You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office No. VIII
Division Of Northern Samar
ELADIO T. BALITE MEMORIAL SCHOOL OF FISHERIES
Bobon, Northern Samar
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at piliin ang titik na
nagsasaad ng wastong kasagutan.
1. Mula sa pagiging iresponsable at mainitin ang ulong ama ay kinakitaan
ng pagsisisi at kababaang-loob sa bandang huli. Ang katangiang ito ng
ama ay nabibilang sa tauhang _________.
A. bilog B. lapad C. antagonista D. protagonista
2. Ang pangyayaring nakapaloob sa kuwentong Ang Ama ay nangyayari sa
lipunang Asyano. Ang pahayag ay isang ___________________.
A. opinyon B. katotohanan C. kasabihan D. Agarang kongklusyon
3. Sa pagbabasa ng maikling kuwento, lahat ay maaring suriin maliban sa
__________.
A. tauhan B. tagpuan C. entablado D. Pangyayari
4. Ang suliraning panlipunang lutang na lutang sa akda ay ____________.
A. droga B. sugal C. kahirapan D. populasyon
5. Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit
tayo ng mga _______________.
A. Pantukoy B. pandiwa C. pang-abay D. pangatnig
6. Malaki ang epekto ng pandemya sa bansa ______ patuloy pa ring lumalaban
ang mga Pilipino.
A. ngunit B. at C. dahil D. kaya
7. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa kanyang bayan
_________ nilisan niya ang kinalakhang lugar _______ haharapin ang
bagong buhay sa Maynila.
A. kaya – upang B. sa huli – sapagkat C. dahil – sa huli D. kaya – at
8. __________ nakararaos sa kasalukuyang pamumuhay, hindi pa rin siya
humihinto sa paghahangad ng maalwang buhay.
A. Samakatuwid B. Kahit C. Palibhasa D. Sapagkat
9. Nag-aaral siya sa umaga ______ nagtatrabaho sa hapon ______ matugunan
ang mga panagangailangang pinansiyal sa paaralan.
A. kaya – kung gayon B. at – upang C. dahil – palibhasa D. o - bagaman
10. Ito ay uri ng tunggalian na ang tauhan ay nakararanas ng
replektibong pagharap sa mga suliranin.
a. Tungaliang tao laban sa tao C. Tungaliang tao lban sa sarili
b. Tunggaliang tao laban sa hayop D. Tunggaliang tao laban sa
lipunan
11. Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa akdang binasa ang
nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili?
A.Pag-aaway ng mga tao sa lagusan.
B.Pagpapahirap ng amo sa kasambahay.
C.Ang mababang tingin ng mga tao sa mga tao sa lagusan.
D.Pagtatanong sa saili sa nakalaang kapalaran nila sa siyudad
12. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa tunggalian?
A. Nagpapalitaw ito ng suliranin ng akda.
1
B. Nagpapakilala ito ng pag-uugali ng tauhan.
C. Nagsisilbi itong pampalasa sa takbo ng kuwento.
D. Nagpapakita ito ng paraan ng paglutas ng suliranin sa akda.
13. “Walang maaaninag na kariktan sa lugar na ito.” Ano ang
ipinapahiwatig ng pahayag na ito?
A. Luma ang mga kasangkapan at madilim.
B. Malaki ang bahay ngunit walang nakatira.
C. Hindi maayos ang pagkakalinis ng kasambahay.
D. Marumi ang paligid at lahat ng tao roon ay nahihirapan.
14. “Ang labintatlong nilalang na ito ay katulad ng mga gamugamong
nasilaw sa liwanag ng kalunsuran.” Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na
ito?
A. Nakasisilaw ang mga pailaw sa lungsod.
B. Ang mga tao ay parang gamugamo sa lungsod.
C. May mga magsasaka na namang makikipagsapalaran sa lungsod.
D. Marami ang mula sa probinsya ang inaakalang maganda ang
kapalaran sa lungsod.
15.Ito ay nagpapamalas ng pagkamalikhain ng mambabasa sa paggamit ng
kaniyang imahinasyon batay sa pangyayari sa akda.
A. Tauhan B. Banghay C. Pahiwatig D. Tunggalian
16. Ang mga sumusunod ay ekspreksyon na ginagamit sa matatag na
opinyon, maliban sa __________.
A. kumbinsido akong C. lubos kong pinaniniwalaan
B. kung ako ang tatanungin D. labis akong naninindigan na
17. Alin sa mga sumusunod ang ekspreksyon na ginagamit sa neutral na
opinyon?
A. kumbinsido akong C. lubos kong pinaniniwalaan
B. kung ako ang tatanungin D. labis akong naninindigan na
18.Kumbinsido akong ang nangyari sa kalapit na bansa sa Asya ay hindi
nalalayo sa pangyayari sa Pilipinas. Anong uri sa pagbibigay ng opinyon
ang ginamit sa pahayag?
A. Neutral B. Matatag C. Komplimento D. Katotohanan
19.Ang mga salitang _______________ na ginamit sa pangungusap bilang apat
ay nagpapahayag ng opinyon.
A. sa Asya C. hindi nalalayo
B. ang nangyari D. kumbinsido ako
20.Ito ay isang paraan ng pamumuna na tumutukoy sa kalakasan at
kahinaan ng isang akdang pampanitikan.
A. Panunuri B. Pamimintas C. Pananaliksik D. Pagpapahayag

Ihinanda ni: Binigyang-pansin ni:

MICHELL O. COBRANA JOCELYN P. HERRERA,Ed.D.


T-III SHS, Master Teacher I

Inirerekomendang Approbahan: Inapprobahan:

2
MARY JOANA I. ACEBUCHE MARIFE B. BULAWAN
Designated Head Teacher Principal III

You might also like