You are on page 1of 4

PARALLEL ASSESSMENT ON FILIPINO 9

ASSESSMENT 1
Pangalan:_________________________________________ Iskor:_________
Baitang at Pangkat:______________________________ Petsa:________
I. PANUTO:Basahin at unawain ang bawat tanong na ibinigay upang masukat natin ang antas ng
iyong kaalaman. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang pagbabasa ng maikling kuwento ay nakatutulong sa mambabasa, maliban sa:
A. nagbibigay ito ng kabutihang-asal.
B. nagpapahamak dahil hindi tama ang nilalaman nito.
C. nagsisilbing gabay sa buhay.
D. napapalawak nito ang imahinasyon
2. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng problema. Halimbawa nito ay ang
tao laban sa tao.
A. Problema
B. Suliranin
C. Tunggalian
D. Tugmaan
3. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng matinding buhos ng emosyon ng
tauhan.
A. Kakalasan
B. Kalutasan
C. Kasamaan
D. Kasukdulan
4. Ito ay elemento ng maikling kuwento na napapakita o naglalarawan ng iba’t ibang lugar sa
kuwento. Pinupukaw nito ang imahenasyon ng mga mambabasa.
A. Tagpuan
B. Tahanan
C. Tauhan
D. Tunggalian
5. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y mauuri
bilang maikling kuwentong _________________.
A. kababalaghan
B. katutubong-ulay
C. makabanghay
D. pangtauhan
6. Ito ay binubuo ng maraming tauhan, maraming tagpuan at masalimuot na mga pangyayari.
A. nobela B. dula C. sanaysay D. tula
7. Ito ay naglalaman ng sariling saloobin, kuro-kuro at paniniwala ng tao.
A. pandiwa B. opinyon C. katotohanan D. pang-uri
8. Siya ang may-akda ng AbnkkbsnplAko?
A. Julieta Rivera
B. Francisco Baltazar
C. Lualhati Bautista
D. Bob Ong
9. Siya ang may-akda ng nobelang Noli Me Tangere.
A. Jose Rizal
B. Juanito Lopez
C. Francisco Baltazar
D. Apolinario Mabini
10. Ang sumusunod na akda ay mga nobela, maliban sa_________.
A. Noli Me Tangere
B. Ang Ama
C. El Filibusterismo
D. Bata, Bata, Paano ka Ginawa?
11. Ang pang-ugnay ay mga salitang ____________.
A. naglalarawan sa pangngalan
B. panghalili
C. nag-uugnay sa mga salita sa loob ng pangungusap
D. pangawing
12. Ang mga sumusunod ay mga pangatnig maliban sa ____________.
A. at B. –ng C. ngunit D. o
13. Sa mga pangungusap na, Nagugutom si Egay at Nagluto si Mulong ng pansit, ano ang
angkop na gamiting pang-ugnay upang maging iisang pangungusap ang mga nabanggit?
A. Kaya B. Palibhasa C. Subalit D. Datapwat
14. Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga
______________.
A. Pantukoy B. Pangatnig C. Pandiwa D. Pang-abay

15. ___________ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa
pangungusap ay ____________.
A. Kung B. Kapag C. Sa D. Simula

16. Ito ay tunggalian sa pagitan ng tao laban sa mga elemento at puwersa ng kalikasan.
A. tao vs. sarili
B. tao vs. tao
C. tao vs. kalikasan
D. tao vs lipunan
17. Elemento na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.
A. damdamin B. banghay C. tagpuan D. simbolismo
18. Umiiral ang panlanbas na tunggaliang ito kapag lumilihis ang tauhan o mga tauhan sa mga
pamantayang itinakda ng lipunan
A. tao vs. sarili
B. tao vs. tao
C. tao vs. kalikasan
D. tao vs lipunan
19. Ito ay paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.
A. damdamin B. tema C. banghay D. tauhan
20. Ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela.
PARALLEL ASSESSMENT ON FILIPINO 9
ASSESSMENT 2
Pangalan:_________________________________________ Iskor:_________
Baitang at Pangkat:________________________________ Petsa:________

I. PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong na ibinigay upang masukat natin ang antas ng iyong
kaalaman. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Kung ang sanaysay na di-pormal ay tinatawag na personal na sanaysay, ang sanaysay na impersonal
naman ay_______________.
A.naglalarawan B. pormal C. nangungutya D.nang-aaliw
2. Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga____________.
A.pantukoy B. pangatnig C. pandiwa D.pang-abay
3. Isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na maikli at pormal kasya sa
alinmang akda. Ito ay naglalaman ng personal na kuro-kuro ng may-akda.
A. Epiko B. Nobela C. Sanaysay D. Tula
4. Kahit noong maliit pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang emansipasyon. Ano
ang kahulugan ng nasalungguhitang salita?
A. kaunlaran B. pagbabago C. pamayanan D. sibilisasyon
5. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng isang babaeng moderno ayon sa mayakda?
A. masaya B. mapagmataas C. malaya D. maagap
6. Bihira sa mga babaeng moderno ang naniniwala sa kasagraduhan ng kasal. Ano ang kahulugan ng
nasalungguhitang salita?
A. makabago
B. mapagmataas
C. masayahin
D. matiisin
7. Ang tawag sa salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay. Halimbawa nito ay ang
tulad ng, kahit na, dahil sa, kasi at iba pa.
A. pang-angkop
B. pangatnig
C. pang-ukol
D. pang-abay
8. Anong uri ng pang –ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon kay Donna, ang pagpapakahulugan
sa pahayag ay malinaw?
A. pananda B. pangatnig C. pang-ukol D. pantukoy
9. “Nang tumuntong ako sa labindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay at kinakailangang
ikahon ako.” Ano ang ibig sabihin ng nasalungguhitang salita?
A. itaboy B. ikadena C. ikulong D. ikubli
10. Ang pang-ugnay ay bahagi ng salitang ______________.
A. pangkayarian B. pananda C. pantukoy D. pangawing
II. Panuto: Kilalanin ang emosyon o damdaming ipinahahayag ng sumusunod na mga pangungusap.
Piliin ang titik ng tamang sagot sa itaas. Isulat sa sagutang papel.
A. Pagkagalit
B. Pagkatuwa
C. Pagtatampo
D. Panghihinayang
E. Pasasalamat

1. Salamat sa ginawa ninyong pagmamalasakit sa kababaihan.


2. Sayang, kung alam ko lang na ganito ang tingin nila sa amin, di sana ako umalis ng bansa.
3. Bakit hindi mo naman ako tinulungan sa gawain eh wala ka namang ginagawa?
4. Wow, ngayon ko napatunayang iba ang mga babaeng Pilipino sa mundo!
5. Grabe, di ko mapatatawad ang ginawa mong pananakit sa akin!

Basahin ang talata upang masagutan ang aytem 6-7

Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula sa bansang Malaysia. Nagkamit
siya ng iba’t ibang awit-parangal hindi lamang sa kaniyang bansa kundi maging sa internasyonal na
patimpalak. Isa na rito ang titulong “Voice of Asia” nang makamit niya ang Grand Prix Champion mula sa
Voice of Asia Singing Contest na ginanap sa Almaty, Kazakhstan.

6. Maituturing na salitang naglalarawan ang ____________.

A. pinakamahusay B. nagkamit C. ginanap D. patimpalak

7. Ang salitang nasalungguhitan sa sanaysay ay nangangahulugang _____________.


A. pag-eensayo B. pamahiin C. paligsahan D. programa

8. Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na “Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan” ay nagpapahiwatig na ang kultura ay ________.
A. nagbabago B. naaalis C. di nagpapalit D. di itinuturo
9. Mula sa tulang Puting Kalapati, Libutin Iyong Sandaigdigan ni Usman Awang (malayang isinalin ni A.B
Julian) Sa mga pangyayaring walang katiyakan, Kung saan ang tao’y naghihinala’t tuwina’y may agam-
agam Ano ang damdaming ipinapakita sa tula?
A. mapanlinlang B. pag-asa C. walang katiyakan D. sigurado
10. “Nang Tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay”. Batay sa pahayag,
ano ang karanasang dinanas ng nagsasalaysay?
A. malaya B. walang kalayaan C. masaya D. takot

You might also like