You are on page 1of 4

Department of Education

Region X
Division of Cagayan de Oro City
San Simon National High School
San Simon, Cagayan de Oro City

Name: ________________________ Date: ___________


Grade and Section: ________________________
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
MIDTERM EXAMINATION
2nd SEMESTER

I. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay aklat na naglalaman tungkol sa paborito mong isports.


A. Impormatibo B. Deskriptibo C. Persuweysib D. Naratibo

2. Pagkatapos mailarawan ang tatlong tauhan sa kuwento, inilalahad ng nagbabasa kung paano naaantig ang kanyang
damdamin.
A. Naratibo B. Argumentatibo C. Impormatibo D. Deskriptibo

3. Ang mga sumusunod ay bahagi ng Kabanata I sa pagsulat ng pananaliksik maliban sa ___.


A. Balangkas Konseptwal B. Kahalagahan ng Pag-aaral
C. Disenyo ng Pananaliksik D. Panimula o Introduksyon

4. Layunin ng tekstong ito ang mahikayat o makumbinsi ang mambabasa.


A. Persuweysib B. Prosidyural C. Deskriptibo D. Argumentatibo

5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong naratibo maliban sa:


A. Maikling kuwento B. Pagdedebate C. Alamat D. Tula

6. Elemento ito ng tekstong naratibo na tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda
kundi gayundin sa panahon at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran.
A. Tagpuan at panahon B. Banghay C. tauhan D. paksa o tema

7. Ipinapakita mo sa harapan ng klase ang paraan ng pagluluto ng adobo. Anong paraan ng pagsunud-sunod ng mga
kaisipan ang iyong ginamit?
A. Prosidyural B. Persuweysib C. Deskriptibo D. Impormatibo

8. “Ang buhay ay tulad ng isang pagdaloy ng tubig sa batisan”, ayon sa isang aklat na nagbibigay ng mabuting balita sa
sangkatauhan. Ito ay halimbawa ng ekspositoring ___.
A. Sanhi at Bunga B. Depinisyon C. Pagsusunud-sunod D. Paghahambing at Pagkokontrast

9. Ang pananaliksik na isinagawa ni Dr. Jeanette B. Muñoz ay tungkol sa mga Aeta na pinamagatang “Pamumuhay ng
mga Aeta”. Alin sa sumusunod na mga kaisipan ang wala sa kanyang pag-aaral?
A. Pananampalataya ng mga Aeta B. Ang pangarap ng mga Aeta
C. Pangunahing kabuhayan ng mga Aeta D. Mga ugali at pamahiin ng mga Aeta

10. “Kung gusto mong mabuhay ka, maging mapagbigay ka. Kung gusto mong habang buhay ka pa’y itinuturing ka ng
patay, maging maramot ka.” Ano ang magandang pamagat ng pahayag na ito?
A. Kay Sarap Mabuhay! B. Paalam C. Kamatayan D. Buhay

11. Ito ay isang teksto na naglalahad ng kahulugan, katangian at elemento ng tesktong tinitalakay.
A. Naratibo B. Persuweysib C. Deskriptibo D. Impormatibo

12. Ang mga sumusunod ay uri ng mga naratibong di piksyon, maliban sa isa, ano ito?
A. Anekdota B. Talambuhay C. Nobela D. Maikling Kuwento

13. Ito ay uri ng teksto na nagpapaliwanag nang malianw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
A. Naratibo B. Persuweysib C. Deskriptibo D. Impormatibo

14. Ito ay isa sa mga element ng tekstong naratibo, ito ay ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari.
A. Tauhan B. Tagpuan C. Tema D. Suliranin
15. Ito ay isa sa mga element ng tekstong naratibo, ito ay ang gumaganap sa isang kuwento.
A. Tauhan B. Tagpuan C. Tema D. Suliranin
16. “Ano naman itong dala mo Lito? Lage ka nalang gumagasta ng pera sa mga walang mkabuluhang bagay.” Ano ang
emosyong ipinapakita ng tauhang ito sa kwento?
A. Masaya B. Naghihinayang C. Galit D. Nagaalala

17. Ito ay ang elemento ng tekstong naratibo na tumutukoy sa lugar o panahon ng pangyayari.
A. Tauhan B. Tagpuan C. Tema D. Suliranin

18. Ang sumusunod ay uri ng mga tauhan, maliban sa isa, ano ito?
A. Pangunahing Tauhan B. Katunggaliang Tauhan C. Ang May Akda D. Wala sa nabanggit

19-22. Basahin ang Teksto sa ibaba at sagutan ang sumusunod na mga tanong.

MANILA, Philippines - Pinamamadali nina Buhay party-list Reps. Irwin Tieng at Mariano Michael Velarde ang pagpasa
ng panukalang cyber bullying upang matugunan ang lumalang problema na may kinalaman sa internet at mga social
networking sites.

Sinabi nina Tieng at Velarde, dapat madaliin ng Kamara ang pagpapasa ng House Bill 6116 dahil na rin sa mabilis na
development ng information and communication technologies na bagong uri ng pang lipunang sakit na mabilis na
kumakalat o mas kilala sa tawag na cyber bullying.

Sa pamamagitan lamang umano ng paggamit ng cellphones at social networking sites ay nakakapaglagay na ng hindi
magagandang komento sa mga litrato na nakikita ng publiko.

Paliwanag ng mga mambabatas, ang “cyber bullying attacks” ay mas masakit dahil hindi kaagad ito nabubura sa
internet kayat napapaaway ang mga biktima ng ilang buwan o halos taon na.

Ang cyber bullying ay pagkakasangkot ng isang indibidwal sa pagmamalupit sa pamamagitan ng paggamit ng internet
o iba pang digital technologies at paulit-ulit na pagpapadala ng mga nakakahiya, pambabastos, malalaswa, pang
iinsultong mensahe at pananakot sa biktima.

19. Anong uri ng teksto ang iyong nabasa?


A. Naratibo B. Persuweysib C. Deskriptibo D. Impormatibo

20. Ano ang layunin ng teskto?


A. Ihayag ang maling paraan ng paggamit ng teknolohiya.
B. Ipaalam kung paano maiiwasan ang maloko o mabiktima ng cyberbullying.
C. Ihayag na dapat na ipasa ang panukalang cyber bullying.
D. Ipaalam sa mga mambabasa kung ano ang cyberbullying at paano ito nakakaapekto sa kabataan natin ngayon.

21. Ano ang intensyon ng may akda sa kabuuan ng teksto?


A. Magbigay alam B. Manghikayat C. Manakot D. Magpadama ng emosyon

22. Ang kabuuanng nilalaman ng teskto ay nakapokus sa?


A. “Cyberbullying” B. Panukala ukol sa “Cyber Bullying” C. Paggamit ng teknolohiya D. Teknolohiya

23. “Ang buhay ng tao ay isang gulong na patuloy na gumugulong, minsan nasa itaas, minsan naman ito’y nasa ibaba,
dapat lang nating tandaan ay huwag sumuko at patuloy na lumaban.” Ano ang inilalarawan ng pangungusap?
A. Gulong B. Buhay ng tao C. Patuloy na Gumugulong D. Patuloy na lumaban

24. “Ang buhay ng tao ay isang gulong na patuloy na gumugulong, minsan nasa itaas, minsan naman ito’y nasa ibaba,
dapat lang nating tandaan ay huwag sumuko at patuloy na lumaban.” Ano ang layunin ng teksto ?
A. Naglalarawan B. Naglalahad C. Nanghihikayat D. Nanakot

25. “Ang bahay-kubo ay napapaligiran ng luntiang kapaligiran.” Ano ang pandiwa ng pangungusap?
A. Bahay-Kubo B. Napapaligiran C. Luntian D. Kapaligiran

26. “Ang bahay-kubo ay napapaligiran ng luntiang kapaligiran.” Ano ang panguri ng kapaligiran?
A. Bahay-Kubo B. Napapaligiran C. Luntian D. Kapaligiran

27. Matangkad at balingkinitan ang Ms. Universe 2018 na si Catriona Grey.


A. Obhetibo B.Subhetibo
28. Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, “I will not allow the opening of classes na magdikit-dikit ‘yang mga bata.
Dagdag pa niya, Bahala nang hindi na makatapos, for this generation, wala nang matapos na doctor pati engineer. Wala
nang aral, laro na lang. Unless I am sure that they are really safe, it’s useless to be talking about the opening of classes.
Para sa kanya, bakuna muna.
A. Obhetibo B.Subhetibo

29. Naging paborito ko ang asignaturang Kasaysayan dahil sa husay ang aming guro sa pagtuturo. Sa halip na ipakabisado
niya sa amin ang mga petsa, lugar, at pangalan ng mga bayani sa Kasaysayan ng Pilipinas, mas binigyan-diin niya ang
mahahalagang karanasan at aral mula rito.
A. Obhetibo B.Subhetibo

30. Dahil sa giyera, lalong naging mahirap ang buhay para sa mga mamamayan ng Mamasapano. Nagdulot ito ng pagtigil
ng mga bata sa pagpasok sa paaralan at pagkawala ng kabuhayan ng mga tao.
A. Obhetibo B.Subhetibo

31. “May kumurot sa aking laman. Pilit kong nilunok ang panunuyo sa aking bibig. Saka ako
napabuntunghininga.Nararamdaman kong may nagpupumilit bumalong sa aking mga mata.Ngayon ko lamang
nadamang kilala ko ang silid ng aking ama;dati-rati ko nang napapasok ang kapirasong pook na ito.” Ano ang inilalarawan
ng panitikang binasa?
A. Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon B. Paglalarawan sa Tagpuan
C. Paglalarawan ng isang Mahalagang Bagay D. Paglalarawan ng Tauhan

32. “Sa isang maliit na dampang nakatayo sa may tabi ng munting ilog na tinatakbuhan ng malinis at malinaw na tubig
nakatira sina Irene.Ang maliit na dampang yaon ay naliligiran ng isang bakurang sa loob ay may mga sari saring pananim
na sa isang bakurang sa loob ay may malalagong sampaguita na dahil sa kasaganaan di umano ng kamay ng nag-aalaga
ay kinapipitasan ng masaganang bulaklak.” Ano ang inilalarawan ng panitikang binasa?
A. Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon B. Paglalarawan sa Tagpuan
C. Paglalarawan ng isang Mahalagang Bagay D. Paglalarawan ng Tauhan

33. “Ang puno ng ginto ay dinumog.Hawak ang matatalim na bakal,tinaga, tinapyas,binali-bali.Pinagtutuklap ang puno.
At sila’y nag-agawan nagtutulakan,nagsasakitan na ,nagsisipaan,nagkakabalian ng buto.
Patuloy sa pagtaas sa pagyabong ang puno;patuloy rin ang pagkaubos ng katawan ng puno.Bumibigat na ang
yumayabong at patuloy na tumataas na ang puno.” Ano ang inilalarawan ng panitikang binasa?
A. Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon B. Paglalarawan sa Tagpuan
C. Paglalarawan ng isang Mahalagang Bagay D. Paglalarawan ng Tauhan

34. “Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali,lumagon sa malalaki’t maliit na lansangan,dumantay sa mukha ng mga
taong pagal sa paghanap ng lunas sa mga suliranin sa araw-araw.Ngunit ang gabi ay waring minipis na sutla lamang ng
dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali.Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa
kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.” Ano ang
inilalarawan ng panitikang binasa?
A. Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon B. Paglalarawan sa Tagpuan
C. Paglalarawan ng isang Mahalagang Bagay D. Paglalarawan ng Tauhan

35. “Kumikinig ang kanyang katawan sa poot.Sa naglalatang na poot.At nang makita niyang muling aangat ang kanang
paa ni Ogor upang sipain siyang muli,ay tila nauulol na asong sinunggaban niya iyon.Niyakap.Kinagat.Mariin…Bumagsak
ang nawalan ng panimbang na si Ogor.Nagyakap sila,Pagulong-gulong.Hindi siya bumibitiw. Nang siya’y mapaibabaw
sinunod-sunod niya dagok,dagok,dagok,dagok.Pahalipaw.Papaluka.Papatay.” Ano ang inilalarawan ng panitikang binasa?
A. Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon B. Paglalarawan sa Tagpuan
C. Paglalarawan ng isang Mahalagang Bagay D. Paglalarawan ng Tauhan

36. Ito ay uri ng teksto na gumagamit ng mga salitang nakagaganyak upang maging kapani-paniwala.
A. Naratibo B. Persuweysib C. Deskriptibo D. Impormatibo

37. Ang pag eendorso ng grupong BTS sa isang kapeng inumin.


A. Name Calling B. Glittering Generalities C. Transfer D. Testimonial

38. “Bumili na kayo ng produktong ito, ito ay nakakaputi, nakakalambot at nakakalusog sa inyong balat.”
A. Name Calling B. Glittering Generalities C. Transfer D. Bandwagon

39. Ayon kay Dingdong Dantes ang produktong X ay nakakapagaling ng sugat ng wala lang isang araw at hindi raw ito nag
iiwan ng peklat mula sa sugat.
A. Bandwagon B. Glittering Generalities C. Transfer D. Testimonial
40. “Bumili na kayo ng sabon naming ang sabong Y na ‘di hamak mas epektibo sa pagpapaputi kung ikukumpara sa ibang
produkto na hindi na epektibo, mas nakakasama pa sa balat niyo”
A. Name Calling B. Glittering Generalities C. Transfer D. Testimonial

41. “Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali gayong ni hindi siya naging pinuno ng kanyang klase o ng
kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de saya pa yata!” Anong uri ng pangagatwiran ang nabasang teksto?
A. Argumentum ad baculum B. Argumentum ad hominem C. Argumentum ad misericordiam D. Non sequitur

42. “Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang karapatang magsalita sa akin nang ganyan! Baka sampalin
kita at nang Makita mo ang hinahanap mo!” Anong uri ng pangagatwiran ang nabasang teksto?
A. Argumentum ad baculum B. Argumentum ad hominem C. Ignoratio elenchi D. Non sequitur

43. “Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi ba natin nakikita ang marurumi nilang damit,
payat na pangangatawan at nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang sentimos bilang
pantawid-gutom?”. Anong uri ng pangagatwiran ang nabasang teksto?
A. Argumentum ad baculum B. Argumentum ad hominem C. Argumentum ad misericordiam D. Non sequitur

44. “Ang santol ay hindi magbubunga ng manga. Masamang pamilya ang pinagmulan niya. Magulong paligid ang
kaniyang nilakhan. Ano pa ang inaasahan mo sa ganyang uri ng tao kundi kawalang-hiyaan!” Anong uri ng pangagatwiran
ang nabasang teksto?
A. Argumentum ad baculum B. Argumentum ad hominem C. Argumentum ad misericordiam D. Non sequitur

45. “Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay maipapaliliwanag ng aking butihing maybahay. Tiyak ko
namang paniniwalaan ninyo siya pagkat naging mabuti siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa ninyo sila
ngayon.” Anong uri ng pangagatwiran ang nabasang teksto?
A. Maling Paglalahat B. Maling Paghahambing C. Ignoratio elenchi D. Non sequitur

46. “Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang panunungkulan. Ang artista namang iyon ay maraming asawa,
samantalang bobo naman ang isang ito na tumatakbo bilang konsehal. Huwag na nating iboto ang mga artista!” Anong
uri ng pangagatwiran ang nabasang teksto?
A. Maling Paglalahat B. Maling Paghahambing C. Ignoratio elenchi D. Maling Saligan

47. “Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pag- aasawa, kailangan ang katapatan at kasipagan upang
magtagumpay. Dahil dito, dapat lamang na maging tapat at masipag ang mga kabataan.” Anong uri ng pangagatwiran
ang nabasang teksto?
A. Maling Paglalahat B. Maling Paghahambing C. Ignoratio elenchi D. Maling Saligan

48. “Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito na lamang ang gawin mo: huwag ka nang pumuta o kaya ay
magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng iyong pag-urong.” Anong uri ng pangagatwiran ang nabasang teksto?
A. Maling Paglalahat B. Maling awtoridad C. Dilemna D. Maling Saligan

49-50. Ibigay ang kumpletong pamagat ng ating asignatura.

You might also like