You are on page 1of 2

BAYAMBANG NATIONAL HIGH SCHOOL

Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 9


S.Y. 2023-2024
Pangalan:________________________________________Baitang at Seksyon:__________

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ito ay ang pagkakahati-hati ng isang dula at katumbas nito ay isang kabanata sa nobela.
A. Yugto B. Kabanata C. Eksena D. Tagpo
2. Ang paggamit ng hayop na ito sa akda ay nangangahulugang mabagsik,at mapanlinlang.
A. tigre B. tao C. baka D. kuneho
3. “ Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon. Tanungin natin ang kuneho para sa kanyang hatol, kung dapat mo ba akong
kainin.
A. nagmamakaawa B. nakikiisa C. nagagalit D. nalulungkot
4. Elemento ng sanaysay na siyang pinag-uusapan.
A. kaisipan B. layunin C. paksa D. banghay
5. Ang pagtatapos ng pag-uusap ng mag-amang Yesugei at Temujin.
A. Yugto B. Eksena C. Tagpo D. Tauhan
6. Tulang nagawa noong ika-8 siglo.
A. Haiku B. Tanka C. Tanaga D. Ambahan
7. Ang sanaysay na “Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 taon” ay sumasalamin sa kalagayang panlipunan at
kultura ng anong bansa?
A. Taiwan B. Pilipinas C. Cambodia D. Singapore
8. Siya ang Ama ng sinaunang Pabula.
A. Aesop B. Asoph C. Easop D. Aesoup
9. Uri ng kwentong ang pangunahing tauhan ay mga hayop.
A. Pabula B. Parabula C. Maikling Kwento D. Sanaysay
10. Siya ang nagbibigay buhay sa iskrip mula sa pagpasiya sa kaayusan ng tagpuan, kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng
pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.
A. Iskrip B. Manonood C. Direktor D. Aktor
11.Ang ______ ay tulang may paksang tungkol sa kalikasan at pag-ibig.
A. Haiku B. Tanka C. Tanaga D. Ambahan
12. “Umulan ba kahapon?” Suriin kung ano ang tono o layunin ng nagsasalita.
A. nagtatanong B. nagpapahayag C. nag-aalinlangan D. nananabik
13. Paraan ng pagbubuo ng sanaysay kung saan ang kahulugan ay nasa pagitan ng hanay ng
mga salita.
A. lantad B. di-lantad C. simple D. komplikado
14. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran.
A. Sanaysay B. Dula C. Nobela D. Tula
15. “Halos Bagong Taon na.” “Puwede kang manatili dito ngayon, sabi ni Tiya Luo.” Alin sa sumusunod ang sumasalamin sa kulturang
Tsino?
A. pag-iwas sa responsibilidad C. pakikipagkaibigan
B. pagpapahalaga sa pamilya D. pakikipagkapwa
16. Sa akdang Niyebeng Itim, ano ang sinisimbolo ng salitang ITIM?
A. kasamaan ng pangunahing tauhan
B. kasakiman ng pangunahing tauhan
C. mapait na karanasan ng pangunahing tauhan
D. mga karanasan ng pangunahing tauhan
17. Tribo kung saan dapat na mamili si Temujin ng babaeng pakakasalan.
A. Mongol B. Hans C. Borjigin D. Merit
18. Nagsalin sa Filipino ng sanaysay na pinamagatang “Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon”.
A. Alejandro G. Abadilla B. Vilma C. Ambat C. Sheila C. Molina D.Galileo S. Zafra
19. Elemento ng sanaysay na tawag sa mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.
A. kaisipan B. layunin C. paksa D. banghay
20. Ang tulang ito ay may kabuuang tatlumpu’t isang pantig na nahahati sa limang taludtod.
A. Haiku B. Tanka C. Tanaga D. Ambahan

Para sa bilang 21-23


Basahin ang sanaysay sa ibaba at sagutin ang mga tanong

Face mask! Face shield! Alkohol!

Limitado sa tindahan, madalas nagkakaubusan. Kaylamig ng simoy ng hangin na humahampas sa kainosentehan ng kanyang
mukha. Punong-puno ng pangarap. Pangarap na sanay makaakyat sa intablado, mahawakan ang puting papel at masabitan sa leeg
ng kende at borloloy na bulaklak. Subalit ano ito? Virtual Graduation? ‘Di na pwede lumabas kasi may COVID-19, ‘di na
makapaglaro sa kalye? Palaging may face mask na suot at face shield. Nakakaumay subalit kailangan sabi ni nanay.
Ni: Cristia Marie C. Colastre

21. Subalit ano ito? Virtual Graduation? ‘Di na pwede lumabas kasi may COVID-19, ‘di na makapaglaro sa kalye? Palaging may face
mask na suot at face shield. Nakakaumay subalit kailangan sabi ni nanay. Ano ang pananaw ng may-akda?
A. Gusto ng may-akda na ipaalala na kailangan sumunod sa alituntunin ang mambabasa sa pag-iwas sa COVID-19.
B. Gusto ng may-akda na ipaalala na kailangan maging alisto sa panahon ng paglaganap ng COVID-19.
C. Gusto ng may-akda na ipaalala na kailangan merong nakaimbak na pangunahing pangangailangan ang mambabasa.
D. Gusto ng may-akda na ipaalala na kailangan sumunod sa alituntunin upang makaiwas sa COVID-19.
22. Face mask, face shield at alkohol, gaano kahalaga sa kalusugan ng tao ang mga ito sa panahon ng pandemya?
A. Mahalaga ang face mask, face shield at alkohol upang maiwasan ang paglaganap ng pandemya.
B. Mahalaga ang face mask, face shield at alkohol upang maiwasan pagpunta sa doktor dahil sa pandemya.
C. Mahalaga ang face mask, face shield at alkohol upang hindi mahawaan ng sakit, lalong-lalo na ang COVID-19.
D. Mahalaga ang face mask, face shield at alkohol upang maiwasan ang mga sakit.
23. Anong uri ng sanaysay ang iyong binasa?
A. maanyo o pormal B. malaya o impormal C. makabago D. makaluma
24. Anong ugali ang ipinakita ng tauhan batay sa teksto sa ibaba?
Isang dalaga ang labis na nahumaling sa paglalaro ng Mobile Legend at hindi
na halos tumutulong sa gawaing bahay. Inutusan siya ng kaniyang ina na maghugas na muna ng pinggan ngunit hindi pa
rin siya kumilos. Kinuha ng ina ang selpon ng anak at hindi na ito maaaring gumamit ng gadget sa buong linggo .

A. Katapangan B. pagkamasunurin C. pasaway D. masayahin


25. Habang binabasa mo ang tekstong ito, anong damdamin ang nangingibabaw sa iyong katauhan?
A. lungkot B. pagkadismaya C. pananabik D. kaba
26. Anumang lugar na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.
A. Tauhan B. Tagpuan C. Tanghalan D. Oras
27. Ito ay tumutukoy sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
A. Iskrip B. Banghay C. Tanghalan D. Karakter
28. Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan ng Silangang-Asya?
A. Upang makasunod tayo sa agos ng modernisasyon.
B. Upang mapagtibay pa ang ating pakikiisa sa mga bansa sa Asya.
C. Upang matuto at mapaunlad ang sarili tulad ng mga kapwa nating Asyano.
D. Upang lubos na makilala ang kultura at kaugalian ng ating mga karatig bansa.
29. Alin sa sumusunod na mga bahagi ng kuwento ang naglalahad ng mga kasagutan sa suliranin ng akda?
A. panimula B. wakas C. banghay D. pababang aksiyon
30. Ang _______ ay maikling kuwento na mga hayop ang gumaganap bilang mga tauhan.
A. Kuwentong Bayan B. Nobela C. Parabula D. Pabula
31. Edad ni Temujin nang siya ay itakdang mamili ng babaeng pangangakuan ng kasal.
A. 8 B. 9 C. 10 D. 11
32. Anong uri ng maikling kuwento ang Niyebeng Itim?
A. Kuwento ng Katutubong-Kulay C. Kuwentong Makabanghay
B. Kuwento ng Tauhan D. Kuwentong Sikolohiko
33. Ang kwentong “Niyebeng Itim” ay nagmula sa anong bansa?
A. Tsina B. Pilipinas C. Singapore D. Bahrain
34. Paano mo malalaman na Haiku ang tula?
A. May tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5.
B. May tatlong taludtod na binubuo ng 18 na pantig na may pardon na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6.
C. May tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2.
D. May tatlong taludtod na binubuo ng 14 na pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 0 5-5.
35. Sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor.
A. Iskrip B. Manonood C. Direktor D. Aktor
36. Alin sa mga sumusunod ang ekspresyong gagamitin upang maipahayag ang damdamin sa pangungusap na ito.”__________, mas
pipillin ko ang makapagtapos ng pag-aaral kahit maraming pagsubok”.
A. Higit na C. Kung ako ikaw
B. Siguro makabubuting D. Inaakala kong
37. Ito ay ang paglabas at pagpasok ng gaganap sa eksena.
A. Tauhan B. Eksena C. Yugto D. Tauhan
38. “Yehey! Pasado ako sa pagsusulit”. Anong damdamin ang ipinapahayag sa pangungusap?
A. masaya B. nanlulumo C. humahanga D. malungkot
39. Anong mahalagang kaisipan ang nais ipahiwatig ng kuwentong “Ang Hatol ng Kuneho”?
A. Huwag maging sakim. C. Daig ng matalino ang malakas.
B. Tumanaw ng utang na loob D. Masama ang manakit ng kapwa.
40. Matinding sakit ang dinanas ng mga tao sa Pilipinas dahil sa Covid-19.
A. sa:KIT B. SA:kit C. sa:kit D. SA:KIT
41. Sobrang sakit sa puso ang mawalan ng mahal sa buhay.
A. pu:SO B. PU:so C. pu:so D. PU:SO
42. Saan man siya magpunta laging may nagsasabi sa kaniya ng dapat gawin at hindi dapat gawin, sa pagtingin sa kaniya ng mababa
umaangat ang kanilang sarili. Ano ang iyong mahihinuha sa pahayag?
A. may mga taong sunod-sunuran C. may mga taong api at mapagsamantala
B. may mga taong mapagsamantala D. may mga taong walang kakayahang ipaglaban ang sarili
43. Ito ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumatalakay sa anumang isyu sa
kapaligiran maging tao, hayop, pangyayari, o bagay.
A. tula B. pabula C. talumpati D. sanaysay
44. Sino ang may-akda ng Niyebeng Itim?
A. Li Huiquan B. Liu Heng C. Galileo S. Zafra D. Luo Xiaofen
45. Pakiramdam niya ay isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas. Ano ang nais
ipakahulugan ng pahayag?
A. nanliliit siya sa kaniyang sarili
B. nahihirapan siya sa sitwasyon
C. takot siya sa mga tao
D. hindi niya kayang makisalamuha sa mga tao
46. Ano ang ikinaiba ng Tanka sa Haiku?
A. Tula na may limang taludtod, binubuo ng 7-5-7-5-7 na pantig.
B. Tula na may tig-limang taludtod ang bawat saknong at may pitong pantig.
C. Tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig.
D. Tula na may limang taludtod na may 7-7-7-7-7 na pantig.
47. “Ikaw ba talaga iyan?” Suriin kung ano ang tono o layunin ng nagsasalita.
A. nagtataka B. naninigurado C. nagtatanong D. nananabik
48. Mapapadpad si Temüjin sa isang dampa kung saan nakatira ang dalaginding na si Borte.
A. Yugto B. Eksena C. Tagpo D. Tauhan
49. Pinakakaluluwa ng isang dula.
A. Iskrip B. Manonood C. Direktor D. Aktor
50. Ang pagdidiskusyon ng mag-amang Yesugei at Temujin hinggil sa pag-aasawa habang papaalis.
A. Yugto B. Eksena C. Tagpo D. Tauhan

You might also like