You are on page 1of 5

LUNA NATIONAL HIGH SCHOOL

Barrientos, Luna, La Union


FILIPINO 9
Unang Markahang Pagtataya

Pangalan:_______________________________________
Baitang at Seksyon:______________________ Iskor:___________

Panuto:Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong. Isulat letra ng tamang


sagot bago ang bilang.

____1. Saang bansa nagmula ang maikling kwentong “Ang Ama”?


A.Indonesia B. Japan C. Singapore D. Thailand
____2. Sino ang nagsalin ng akdang “Ang Ama”?
A. Elynia M. Mabanglo B. Lualhati Bautista
C. Mauro R. Avena D. Pat V. Villafuerte
____3. Kailan ginagamit ang pangatnig na samantala?
A. pananhi B. panlinaw C. panapos D. pantuwang
____4. Alin sa mga sumusunod ang hindi pangatnig?
A. dahil sa B. kung hindi C. samantala D. sa wakas
____5. Sa kwentong “Tahanan ng Isang Sugarol”, sino ang mapagmahal at
maalalahaning ina ng tahanan ngunit martir at pinagmalupitan ng kaniyang
asawa?
A. Ah Yue B. Lian-chiao C. Li Hua D. Siao-lan
____6. Sino ang nagsalin sa Filipino ng nobelang “Isang Umaga ng Digma”?
A. Elynia Mabanglo B. Louie Sanchez C. Pat Villafuerte D. Pin Yathay
____7. Anong rebolusyon ang nagsikap durugin ang kultura, karunungan, at
pananampalataya ng bansang
Cambodia?
A. Bhemer Rouge B. Jherel Rouge C. Khmer Rouge D. Moulin Rouge
____8. Sino ang pangunahing tauhan sa nobelang binasa?
A. Ai Fak B. Mai Somsong C. Tid Song D. Tid Thieng
____9. Siya ang babaeng nagmahal kay Fak at ang madrasta nito.
A. Ai Fak B. Mai Somsong C. Tid Song D. Tid Thieng
____10. Sino ang may akda ng tulang “Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan”?
A. Rogelio Sicat B. Pat Villafuerte C. Jose Dela Cruz D. Severino Reyes
____11. Alin sa mga pahayag ang kasingkahulugan ng salitang nasalungguhitan,
“Kaytagal na inasam ang emansipasyon, ang paghihintay sa pagpapahalaga o
pagkakaligtas sa pagkaalipin na inasam. Ang pagiging malaya ang siyang
hinihiling ng bawat kababaihan noon sa Indonesia”?
A. pagiging malaya B. pagkaalipin C. pagkakaligtas D. pagpapahalaga
____12. Alin sa mga salita ang kasingkahulugan ng salitang nasalungguhitan,
“Kinakailangang ikahonako, ikulong at pagbawalang lumabas ng bahay.”?
A. bahay B. ikulong C. lumabas D. pagbawalan
____13. Ito ay isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari?
A. Komedya B. Melodrama C. Trahedya D. Trigikomedya
____14. Ito ay isang okasyon na kung saan maaaring makabili ang mga mambabasa ng
mga aklat sa mas mababang halaga.
A.Baratillo B. Pyesta C. Book fair D. Bookworm
____15. Anong hakbang ng pagsasagawa ng book fair ang pagtatalakay tungkol sa
gagawing book fair, gayundin ang pagbibigay ng mga imbitasyon at pagdidikit ng
mga poster para rito?
A.Konsiyerto
B.I-set up ang book fair.
C. Planuhin at i-promote ang book fair.
D.Bigyan ng direksiyon ang mga pupunta sa book fair.
____16. Kaawa-awang bata, ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay nito.
Ano
ang nais pakahulugan ng salitang wala sa panahon?
A. hindi pa hinog C. minadaling oras
B. maaga kaysa karaniwan D. nahuli sa panahon
____17 Ito ay mga kataga, salita o pariralang nag-uuganay ng isang pangngalan sa iba
pang salita sa pangungusap.
A. Pang-abay B. Pang-angkop C. Pangatnig D. Pang-ukol
____18. Saan karaniwang nakikita at nagsusugal si Li Hua?
A. Hsiang Chi Coffee Shop C. Hsiang Chi Coffee Bar
B. Hsiang Chi Milk Shop D. Hsiang Chi Milk Tea Bar
____19. Ito ay literal na pagpapakahulugan ng salita at nagmula sa diksyonaryo.
A. Denotatibo B. Kasabihan C. Konotatibo D. Talasalitaan
____20. Anong uri ng ideolohiya ang lumaganap sa Cambodia sa panahon ng Khmer
Rouge?
A. Egalitarian B. Humanismo C. Sosyalismo D. Totalitarian
____21. Ito ay isang mahabang salaysaying piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.
A. Kuwentong Bayan B. Maikling Kuwento C. Nobela D. Parabula
____22. Ano ang tatlong ipinuhunan sa paghakbang ng kasaysayan mula sa tulang “Ang
Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan”?
A. buhay, pawis, luha C. pawis, dugo, luha
B. dugo, oras, luha D. armas, dahas, buhay
____23. Anong kaugaliang Pilipino ang masasalamin sa akdang “Kay Estella
Zeehandelaar”?
A. Hindi paglilinis kapag may patay.
B. Hindi pagkikita ng magkasintahan bago ang kasal.
C. Pagpili ng mga magulang sa mapapangasawa ng anak.
D. Kapag nakasalubong ng itim na pusa ay mamalasin ka.
____24. Sa tingin ko, bata pa si Red subalit siya’y responsable na. Anong mga salita sa
pangungusap ang ginamit sa pagpapahayag ng sariling opinyon?
A. bata pa B. sa tingin ko C. subalit siya’y D. responsable na
____25. Ano ang nararapat na gawin kapag nahaharap sa matitinding pagsubok?
A.Magtiwala at magdasal sa Diyos. C. Makipaglaban sa mga kaaway.
B.Umiyak at magmukmok na lamang. D. Sisihin ang sarili.
____26. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting nagawa ng ama
para sa kanyang mga anak?
A. Binilhan niya ng pagkain ang anak.
B. Pananakot sa anak tuwing nalalasing.
C. Sinaktan ang anak hanggang sa mamatay.
D. Ipinagluksa niya ang pagkamatay ng anak.
____27. Siya’y nahimasmasan __________ naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa
buhay. Sa pangungusap na ito, ano ang wastong pangatnig o transitional device
na dapat gamitin?
A. Kaya B. Saka C. Sa wakas D. Subalit
____28. Bato na ang kaniyang puso sa mga naririnig na masakit na salita. Bigyang-
kahulugan ang mga salitang may salungguhit batay sa denotatiboo konotatibong
pagpapakahulugan ng mga ito.
A. manhid B. marupok C. matatag D. matigas
____29. “Ang digmaan ay naipanalo sa pamamagitan ng sandata, hindi ng negosasyon.”
Ano ang nais ipahiwatig ng mga salitang nasalungguhitan?
A. mabagal na proseso
B. mabilis na proseso
C. mapayapang paraan
D. marahas na paraan
____30. “Sa tingin ko hindi totoo ang mga katagang binitiwan ng manghuhula sa Quiapo
kahapon.” Aling salita sa pangungusap ang nagpapahayag ng opinyon?
A. sa tingin ko B. hindi totoo C. katagang binitiwan D. ng manghuhula
____31. “Sa palagay ko ay hindi tamang isisi lahat sa gobyerno ang paghihirap ng mga
mamamayan nito.” Aling salita o mga salita sa pangungusap ang nagpapahayag
ng opinyon?
A. sa palagay ko C. ay hindi tamang
B. isisi sa gobyerno D. ang paghihirap ng mamamayan
____32. Sa iyong palagay, anong pagkakatulad ni Estella Zeehandelaar sa mga babaeng
Pilipino sa kasalukuyan?
A. Kapwa sila magaso. C. Kapwa sila nagnanais ng paggalang.
B. Kapwa sila mahiyain. D. Kapwa sila nagnanais ng modernisisasyon.
____33. Alin sa mga pangugusap ang nagpapahayag ng pananaw?
A. Pitong araw ang bumubuo sa isang linggo.
B. Ang Bangar ay nasa probinsiya ng La Union.
C. Ayon sa Bibliya, igalang ang ating mga magulang.
D. Sa ganang akin, nararapat lamang na magpokus ang mga mag- aaral sa
kanilang pag-aaral at hindi sa pagkagumon sa on-line games.
____ 34. Kung ikaw si Boy, makikinig ka rin ba Kay Tiyo Simon?
A. Oo, dahil tama naman siya. C. Oo, dahil matututo naman ako sa kanya.
B. Hindi, dahil masama siyang tao. D. Hindi, dahil marami pa akong gagawin
____35. Maliban sa pagbili ng mga aklat at pagpapapirma ng mga aklat sa mga
manunulat,
ano pang mga nangyayari sa isang book fair?
A. Pagkukuwento
B. Pagbabasa sa loob ng booth
C. Pagbibigay ng freebies at mga diskuwento
D. Lahat ng nabanggit
____36. Madalas mainis ang ama sa halinghing ni Mui Mui kaya lagi niyang pinatitigil ito
sa ibang mga bata. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawang pananakit ng ama
kay
Mui Mui?
A. Oo, dahil tamang parusahan ang anak.
B. Oo, dahil matigas ang ulo ni Mui Mui.
C. Hindi, dahil ayos lang ang mag-ingay lagi.
D. Hindi, dahil anak niya ito at may iniinda pang sakit.
____37. Bakit nakipag-asawa kaagad si Lian-Chiao kay Li Hua?
A. Makapagtapos ng pag-aaral
B. Matutong tumayo sariling mga paa
C. Sa kagustuhang magkaapo ng kaniyang ina
D. Maging maganda ang pakikitungo ni Lian-chiao kay Li Hua
_____ 38. Anong damdamin ang ipanapahiwatig ng sumusunod na bahagi ng tula,
“BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan at inireregalo ng kasalukuyan ay
bubuhayin ng kinabukasan”?
A. pagkagalit C. pagkakaroon ng pagkakaisa
B. pagkakaroon ng pag – asa D. pagmamamahal sa magulang
_____ 39. Anong damdamin ang ipinapahiwatig ng sumusunod na bahagi ng tula, “Ang
kulturang pagyayamanin ng ating lahi ng lahing magiting ng lahing kapuri-puri ng
lahing marangal”?
A. pagmamahal B. pagkamakasarili C. pagmamalaki D. pagkamuhi
____40. Ano-ano ang mga bagay na dapat tandaan kapag nagsasagawa ng sarbey?
A. pag-aralan at piliing mabuti ang mga tanong na gagamitin sa pagsasarbey
B. pag-alam ng iyong paksa, mga impormasyong dapat makuha mula sa sarbey
C. siguraduhing ang mga tanong na mabubuo ay makasasagot sa layunin ng
pagsasarbey
D. Lahat ng nabanggit
____41. Palaging umuuwi nang lasing at pasigaw-sigaw ang ama kaya takot na takot ang
mga bata. Sa iyong palagay, tama ba ang asal ng ama sa kanyang mga anak
upang
siya ay katakutan?
A. Oo, dahil siya ang ama.
B. Oo, dahil karapatan niya iyon.
C. Hindi, dahil kulang pa ang mga iyon.
D. Hindi, dahil ang ama ay dapat maging huwaran at turuan nang tama ang
anak.
____42. Bakit napakasama ang pakikitungo ni Li Hua kay Lian-chiao?
A. Katigasan ng ulo ng mga anak
B. Laging natatalo sa sugal si Li Hua
C. Pagkakaroon ng anak na pulos babae
D. Palagiang pagkakaunawaan nilang mag-asawa
____43. Ito ay isang uri ng tunggaliang ang kalaban ay ang pangunahing tauhan at ang
kaniyang sarili. Ang suliranin ay may kinalaman sa moralidad at paniniwala.
Anong klase ito ng tunggalian?
A. tao laban sa tao
B. tao laban sa sarili
C. tao laban sa lipunan
D. tao laban sa kalikasan
____ 44. Anong kaugaliang Pilipino ang lumitaw mula sa tulang binasa?
A. Paglimot sa kultura. C. Pagmamahal sa sariling kultura sa alinmang
panahon.
B. Pagtangkilik sa makabago lamang.D. Pagtangkilik sa kultura ng mga
dayuhan.
____ 45. Kung ikaw si Tiyo Simon, mawawalan ka rin ba ng pananampalataya sa Diyos
dahil sa iyong kapansanan?
A. Hindi, dahil masama akong tao.
B. Oo, dahil hindi nararapat sa akin ito.
C. Oo, dahil hindi niya ako pinapakinggan.
D. Hindi, dahil hindi nagbibigay ang Diyos ng mga pagsubok na hindi ko
makakaya.
____46. Paano mo pagsunod-sunurin ang mga pangyayari batay sa kwentong ‘Ang Ama’.
1. Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na
kaniyang hinintuan.
2. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan- dahang inilapag sa
puntod, habang pahikbing nagsalita, “Pinakamamahal kong anak, walang
maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang
mga ito.
3. Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong
sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki ay
napaiyak at kinailangang muling libangin.
4. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang
pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho.
A.1,2,3,4 B. 2,3,4,1 C. 3,2,4,1 D.4,3,1,2
____47. Alin ang HINDI kabilang sa denotatibo at konotatibong kahulugan ng salitang
apoy?
A. sunog
B. kasaganahan
C. nag-aalab na damdamin
D. nagbubunga ng init, liwanag at usok
____48. “Sa paniniwala ko ay aayusin din ng pamahalaan ang digmaang sibil na
namamayani sa bansa sa lalong madaling panahon.” Aling salita o mga salita sa
pangungusap ang nagpapahayag ng opinyon?

A. sa paniniwala ko C. aayusin din ng pamahalaan


B. digmaan na namamayani D. sa lalong madaling panahon
____49. “Pampamilya, pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa na dinilig
ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay at pinayaman ng makukulay
na
karanasan.” Sa tingin mo, alin sa mga salitang nabanggit sa taludtod ang
magkapareho?
A. makukulay at karanasan C. pampamilya at pang – eskuwela
B. paggabay at patnubay D. pampolitika at panrehiyon
____50. Para sayo, ano ang kahalagahan ng pagsasagawa ng isang book fair?
A. upang mabenta ang mga libro
B. para humusay sa pagbasa ang mga mag-aaral
C. para malaman na maraming magagandang aklat
D.upang magsama-sama ang mga mahilig magbasa at mahilig bumili ng mga
libro, at mga manunulat

You might also like