You are on page 1of 5

UNANG MARKAHAN PAGSUSULIT SA FILIPINO GRADE 9

Pangalan:______________________________ Taon/Seksyon:__________________________
Guro: _________________________________ Petsa: ____________________ Iskor: ____________

Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong. Isulat


ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang. (50 puntos)
____1. Sino ang batang namatay na tinukoy sa kuwentong “Ang Ama”?
A. Adrian B. Boy C. Mui-Mui D. Rebo
_____ 2. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo
ng mga pangyayari, anong uro ito ng maikling kuwento?
A. kababalaghan B. katutubong kulay
C. makabanghay D. pangtauhan
_____ 3. Ano ang naitutulong ng mga pangatnig at transitional devices?
A. pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento
B. pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita
C. pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat
D. pagkilala kung kailan naganap, nagaganap o gaganapin ang
kilos o pangyayari
______4. Ano ang gamit ng mga transitional devices na sa wakas at
sa lahat ng ito?
A. pananhi B. panapos C. panghalip D. pantuwang
______5. Sino ang nagsalin ng maikling kuwento mula sa Malaysia
na pinamagatang “Tahanan ng Isang Sugarol”?
A. Deogracias Rosario B. Rustica Carpio
C. Nazareno Bas D. Mauro Avena
_____ 6. Sino ang sumulat sa nobelang “Isang Umaga ng Digma?”
A. Ninotchka Rosca B. Jessica Hagedorn
C. Chairil Anwar D. Pin Yathay
_____ 7. Saang bansa galing ang nobelang “Isang Umaga ng Digma?”
A. Cambodia B. China C. Malaysia D. Taiwan
_____ 8. Sino ang pangunahing tauhan sa nobelang binasa?
A. Ai Fak B. Mai Somsong
C. Tid Song D. Tid Thieng
______ 9. Siya ang babaeng nagmahal kay Fak at ang madrasta nito.
A. Ai Fak B. Mai Somsong
C. Tid Song D. Tid Thieng
_____ 10. Sino ang may akda ng tulang “Kultura: Ang Pamana ng
Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan?”
A. Rogelio Sicat B. Pat Villafuerte
C. Jose Dela Cruz D. Severino Reyes
_____11. Ano ang mga nais ng prinsesa na gusto niyang mabago sa
kaugaliang Javanese para sa kababaihan?
A. Pahalagahan ang kababaihan at hayaan silang maging malaya.
B. Panatilihin ang pagmamahal na ibinibigay sa kababaihan.
C. Matamasa ang di-pantay na karapatan ng kababaihan.
D. Makamit ang nais mangyari sa buhay.
_____12. Paano mo bibigyan ng payo ang prinsesa tungkol sa kanyang
hangaring maging malaya?
A. Papayuhan ko siya na kausapin niya ang kanyang ama
tungkol dito.
B. Sasabihin ko sa kanya na suwayin niya ang kanilang
tradisyon.
C. Sasabihin ko sa kanya na maghimagsik siya.
D. Hahayaan ko lang siya sa kanyang nais.
_____13. Alin sa sumusunod na akdang pampanitikan ang
nagtataglay ng malulungkot na pangyayari?
A. Komedya B. Melodrama
C. Tragikomedya D. Trahedya
______14. Kung ang sanaysay na di-pormal ay tinatawag na personal,
ano naman ang tawag sa impersonal?
A. naglalarawan B. nang-aaliw
C. nangungutya D. pormal
____ 15. Anong uri ng maikling kuwento ang “Ang Ama”?
A. makabanghay B. makatotohanan
C. naglalarawan D. nanghihikayat
_____ 16. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na
sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito. Ano ang ibig
sabihin ng kaluwagang palad?
A. bukas ang palad B. kababaang loob
C. mabuting kalooban D. mapagbiga
_____17. Ano ang gamit ng pangatnig na samantala?
A. pananhi B. panlinaw
C. panapos D. pantuwang
_____18. Bakit napakasama ang pakikitungo ni Li Hua kay Lian-chiao?
A. Katigasan ng ulo ng mga anak
B. Laging natatalo sa sugal si Li Hua
C. Pagkakaroon ng anak na pulos babae
D. Palagiang di pagkakaunawaan nilang mag-asawa
_____ 19. “Habang papalapit iyon ay nakita niyang si Ah Yueng
pangko-pangko ang nakababatang kapatid.” Ano ang
denotatibong kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. karga-karga B. hawak-hawak
C. palo-palo D. sunod-sunod
_____ 20. “Sa ganang akin ay hindi maikakaila na mabagal ang proseso
ng pagbabakuna sa ating bansa.” Ano ang ipinahihiwatig ng
pangungusap?
A. Nagbibigay ng babala
B. Nagbibigay ng impormasyon
C. Nagbibigay ng opinyon
D. Nagbibigay ng pahiwatig
_____ 21. Ito ay isang uri ng tunggaliang ang kalaban ay ang
pangunahing tauhan at ang kaniyang sarili. Ang suliranin
ay may kinalaman sa moralidad at paniniwala. Anong
klase
ito ng tunggalian?
A. tao laban sa kalikasan B. tao laban sa lipunan
C. tao laban sa tao D. tao laban sa sarili
_____ 22. Ano ang tatlong ipinuhunan sa paghakbang ng
kasaysayan?
A. buhay, pawis, luha B. pawis, dugo, luha
C. dugo, oras, luha D. armas, dahas, buhay
______ 23. Ano ang tawag sa isang anyo ng paglalahad na nagsasaad ng
sariling opinyon, saloobin, kuro-kuro o pananaw ng sumulat
tungkol sa isang paksa?
A. Alamat B. Nobela
C. Sanaysay D. Talambuhay
_____ 24. Anong damdamin ang namamayani sa kaisipang “Kapag
Naiisahan Ako ng Aking Diyos?
A. malungkot B. masaya
C. naghihinagpis D. naiinis
_____ 25. Para sa akin kailangang patnubayan ng magulang ang
bawat desisyon ng mga anak. Anong ekspresyon o pahayag
ang ginamit sa pahayag?
A. Kailangan ng patnubay B. Katotohanan
C. Opinyon D. Para sa akin
_____ 26. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas
na
pagmamahal sa patay na bata. Ang salitang may
salungguhit
ay nangangahulugang ano?
A. umapaw na pagmamahal
B. dumaloy ang pagmamahal
C. umangat ang tunay na pag-ibig
D. lumabas ang tunay na pagmamahal
______ 27. Ito ay mga kataga, salita o pariralang nag-
uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap.
A. Pang-abay B. Pang-angkop
C. Pangatnig D. Pang-ukol
_____ 28. “Tumitindi na ang hilab ng tiyan ni Lian-chiao dahil malapit
na siyang manganak.” Ano naman ang kasingkahulugan ng
salitang hilab?
A. galaw B. kutob C. pintig D. sakit
______ 29. Ang nobela ay yugto-yugto, mahaba, at nahahati sa
kabanata dahil __ .
A. nakaaaliw sa bumabasa
B. nakapupulutan ng magandang aral
C. namulat at nahubog ang karakter ng tauhan
D. naibabahagi nang maayos ang mga pangyayari
_____ 30. Ito ay bahagi ng komunikasyon na higit na nagpapasining
sa itinatalastas sapagkat anyo ito ng di tuwirang
pamamahayag.
A. ideolohiya B. kuro-kuro
C. opinyon D. pahiwatig
______ 31. Ito ay sariling paniniwala o palagay sa isang bagay o
pangyayari.
A. ideolohiya B. kuro-kuro
C. opinyon D. pahiwatig
______32. Opisyal na inihandog ng aking mga magulang ang aking
kalayaan. Ano ang kahulugan ng salitang opisyal?
A. espesyal na ibinigay B. awtorisadong ibinigay
C. ibinigay ng nakatataas D. ordinaryong pagbibigay
Para sa bilang 33
Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y
tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands at
naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa.
Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng
pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng
aming lumang tradisyon at kumbensiyon.

______33. Anong paraan ng pagpapahayag ang ginamit sa talata?


A. paghahambing B. pag-iisa-isa
C. pagsusuri D. pagbibigay ng halimbawa
_____ 34. Para sa akin kailangang patnubayan ng mga magulang ang bawat
desisyon ng mga anak. Anong ekspresyon o pahayag ang ginamit
sa pahayag?
A. Kailangan ng patnubay B. Katotohanan
C. Opinyon D. Para sa akin
_____ 35. Ano ang mga nais ng prinsesa na gusto niyang mabago sa kaugaliang
Javanese para sa kababaihan?
A. Pahalagahan ang kababaihan at hayaan silang maging malaya.
B. Panatilihin ang pagmamahal na ibinibigay sa kababaihan.
C. Matamasa ang di-pantay na karapatan ng kababaihan.
D. Makamit ang nais mangyari sa buhay.
______ 36. Ang mga kataga sa ibaba ay mga pangatnig maliban sa isa.
A. dahil sa B. kung hindi
C. samantala D. sa wakas
____ 37. Ano ang dahilan na pinag-asawa kaagad si Lian-Chiao kay Li
Hua?
A. Makapagtapos ng pag-aaral
B. Matutong tumayo sariling mga paa
C. Sa kagustuhang magkaapo ng kaniyang ina
D. Maging maganda ang pakikitungo ni Lian-chiao kay Li Hua
______38. Kanino inialay ang pagsubok na naranasan sa tula?
A. kabataan B. bayan C. bagong sibol D. kultura
______39. Ano ang nilalaman ng tula?
A. Pagbabago B. Panahon C. Pagsubok D. kultura
______ 40. Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat
na “Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan” ay
nagpapahiwatig na ang kultura ay .
A. nagbabago B. ‘di nagpapalit
C. naaalis D. ‘di itinuturo
_______ 41. Ang mga hakbang na ginawa ng kanilang grupo ay
alinsunod sa batas. Ang salitang nasalungguhitan ay isang
halimbawa ng________.
A. Pang-abay B. Pang-angkop C. Pangatnig D. Pang-ukol
______42. Maituturing siyang ilaw ng tahanan, isang
mapagmahal at maaalalahaning ina sa kaniyang dalawang anak
na babae.
A. Ah Yue B. Li Hua
C. Lian-chiao D. Siao-lan
______43. Anong uri ng tunggalian naman ang tauhan na
Nakikipagsapalaran sa isa pang tauhan? Ito ay labanan ng
klasikong bida laban sa isang
kontrabida.
A. tao laban sa kalikasan B. tao laban sa lipunan
C. tao laban sa tao D. tao laban sa sarili
______44. Anong nangyari sa panahon ng Kontemporaryo?
A. namatay ang kultura B. tumigil ang kultura
C. sumibol ang kultura D. wala sa nabanggit
______45. Paano haharapin ng tao ang lahat ng mga kabiguang
dumarating sa buhay?
A. Sisihin ang sarili sa nangyari.
B. Kusang haharapin ang katotohanan.
C. Magtiwala, manalangin at kumapit sa Maykapal.
D. Magsikap nang mabuti at mapagtagumpayan lahat ng
kabiguan.
_______ 46. Siya’y nahimasmasan naisip niyang dapat
siyang magpatuloy sa buhay. Sa pangungusap na ito,
ano ang wastong pangatnig o transitional device na dapat
gamitin?
A. Kaya B. Saka C. Sa wakas D. Subalit
______47. “Ayon sa manghuhula, pulos babae ang isisilang ni Lian-chiao at
hindi ito kailanman maghahatid sa kaniya ng yaman o suwerte. Sa
madaling sabi, si Lian-chiao ang pinanggagalingan ng kasawiang-
palad.” Ano ang konotatibong kahulugan ng kasawiang-palad?
A. kamalasan B. kasaganahan
C. sumpa D. suwerte
______48. Ano ang kahulugan ng salitang Pranses na “novella?”
A. bago B. liko C. luma D. tago
Para sa bilang 489
Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno,” iyong
babaeng malaya, nakapagmamalaki’t nakaaakit ng aking loob!
Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na
hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan
hindi lamang ang sariling kapakanan kundi maging ang
kabutihan ng buong sangkatauhan.

_____ 49. Sa binasang talata, anong paraan ng pagpapahayag ang


ginamit?
A. paghahambing B. pag-iisa-isa
C. pagsusuri D. sanhi at Bunga
______ 50. Ang ______ ay isang okasyon na kung saan maaaring
makabili ang mga mambabasa ng mga aklat sa mas
mababang halaga.
A. book fair B. dula
C. pista D. sarsuwela

You might also like