at nakipagkomprontasyon kay Don Filipo.

Ngunit isa si Ibarra sa may pinakamalaking abuloy kung kaya’t hindi niya ito maaaring paalisin. Dahil hindi
napaalis
si Ibarra, si Padre Damaso na lang ang umalis kasama ng ibang pari.Ilang sandali pa’y umalis na din si Ibarra sa
dula dahil sa kahihiyan nito. Aniya meron pa siyang ibang lalakarin sa araw na iyon.Habang nanonood ang lahat
ay may dalawang sundalo ang dumating at inutos na itigil ang pagtatanghal sa kadahilanang hindi daw
makatulog
sa ingay ang alperes at ang senyora.

Nagkagulo naman ang lahat ng hindi pagbigyan ni Don Filipo ang utos ng dalawang sundalo. Galit na galit ang
mga tao dahil sa pagpapahinto ng tanghalan.Pinagbabato ng mga lalaki ang dalawang sundalo at pinalibutan
naman ito ng mga kwardriyerong may hawak na espada.

Muling bumalik si Ibarra at agad na hinanap si Maria Clara. Humingi ng tulong si Don Filipo kay Ibarra na patigilin
ang kaguluhan ng lahat ngunit hindi ito kaya ng binata dahil sa sobrang dami ng tao.

Mabuti nalang at naroroon si Elias sa lugar nang mangyari ang gulo. Humingi ng tulong ang binata kay Elias.
Ilang
saglit pa’y unti-unting naging bulungan ang malakas na sigawan ng mga tao.

Habang nagkakagulo naman ang lahat ay naroon si Padre Salvi sa itaas ng kumbento na nagmamasid sa lahat
ng
tao. Napansin niyang wala si Maria Clara doon kaya naisip nitong baka itinanan na siya ni Ibarra.Mabilis na
nagbihis
ang pari at lumabas ng kumbento. Nagtungo ito sa plasa upang hanapin ang dalaga ngunit wala ito doon. Sunod
namang nagpunta ang pari sa bahay ni Kapitan Tiago at doon ay natagpuan ang dalaga na nakahiga sa kanyang
silid.

PAGLINANG NG KASANAYAN:
PAGSASANAY 1: (caravan) pagkilala sa mahahalagang pangyayari sa paksa. Isulat sa caravan ang mga
mahahalang pangyayari sa kabanata XL.

PAGSASANAY 2: PALAWAKIN ANG ISIP! BIGYAN NG TUGON ANG MGA SUMUSUNOD:


A. Paano napaamo ni Elias ang mga naggulo sa palabas?

Page 2 of 9
B. Bakit humingi ng tulong si Crisostomo Ibarra?
C. Paano mo maipapaliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na nakatutulong sa
pagpapayaman ng kulturang asyano?

D.PAGTALAKAY SA BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG KASANAYAN #1


D.1 PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN
Palawakin ang kaisipan gamit ang piling salita mula sa nobelang noli me tangere: mula sa kabanata XXXIV ito
ang mga mahahalagang salitang makikita. Gamitin ito sa pangungusap. Ilagay sa sagutang papel.
Talasalitaan:
Napapaligiran – napapalibutan
Iminungkahi – inilahad
Masalimuot – mahirap, magulo
Sinapit – dinanas
Kumbento – simbahan
Kura – pari
Lumusob – sumugod
Pinag-uusig – pinaghahanap
Hinaing – hinanakit, reklamo
Aanib – sasapi

D.2 PAGBASA NG LUNSARAN/ TEKSTO


Mga Tauhan sa Kabanata 45: Ang Mga Nagrerebelde
Elias - Dumalaw sa bundok na kinaroroonan ni Kapitan Pablo para himukin itong sumama sa kanya at mamuhay
na parang mag-ama.
Kapitan Pablo - Umakyat sa bundok kasama ang iba pang mga rebelde

Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig


Narating ni Elias ang isang lugar na napapaligiran ng malalaking batong buhay na natatakpan ng mga
sanga ng punongkahoy. Doon ay nagkita sila ni Kapitan Pablo.

Anim na buwan na ang nakalipas nung huli silang nagkita. Ikinalungkot ni Elias nang malamang
naninirahan ang kapitan sa madilim na lugar.Malapit si Elias kay Kapitan Pablo at itinuring na ito bilang ama.
Pareho nang walang kasama sa buhay ang dalawa kung kaya’t iminungkahi ni Elias kay Kapitan Pablo na
sumama na ito sa lupain ng mga katutubo upang mamuhay ng payapa at malayo sa malimuot na ala-ala ng
kanyang pamilya.

Ngunit sa kagustuhan ng kapitan na maipaghiganti ang mga anak sa ginawa ng mga dayuhan ay
tumanggi ito. Makakamit lang niya ang katahimikang sinasabi ni Elias kung mabibigyan ng katarungan ang
kaawa-awang sinapit ng kaniyang pamilya.

Si Kapitan Pablo ay may tatlong anak, dalawang lalaki at isang babae. Pinagsamantalahan ang kanyang
anak na babae ng isang alagad ng simbahan at napagbintangan naman ang kanyang anak na lalaki na
nagnakaw nang magtangkang pumunta sa kumbento upang mag-imbestiga sa nangyari sa kapatid na babae.

Bagamat hindi napatunayang may sala ay hinuli parin ang anak na lalaki at nakaranas ng hirap sa kamay
ng mga awtoridad.

Pinili namang manahimik ni Kapitan Pablo sa kabila ng pagpapahirap sa mga anak dahil sa takot nito sa
kura na hindi man lang naparusahan bagkus ay nadestino lang sa ibang lugar.

Habang ang isa pang anak na lalaki ay nagpakamatay dahil sa hindi nito kinaya ang pagpapahirap ng
mga gwardiya sibil nang pinaghinalaang maghihiganti matapos hindi madala ang kanyang sedula.

Plano ni Kapitan Pablo na lumusob sa bayan sa tamang oras kasama ang iba pang pinag-uusig ng
pamahalaan dahil wala paring mas mahalaga sa kaniya kundi ang makapaghiganti. Nauunawaan ni Elias ang
saloobin ng kapitan dahil minsan na rin niyang inisip na maghiganti ngunit sa takot na baka may madamay pang
iba ay kinalimutan nalang ang hangarin na ito.

Isinalaysay din ni Elias ang kaibigan niyang si Ibarra. Maaari itong makatulong upang ipaabot sa Heneral
ang hinaing ng buong bayan.

Ipinangako ni Elias kay Kapitan Pablo na kukumbinsihin niya si Ibarra upang tumulong. Kung sumang-
ayon man ang binata ay makakamit nila ang katarungang hinahanap ngunit kung hindi naman ay nangako si
Elias na aanib ito sa kapitan.

D.3 PAG-UNAWA SA BINASA


GAWAIN 1. PAG-UNAWA SA BINASA : ILAGAY ANG INYONG TUGON SA SAGUTANG PAPEL.
1. Bakit namundok si kapitan pablo?

Page 3 of 9
2. Bakit nakilala ni kapitan pablo si elias?
3. Bakit hindi agad naghiganti si kapitan pablo sa nangyari sa kanyang pamilya?
4. Bakit nasabi ni kapitan pablo na siya ay hindi karapat-dapat maging ama?
5. Ano ang iyong naging damdamin sa paksang tinalakay lalo na sa mga pangyayaring naganap sa buhay ng
tauhan? Paano mo maiuugnay ito sa kasalukuyan?
6. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa kabanata XLV gaya ng:
paano ang pamamalakad ng pamahalaan?
paano ang paniniwala sa diyos ni kapitan pablo?
paano naipakita ang kalupitan sa kapuwa?
paano nailahad ang kayamanan ni kapitan pablo?
paano naipakita ang kahirapan at iba pa?
Tandaan: isa-isahin ang pagpapaliwanag sa ika anim na tanong.

D.KARAGDAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA PAKSA


Mahahalagang Pangyayari sa Kabanata 45 ng Noli Me Tangere: brainly.ph/question/2144000
MGA PALIWANAG
A. aliliwanagan ng buwan - kagubatan-Kahit na madamingpagsubok sa kagubatan meron parin makikitang pag-
asa∞Rebolber - Kapangyarihan-Pinapakita na hindi lahat ng tao aypinagkakatiwalan∞Pagsensyas -
kapangyarihan-nakuha kaagad ng kanyang mgakasama ang ibig sabihin ni Kapitan Pablo∞Telang pula ng may
bahid ng dugo-Pinapahulugan na maymasamang nangyari kay Kapitan Pablo kaya may dugo
-Paghihiganti∞Elias-Pag-asa dahil siya ay naniniwalang hindi pa malala ang lahat.Maaari pa itong solusyunan.

B. “…Maaari po ba iwan na ninyo ang pamumuhay na ito atsumama na kayo sa akin? Ako’y ituring na ninyong
anak atngayo’y itututring ko naman kayong ama sapagkat wala na rinakong kaanak.” (Elias)-Nais tumulong ni
Elias kay KapitanTiago dahil ayaw ni Elias na gumawa pa si Kapitan Pablo ngmasama dahil lamang sa pag-
hihimagsik sa kanyang pamilya.∞“…Ngayon ako ay tulad sa isang punong kahoy na
walanglilim…”(KapitanPablo)-Nawalan na siya ng pag-asa dahilnawala na ang lahat sa kanya∞“…Ang naging
parusa lang ng paring iyon ay ilipat angdestino sa ibang bayan…”-Kahit na masama ang nagawa ngkura, hindi
pantay ang pagbibigay parusa lalo na kapag ikaway makapangyarihan.-Rason kung bakit ililipat si PadreDamaso
sa ibang bayan(ito ang naging parusa sa kanya)

C. Ang mga kura ay hindi katulad ng dapat talaga nilang gawin bilang mga alagad ng Diyos dahil inaabuso nila
ang kanilang kapangyarihan upang makapag-higante o gumawa ng masama
D. Hindi niya hinayaang gumawa ng masama ang kanyang mga anak kahit na dapat nila itong gawin “…ngunit sa
pamamagitan ng apo at dugo at ng kanyang sariling kamay ay ipaghihiganti ko kayo, aking mga anak.”(Kapitan
Pablo)-Hanggang sa dulo ay nais parin na ipaghiganti ang kanyang anak sa madugong paraan
https://www.slideshare.net/mcsurmieda/noli-me-tangere-kabanata-45-ang- pinaguusig
IPALIWANAG ANG MAHALAGANG PAHAYAG NG MGA TAUHAN: ITALA ITO SA IYONG SAGUTANG PAPEL
“ Ang mga kura ay hindi katulad ng dapat talaga nilang gawin bilang mga alagad ng Diyos dahil inaabuso nila ang
kanilang kapangyarihan upang makapag-higante o gumawa ng masama”. Pahayag ni Kapitan Pablo
‘Hindi niya hinayaang gumawa ng masama ang kanyang mga anak kahit na dapat nila itong gawin “…ngunit sa
pamamagitan ng apo at dugo at ng kanyang sariling kamay ay ipaghihiganti ko kayo, aking mga
anak.”(KapitanPablo)-Hanggang sa dulo ay nais parin na ipaghiganti ang kanyang anak sa madugong paraan

ANO ANG IBIGSABIHIN NG PAHAYAG ni KAPITAN PABLO?


E.PAGTALAKAY SA BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN #1
Alam mo ba na...

IBA'T IBANG PARAAN SA PAGKILALA NG KAHULUGAN


Bukod sa pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ay may iba pang paraan upang makilala
ang kahulugan ng salita. Ito ay mabisang paraan upang mapalawak ang talasalitan ng isang mambabasa,
tagapanood, o tagapakinig.
A. Ang kahulugan ng mga salita ay makikila ayon sa…
1. Talinghaga at Idyoma - Ang matalinghagang pahayag ay mga salitang may kahulugang taglay na naiiba sa
karaniwan. Ito ay mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan. Karaniwang hinango ang kahulugan
nito sa karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid. Katulad din ito
ng idyoma. Sa pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang wika.
Narito ang halimbawa ng mga idyoma at mga kahulugan nito.
• balat-sibuyas -- maramdamin
• basang sisiw -- kaawa-awa;api
• buto’t balat -- payat na payat
• huling hantungan -- libingan
• ikapitong langit -- malaking katuwaan
• laylay ang balikat -- bigo
• magbilang ng poste -- walang trabaho
• magdildil ng asin -- maghirap

Page 4 of 9
• mahaba ang pisi -- pasensyoso
• pabalat-bunga -- hindi totoo
2. Konotasyon at Denotasyon – Ito ang dalawang dimensiyon sa pagpapakahulugan ng mga salita. Ang
denotasyon ay karaniwang kahulugang mula sa diksiyonaryo o salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at
simpleng pahayag.
Halimbawa:
a. Ang ganda ng bulaklak sa kanyang halamanan.(bahagi ng isang halaman na karaniwang makulay)
b. Lumalaki na ang punong itinanim ko sa aming likod- bahay. (halamang lumalaki nang mataas)

Samantalang ang konotasyon ay may dalang ibang kahulugan o maaaring pansariling kahulugan ng
isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang kahulugan.
halimbawa:
a. Maraming magagandang bulaklak na anak si Bulan.(babae)
b. Ang kanyang anak ay mababait. Nanggaling kasi sa mabuting puno.(magulang/angkan)
3. Tindi ng Kahulugan o Clining – Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng
kahulugang nais ipahiwatig.
Poot (matinding galit na halos gusto nang makapanakit)
Suklam (matinding galit sa dibdib na matagal bago mawala)
Galit (tumatagal na inis) Inis (tumatagal na tampo)
Tampo (munting galit na madaling mawala)
Pikon (damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay lamang)
4. Paggamit ng contextual na clue – Ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap.
Halimbawa:
a.Nagliwanag ang paligid sa pasikat ng araw.
b.Makitid ang tulay kaya’t mahirap tawirin.

F. PAGLINANG NG KABIHASNAN
Pagsasanay 1: IPALIWANAG ANG IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBIBIGAY- PAHIWATIG SA KAHULUGAN.
A. Isulat sa kahon ang iba’t ibang pahiwatig na tinuran nina kapitan pablo at elias sa kabanata XLV gamit ang
paraang talinghaga at idyoma

B. Isulat sa kahon ang iba’t ibang pahiwatig na tinuran nina kapitan pablo at elias sa kabanata XLV
gamit ang paraang konotasyon at denotasyon

C. Ipakita naman ang tindi ng tinuran ni kapitan Pablo kay Elias sa kabanata XLV gamit ang paraang
tindi ng kahulugan o clining (poot galit suklam tampo pikon). Ayusin sa kahon at ipaliwanag

G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY


A. ILAPAT ANG NAGING BUHAY NI ELIAS SA BUHAY SA PANAHON NGAYON. BASAHIN ANG BUOD:

Kabanata 50: Mga Kamag-anak ni Elias


Animnapung taon na ang nakalipas nang mamasukan ang lolo ni Elias bilang tagasuri sa opisina ng isang
mangangalakal na Kastila. Nang masunog ang nasabing tanggapan ay inihabla ito nang may-ari.

Dahil sa walang kakayanang kumuha ng magaling na abogado ay masaklap na parusa ang pinataw dito. Itinali
ito sa kabayo at kinaladkad hanggang sa maging duguan ang buong katawan. Walang ibang naglakas tumulong
dito kundi ang luhaang asawa lamang.Napilitang manlimos ang kanyang lola para may pambili ng gamot ng
asawa at para may ipakain sa nag-iisang anak na lalaki.

Sa kagustuhang lumayo sa lipunang nagbibigay ng lungkot sa kanila ay namundok sila. Ngunit dahil sa pagod at
kalungkutan ay nakunan ang noo’y nagdadalang-tao na lola niya. Dahil sa patong-patong na problema ay
nagbigti naman ang lolo niya.Nabulok ang bangkay ng lolo ni Elias at nasakdal naman ang lola sa salang
kapabayaan. Kung sinu-sinong lalaki din ang kinasama nito. Makalipas ang ilang buwan ay muling nabuksan ang
kaso ng lola ni Elias.

Page 5 of 9
Sa takot na makulong ay itinakbo niya ang dalawang anak na lalaki sa kalapit na lalawigan. Pinalaki niya ang
dalawang magkapatid. Naging bandido ang nakakatandang anak na tinawag na Balat habang ang isa naman ay
nangako sa sariling aalagaan ang ina.Patuloy na namuhay ang lola ni Elias at ang nakakabatang anak nito sa
gubat. Sa kasamaang palad ay nahuli ng gwardiya sibil si Balat. Patung-patong na krimen ang nagawa nito kung
kaya’t masaklap na paghuhusga ang ginawa sa kanya.

Isang umaga ay nakita nalang ng mga tao ang bangkay ng lola nito. Natagpuan ito sa ilalim ng puno ng bulak.
Ikinagulat naman ng bunsong anak nang makita ang duguang ulo ng kapatid na nakasabit sa sanga ng
puno.Matapos maipalibing ng bunsong anak ang bangkay ng kapatid at ina ay nagpakalayu-layo ito. Maraming
narating hanggang sa mapilitang maglingkod sa mayamang mangangalakal na may malaking kapital sa
lalawigan ng Tayabas.

Paglaon ay unti-unting nakaipon ng salapi at napaunlad ang sarili. Nakakilala siya ng isang dalaga na may
mahigpit na magulang. Nang minsang may mangyari sa kanila ay nangako naman na ito’y papanindigan. Ngunit
imbes na makasal ay pinakulong ito ng magulang ng babae. Nagkaroon ng bunga ang pagmamahalan ng
dalawa. Nanganak ang babae ng kambal, isang babae at isang lalaki. ito ay si Elias at Concordia. Lumaki ang
kambal na ang alam nila ay patay na ang kanilang ama. Musmos palang ay namatay naman ang kanilang ina.

Nag-aral si Elias sa mga Heswitas dahil may kaya naman ang lolo nito. Ngunit agad naman itong umuwi kasama
ang kambal niya nang mamatay ang lolo upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan.Si Concordia naman ay
nakatakdang ikasal ngunit ito ay hindi natuloy dahil sa nalaman ang nakaraan nito. Nalungkot si Concordia sa
balitang ikinasal na sa iba ang kanyang kasintahan. Nawala nalang ito ng bigla isang araw.

Pagkatapos ng anim na buwan ay may nabalitaan si Elias na may natagpuang bangkay ng isang babae na may
tarak sa dibdib. Ito nga ang kapatid niyang si Concordia. Magmula noon ay nagsimulang gumala-gala si Elias sa
iba’t-ibang lugar dahil sa mga bintang na hindi naman niya ginawa.

GAMIT NG MALIKHAING ISIP: ILAHAD ANG INYONG SAGOT:

A. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong makataupang palad ang si Elias ano ang sasabihin mo sa kanya?

B. Kung may pagkakataon ka paano mo maihahambing ang tatlong klase ng ina sa iba’t ibang sitwasyon sa
buhay. Ano ang iyong gagawin kung silay iyong nakilala. Tignan ang kahon sa ibaba upang maipaliwanag ang
sagot:

NUNO NA BABAE NI ELIAS INANG NAPANOOD MO SA PELIKULA O SA TELEBISYON INA NGAYONG PANAHON MO

TANDAAN: ISULAT ANG PANGALAN NG MGA INA AT ILAHAD ANG KANILANG MGA NAGAWA SA BUHAY?
H.PAGLALAHAT NG ARALIN:
Mahusay! Matapos mong napaglinang ang mga kaalaman ukol sa kabanata XLV Ang mga Pinag-uusig bigyang
pansin mo naman ang mga pililing katanungan na magpapalalim sa iyong kamalayan ukol sa kabanata : ILAGAY
ANG SAGOT SA SAGUTANG PAPEL
Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang pangyayari
sa kasalukuyan

SAGUTIN ANG TANONG: BATAY SA PAKSANG NATALAKAY, SA PANAHON NATIN NGAYON PAANO MO
MATUTULUNGAN ANG MGA TAONG WALANG KASALANAN AT SILA’Y PINAG-UUSIG NG BATAS? AT
PAANO MO MAIPAPALIWANAG ANG PAGLOBO NG KRIMEN SA PANAHON NATIN NGAYON? ILAGAY ANG
SAGOT SA KAHON

MGA TAONG WALANG KASALANAN PAGLOBO NG KRIMEN


DAPAT TANDAAN: Halagang Pangkatauhan

Ang Paghihiganti ay ilagay sa kamay ng Panginoon


Panimula
Huwag kang magtanim ng galit sa iyong kapwa. Sa halip pangaralan mo siya. Sa gayon, hindi ka
magkakasala dahil sa kanya. Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kasamahan.
Ito ang mga salita ng ating Panginoon. Maliwanag na sinasabi sa mga pahayag na mahalin ang kapwa.
Tunay na mahirap gawin ito. Subalit kung ang tao ay isang tunay na Kristiyano, gagawin niya ang sinasabi ng
Panginoon. Hindi niya ilalagay ang batas sa kanyang mga kamay. Aalisin niya sa kanyang puso ang salitang
paghihiganti. Dahil sa paghihiganti marami nang tao ang namundok, nagtago, natutong mag-alsa, at

Page 6 of 9
maghiganti
Suriin natin ang mga nagyari sa kabanata 45 na pinamagatang: Ang mga Nagrerebelde. Sa, katunayan
hindi binalak ni kapitan Pablo na maghihiganti. Ginagawa na niya ang lahat upang huwag madungisan ang
kanyang mga kamay subalit hindi siya pinakinggan ng mga taong sana ay tutulong sa kanya.
Si kapitan Pablo ay umakyat sa bundok kasama ang iba pang mga rebelde na tulad niyang naghihintay
ng katarungan na magbubuhat sa kinauukulan. Subalit habang lumilipas ang panahon, hindi ito nabibigyan ng
lunas. Kung hanggang kalian sila magtitiis walang nakakaalam.

I. PAGTATAYA NG ARALIN
A. Pagsasanay: Gamit ang malikhaing isip, bigyan ng tamang paliwanag ang mga sumusunod na larawan:
Iugnay ito sa kabanatang nabasa o natalakay.

J. KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA TAKDANG ARALIN AT REMEDIATION:

IPALIWANAG ANG SINABI NI RIZAL.

https://
www.phimvid.com/search/Noli_Me_Tangere_Kabanata_45_Ang_mga_Inuusig/CEgQAA

KUNG MAY KATANUNGAN KA SA MGA PAGSASANAY AT GAWAIN MAAARI KAMING TAWAGAN SA (MAAM DO
CP # 09562495922) ( MAAM REA 09666978724 )

Inihanda nina: LAGDA NG MAGULANG


Gng. DORISA M. GARCIA ____________________________
Bb. REA P. BINGCANG PANGALAN

Page 7 of 9
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Sekyon: 9 - __________________

PANUTO: SAGUTIN NG MAAYOS ANG MGA PAGSASANAY BATAY SA INYONG MODULE.


F. PAGLINANG NG KABIHASNAN
Pagsasanay 1: IPALIWANAG ANG IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBIBIGAY- PAHIWATIG SA KAHULUGAN.
A. Isulat sa kahon ang iba’t ibang pahiwatig na tinuran nina kapitan pablo at elias sa kabanata XLV gamit ang
paraang talinghaga at idyoma

B. Isulat sa kahon ang iba’t ibang pahiwatig na tinuran nina kapitan pablo at elias sa kabanata XLV
gamit ang paraang konotasyon at denotasyon

C. Ipakita naman ang tindi ng tinuran ni kapitan Pablo kay Elias sa kabanata XLV gamit ang paraang
tindi ng kahulugan o clining (poot galit suklam tampo pikon). Ayusin sa kahon at ipaliwanag

G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY


GAMIT NG MALIKHAING ISIP: ILAHAD ANG INYONG SAGOT:
A. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong makataupang palad ang si Elias ano ang sasabihin mo sa kanya?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

B. Kung may pagkakataon ka paano mo maihahambing ang tatlong klase ng ina sa iba’t ibang sitwasyon sa
buhay. Ano ang iyong gagawin kung silay iyong nakilala. Tignan ang kahon sa ibaba upang maipaliwanag ang
sagot:

NUNO NA BABAE NI ELIAS INANG NAPANOOD MO SA PELIKULA O SA TELEBISYON INA NGAYONG PANAHON MO

TANDAAN: ISULAT ANG PANGALAN NG MGA INA AT ILAHAD ANG KANILANG MGA NAGAWA SA BUHAY?

I. PAGTATAYA NG ARALIN
A. Pagsasanay: Gamit ang malikhaing isip, bigyan ng tamang paliwanag ang mga sumusunod na
larawan: Iugnay ito sa kabanatang nabasa o natalakay.

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Page 8 of 9
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Inihanda nina:
Gng. DORISA M. GARCIA
Bb. REA P. BINGCANG

Page 9 of 9

You might also like